Chapter 11

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 11.

AFTER THE EXAMS WERE OVER, busy pa rin ang mga teachers at ang mga estudyante, lalo na ang mga student athletes dahil ang Intramurals naman ang pinaghahandaan nila. Pumapasok sila na pagod at inaantok, at sa hapon naman ay biglang mabubuhayan dahil practice na naman.

Kaso ibang breed yata si Marx. Kasi kahit galing siyang practice, pumapasok pa rin na mukhang well-rested at fresh na fresh. Nagagawa pa niyan ang responsibilidad niya bilang president ng klase. Kulang na lang maging president na 'yan ng student council kaso ayaw niya raw, eh, kahit ilang beses na siyang niligawan ng mga tumatakbo.

Habang excited ang iba sa paparating na intrams dahil maraming hinandang events at booths ang student council, hindi ko pa rin magawang matuwa.

Last week na ng September. Ibig sabihin, malapit na ang death anniversary ni lola. At kapag death anniversary ni lola, kailangan naming pumunta sa bahay niya kung saan nakatira halos lahat ng pamilya ni mama.

“Intrams na naman. Makikita ko na naman 'yong crush kong taga kabilang school na volleyball player!” kinikilig na sabi ni Tatti. “Hindi ako nakapag-picture sa kaniya last year. Sana this year, palarin na. Manifesting!”

Hindi ko siya pinansin. Binaling ko ang paningin ko kay Marx na kapapasok lang sa classroom, suot pa ang jersey niya at ang sapatos niyang para sa running. Kapag athlete kasi, ayos lang kahit hindi mag-uniform na papasok.

Diretso lang na lumakad si Marx. Pagkaupo niya sa upuan niya, pumikit lang siya saglit bago nilapag ang bag niya nilabas ang reading at writing materials niya. Oh, right, nakalimutan ko. Bukod sa pagiging runner para sa intrams, sasali pa siya sa essay writing. Pinilit siya no'ng isang teacher namin at hindi naman maka-hindi ang bwiset.

Sarkastikong nagbuga ako ng hangin. “Wow. Ang nice siguro maging perfect, 'no? Hindi ka nakakaramdam ng burnout at pagod sa dami ng ginagawa mo.”

“Ikaw? Ayaw mo sumali sa essay writing, Sari?”

Nagbaling ako ng tingin kay Tattiana. “Sasali, malamang.”

Tiningnan niya si Marx at saka binalik ang paningin sa 'kin. “Hindi ka magre-review?”

I scoffed. “Review? Para sa mga bobo lang 'yan. Hindi ko na kailangan 'yan, basta ba naintindihan ko ang binigay na theme, goods na.”

Tumawa siya. “Wow. Ang nice siguro maging confident, 'no?” aniya na ginaya pa ang tono at boses ko.

Dinampot ko ang yellow pad ko at hinampas sa kaniya pero mabilis siyang nakaiwas.

“Ang busy ni Marx, pero siya pa rin top one sa exams,” dagdag niya pa habang yakap ang bag niyang nakahandang maging shield kapag hahampasin ko siya. “Habang ikaw, pag-aaral na nga lang ang inaatupag, hindi mo pa rin siya nalalagpasan kahit kailan.”

Napairap ako. Hinintay kong ibaba niya ang bag niya bago ko hinampas sa kaniya ang yellow pad ko at finally, tumama na sa noo niya. Napamgiwi siya at minura pa ako.

Speaking of Marx. Pagkatapos no'ng exams namin, hindi na kami masyadong nakakapag-usap dahil palagi siyang umaalis para mag-training. Tuwing umaga rin ay hindi siya sa classroom dumidiretso, pumapasok na lang siya on time kapag start na ng klase.

Well, whatever. Hindi naman talaga kami nag-uusap ever since dahil puro lang naman kami bargadulan.

“Samahan mo na lang kaya ako mamaya sa Don Mach. Bilhan kitang kape,” aya ni Tatti.

