2

Background color
Font
Font size
Line height

"Really Ma?" Excited na sigaw ko kay Mama. Sabi kasi niya, pwede daw makapag-aral si Chelsea do'n, 'yun ay kung papayag si Tita.

"Yes. And totoo nga anak, ang bait ni Ma'am Freya." I just smiled. I can clearly see na ang gaan ng loob ni Mama kay Ma'am Freya.

Maaga akong nagising, kasi para daw hindi ako ma irregular ay kailangan ko daw mag summer sa ibang subjects. Okay lang naman kasi isang buwan lang din, okay na din 'yun kesa ma irregular. Habang nag-aayos ay hinihintay ko ang reply ni Chelsea, pero hanggang ngayon wala akong reply na natanggap! Baka nag breakdown 'yun-

"Ohayo!" Rinig kong sigaw ni Chelsea?!

"Chelsea?! Oh my Gosh!!" Sigaw ko. "Pinayagan ka?"

"Ang tagal mo ha, late na tayo!"

"Ano sabi ni Tita? Oh my gosh!!"

"Pinayagan ako syempre, happy nga for me e! Thanks to Tita daw, and I know naman pinilit din ni Tita si Mama." Paliwanag niya.

Ang saya ko kasi s'ya lang kasi ang ang kino-considet kong kaibigan talaga. Mapili kasi ako sa kaibigan, kaya ayun, kahit gold-digger 'yan syempre mahal ko 'yan.

Blinower ko lang ang buhok ko at sinuklay, hindi ko na tataliin kasi papahiramin naman ako ni mommy ng kotse. Buti nalang talaga, malamang gusto-gusto ko talagang mag-drive. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Franzia kahapon na ayaw niyang mag drive kasi nakaka pagod daw even though she has a cars! Mayayaman nga naman.

Nagpaalam na kami agad kay Mama, malamang ayaw ma late nitong kaibigan ko. Ang sipag mag tricycle papunta dito sa bahay, sabagay na sa kabilang subdivision lang naman s'ya nakatira.

"Alam mo girl, feel ko talaga type ka no'ng Zayn. Inistalk ko silang tatlo ha, at ang dami nilang followers sa IG." Biglang sabi niya.

Nagtipa s'ya sa cellphone niya at pinakita niya sa'kin ang phone niya, kung saan nando'n ang account ni Zayn. Buti nalang traffic at natingnan ko pa.

@zayrvnc.
zayn collins

67 post  96.5k followers 578 followings

"Wow, naka follow ka na ha?" Sabi ko sakanya. Ang bilis naman ng babaeng 'to.

"Actually silang tatlo finollow ko." Tumatawa pa s'ya do'n. "Kaso alam ko matu-turn off ka kay Zayn, kahit naman hindi mo gusto kasi tingnan mo ang following niya." Pinakita niya naman sa'kin, at iniscroll.

"Babaero nga." Sabi ko at nag drive. "Ba't mo ba finollow 'yan?" Halos kasi flpinapa-follow niya mga babae.

"Wala lang, baka e follow back ako e, ang laking achievements no'n, may nag follow sa'yong sikat, at take note ha? Verified pa!" Napailing nalang ako.

"Don't expect nalang, jusko sa sikat ng taong 'yan na halos lahat ata nag-aaral sa CIS ay naka follow d'yan, malamang wala na 'yang time e follow ka."

"Beh ang bitter mo. Baka naman 'pag niligawan ka niyan, magbago. E unfollow niya lahat ng babae nasa followings niya."

"In your dreams. Ayoko sa babaero. Alam mo hindi na magbabago 'yan." Tumawa naman s'ya sa sinabi ko, tiningnan ko tuloy s'ya ng masama.

"Hindi ko naman sinabing liligawan ka nga niya, sabi ko baka' ikaw naman nag expect ka pa." Kung hindi lang ako nag drive baka sinipa ko na 'to palabas ng kotse.

