07

Background color
Font
Font size
Line height


"Gising na siya..."

Sinubukan 'kong imulat ang mga mata ko. Pero, nakakasilaw iyong ilaw. Kaya ipinikit ko nalang ulit ang mga mata ko. Ramdam ko pa ang lambot ng kama na hinihigaan ko.

Nasaan nga ba ako?

Ahh, nasa clinic... Paano ba naman kase, kahit na maayos na ako, ay nagpumilit parin si Chaela na dalhin ako sa clinic. Para narin daw makapagpahinga ako.

Ayaw ko pa nga nung una, pero wala na akong nagawa nung hinatak niya na ako papunta dito. Pinayuhan lang ako nung nurse na magpahinga. Agaran ko namang sinunod. Bukod kase sa malambot na kama, may aircon pa! Kaya saan ka pa? Dito ka na sa clinic!

Okay, cut! Masiyadong naging corny.

Hindi naman sana ako makakatulog, pero kase.... Kahit sinunod ko na ang gusto ni Chaela. Hindi parin natigil ang panenermon niya. Kaya ang ginawa ko para makatakas sa panenermon niya, ay natulog nalang ako. Isang solution ang itulog nalang, correct 'yon!

"Vinci...? Can you hear me?"

T-teka... Bakit naririnig ko ang boses ni Yves? Baka, guni-guni ko na naman 'to.

"Hoy, teh. Tama na tulog-tulugan, hindi ikaw si sleeping beauty." Boses ni Vionne.

Ako sleeping beauty? Naknang!

Iminulat ko na ng tuluyan ang mga mata ko. Atsaka ko inangat ang katawan ko, para makaupo. Hindi na tuloy sulit yung pagpapahinga ko. Asarin ka ba naman!

"Eto na po, gising na." Ani ko kay Vionne.

Natawa pa si Chaela. Kaya napanguso ako. Eto talagang dalawa, oh. Palagi nalang nila akong trip!

"Stop pouting."

"H-huh? Yves, nandito ka nga?" Paninigurado ko pa.

"Ouch..." Humawak siya sa dibdib niya. Kunwaring nasasaktan.

Akala ko guni-guni ko lang na narinig ko ang boses niya? Nandito pala talaga siya.

Hala....

Kinuha ko ang kumot na nakabalot hanggang sa dibdib ko. Tinakpan ko ang mukha ko. Nakakahiya... Nakita niya ang mukha ko ng bagong gising.

"What are you doing?" Tanong pa ni Yves.

"Asus...." May nahihiya somewhere..." Pang-aasar ni Chaela.

Tinignan ko siya ng masama. Pero, tinawanan niya lang ako. Eto na naman sila sa pang-aasar nila.

"Tara na nga, Chaela! Baka, kailangan muna nila ng space para makapag-usap." Si Vionne, tinignan niya pa ako gamit ang nanunuksong tingin.

"Ay, sabagay. Tama ka, baka makaistorbo pa tayo sa moment nila!" Nag-apir pa ang dalawa.

Napasapo ako sa noo ko. Talagang nagkampihan pa! Nakakahiya kay Yves, baka ayaw niya ang panunukso nila.

"Umalis na nga kayo!" Hiyang sabi ko.

"Ayown! Gustong-gusto masolo si pogi. Yieee!" Talagang hindi pa tumigil si Vionne.

Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar nila. Sa huli, sila rin naman ang kusang huminto.

Binalingan ko si Yves, nang makaalis na ang dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin ko, dahil sa naging panunukso nila. Baka, naging awkward sa kaniya.

"A-ahm." Umubo ako ng peke, para makuha ang atensiyon niya. "Pagpasensiyahan mo na yung mga kaibigan ko. Ganun lang talaga sila mapang-asar."

"It's fine. Actual–"

"Teka, teka!" Pigil ko sa sasabihin niya. "Pwede bang tagalog nalang?" Inalis ko narin ang kumot.

