CHAPTER 58

Background color
Font
Font size
Line height

Sobrang gulat ako, feeling ko gusto 'kong sumabog sa gulat. Sa mga oras na 'to froze lang ako hindi ako makagalaw naka tingin lang ako sa kanya.

"Ikaw?" sobrang takang taka na ako.

He is finally back! Nandito na siya ulit…..

Nagkaka tinginan lang kaming dalawa ngayon. Nag iba ang itsura nito pero alam ko na siya pa rin ito. Alam ko kilala ko pa rin siya. Kabisado ko pa rin siya.

May kulay ang buhok nito at yung mga mata niya napaka ganda pa rin. Yung muscles din niya nag level up. Lalo itong pumogi….

"Okay, Ms.Elle please take the pen and sit down." napa tingin ako kay sir.

Kinuha ko yung ballpen ko at hindi ako nag thank you. Nagpa-panic na ako sa mga oras na 'to pero ayoko ipahalata.

"Mr. Xavier come here. I'll introduce you to the class." saad ni sir.

Lumapit kaagad siya kay sir at ako naman ay hindi makatingin sa kanya. Yung iba naman namin na kaklase nagtataka kung bakit ganun na lang ako naka tulala kanina.

"Okay class, this is Mr. Xavier Caleb Rivero. Galing pa siya ng ibang bansa. He is the one who donated to this school kaya mas lalong napa ganda ang paaralan na ito." saad ni sir habang naka ngiti rin ito sa klase.

Yung iba ay nagti-tilian na, at yung iba ay excited na excited makilala si Xav.

"Okay okay, quiet please. Let's have some respect. Mr. Xavier?" tumingin si sir kay Xav.

"Okay, I just want you all to call me Xav. Nice meeting you all too." yun lang ang sinabi ni Xav. hindi pa rin ako nakatingin nakikinig lang ako.

"Sir! Magiging kaklase po ba namin siya?" tanong nung isa naming kaklase na babae.

"Uh about that, yes. Magiging kaklase niyo siya." sagot naman ni sir.

Mas lalong umingay ang classrom mas marami kasi ang girls ngayon compare sa boys hindi gaya last year.

Nagkatinginan kami ni Kylie, alam ko ramdam rin ni Kylie na hindi na ako mapakali.

"Okay, for now may mga t'tour sa'yo sa campus na ito para rin makita mo ang kabuuan ng ginawa mong tulong." tinapik ni sir ang balikat ni Xav.

"I'll let you have Ms. Elle. Elle will guide you in the campus." napa tingin na ako sa kanilang dalawa.

Nakatingin si Xav sa akin pero kaagad akong umiwas ng tingin at kay sir ko binaling ang mga tingin ko.

"Sir?! Bakit po ako?!" napa tayo ako bigla at nag reklamo.

"Bakit hindi ikaw?" tanong ni sir pabalik.

"Sir ang dami po namin rito sa klase pwede naman po yung iba na lang." reklamo ko ulit.

"Ms. Elle, you are the most responsible in our class. Wala naman may gusto mag volunteer meron ba?" tumingin si sir sa mga ibang estudyante at gano'n rin ako.

"See? Wala ang may gusto." saad ni sir.

"Pero sir…" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla itong putulin ni sir.

"No more pero Ms. Elle. That's my wish please, guide Mr. Xavier." paki usap niya.

Umupo na ako sa inis at alam ko naman na wala rin akong magagawa na. Dagdag puntos rin naman ito sa akin kaya hindi ko na lang din ta'tanggihan.

—--------------

Lumabas na kami ni Xavier, exempted ako sa klase ngayon. May points ako ayon ang sinabi ni Sir.

Hindi ako dumidikit kay Xav o tumi'tingin man lang.

"So eto yung ano." inayos ko yung pagsa salita ko.

"Eto yung library." pumasok kami rito at hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

"Hmm, ganda na lalo 'no?" saad niya.

Sobrang bigat ng boses niya. Nag ibang bansa lang grabe.

"Tapos ka na ba tumingin?" sungit na tanong ko sa kanya.

"Hmmm, maybe?" takang sinabi niya.

"Okay fine, tara sa canteen." lumabas kaagad ako at sumunod naman siya.

Habang naglalakad ay mas nauuna ako sa kanya nasa likuran ko lamang siya. Yung pakiramdam ko na awkward super hindi ko pinaparamdam. Mamaya ano pa maisip niya.

"Okay eto naman yung canteen." wika ko.

Pumasok kami sa canteen at yung tindera at nandoon. Yung dating tindera na dati ay pinaki usapan ni Xavier na mag reserve nung macaroni para sa akin. Naalala ko pa 'yon.

"Hala sir ikaw na ba yan?" lumapit yung tindera sa amin.

"Hello po." bati naman ni Xavier.

"Plastic." bulong ko.

