Chapter 07

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 07.

TAHIMIK LANG KAMING dalawa, magkatabi, at binabasa ang study material. No one dared to speak a word, and he doesn't even want to look at my way. I mean, bakit naman siya titingin sa 'kin? Wala naman siyang pakialam. At ganoon din ako, wala akong pakialam sa kaniya, kaya kahit nabibingi na ako sa katahimikan, hindi ako nagsalita. I remembered him saying he doesn't want anyone disturbing him when he's reading, kaya hindi na rin ako nagtangka.

Noong bumaba na si Ma'am Hernandez, nagsimula na kaagad kami sa practice. At first, everything was fine, and I was calm. But the moment he started answering faster than me, my competitive side kicked in at nagsimula akong mainis sa kaniya. Kaya ang ending, nasesermunan kami ni Ma'am dahil masyado raw kaming seryoso sa practice. Well, wasn't it a good thing? Para kung sa totoong quiz bee na, mabilis na siya.

Our supposed to be one hour of practice lasted for three more hours dahil nga palagi kaming napapagalitan at umuulit kami sa simula. Kaya imbes na makauwi ako nang maaga, sinabihan na lang ako ni Ma'am na rito na lang matulog at sabay na lang ako sa kanila papuntang school bukas.

To: Mama

Ma, wala ako sa bahay ngayon. Nandito ako sa bahay ng principal namin dahil may practice para sa quiz bee, at dito na rin ako matutulog. Bukas, sabay daw ako sa kanila papuntang school.

After I sent that message to my mother, she only replied with a thumbs up. As usual. Napabuga na lang ako ng hangin bago ibinagsak ang katawan sa kama. I was a bit surprised when I felt the bed bounced. Kaya bumangon ako at saka patihaya naman ibinagsak ang katawan, at saka inamoy ang kumot.

Nasa guest room ako ngayon, katabi ko lang ang kwarto ni Marx. I don't know if the walls are thin, or his just playing in high volume, pero naririnig ko mula rito ang sound effects ng nilalaro niya. I could even hear his voice faintly, but it was too muffled I couldn't actually understand what he's saying.

I shifted my body and faced the wall where the sounds were coming from. Hindi ko alam na naglalaro pala siya ng video games. Sa utak ko, isa lang siyang studios na estudyante na kaunti na lang magiging kamukha niya na ang mga mukhang nasa libro dahil 'yon palagi ang kaharap niya. He's privileged enough to even have the time to play video games while being a really, really excellent student. It makes my blood boil.

Napanguso na lang ako. Kinuha ko ang isang unan at niyakap bago pumikit, kaso ilang minuto na ang dumaan, hindi talaga ako makatulog. Siguro kasi naninibago ang katawan ko. Gusto ko ring kumain, dahil bigla akong nakaramdam ng gutom. Kanina kasi sa dinner, hindi ako kumain nang maayos dahil nahihiya ako kay Ma'am.

Iminulat ko ang mga mata ko. Bumangon ako at saka dinampot ang cellphone para mag-send ng message sa unang taong naisip ko.

To: Marx Gian Hernandez

Hoy. Alam kong gising ka pa. Naririnig ko ang ingay mula sa kwarto mo.

Hindi kami friends sa Facebook. Ni hindi ko alam kung mababasa niya ba itong message ko. Pabalik na sana ako sa paghiga nang tumunog ang phone ko. May reply kaagad mula sa kaniya.

Marx Gian Hernandez:

?

Napanguso ako. "Pati ba naman sa chat masungit pa rin."

Me:

Nagugutom ako. :(

Marx Gian Hernandez:

And? Problema ko ba 'yan?

Mas lalong humaba ang nguso ko. Hindi na lang ako nagreply sa kaniya. Pinatay ko na lang ang cellphone ko at saka ako bumalik sa pagkakahiga. Itutulog ko na lang 'tong gutom ko, sanay naman ako.

Mga ilang minuto lang ang lumipas, hihilain na sana ako ng antok, pero nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Bumangon kaagad ako, at saka binuksan ang pinto.

And when I saw his grumpy face, I instantly smiled. "Hi!"

He sighed. "Wait for me inside my room."

Sasagot na sana ako pero umalis na siya kaagad. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin, pero ginawa ko na lang din ang sinabi niya.

Pagkapasok ko sa kaniyang kwarto, natutulog si Cora sa kama niya, pero nagising noong binuksan ko ang pinto. Napangiti ako at kaagad na lumapit sa pusa. Pagkaupo ko sa kama, kaagad naman nitong dinikit ang katawan sa braso ko.

"Hello, Cora!" I rubbed her head. "So happy to see you again, baby girl!"

She purred and rubbed her body more on my arm. Pumatong pa siya sa hita ko. She massaged my thighs for a few seconds before laying down and going back to sleep again.