Napakamot siya sa batok. Pasensiya na, kakagising ko lang, eh. Hindi pa nagpro-process ang utak ko. Baka ma-nosebleed lang ako, dahil sa daming english na lalabas sa bibig niya.

"I'm sorry. Uulitin ko ulit." Natawa ako.

Wala lang.... Ang cute niya lang. Bagay naman pala sa kaniya ang tagalog. Plus, mas magkakaintindihan pa kami.

"Huwag kang mag-alala. Masaya naman silang kasama." Seryosong sabi niya.

Mas natawa ako, dahil sa expression niya. Ang cute naman niyang tao na 'yan. Nag le-level up na ang isang Yves.

"Nga pala. Paano mo nalaman na nandito ako?" Pag-iiba ko ng topic.

Na-curios kase ako, kung bakit nandito siya. Ang alam ko kase, iniwan ko sila sa gymnasium. At si Chaela ang huli 'kong nakasama.

Hindi na ako magtataka kay Vionne, kung bakit nasa clinic din siya kanina. Malamang sa malamang, sinabi na ni Chaela sa kaniya, ang nangyari sa 'kin.

"Nag-alala ako. Hinanap kita, pero hindi kita makita. Buti nalang at nakasalubong ko yung kaibigan mo."

Sa hindi malamang dahilan, naramdaman 'kong namula ang mga pisngi ko. May kung ano ring bagay ang tumutusok sa bandang tiyan ko. Hala.... Kinikilig ba ako?

Hindi, Vince. Focus ka lang. Huwag mong ipahalata na kinikilig ka. Humanap ka ng itatanong, bilisan mo! Bago pa maging awkward ang atmosphere dito.

"Sino sa kanila?" Iyon nalang ang naisipan kong itanong.

"Si... Bion?" Hindi siguradong sabi niya.

H-huh sino daw? Bion?

"Sino?"

"B-bion..."

Tuluyan na akong natawa. Napakamot siya sa batok niya, pero sa huli ay natawa rin. Ibang klase iyong Bion niya, para siyang gumawa ng pronounciation sa pangalan ni Vionne.

For sure, kung marinig man iyon ni Vionne. Baka, namula na 'yon sa galit.

"Ahh, si Vionne..." Pagtatama ko.

Natawa pa ako ng isang beses. Bago, tuluyang umayos ng upo. Parang nawala yung hiya ko kanina, ha?

Hindi kana nahihiya sa mukha mo, Vince? Komportable na? Makasaya, tandaan mo. Baka, may muta ka pa.

"Halaa.... Oo nga..." Bulong ko.

Pasimple akong humawak sa magkabilaang dulo ng mata ko. Baka may muta pa pala ako, hindi lang sinabi nung dalawa sa akin.

Buti nalang at wala namang muta.

"By the way, why are you here? Did something happened to you?" Bakas pa sa mukha niya ang pag-aalala. "Hindi mo kailangan sagutin, If you're not comfortable.

Sasabihin ko ba? Pero, ayaw 'kong malaman niya. Hindi naman din malala, kaya ayos lang siguro, kung hindi ko muna sasabihin sa kaniya.

"K-kase.... Bigla akong nahilo. Oo... Hehe." Sana lang ay paniwalaan niya.

Huminga siya ng malalim at dahan-dahang tumango. "Just be careful next time. Please...?"

Halaaa ayan na naman siya... Bakit ba siya ganito? Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, dahil sa pinakitang pag-aalala niya. Ibig sabihin, may pake sa akin ang president namin?

Nakauwi na ako sa condo ko, bandang ala-singko. Wala ulit tutoring lesson, dahil mas kailangan ko daw ang pahinga. Sabi ni Yves.

Nakahiga ako sa kama, habang tumitingin ng mga message sa messenger ko. Nag-chat pa si Lola. Tinatanong ni Lola kung ayos lang ba daw ako, at kung may kailangan pa ako ay sabihan ko siya kaagad.

