Maraming nagtataka
Bakit ikaw pa
Ang nagustuhan sinta
Samantalang marami pa namang iba
Nasasaktan ako
Sa bawat mga Salita
Na sinasabi nila
Hindi iniisip na masasaktan ka
Sa bawat Salita na binibitawan nila
Hinuhusgahan ka nila
Batay lang sa nakikita
Nang kanilang mga mata
Maaaring hindi ka kasing ganda nila
Dahil panlabas sa akin ay hindi mahalaga
Basta minamahal kita
Kahit ano pang sabihin nila
Dahil ang tunay na ganda
Hindi nakikita sa panlabas o sa mukha
Nasa taong nagdadala o nakakakita
Lahat ng tao magaganda
Huwag mo isipin sinasabi ng iba
Dahil sa aking paningin ikawang pinakamaganda
Sa aking paningin sinta
nejziur_reverie
You are reading the story above: TeenFic.Net