“Huwag na. Uuwi ako agad mamaya dahil uuwi kaming Menchaca bukas.”

Napakunot ang noo niya noong una pero napasinghap din siya no'ng na-realize niya kung ano ang ibig kong sabihin.

“Ay, oo nga pala. Lola mo, 'no? Ayaw mong sumama ako?”

I scoffed. “Pamilya ka ba? Ba't ka sasama?”

Napanguso na lang siya.

Last year noong pumunta kami ni Mama, napansin ni Tatti na pumasok akong maga ang mga mata ko. Alam niya namang every year umuuwi ako kapag death anniversary ni lola, pero last year niya lang nalaman kung anong treatment ang natatanggap namin ni mama mula sa pamilya niya. Alam din ni Tatti kung anong klaseng trabaho meron si mama, pero walang ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. Akala ko nga noong una, lalayo siya sa 'kin. Kaya nga siya ang naging best friend ko dahil matigas at mapilit siya. Tinanggap ko na lang din siyang kaibigan noong tinamad na akong itulak siya papalayo.

Palagi man akong banas sa kaniya at inaaway siya, thankful pa rin akong nandiyan siya.

Bago ako umuwi galing school, namili akong mga prutas sa palengke dahil 'yon ang bilin ni Mama. Ewan ko ba rito sa nanay ko. Alam niya namang puro masasamang salita lang ang matatanggap niya, pupunta pa rin siya ro'n. Kahit noong buhay pa si lola, nakatanggap siya ng masakit na salita ro'n.

Alas dyes na ng gabi nakauwi si Mama. Kung ibabase sa usual na uwian niya at sched sa trabaho, ito na ang pinakamaagang uwi niya.

Kinabukasan, maaga akong nagising para ihanda lahat ng dadalhin namin. Naghanda na rin ako ng agahan para makakain muna kami bago umalis. Alas otso na noong natapos ako.

Tulog pa si Mama kaya pumunta ako sa kwarto niya para gisingin siya. Kumatok ako sa pinto.

“Ma? Gising ka na ba? Kain na tayo.”

Walang sumagot, kaya binuksan ko na ang pinto. Napabuga na lang ako ng hangin nang makitang tulog na tulog pa siya. Ito na lang ulit ang unang beses na nakita ko siyang nakatulog nang ganito kahaba.

Hindi ko na lang siya ginising at bumalik na ako sa kusina para mauna nang kumain.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang bumaba si Mama. Umupo kaagad siya sa tapat ko at tahimik na nagsandok ng sangag at scrambled egg.

“Sari, timplahan mo nga akong kape,” utos niya na ginawa ko naman kaagad.

“Anong oras tayo aalis?” tanong ko habang binubuhusan ng mainit na tubig ang kape.

“Maghintay sila kung kailan tayo dadating. Gagawin ka lang utusan do'n kung mas maaga tayong dadating kaysa sa kanila.”

Hindi na lang ako nagsalita at tinapos na lang ang ginagawa.

Tinapos na lang namin ang agahan. Simpleng t-shirt na puti lang ang suot ko at cargo pants. Habang si Mama naman ay puting dress na round neck, hanggang ibabaw ng siko ang sleeves, at knee-length ang laylayan. Nilugay niya lang din ang buhok niya at wala siyang ibang nilagay sa mukha niya kundi lipstick lang at blush on.

Kapag ganito ang hitsura ni Mama, bumabalik sa 'kin ang mga panahong hindi pa siya prosti. Mabait si mama, mahinhin, at binansagang hindi makabasag pinggan. Maganda rin. Pero dahil nga sa sitwasyon namin noon, napilitan siyang buhayin ako sa paraang alam niyang kikita agad siya ng maraming pera.

Habal-habal lang ang pwedeng sakyan papunta ro'n, at inarkila ni Mama ang buong motor para kaming dalawa lang ang makakasakay at para ihatid din kami hanggang loob. Halos kalahating oras din bago kami nakarating.