Nagtipa ako ng ire-reply kay Lola.

Vincent Blade Blanco:

Ayos lang po ako, Lola. Wala na po kayong dapat na ipag-alala.

Kayo, po? Kamusta po kayo diyan?"

Leonor Blanco:

0k€y 4p0,,,,,,

4y0s lAng Ak0 ditO,,,,,,

🥰

Natawa nalang ako sa reply ni Lola. Si Lola talaga kahit kailan... Kaya mahal na mahal ko si Lola, eh. Sa kaniya ko talaga nakuha, ang pagiging sweet. Hindi naman siguro halata, hindi ba?

Ang ibang mga message ay puro gc na. Kaya, hindi ko na inatubili pang basahin. Puro kalokohan na naman kase ang topic, wala na sa school-related. Meron din kaming isang gc, kung saan announcement lang talaga ang mga sinesend.

Ginawa 'yon ni Yves. Yun nga lang siya lang naman din ang nagcha-chat dun. Iyon lang yata ang purpose ng messenger niya, para makapag-announce.

Eh, never naman kase siyang nag-chat dun sa isang gc. Iyong puro kalokohan. Naisipan 'kong buksan ang gc namin na puro kalokohan, nang mag-open sila ng topic about sa cine.

Gc na wala si ma'am:

Stacey: Guys, tara cine? Panoorin natin yung bagong labas na movie

Stacey: Inside out 2
                 ❤️32

Calix: G ako!
                🥳1

Denise: Ako rin G!
                 🥳1

Patuloy lang ako sa pagbabasa ng mga message nila. Gusto ko ring sumama, pero nahihiya ako. Parang ang ganda kase manood ng movie. Hindi ko pa nae-experience 'yon. Gusto ko tuloy maranasan....

Gc na wala si ma'am:

Brent: Guys hindi ako makakasama... 😭
                       🥳15 😥5 🧚🏻2

Calix: Walang may pake!
                         😆25   🖕🏻1

Brent: Talaga ba?
                 🧚🏻 5

Brent: Tanginamo!

              😆15 🤧9 🧚🏻4

Natawa ako, dahil sa parang lalaking fairy na emojie. Kahit kailan hindi talaga nila kayang mag-seryoso.

Stacey: @Vincent Blade Blanco teh sama ka?

Nagulat ako, nang masama sa mga nag-seen si Yves.

Gavin: Ayown! Finally!

Gavin: Nag-seen karin pres!
                  🤩15 🤧5

Janine: Sama ka din Yves

Huh? Bakit ako nainis? Hala.... Nasisiraan kana talaga, Vince. Ano ba naman kase 'tong nararamdaman ko. Hindi, nagulat ka lang kaya ganiyan.... Tama iyon yun.

Damian Alcazar: Vinci, if you're going, i'll go too.
                                    😮35 🧚🏻5

Calix: Sama kana Vince first time mag-chat ni pres dito oh

Lex: Oo nga

Stacey: Ano vince? Sama ka na? masaya yon promisee....

Sasama ba ako? Hindi ba ako mahihiya sa kanila? Siguro, hindi naman... Nakasama ko narin naman sila ng ilang buwan, kaya ayos din naman sigurong makipag-bonding minsa.

Nagtipa ako ng mare-reply.

Vincent Blade Blanco: Sige... Sama ako.
                                               🤩20 🥳15 🧚🏻5

Stacey: Yey! Settle na

Stacey: Leet's meet at the mall sa saturday gais! Don't forget!
               👍🏻18  🆗12 🧚🏻3

Saturday? Free ba ako, nun? Siguro naman free ako... Atsaka, first time ko makakanood ng cine, kaya gusto kong sulitin.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko, nang makatanggap ako ng isang notification.

Damian Alcazar sent you a friend request.






You are reading the story above: TeenFic.Net