Chapter 5

Background color
Font
Font size
Line height

Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 5


"Bakit ang intense ng Math dito? May technical course pa na advanced tapos may lab sessions?!" I scratched my head because of frustration.


"P'wede ka naman magpatulong sa'kin," singit ni Ahl. "May bayad nga lang."


Napangiwi naman ako nang kaunti. "Sige, g."


Pumayag ako dahil hindi naman buraot si Ahl, he just does everything for his family. If you could help but ended up turning a blind eye, it will be a very huge mistake.


"Gusto mo bumili ng graham ball?" tanong aniya at nag-labas ng isang bag na may laman no'n.


"Wow!" I blurted out like a child. "Magkano? Bibilhin ko na lahat!"


Napangiti ako dahil binigyan pa niya ako ng kaunting discount dahil inubos ko ang paninda niya. Tinulungan niya rin ako sa homework na hindi ko nagawa. Sobrang swerte ko talaga maging kaibigan at ka-blockmate siya.


"Saan ka pagkatapos ng klase?" Ahl asked when our last class was about to end.


"Gagawa ng Research." Ngumiti ako na parang demonyo.


"Wala naman tayong Research, ah. Para saan iyan?" he sounded confused.


Nasapo ko ang ulo ko dahil hindi ko na dapat sinabi nang deretsahan iyon. "Ah, basta. Para sa ano..." Napatigil ako upang mag-isip ng palusot. Para sa kinabukasan ko at ng mga magiging anak namin ni Isaac. "Nautusan lang."


Ilang minuto, natapos na rin ang klase kaya agad-agad akong tumayo at lumabas ng room, naunahan ko pa nga lumabas ang prof kaya kita ko sa peripheral view ko na pinag-titinginan ako ng mga kaklase ko.


Anyways, wala naman silang pakialam, papunta ako sa future husband ko, e.


"Isaac!" tawag ko sa lalaking nag-lalakad papunta sa may swimming pool.


Napatingin siya sa'kin kaya napatigil ako sa pag-takbo patungo sa kaniya. Grabe, ang pogi!


"P'wede ka na bang ma-survey o interview?" tanong ko habang hinihingal.


"May training kasi ako, e. Pero... kung maikli lang naman, sige gawin na natin." Inayos niya ang Nike Training bag na itim na nasa balikat niya. "Nasaan 'yung questions?"


Nakagat ko ang labi ko dahil nakalimutan ko nga pa lang mag-handa ng gawa-gawa na mga questions! "Ah, oo nga pala. Hindi ko pala nadala."


His eyebrows furrowed. Siguro iniisip niya 'ginagago ba ako nito?' 


Tanga-tanga ko talaga! 


"Huh? Then how will we do the interview then?" he asked.


"Marami akong tanong, so siguro aabutin ng 3 days ang interview ko sa'yo. Puntahan na lang ulit kita. Nood na lang ako ng training niyo ngayon." Ngumiti ako.


"Huh? Ano namang gagawin mo sa training namin?" lalo siyang naguluhan.


Ano pa ba, edi mag-papanggap at magiging assumera na ako ang girlfriend mo na mag-pupunas ng pawis mo.


"Ah... ano... gusto kong malaman every day schedule mo and how you do things in an every day basis. F-For Research purposes!" Napakamot ako ng ulo ko dahil sa palusot ko.


"Ah, okay." He didn't seem convinced but it's a good thing that he eventually agreed.


"Sandali lang, ah." Tumalikod siya sa gawi ko at kinuha ang phone na nasa bulsa niya. Med'yo malayo ako sa kaniya dahil humakbang siya nang kaunti palayo pero kita ko na may tinatawagan siya.


"Chandra, sigurado ka bang nasa tamang pag-iisip 'tong babaeng pinakilala mo sa'kin?" Mahina lang ang pag-kakasabi ni Isaac no'n pero hindi iyon nakalagpas sa pandinig ko. "Baliw ata ito, e. Ipapahamak mo pa'ko."


Baliw nga ako. Baliw sa'yo!


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


You are reading the story above: TeenFic.Net