Huminto ang motor sa tapat ng pulang gate na may mga cyclone fences. Concrete ang bahay pero walang pintura. May mga tao sa loob at sa may bakuran na busy sa pagluluto. May nakapansin sa pagdating namin ni Mama at nagsipasok kaagad sila, siguro para ipaalam sa kapamilyang nandito na kami.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng eco bag na may lamang mga prutas. Kung hindi pa ako hinawakan ni Mama at hinila papasok, hindi ako makakagalaw.

Pagkapasok namin, nahinto sa pagtatawanan ang mga tiyahin ko at nagbaling ng tingin sa amin.

“Uy, hala. Nandito na pala kayo,” bati ni Tita Florence. Nakangiti siya sa 'min, aakalaain mong mabait siya pero sa utak niyan isang libong panglalait na ang ginawa.

Ang katabi niyang si Tita Amalia ay tumayo at lumapit sa 'kin. “Akin na 'yan, hija. Mukhang mabigat. Ano ba 'to?”

“Prutas,” tipid kong sagot at inabot na sa kaniya ang eco bag.

Lumabas mula sa kwarto si Anne na matulis ang eyeliner, at blonde ang buhok. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

“Sarisa! Bakit ngayon ka lang?” bati niya na para bang close kami. “Natagalan tuloy sa paghahanda sa pagkain. Kulang kasi ng katulong.”

Nagtagis ang bagang ko. May namumuong kung ano sa lalamunan ko, siguro ang pride kong hindi pumapayag na iniinsulto, pero nilunok ko na lang.

Hindi na nakisali ang ibang kamag-anak namin pero alam kong marami na silang sinasabi dahil sa paraan ng tingin nila.

Kararating lang namin pero gusto ko na kaagad umalis.

“Tapos nang lutuin ang lahat ng putahe at nahanda na ang lamesa!” sigaw ni Tita Marie na nasa kusina. “Kain na tayo, dali na!”

Mahaba at malawak ang wooden table dito sa bahay ni lola, at halos kasya kaming lahat. Nakaupo sa dulo si Tita Florence at katabi niya ang asawa niyang si Tito Rickie, at ang anak nilang si Matthew. Sa kanan ng table, sa tapat namin, nakaupo si Tita Amelia at ang anak niyang si Anne, ang bunsong kapatid nitong na si Arnold, at ang asawa ni Tita na si Tito Ramon. At ang nasa tabi naman namin ay si Tito Joel, ang asawa niyang si Tita Marie, at ang anak nilang si Marco at Vera. Nasa pinakagilid kaming dalawa ni Mama.

Tahimik lang kaming kumain ni Mama habang busy sila sa pag-uusap sa mga buhay nila. Pakiramdam ko nga hangin lang kami. Ayos lang din, dahil baka maubusan ako ng pasensya sa kanila.

“Wow! Grabe!” exaggerated na pagkasabi ni Tita Florence. “Sa La Salle mag-aaral si Anne?! Grabe, mahirap d'yan makapasok!”

Tumawa si Tita Amelia. “Sus! Mas mahirap nga 'yang kay Matthew dahil sa Siliman nag-aaral. Sure ako mahal d'yan.”

“Hay, naku, sinabi mo pa! Ang mahal ng tuition at may bayad pa ang exams palagi! May projects pa 'yan. Mabuti nga't nakayanan namin ni Rickie. Mahal talaga rito. Mahirap pa maka-survive sa kurso niya. Balita ko mga sampu na nga lang sila, eh.”

Tumawa si Tito Joel. “Diyan ko nga rin sana papaaralin itong sina Marco at Vera, kaso gusto nila sa Riverside, eh. Maganda rin naman sa Riverside.”

“Ikaw, Sarisa, saan ka magkokolehiyo?”

Nahinto ako sa pagkain nang marinig si Anne na nagtanong. Nang nag-angat ako ng tingin, nag-aantay na silang lahat ng sagot ko.

“Uh... Kahit saan, kung saan ako papasa. Senior high pa naman ako sa susunod, hindi ko na muna poproblemahin ang kolehiyo.”