Pagdating namin sa CIS, ay malamang nag kotse pa din ako hanggang sa building ng education. Nag secondary education nalang ako kasi wala akong choice, enrollment na no'n at wala pa din akong napipiling course kaya ayun, sa educ ako napunta. Ang gaga namang si Chelsea, gumaya pa, kahit gusto niya namang mag nursing.

Pag baba namin ng kotse ay todo reklamo agad si Chelsea kasi mainit daw. Gaga, career na career niya talaga ang pagiging mayaman. Tiningnan ko ang schedule ko at 'pag minamalas ka nga naman, 5th floor pa kami napunta.

"Hays salamat nakapasok din, ang init sa labas." Reklamo niya. "Ayun beh may elevator." Turo niya, kaya nagpunta kami agad do'n. Buti nalang talaga, kasi haggard talaga kami 'pag nag hagdan pa kami.

Nakita din naman agad namin ang room namin, akala ko nagso-sosyalan na naman sila, at puro english na naman, pero hindi. Simple lang sila. At yes, may mga foreigners kaming mga kaklase.

"Are you new?" Tanong sa'min ng isa.

"Yes." I answered.

At dahil nga napaka extrovert ng kaibigan ko, ayun nakipag chikahan na agad s'ya. Nakikinig nalang ako minsan sa usapan nila, minsan nakikisali din, pero madalas akong nakatutok sa phone at nag scroll lang sa IG. Scroll-scroll lang kasi wala naman akong ka chat. Meron namang nagme-message, pero hindi ko mga type kaya hindi na ako nag-abalang replyan.

-

Pagkatapos ng morning class namin, ay niligpit na namin ni Chelsea ang mga gamit namin. 2pm pa susunod naming klase, kaya ayun pwede pa kaming magpahinga tutal 11am pa naman. Napag-desisyunan namin na sa See Each Day Cafe and Resto kumain, kasi ang ganda talaga do'n, napaka refreshing ng ambiance niya. Ayoko sana, kasi alam ko naman na ang gwapong may-ari lang ang habol ni Chelsea do'n, pero wala na din akong nagawa kasi tama naman s'ya refreshing do'n.

Nag drive lang ako, hindi naman s'ya malayo pero kailangan pa din talaga naming sumakay kasi mainit. Ayoko din mag tricycle, kasi ang init talaga! Summer kasi, pero sa school kami nagsa-summer ngayon.

"Ano kakainin mo? Carbonara ba?" Tiningnan ko naman ng masama si Chelsea, pero tumawa lang s'ya.

"Tuksohin mo pa ako, at magta-tricycle ka talaga pauwi." Sabi ko at lumabas ng kotse. Sumunod naman s'ya.

"Ito naman super serious, so ano nga kakainin mo? Ako na mag-oorder, pero syempre hindi kita ililibre."

"Ay nako 'te expected ko na 'yan jusko, once in a blue moon ka lang nanglilibre." Sabi ko sabay pasok sa resto. Tawa na naman s'ya.

"Aww, true friend ka talaga. So ano nga oorderin mo?" She asked again.

"Diet ako ngayon e, sisig lang at graham shake ha, large." Sabi ko at binigyan s'ya ng 500.

"Wow, diet ka pa niyan ha." Tinanggap niya naman ang pera, kaya tinalikuran ko na s'ya.

Naghanap lang ako ng mauupoan namin, lunch time kasi e kaya ang daming tao. Gusto ko sana sa gilid, 'yung kita ang labas kaso wala ng space. Kung sa second floor naman, dapat may appointment ka, kasi for VIP lang do'n e.

"Carbonara girl!" Hindi naman ako 'yun, pero napalingon pa rin ako sa pinanggalingan ng boses. Bwesit.

At ayun na nga, nakita ko 'yung Franklin. Sabi na e, may 98% of chances na may makikita akong isa man lang sa mga Collins dito. Hanap na nga lang kami ng ibang tambayan.

"Tsk." Inalis ko na ang paningin ko sakanya. Gago s'ya, mukha niya carbonara, masyadong maputla.