Habang hinahaplos ko ang balahibo ng pusa, nilibot ko ang paningin sa kwarto ni Marx. I've already seen his room before, and it's still the same. Nakabukas ang computer niya at ang nakalagay sa screen ay ang lobby ng nilalaro niyang online game. At noong dumapo ang paningin ko sa nightstand, may napansin akong frame na hindi ko napansin dati.

It was his baby photo. Buhat-buhat siya ni Ma'am Hernandez habang pareho silang nakatayo sa harap ng kulay blue na cake, at ang shape ng candle ay number one. Sa picture, nakatitig lang sa apoy mula sa kandila si Marx at nakaangat ang isang kamay na para bang inaabot niya ang kandila, habang si Ma'am naman ay aktong hihipan na ang kandila.

"Hmm. Cute mo pala no'ng baby ka pa," I mumbled. "Ngayon kasi mukha ka nang dragon."

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakaupo ro'n at hinahagod lang ang pusa, basta nakaramdam na lang ako ng pangangalay ng mga hita. Gusto ko nga rin sanang bumaba dahil parang natatagalan na si Marx, kaso tulog pa si Cora at ayaw ko namang distorbohin.

Kaso noong ibababa ko na sana si Cora, bumukas ang pinto at finally, pumasok na si Marx. Bumaba kaagad ang paningin ko sa hawak niyang tray na may tig dalawang plato na may pagkain at baso ng tubig, at mga kubyertos.

The smell of the food instantly attacked my nose. Napakurap pa ako dahil nakita kong umuusok pa ang pagkain!

"Ano 'yan?" tanong ko kaagad habang nakatingin sa kaniyang naglalakad papalapit.

Hindi siya sumagot. Nilapag niya lang ang tray sa study table katabi ng PC set niya. Nakapameywang siyang humarap sa 'kin pagkatapos.

"Eat here. I don't want any ants crawling on my bed," aniya at saka siya umupo sa gaming chair niya.

Binuhat ko na lang si Cora at saka ako tumayo para lumipat sa study table niya. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang bagong lutong spaghetti na nakahain.

"Woah! It looks delicious!" sabi ko habang nakatitig sa pagkain.

"Of course, it is," aniya kaagad. "Ako ang nagluto niyan, kaya dapat lang."

Sinimangutan ko siya. "Hahayaan kita ngayon dahil gutom ako." Dinampot ko ang tinidor. "Salamat dito, Chef. Kakain na ako!"

Sumandok na kaagad ako at saka sinubo. Napapikit ako at muntikan na tumili dahil totoo nga ang sinabi niya, masarap nga. Dagdag pang matamis ang spaghetti, at may maraming cheese!

"Hoy, gagi, ang sarap nga!" Napatakip na ako ng bibig gamit ang kamay. "Gosh! Ganitong pagkakaluto ng spaghetti ang gusto ko! Paano mo nalaman?!"

Nagsimula na ang game niya kaya nang sumagot siya, hindi siya tumingin sa 'kin. "I figured you like sweets, since you ate all of Mommy's brownies earlier. I'm glad na pasok naman pala sa panlasa mo."

"Grabe!" Sumandok ulit ako sa spaghetti at saka sumubo. "Ang sarap talaga! Pwede ka na mag-asawa!"

Dahil sa sinabi ko, napabaling na siya ng tingin sa 'kin. I smirked. "Will you marry me ba?" I teased.

Sumimangot kaagad siya at binalik na lang ang paningin sa laro niya. Other than seeing his annoyed face whenever I beat him during quizzes and exams, seeing him annoyed whenever I tease him is another addition to the things that give me a serotonin boost.

Natahimik na ulit kaming dalawa dahil busy siya sa laro niya, at ako naman ay busy sa pagkain. Nagsalita lang yata kami no'ng tinanong ko siya kung kakainin niya ba 'yong kaniya, na sinagot niya namang kainin ko na lang daw kasi masyado rawng matamis ang spaghetti para sa kaniya, which I happily obliged. Busog na busog ako pagkatapos, ni hindi ako makatayo dahil sa sikip ng tiyan ko.

"If you're done eating, go back to your room now," aniya.

"Hindi pa pwede. Busog pa ako. I need at least two hours before I go to bed."

"Pero malapit na mag eleven. Hindi ka pa inaantok?"

I smirked. "Maaga pa 'yang eleven kapag sa orasan ko, Hernandez."

"Still, go back to your room. Doon ka na magpahupa ng kabusugan."

Napanguso ako. "Ayoko. Wala akong libangan doon." Napabaling ako ng tingin sa bookshelf niya. "Dito na muna ako. Pahiram nitong libro mo."

"Fine. Do whatever you want."