“Hmm... plano mo bang diyan pa rin mag SHS sa hindi kilalang school?” may pangungutya sa tonong tanong niya. “Mag STI ka kaya next year? Kaya mo naman siguro? Kaya naman siguro ni Tita?”

Tumawa si Tita Florence. “Kaya pa ba? Eh, kahit binibenta na nga niya ang katawan niya, hindi pa rin sila nakakaalis sa skwater!”

Nagtawanan silang lahat. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara.

“Grabe. Hindi ka pa rin ba nahihiya, Susan? Dalaga na ang anak mo, marunong na 'yan mahiya,” sabi naman ni Tita Amelia.

“Ano pa bang aasahan d'yan? Hindi 'yan nakapagtapos kahit highschool na lang sana.” Umiling si Tito Joel. “Maaga pang lumandi. Ayan tuloy, nagkaanak na walang asawa.”

Gusto kong sumagot na kaya lang naman hindi nakapagtapos si Mama dahil mas pinili niyang isuko ang kinabukasan niya para mapag-aral nina lola ang mga kapatid niya. Mas pinili niyang buhayin ang sarili dahil noong mga panahong 'yon, sinabihan siya ni lola na tumigil na lang dahil patatapusin muna ng highschool si Tito Joel.

Si Tita Amelia, maaga rin namang nagkaanak. Third year college siya no'n. Hindi na nakapagtapos pero dahil nakapag-asawa ng masipag na lalaki, yumaman sila.

“Kaya ikaw, Sarisa...” Tinuro ako ni Tita Florence. “Huwag ka diyang gumaya sa nanay mo, ha? Tama na 'yong siya lang ang kahihiyan dito sa pamilya.”

Hindi ko na kaya.

Binitawan ko ang kutsara at saka ako humigit ng malalim na hinga, at malakas na ibinuga. Nakangiting nagbaling ako ng tingin sa kanila.

“Tita, alam mo ba na inggit na inggit ako sa inyo dahil mayayaman kayo?” sarkastikong sabi ko pero dahil bobo at tanga siya, akala niya seryoso ako.

Tumawa siya. “Kung mas pinili lang sana ng mama mo mag abroad kaysa maging puta--”

“Pero Tita, hindi ba may mall sa Bacolod?”

“Malamang. Syudad 'yon, eh.”

“Baka may store sila ro'n na nagbebenta ng respeto. Bilhin mo po lahat tutal mayaman kayo .Kasi feel ko hindi ko kayang ibigay 'yon sa inyo kahit kailan.”

Nanlisik ang mga mata niya sa 'kin. “Aba! Itong batang 'to! Edukada ka nga pero walang respeto!”

“Baka nakakalimutan mo, Tita, kung paano naging kayo ni Tito Rickie? Gusto mo ipaalala ko sa 'yo kung paano mo siya inahas sa kaibigan mo dahil seaman siya?”

“Sarisa!”

“At ikaw, Tito Joel, hindi ikaw ang mayaman. Si Tita Marie ang mayaman, siya ang bumubuhay sa 'yo dahil isa kang dakilang tamad at adik. Kung hindi mo nabuntis si Tita, baka nga hindi 'yan magpapakasal sa 'yo.”

Mabilis na tumayo si Tito at sa isang iglap, naramdaman ko na lang na humapdi ang pisngi ko at nahihilo ako.

“Wala kang respeto kang bata ka! Parehas nga kayo ng nanay mo, mga puta at salot sa pamilya!”

Napatayo na rin ako. “Oo! Puta ang nanay ko pero mas gugustuhin ko pang lumaki sa kagaya niya kaysa sa inyong mga ugaling masahol pa sa putangina! Kung may salot man sa pamilyang 'to, kayo 'yon, hindi kami!”

“Lumayas kayo dito!” Tinuro niya ang pinto.