Napa tingin si Xavier sa akin pero hindi ko pa rin ito tini-tignan.

"Kumusta ka na? Ang laki laki mo na. Binata ka na talaga." tuwang tuwa yung tindera na nakita niya ulit si Xavier.

"Okay lang po ako. Kayo po?" tanong naman ni Xav.

"Ay ayos lang naman, salamat nga pala ha? Pina ganda mo itong school." pasasalamat nung tindera.

"Wala po iyon, gusto ko lang po maka tulong." aniya.

"Kayo pa rin po ba?" tanong nung tindera.

"No po. Matagal na po kaming wala." daretso ko itong sinagot at inalis ko na kaagad yung tingin ko sa tindera.

Naglibot-libot si Xavier at pag katapos ay lumabas na rin kami.

"Eto naman yung Field, obvious naman hindi ba?" pagtataray ko.

"Tapos dun yung—-" napa tigil ako dahil nilingon ko siya wala na siya sa likuran ko.

Pag harap ko ay…..

"Oh." muntik na ako matumba dahil nasa harapan ko na ito.

Hinawakan niya kaagad ang bewang ko rason para maisalba ako sa pagkaka tumba ko.

Nagka-tinginan ulit kami. Yung moment na 'to nangyari na 'to dati naalala ko bigla lahat, ang sakit.

Kumalas ako sa pagkaka hawak niya sa akin at inayos ang uniform ko.

"Are you okay?" tanong niya.

"Oo ayos lang ako." pagtataray ko naman.

"Wait, are you sure? Kanina mo pa ako iniiwasan Elle. What's the matter?" tanong niya tumingin naman ako sa kanya.

WHAT'S THE MATTER HA?! WHAT'S THE MATTER?!!! Ang lakas ng loob mo mag tanong niyan after ng ilang months 'kang nawala! Mag iisang taon nga to be exact. Dumating ka dito walang pasabi tapos what's the matter ha?! Pompyangin kaya kita diyan?!!!

"Wala." kalmado na sagot ko sa kanya.

"Tara punta tayo ng court." pag aaya ko.

Nauna ulit akong mag lakad at sumunod naman siya.

"Eto yung court." binuksan ko yung ilaw kasi medyo hindi maliwanag. Uulan na rin kasi kaya makulimlim ang mga langit.

"Elle." tinawag niya yung pangalan ko natigil ako sa paglalakad.

"Bakit may tanong ka?" hindi ako humarap sa kanya.

"Can you please face me?" paki usap niya.

"Mag tanong ka na lang." iritang sinabi ko.

"I'm back." mahinahon niyang sinabi.

"Edi welcome back." sagot ko naman.

"I'm here." dagdag niya.

"Edi nandito ka." sagot ko ulit.

"Elle please." mahinahon lang yung boses niya.

"Alam mo…." humarap ako at nasa harapan ko na naman siya ang lapit na niya sa akin.

"Ano ka ba! Lapit ka ng lapit stay away from me!" sabi ko sa kanya lumayo ako ng kaonti.

Bigla na umulan ng malakas na malakas na malakas, hindi kami makaka alis nito sa court ngayon dahil wala naman kaming dala na payong.

"Look, I'm sorry okay? Do I make you feel uncomfortable?" tanong niya.

Naka upo kami sa isang bench pero malayo ako sa kanya.

"Paano kung sabihin 'kong oo? Lalayo ka?" tinignan ko na ito na may tapang.

"Is that what you want?" tanong niya.

"Oo!" sagot ko naman at umiwas na ako ng tingin.

"Elle, do you still hate me?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at naka tingin rin ito sa akin.

DO I STILL HATE YOU? YES! Oo! Nasaktan mo ako eh. Okay na ako pero masakit pa rin. Ngayon na bumalik ka bumabalik rin lahat ng ala-ala eh. Alam mo ba kung gaano kasakit yun para sa akin ha? Okay na ako eh. Maayos na ako, naka move on na ako.

"Bakit ka pa bumalik? Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"I came back here because I miss my home. My real home." sagot naman niya.

"Yun ba talaga ang dahilan Xav?" tanong ko ulit sa kanya.

Tumingin lang ito sa akin. Para 'bang naiiyak ito.

Umiwas ako kaagad dahil hindi ko kaya na naka tingin siya sa akin na gano'n yung mga mata niya. Nahahawa ako, mabilis rin ako umiyak.

Ayoko ipakita kay Xav na nasasaktan pa rin ako na baka akala niya hindi pa rin ako okay? Gusto ko makita niya na maayos na ako na okay na ako. Okay ako na wala siya sa buhay ko.

"You also. It's you. You are my reason kung bakit ako bumalik rito." saad niya.

"Xav, itigil mo na 'to. Kung nandito ka para mag aral, mag aral ka. Hindi yung ako na naman ang puntirya mo tapos lolokohin mo na naman." inis na sinabi ko sa kanya.