"Hey! You're so masungit." Ayan na, kahit word na masungit sosyal na sa parinig ko. "Are you looking for a table?" Tinanguan ko lang s'ya. "Well, as you can see there's no vacant na. You can join us, if you want." Do'n na ako napatingin sakanya.

"Pass, ayokong sumabay sa mga English speaking." Sabi ko. Narinig ko naman s'yang tumawa.

"Then, if I can't please you, then I think I can please your friend." Kakalingon ko lang sa banda niya, ay nakita ko na s'yang tumatakbo papunta kay Chelsea. Bwesit, malamang map-please niya talaga 'yan.

Kailangan ko ng makahanap ng bakante na upuan, ayokong sumabay sa mga 'yun 'no! At buti nga mukhang dininig naman ni Lord ang panalangin ko, may magjowang umalis kaya dali-dali akong pumunta do'n at umupo. Nice one.

I just take a picture and add it to my Instagram story. Ang ganda ng place, sabagay may construction firm ang pamilya nila. Grabe, kada pamilya nila may mga iba't ibang pagmamay-ari, samantalang kami kahit isang hectaryang lupa wala.

"Excuse me Reez, can I join you?" Boses pa lang kilala ko na agad sino 'to. Lord, sana next na tuparin mo sana minsan nalang ako maka encounter ng mga Collins.

"Pwede ba, umalis ka." Sabi ko.

"Looks like there's no vacant table here, so if you don't mind." Makulit na sabi niya at umupo nga sa tapat ko. Wow, if I don't mind huh?

"May kaibigan ako."

"I have a cousin too. This table is for four people naman, so I guess we can still sit here." Napapikit nalang ako. Mukhang kukulitin niya ako habang hindi ako bumibigay.

"Tatlo kayo diba? So hindi pa din tayo kasya."

"Well, Franzia isn't here. She's with her best friend on the second floor, so we're just four."

"Edi mag second floor din kayo." Bumaba ka pa talaga." E halata namang nasa second floor na s'ya, pinsan niya lang kasi ang nag-order  kanina.

"I don't want to. I want to eat here."

"Mas maganda view do'n."

"I don't think so. Cause I think my view here, is more beautiful." Sabi niya, tiningnan ko naman s'ya at nakatingin lang s'ya sa'kin. "Right?"

"Hindi. Alam mo ang view ko? Naaalibad-baran ako, okay sana ang ambiance kung walang englisherong, playboy sa harap ko." I rolled my eyes at him. Ang landi! Tumawa naman s'ya. Ininsulto na lahat-lahat, tinawanan lang.

"Edi magtagalog ako nalang." Natawa naman ako sa tagalog niya. Mas gets ko pa siguro kung mag-english s'ya. "Why are you laughing? I can speak tagalog.

"Okay, then if you're with me, you'll speak tagalog ha?" Sabi ko. Napa english pa nga.

"Sige! And if I don't?"

"Then you better leave me alone." Simple.

"Sige matatagalog na ako, I want to be close with you. But can I speak TagLish?" At tumawad pa nga.

"Basta may tagalog. Filipino ka, kaya dapat marunong ka magtagalog."

"Then we're friends na ba?" Tanong niya. Ano ba 'yan, ba't ang sosyal naman?

"Sa isang kondisyon, don't call me Carbonara."

"Reez. Gusto kong tawagin kang Reez." I smiled sa tagalog niya.

"Then should I call you Raven? Hmm, second name basis." Tumatawang sabi ko.

"Better to call me Mahal." Tiningnan ko naman s'ya ng masama. Did he just use his flirting skills?

"Kung ipagpapatuloy mo 'yan, mas better siguro kung 'wag nalang tayo maging magkaibigan." Sabi ko at inismaran s'ya.

"How about more than friends?" Gosh! Playboy talaga!

"How about being stranger? I think it's the best. What do you think?" Sumimangot naman s'ya, parang bata. "Ano? Mamili ka."

"Choose what?" Rinig kong sabi ni Franklin na ngayon kasama na ang kaibigan ko.