Inabot ko ang isang libro na nakakuha ng atensyon ko at sinubukang basahin. Pero napasimangot na lang ako dahil self-help book ang nakuha ko. "Ano ba 'yan! Wala ka bang ibang libro rito? Wala kang kahit isang fiction?"

He sighed. "Top shelf."

Mabilis naman akong tumayo para abutin ang ibabaw ng shelf. And true to his words, may fiction nga siya rito. Kaso mukhang mystery yata ang paborito niyang genre. Kaya ang pinili ko na lang ay ang Sherlock Holmes na libro. Nakadekwatrong umupo ako ulit sa harap ng table at sinimulan nang basahin ang libro.

I was already in the middle of the story when I decided to stop. Hindi dahil sa hindi ako interested sa binabasa, kundi dahil sumakit na ang mga binti ko. I put my legs down, at babalik na sana ako sa pagbabasa nang napansin ko ang 5x5 na Rubik's cube na nasa likod ng naka-pile niyang mga libro at notebook dito sa study table. I suddenly thought of a silly thing, so I smirked before grabbing the cube.

Tahimik ako habang ginagalaw ang cube at binubuo ang naisip ko. I've watched a lot of Rubik's cube pattern tricks before, at naaalala ko pa ang iba ro'n. It took me almost ten minutes to finish assembling the cubes, and I smiled when I saw the result.

Napabaling kaagad ako ng tingin kay Marx na nagsasalita na ngayon sa mic mula sa headphones niya. So I silently slid the cube and put it beside his monitor. It only took him a few seconds to notice it, at magkasalubong ang mga kilay na napabaling kaagad siya ng tingin sa 'kin.

I grinned from ear to ear, then formed a heart shape with my hands. Sumilip ako sa butas ng finger heart ko, at saka ko siya kinindatan. He just sighed.

Marahan akong natawa. Bumuo kasi ako ng shapes sa Rubik's cube niya. I at U sa dalawang magkatabing gilid, at heart naman sa tuktok na kulay red. And if you place if properly in front of him, it'll read "I ♥️ U" in his view.

Bumalik na lang ako sa pagbabasa pagkatapos, dahil baka masampal niya ako ng keyboard kapag didistorbohin ko pa siya sa paglalaro niya. Lumipat pa ako sa kama niya para komportable ako habang nagbabasa. Sumama pa sa 'kin si Cora at humiga sa tabi ko.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nagbabasa. Ni hindi ko nga namalayang nakatulog pala ako habang hawak pa rin ang libro. Nagising na lang ako na umaga na pala. Nagising ako dahil dinidikit ni Cora ang katawan niya sa mukha ko.

Wala na si Marx sa kwarto noong nagising ako, at ang uniform ko naman ay plantsado na na nakasabit sa gaming chair niya. Malapit na rin mag-alas syete kaya nagbihis na lang ako kaagad. Iniwan ko ang pantulog na ginamit ko sa guest room, bago ako patakbong bumaba at naabutan ko silang kumakain ng agahan, kaya sumabay na ako.

Sa mga sumunod na araw, ganoon na ang naging routine namin. Kada tapos ng klase, sumasama ako kina Ma'am Hernandez para sa practice namin. Nasanay na nga ako at feeling ko miyembro na ako ng pamilya nila. Close na rin kami ni Cora, dahil binibisita niya na rin ako sa guest room at minsan ay sinasalubong niya ako sa hagdan.

At noong Science Day, I was looking forward for the quiz bee and I was rooting for Marx. And as expected, he won the quiz bee. Sobrang saya ko dahil may ambag ako kaya siya nanalo. Kung hindi dahil sa pagiging opponent niya during practice, baka hindi siya nanalo.

The Science Day was only a half day event, kaya noong naghapon na ay back to reality na kaagad. Ni hindi ko man lang nalubos ang araw ng isa sa subjects na interested ako.

"Ikaw ha," ani Tattiana noong sabay kaming naglalakad palabas ng school. Uwian na at gusto niyang samahan ko na naman siya sa 7/11 dahil may gusto raw siyang ichika sa 'kin.

"Ano?" tipid kong sabi.

Pinanliitan niya ako ng mata at saka tinuro. "Umamin ka nga sa 'kin. Crush mo na ba si Marx for feal?"

I felt so offended that my jaw dropped, and I touched the invisible pearl necklace on my chest. "Ano!? Paano mo naman nasabi!?"

Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib. "Napapansin ko lang nitong mga nakaraang araw, hindi na peke ang pagngiti mo sa kaniya. At kung makalapit ka sa kaniya, parang close na close kayo. At isa pa, kanina sa announcement ng winners sa quiz bee, tuwang-tuwa ka na nanalo siya. Kung hindi ka sinapian o kung hindi nakain ng panis na kanin, ang normal mong reaksyon doon ay dapat mangalaiti sa galit dahil nanalo siya sa contest na originally ikaw ang pinili bilang rep."