“Oo! Lalayas talaga kami at hinding-hindi na kami babalik dito! Nagpaplastikan lang naman kayo dahil gusto n'yong angkinin ang ari-arian ni lola!”

Mabilis akong tumalikod at nagmartsa palabas. Gusto ko nang umuwi. Kahit lakarin ko pa hanggang proper mula rito, wala akong pakialam basta makauwi ako.

Nakalayo na ako sa bahay nang hilahin ni Mama ang braso ko.

“Sarisa! Bumalik ka ro'n at mag-sorry ka!”

“Ma!” sigaw ko, nanginginig na ang boses sa matinding galit. “Ininsulto ka na nga ro'n, gusto mo pang bumalik ako? At, ako pa magso-sorry? Sila nauna!”

“Pero pamilya--”

“Tang inang pamilya 'yan!” Tinabig ko ang kamay niya. “Dahil lang sa pamilya no sila, hahayaan mo na lang na pagsalitaan ka ng gano'n? Na saktan ka? Tangina.”

“Sarisa! Hindi kita pinalaking ganito!”

“Pinalaki mo akong maging totoo at matapang para maipaglaban ang sarili. 'Yon ang ginawa ko, Ma!”

Hindi siya nagsalita. Tumulo ang mga luha niya. Mas lalong sumikip ang dibdib ko.

Napayuko siya. “Kapag... kapag graduate ka na ng highschool, titigil na ako.” Nag-angat siya ng tingin. “Kailangan ko lang mag-ipon ng pang college mo, Sari.”

“Ma, matalino at masipag itong anak mo! Kaya kong makapasok sa isang full scholarship, at pwede pa akong magtrabaho habang nag-aaral!”

Umiling siya. “Ayokong may iba kang iniisip bukod sa pag-aaral. Ako dapat ang magtatrabaho. Mag-aral ka, 'yan lang ang gagawin mo. Kailangan kitang bigyan ng hayahay na buhay.”

“Ma, ni isang beses hindi ako nanghingi sa 'yo nang kung anu-ano. Tinatanggap ko lahat ng kung anong kaya mong ibigay. Hindi mo kailangang ipilit sa 'kin ang magbuhay mayaman dahil maayos naman akong lumaki kahit hindi tayo mayaman. Ikaw lang naman ang kailangang ko, hindi ko kailangan ng buhay na marangya pero ikaw naman ang kapalit.”

Napalunok siya. “Sari, anak...”

“Uuwi na ako. Sundan mo ako kung gusto mo na ring umuwi. Bumalik ka ro'n kung ayaw mo.”

Lumakad na ako paalis. Tinatawag ako ni Mama at pinapabalik, sinabi niya ring walang traysikel o motor kaya hindi ako makakauwi kaagad pero hindi ko siya pinansin.

Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko habang naglalakad ako. Pinupunasan ko naman ang mukha. Mainit ang panahon dahil tanghali na, wala akong payong, pero wala akong pakialam. Mas mainit ang ulo at dugo ko.

Nakarating akong highway nang hindi ko namamalayan. Nilakad ko lang ang daan na aabot ng fifteen minutes kapag sasakay sa motor.

Saka lang ako nakaramdam ng pagod. Masakit ang mga binti ko. Ang dibdib ko. Ang ulo ko. Gusto ko na lang humiga at umiyak nang umiyak.

Nanghihina na ang mga binti ko, kaya napaupo na ako. Tinakip ko sa mukha ko ang mga palad at saka ako nagpatuloy sa pag-iyak.

Ano bang mali sa ginagawa ni Mama? Wala naman siyang nasirang pamilya o relasyon dahil sa ginagawa niya. Hindi rin naman siya madalas tumanggap ng ganoong serbisyo dahil dancer naman talaga siya sa bar. Naghahanapbuhay lang din naman siya, anong mali ro'n?

Napaigtad ako nang may naramdaman akong napakalamig na dumampi sa batok ko. “Putang--”

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa bibig ko naman dumampi ang malamig na bote pala ng C2. Nag-angat ako ng tingin sa may hawak no'n at handa na akong sigawan ito, pero natigilan ako.