"I'm sorry for leaving you just like that." mahinahon niyang sinabi.

"Matagal na 'yon eh. Wag mo na alalahanin. Lalo na kung hindi naman maganda na alalahanin pa." sabi ko naman.

"Elle, I miss you everyday. I know nasaktan kita. I know that you really hate me right now. Pero Elle, hindi ko kaya. Hindi ko kaya lokohin yung sarili ko at mag kunwari na hindi na kita mahal." saad niya.

"Mahal mo? Sino ako?" tumawa ako ng mapakla. "Wag nga ako Xav, nagawa mo nga humalik nang babae noon hindi ba?" panunumbat ko.

Wala na ito naging sagot.

Tumayo na ako at akmang aalis na sana pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Bitawan mo nga ako!" binawi ko kaagad ang kamay ko.

"Elle, I'm sorry." naka yuko ito.

"Kung sorry ka talaga, don't bother me anymore. Wala akong pakialam na bumalik ka dito. Wala din akong pakialam kung ano balak mo sa buhay mo Xav." pagsu-sungit ko sa kanya.

"Alam ko, alam ko na wala ka nang pakialam." saad niya.

"Alam mo naman pala eh. Don't bother me. Last year ko na, ayoko ng stress Xav. Gusto ko maka pag focus sa pag aaral ko." wika ko.

Tinalikuran ko na ito ulit pero nag salita pa rin siya.

"I still want you." saad niya.

Napa lingon naman ako.

"Xav, wag mo lokohin sarili mo. Tama na." sabi ko sa kanya.

Akmang aalis na sana ako ulit pero hinawakan nito ang kamay ko. Hinarap ko naman siya kaagad

*PAK* sinampal ko ito ng malakas.

"Hindi ka ba talaga titigil ha? Tignan mo nga sarili mo. Okay ka na eh, okay na din ako!" sigaw ko. "Bakit ka pa bumalik? Dapat hindi ka na bumalik eh." sigaw ko ulit.

Wala ito naging sagot tahimik lang siya.

"Alam mo, kung pwede lang kita saktan pabalik? Like emotionally? Matagal ko nang ginawa kaso shet! Hindi. Hindi ko kayang gawin Xav." wika ko.

Naiiyak na naman ako……

"Elle." akmang lalapit ito pero lumayo ako kaagad.

"Please Xav, paki usap. Wag na wag mo akong kakausapin ulit. Wag mo akong lapitan kahit saan pa. Kahit nandito lang tayo sa school wag." bilin ko sa kanya.

"I'm sorry." ayun lang ang lumabas sa bunganga niya.

"Uulit na naman ba tayo Xav? Babalik ba ulit tayo sa simula? Wag mo gawin miserable ang buhay mo. Wag mo na ako kulitin kasi kahit anong gawin mo hinding hindi na ako babalik sa'yo." saad ko galit na galit na ako.

Tumulo na yung mga luha ko.

Niyakap niya ako.

Pilit akong umaalis sa mga yakap niya pero hindi ko magawa.

"Xav, let me go." nagpu-pumiglas ako.

"Elle, I won't let you go. Mahal pa rin kita." sabi niya.

Naramdaman ko ang pag patak ng mga luha niya.

Napa tigil rin ako sa pag laban na kumalas sa mga yakap niya.

"Please, please give me a chance." paki usap niya habang umiiyak.

Sa mga oras na 'to sobrang bigat na naman ng dibdib ko. Sobrang bigat nang mga nararamdaman ko. Ayoko yung ganito eh. Sabi ko sa sarili ko magiging malakas na ako. Pero bakit parang bumalik ako sa umpisa?.....

"Xav…." inalis ko ang mga kamay niya pakonti konti.

Tinignan ko ito at umiiyak pa rin siya. Ganun rin ako pero hindi hagulgol.

"Xav, please. Tama na. Ayoko na. Hindi mo na ako makukuha sa mga ganyan mo. Okay na ako Xav, masaya na ako. Please wag mo sirain ang buhay ko ulit." paki usap ko naman sa kanya.

Wala na ito naging salita pa. Tinalikuran ko ulit ito at nag lakad palayo.

Feeling ko bumalik ako sa umpisa, feeling ko bumalik yung mga oras na iniwan ko siya. Etong moment na 'to mismong eto ganitong ganito yung nangyari nun sa amin sa break up namin. Ako na naman ang nag walk out.

Sobrang bigat sa pakiramdam na makita mong umiiyak yung taong minahal mo ng sobra dati. Yung taong binigyan mo ng attention lahat lahat na. Wag ka lang niya saktan.

Gusto ko umiyak si Xav, gusto ko maramdaman niya rin yung sakit na naramdaman ko. Gusto ko mag dusa rin siya. Gusto ko magsisi rin siya.

Pero bakit nasasaktan ako?.......


You are reading the story above: TeenFic.Net