Trailing Deep Waters (University Royalties #3) - Chapter 1
The person who makes people happy are usually the ones suffering the most and is in a crucial pain and wound.
"Ma'am, si Venice po 'yung maingay!" Humagalpak ako ng tawa dahil bilang class clown, kung ano-anong trip ang mga ginagawa ko sa kaklase ko.
Minsan susulatan ko ng marker ang uniform ng bida-bida naming kaklase, minsan uupo ako sa teacher's table, minsan din tinatago ko ang bag ng kaklase ko, at ramdam kong naiinis sila sa'kin pero hindi ko magawang tigilan iyon.
"Ma'am, si Venice nag-drawing ng ****!"
"Venice, ang daldal!"
"Ma'am, si Venice sumosobra na!"
"Ms. Venice Mendoza, ano ba iyan! Go to the Guidance Office! Now!"
Tumayo ako at nakita kong pinag-titinginan ako ng mga kaklase namin. Ngumiti ako at tumawa-tawa pa para hindi mag-alala sa'kin si Isabella at Rivier na iba ang tingin sa'kin ngayon. I gave them an apologetic smile.
"Bakit ka ba ganiyan, Ms. Mendoza? Hindi mo ba kayang itikom ang bibig mo? Bakit palagi mong kinukulit ang mga kaklase mo? Bakit lagi kang nagawa ng kung anong kalokohan para ma-ani ang atensyon ng iba? Pinalaki ka ba talagang salbahe ng mga magulang mo?" sunod-sunod na tanong ng Guidance Counselor namin pagka-pasok ko sa office niya. "Kulang ka ba sa pansin?" dagdag pa niya.
Opo...
It's always 'ang dami mong kalokohan', but never 'ayos ka lang ba'.
"Ipapatawag ko ang magulang mo," saad ng Guidance Counselor na naging sanhi ng pagka-balisa ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko at hinawakan ang kamay niya bago pa niya mahawakan ang phone niya kaya nahulog iyon sa sahig.
Dahan-dahan akong napatingin sa mga mata ng Guidance Counselor namin na inaapoy na ang mga mata dahil sa labis na galit sa'kin.
"Huwag niyo na po silang ipatawag dito, hindi ko na po uulitin," sinserong sabi ko. Paniguradong bubugbugin ako pag-uwi ni mama, paniguradong mapupuno ng pasa ang katawan ko bukas sa paaralan kung ipapatawag nila si mama dahil sasampalin niya ako at sasabunutan hanggang sa mag-tino ako.
Napa-upo sa upuan ang Guidance Counselor namin at nag-labas ng malalim na buntong hininga. "Paano ako makaka-sigurado na mag-titino ka na? Baka nga ang pagpapatawag ng magulang mo ang solusyon, e..."
"Pasensiya na po, Mrs. Bulan." Yumuko ako. Kung tanging pagpapa-kumbaba na lang ang magagawa ko para kumbinsihin siya, gagawin ko.
"Oh, siya. Sige," pag-payag niya. I sighed in relief. "Pero sa pagkakataong malaman ko na hindi ka pa rin nag-titino at nagawa ka pa rin ng kalokohan, ipapatawag ko na talaga ang mga magulang mo at sasabihin sa kanila lahat ng kabalastugang ginagawa mo rito sa paaralan. Makaka-alis ka na."
Nag-bow ako sa kaniya bago umalis ng kaniyang silid. Naririnig kong pinag-uusapan ako at pinag-bubulungan ng school mates ko kaya tinaas ko ang tingin ko at pinakyuhan sila.
Salubong ang kilay nilang tinignan ako. Napa-irap na lang ako. Ayan, diyan sila magaling. Sa pang-hihimasok sa buhay ng iba kahit pa wala naman silang alam... kahit pa 'di nila alam ang buong kwento.
Saktong nag-ring ang bell dahil uwian na nang makalabas ako sa office ni Mrs. Kristine Bulan. Sinalubong ako ni Rivier at ni Isabella na nag-aalala sa'kin. Agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"Bakit mo nagawa iyon, Venice? May problema ka ba sa bahay?" tanong ni Isabella. Buti pa siya. Buti pa siya alam na alam kung ano ang dapat sabihin. Buti pa siya mas piniling tanungin kung kumusta ang kalagayan ko. Buti pa siya naibibigay ang atensyon na kailangan ko.
Tahimik kaming nag-lakad pauwi. Hindi nag-sasalita sina Rivier at Isabella dahil maski ako ay tahimik lang rin na pinag-mamasdan ang mga nadadaanan namin. Natatakot kasi ako na baka nag-sinungaling lang sa'kin ang Guidance Counselor namin, baka tinext na pala niya si mama. Baka sinabi na niya ang lahat sa kaniya. Baka... baka may nakahanda ng parusa si mama.
Kinakabahan ako sa madadatnan ko sa bahay. Minsan na nga lang andiyan si mama, ang inaatupag pa niya ay ang pakikipag-pustahan gamit ang mga baraha o 'di kaya ay ang pananakit sa akin. Kailanman talaga hindi ako na-excite na umuwi, pagkatapos ng masayang araw sa eskuwela, para akong namatayan sa tuwing babalik ako sa bahay.