“Why are you out here, crying? Ang init-init pa. You'll end up dehydrated.”

It was Marx. Nakasuot siya ng itim na hoodie na nakatabon ang hood pero hindi naka-zip kaya kitang-kita ko ang fitted na itim na shirt na suot niya. Naka-jogging pants din siya.

Concern flashed in his eyes. At that moment, the first thing that came into mind was to jump at him and hug him, but I chose not to follow my impulse.

“Ikaw? Bakit ka nandito?” Pinunasan ko kaagad ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.

Tinuro niya ang nasa gilid kaya napabaling ako ng tingin doon. Napakurap ako nang makitang malapit pala kami sa Malview, baka nakita ako ng mga taong nandoon na umiiyak.

“Stopping by before training starts,” sagot niya. Nilahad niya ang kamay niya. “Tayo ka na nga d'yan. Ang init-init, eh.”

Tinanggap ko kaagad ang kamay niya. The weather was so hot, and his hands were warm. The moment my skin touched his, there was some sort of comfort that spread into my body.

Tahimik lang kami habang hinihila niya ako papuntang Malview Cafe. Busy ang lahat sa pagpi-picture at wala silang pakialam kahit basang-basa ang mukha ko, iniisip siguro nilang pawis lang ako.

Pinaupo niya ako sa tapat ng table na kitang-kita ang mga bundok na view. Nakatitig lang ako sa view habang hinihintay siyang bumalik. At noong nakabalik na siya, may dala siyang tray na may dalawang bowl ng batchoy, dalawang bibingka, at kape.

“Baka lang gusto mo magkape, kasi I remembered you said nagkakape ka tatlong beses sa isang araw.”

Mahina akong natawa. “Libre mo 'to? Hindi 'to utang?”

“Yes. So eat them while they're hot.”

Nagsimula kaagad akong kumain noong nilapag niya na sa harap ko ang pagkain. Ngayon ko lang na-realize na gutom na gutom pala ako. Hindi rin kasi ako makakain nang maayos sa bahay na 'yon dahil sa mga kasama namin, at naubos ng paglalakad ang energy ko.

Umorder siya ng para sa kaniya pero hindi siya kumakain. Nakatingin lang siya sa 'kin. No'ng napansin niyang muntikan na ako mabilaukan, binuksan niya kaagad ang C2 at inabot sa 'kin.

“Ayaw mo niyan?” Tinuro ko ang bowl na nasa harap niya.

Hindi pa nga ako nagsasalita, tinulak niya na kaagad papalapit sa 'kin ang bowl at kinuha niya 'yong akin na wala nang laman. Pati ang bibingka na dahon na lang ng saging ang natira.

“Ubusin mo 'yan,” aniya.

“Salamat.” Humigop kaagad ako sa sabaw. “Alam mo, may realization ako ngayon. May mabait ka palang side, 'no.”

Tumawa siya. “Of course. Kaya nga crush mo ako, 'di ba?”

Pinanliitan ko siya ng mga mata. “Mabait ka sa 'kin ngayon kaya hindi kita papatulan.”

“I won't ask what happened for you to cry like that. Knowing you, you don't like being asked about things like that.”

Napabaling ako ng tingin sa C2 na kalahati na lang ang laman. “What if... I want you to ask me about it?”

“Will you tell me, then?”

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. He was already leaning on the table, ready to listen to me if I ever tell him. Ang mga mata niya nakatutok sa 'kin, na para bang napakahalaga ko at dapat akong unahin kahit anong mangyari.

Napakurap ako at saka tinuon na lang ang atensyon sa pagkain. “Joke lang! Naniwala ka naman agad. Uto-uto.”

Tumawa lang siya bago pinasok ang mga kamay sa bulsa ng jacket at sumandal sa upuan.

“As I thought. The Ophellia I know doesn't speak up about something like that even if you ask her a million times.”

Napaangat

You are reading the story above: TeenFic.Net