Napairap na lang ako. "Syempre, dahil may ambag ako sa panalo na 'yon! Pati ako panalo na rin doon! Ilang araw ba naman kaming nag-practice para maging ganoon siya kabilis sumagot. Kung hindi dahil sa 'kin, third place lang siya!"

Tumango-tango siya, pero halata sa nakanguso niyang labi na hindi siya naniniwala.

I scoffed. "Ako? Magkakagusto ro'n? Never. Baka kay Venedict, pwede pa."

Parang ang laking chismis ng sinabi ko kung makasinghap si Tatti, kaya gulat na napahinto ako sa paglalakad. OA na naitakip niya ang mga kamay sa bibig niya.

"Oh, my god!" Tumalon-talon siya. "Crush mo si Ven? So meaning, same feelings na kayo? OMG!"

Mabilis akong lumapit sa kaniya at mas diniinan ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa bibig niya. "Tumahimik ka nga!"

"Oh, my god! Pero real nga? Crush mo?"

Hindi ko siya sinagot. Inirapan ko lang siya bago ako nagsimulang lumakad. Sumunod naman kaagad siya sa 'kin at kinukulit ako tungkol kay Venedict hanggang sa nakarating kami sa convenience store.

And speaking of the devil, nakasalubong na naman namin si Venedict sa entrance. Palabas na siya bitbit ang paperbag ng mga pinamili niya. OA na suminghap si Tattiana noong nakasalubong nga namin si Venedict.

"Ay! Hello, Venedict!" maarte at malisyosang bati ni Tatti sa kaniya. Yumakap kaagad siya sa braso ko. "What a coincidence na makita ka namin dito. Is this what they called... destiny?" Hinabaan niya ang pagkabanggit sa huling salita.

Napakurap si Venedict at nakita kong bahagyang namula ang mga taenga niya. Awkward siyang ngumiti. "Baka nga."

Napaawang ang mga labi ko nang biglang hampasin ni Tatti ang balikat ko. "Ano ba! Yiie!" aniya.

Napairap na lang ako at nagbaling ng tingin kay Venedict. "Nga pala. 'Yong panyo mo--"

Napasinghap si Tatti. "Anong panyo? Ano 'yan?"

"Ah, ano... Pinahiram ko siya ng panyo noong nakaraan," maagap na sagot ni Venedict sabay harap kay Tatti. "Nadumihan kasi ang uniform niya habang naglilinis siya ng bintana."

"Salamat ulit dito." Kinuha ko mula sa bag ko ang panyo niya na bagong laba na. "Nilabhan ko 'yan. Amoy Downy na ulit 'yan.

Malisyosang tumikhim si Tattiana. Gusto ko na lang siyang sikuhin.

Ngumiti si Venedict, at hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya nang nagmistulang crescent moon na naman ang mga mata niya.

"Hindi ka na sana nag-abala." Tinanggap niya naman ang panyo. "Sige. Mauna na ako, ah? Inutusan lang ako ni Mama bumili ng pang meryenda, eh."

Mabilis akong tumango. "Oh, sige. Salamat ulit."

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang lumakad na siya paalis. At noong nakalayo na siya, inaasar na naman ako ni Tatti dahil may pagano'n daw kami. Hindi niya ako tinitigilan kahit noong nasa loob na kami at namimili.

"Grabe! The chemistry!?" aniya habang namimili ako ng makakain sa shelf na puro chichirya. "Like, girl! Bagay kayo! Academically inclined and artistically inclined! Oh, my god! Bagay na bagay!"

Napabuga ako ng hangin. "Tumahimik ka nga. Daming tao rito, oh, mahiya ka naman." Lumakad na ako papuntang beverages section pagkatapos kong pulutin ang malaking pack ng cheese rings.

"Kasi naman girl! For the first time, may crush ka na, and si Venedict pa!"

Sasagot na sana ako, pero pareho kaming nagulat nang pabalang na sinara ng katabi namin ang pinto ng ref pagkatapos niyang kumuha ng bottled water. Nang balingan ko ng tingin ang lalaki para sana pagalitan, napakurap ako nang makitang si Marx pala 'yon.

"Hernandez? Anong ginagawa mo rito?"

As usual, he's grumpy na naman. Ni hindi niya ako sinagot. Tumalikod siya at umalis na para bang hangin lang ako!

"Patay," bulong ni Tatti. "Narinig niya kaya tayo?"

Tinapunan ko kaagad siya ng matalim na tingin. "Sa tingin mo?" sarkastikong tanong ko bago dumampot ng softdrinks at pabalang din na sinara ang pinto.


You are reading the story above: TeenFic.Net