Hindi katulad noong andiyan pa si papa, sa tuwing uuwi ako, may naka-handa siyang paborito kong ulam sa hapag at masaya kaming kakain nang sabay. Minsan pa nga ay pupuntahan niya ako sa eskuwela upang sunduin pauwi.
It was something my mom couldn't do.
"Gusto mo bang ihatid kita sa bahay niyo?" tanong ni Rivier kaya napatingin ako sa kaniya habang kabadong naka-kapit sa backpack ko.
"Huwag na..." Sa totoo lang, gusto ko ng kasama umuwi para mabawasan manlang ang kaba ko pero mas malayo kasi ang bahay ko kina Isabella at Rivier.
"Sigurado ka?" si Isabella naman ang nag-tanong.
"Oo... ayos lang." Ngumiti ako. "Uwi na kayo. Kaya ko na 'to."
Kumaway ako sa kanila at nag-patuloy sa pag-lalakad habang sa kalsada lang naka-tingin at hindi sa dinaraanan ko. Binabagalan ko ang bawat pag-hakbang ko dahil dinadaga ako sa kaba.
"Aray!" Napa-atras ako nang may makabunggo akong lalaki na tisoy. Pawisan siya dahil sa pag-takbo pero amoy baby cologne pa rin. Suot rin niya ang uniporme ng Cosmopolitan High School na mamahaling paaralan dito sa Maynila. Doon din dapat ako mag-aaral ng high school kaso gusto kong makasama sina Isabella kaya tumanggi ako kay papa.
Mukhang higher level ang lalaking nasa harapan ko ngayon, siguro mga one year higher lang. Tinignan ko ang name tag na naka-ukit sa uniporme niya. Velarde, Isaac.
"Miss, gusto mo sa'yo na lang?" Napatingin ako sa inaabot niya sa'kin na chocolate bar. "Ninakaw ko lang kasi 'to, iyo na lang para 'di ako mahuli."
Salubong ang kilay ko siyang tinignan habang naka-pamewang. Talagang ipapahamak pa niya ako, ha? Binibigay niya yata ito para ako ang mapagbintangang nag-nakaw, e!
Napa-tulala ako nang bigla siyang humagalpak ng tawa. Parang bumagal ang lahat, at siya na lang ang nakikita ko. Kasabay ng pag-patak ng pawis niya ay ang unti-unting pag-silay ng ngiti sa mga labi ko dahil nahahawa ako sa pag-tawa niya. "Bawal kasi ako sa chocolates. My father might see me. Hindi 'to nakaw, binibiro lang kita dahil ang cute mo. Kaya huwag ka nang mahiya, sa'yo na lang 'to." Kinuha niya ang mga kamay ko at nilagay doon ang tsokolate.
"Kainin mo iyan, ah! Ingat!" Kumaway siya sa'kin at nag-tatakbo palayo sa akin.
Tulala ko lang siyang pinanood na maka-pasok sa sasakyan nilang Bugatti na itim.
Napangiti ako muli. Dahil sa kaniya, saglit kong nakalimutan ang kaba at takot ko.
Tama nga sila... sometimes, the people who are there for you when you don't have anyone are the people you don't know.
Kaya minsan talaga 'di ako naniniwala na strangers are bad people. Sometimes... they're godsent too.
Nag-lakad na ako pauwi at nang pag-pasok ko sa bahay, wala si mama. Walang tao sa bahay. Wala akong kapatid dahil only child lang ako kaya buong buhay ko, parang mag-isa lang ako. Nang-hihina kong binagsak ang katawan ko sa sofa namin. Hindi ko rin in-on ang ilaw dahil kusa nang tumulo ang luha ko.
Malungkot ako dahil sa tuwing uuwi ako ng bahay, sasaktan ako ni mama. Ngunit mas malungkot ako dahil dumadating rin ako sa bahay namin na walang katao-taong sumasalubong sa akin pag-uwi.
Minsan nga mas okay nang saktan ako ni mama, mas okay nang tadyakan niya ako at sampalin, mas okay nang masaktan niya ako sa pisikal na paraan kaysa masaktan ako nang emosyonal dahil mag-isa lang ako.
Kinuha ko ang cellphone kong nasa bulsa ko nang mag-beep ito.
From: Rivier Delos Reyes
Naiyak ka ba? Huwag ka umiyak, ah. Pangit ka na nga, papangit ka pa lalo.
Napairap na lang ako dahil sa paraan ng pag-comfort ni Rivier. Hindi na ako nag-reply dahil wala naman akong matinong ma-rereply kung kalokohan lang rin naman ang chat niya. Pero... napapangiti talaga ako dahil nag-eeffort ang mga kaibigan ko para sa'kin.
Kahit papaano, may mga panahong 'di ko nararamdaman na mag-isa ako.
Dinampot ko ulit ang phone ko nang tatlong beses 'yong nag-vibrate.
From Rivier Delos Reyes
Puntahan kita? Dalhin ko 'yung Lay's.
From: Isabella Alvarez
Gusto mo bang pumunta tayo sa tabing-dagat para makapag-relax ka?🌊
From: Isabella Alvarez
Kami naman ang susundo sa'yo para maiba naman.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
You are reading the story above: TeenFic.Net