"She wants me to speak tagalog, so that makaibigan ko s'ya." Sumbong niya sa pinsan.

"I think you're good with that." Sagot ni Frank, at tumabi kay Zayn.

"Right?" Paninigurado niya, tinanguan naman s'ya ni Franklin. Nilapag lang ni Franklin ang pagkain nila, gano'n din si Chelsea.

Nagsimula na kaming kumain, at kita ko namang gusto talagang makipag kaibigan ni Zayn sa'kin kaya pinabayaan ko nalang s'ya sa pagtatagalog niya. Marunong naman s'ya, pero siguro sa kasanayan na din sa pag-eenglish ay nahahaloan niya talaga ng English. Ikaw ba naman lumaki sa pamilyang, english speakung sinong hindi masasanay d'yan?

"I followed you on Instagram." Sabi ni Chelsea. Tapos na kaming kumain at medyo tinatapos nalang namin ngayon ang mga inumin at shake namin.

"Really? How did you know our socials?" Tanong ni Franklin.

"Easy. Napakadali niyo kayang mahanap, Collins? Very basic." Mayabang na sabi ni Chelsea. Psh, ang sabihin niya stalker talaga s'ya 'pag pogi. "Follow back niyo ako."

At ayun na nga, kinuha naman ng dalawa ang mga cellphone nila at finallow back ang kaibigan ko. Tinanong din nila ako sa'kin at finollow nila ako, kaya napa follow back ako ng wala sa oras.

"You're famous." Biglang sabi ni Frank.

"Tss, wala pa nga 'yan nag one fourth sa followers mo." Sabi ko. 90k ba naman, anong gagawin?

"I mean you're famous for a normal person."

"So abnormal kayo?" Sabi ko. Natawa naman si Chelsea, at nagtataka naman 'yung dalawang Collins. Hindi ba nila gets?

"Of course not!" Sigaw nilang dalawa.

Patuloy lang kami sa kwentuhan, tutal mahaba pa ang oras. 2:40pm pa daw klase ni Zayn, habang si Frank naman 3:00pm pa kaya ayun tumambay muna kami. Habang tumatagal ay mas rumarami ang customers, pero meron din namang umaalis na. Gusto ko sanang umalis na, para naman may makaupo dito.

"Oh my gosh! Are you guys having a double date?!" Biglang sigaw ng babae.

Gulat kaming napatingin sa likuran ko, and oo hindi nga kami nagkakamali, sila Franzia nga 'yun. Pero hindi si Franzia ang nagsalita, 'yung artista. Oo, nakikita ko s'ya sa TV. Napatingin naman ako sa paligid, at maraming napatingin sa banda namin, at nagpi-picture or video siguro, nakatutok kasi mga phone nila sa'min. Buti hindi s'ya dinudumog.

"My gosh! Do you know this huh? Franzia Shane?" Tanong niya sa kaibigan.

"I am also surprised. If it's just Zayn, I won't. But looking at my twin right now, well I'm even more surprised." Sabi ni Franzia. Shock daw, pero blanko naman ang mukha niya.


"I just accompanied Zayn." Sagot ni Frank.


"Oh really Franklin Shawn? You guys leave us there. My gosh." Sabi niya sa dalawa. Bigla naman s'yang napatingin saamin. "Hi! I'm Shanaia Twaigne, nice to meet you guys." Then she handed her hand.

"Dynariell." Sabi ko, at nakipag shakehands.


"Chelsea po. Oh my gosh, you're so pretty in person." Sabi niya pa.

"Thanks." Nahihiyang sabi niya pa.


"Anyway we'll go ahead na, we have class pa. Enjoy!" Paalam niya. Tiningnan naman namin si Franzia.


"Enjoy guys, bye." Sabi niya saaming lahat, at tumalikod na sila.

"Sungit ng kapatid mo." Sabi ni Zayn.

"Stop acting like you're not used to it." Natatawang sabi ni Frank. "Anyway, I think I should leave too, my Mom wants to see me." Sabi niya at tumayo na.


You are reading the story above: TeenFic.Net