#9

Background color
Font
Font size
Line height

I can't believe this!

I'm really inside a tricycle. Ang katulad ko ay nasa sasakyan ng mga cheap!

"Omg! Hindi siya nakaka-rich! Mainit tapos ang dumi!" I almost freaked out. Kalawang kalawang na ang tricycle and panigurado hindi sanitize 'yong mga upuan dito. Everything is cheap!

"Ang oa mo"

Sinamaan ko ng tingin si Rhyme na may blanko ang mukha habang katabi ko.

Mas lalo lang nakakairita dahil magkadikit na magkadikit ang balat namin dahil magkatabi kami.

"Anong oa?! Kinidnap mo ako!" Halos lumabas ang ugat ko sa leeg sa inis.

"Tss....pakipot ka pa, gusto mo naman"

I scoffed. Sobrang nababanas ako sa kaniya.

What's with the teasing now huh?!

"Anong gusto? I can call a police!"

"Edi gawin mo" He sound so confident na parang alam niyang hindi ko gagawin 'yon.

Napa-face palm na lang ako sa inis. "Sabi na kasing wala akong gagawin sa kaibigan mo"

"Just making sure"

"Arrggh!" Napapadyak na lang ako sa inis. 

"Huwag kayong magulo mga bata. Nayugyog ang tricycle" suway sa amin ng driver.

Napakrus na lang ako ng braso sa sobrang inis. This is too much for the day. Plano ko lang naman mag-pa-spa!

Tumigil kami sa isang fast food chain. Si Rhyme ang nagbayad ng pamasahe bago niya ako ulit hinila papasok.

"This is too oa. Wala nga sabi ako gagawin!" Giit ko pa.

"Paniwalain mo ang pagong"

Seriously! Ganoon niya protektahan ang kaibigan niya?

Hinila niya ako sa pinakasulok na table. Iniupo niya ako doon.

"Huwag kang umalis dito. Hintayin mo ako" aniya habang nakapatong ang mga kamay sa maliit n mesa.

"At bakit kita hihintayin?" Pinag-krus ko ang braso at pati mga hita

"Dahil kailangan kung hindi...." natigilan ako nang bigla siyan lumapit at bumulong sa tainga ko. ".....hahalikan kita ulit sige"

Literal na namula ako sa kaniyang sinabi.

"Nag-blush amp" mahina siyang tumawa bagong iniwan ako mag-isa doon sa mesa na iyon.

Napaawang na lang ang bibig ko. Mas lalong tumindi 'yong inis ko sa sarili ko. What the hell Tin! Come on!

Napaghahalataang masiyado kang apektado sa kiss.

Ayaw ko na kayang maranasan ulit 'yon. Yuck kaya.

Gusto ko magdabog at sumigaw sa inis. Kung ano-ano na atang mura at sumpa ang binigay ko kay Rhyme bago ko siya nakitang lumabas muli sa counter. Naka-uniform na siya. Natigilan ako saglit at napatitig sa uniform niyang medyo kupas na.

Cheap.

Napatitig sa akin si Rhyme. May pagbabanta ang mga mata niya. I only glared at him.

Inirapan ko siya bago ko tinutok ang tingin sa loob ng isang fast food chain.

So this is where he work? Hindi ko alam na isa pala siyang working student. Well, kaya nga siya cheap!

Kinuha ko ang cellphone para mag-chat sa driver ko na i-chat ko lang siya kung magpapasundo na ako.

Para tuloy akong nasa disciplinary room na pinaparusahan habang mag-isa dito sa sulok. Maya't maya rin kasi ang check sa akin ni Rhyme habang nagtatrabaho siya.

Binabantayan niya talaga ako.

I watched Rhyme do his work. Naglilinis siya ng mga table ng mga umalis na customer, nagma-map ng floor at nag-aassist sa mga customer. He's greeting the customer with a wide smile on his face. 

Wow. Nakaka-ngiti pala siya ng ganiyang kalaki.

May mga babae, mostly mga ka-edad namin ay lumalapit sa kaniya. 'Yong sa kabilang table nga na katabi ko ay pinag-uusapan siya.

"Ang pogi no'ng service crew. Hingin mo number dali!"

"Hala ka. Kahiya kaya!"

I cleared my throat. Napatingin sila sa akin.

"Bakit kayo gwapong gwapo sa kaniya? He's not handsome!"

Weirdo lang na tumingin sa akin ang dalawang babae bago nagbulungan lang sila ulit.

Bumuntong hininga ako. Medyo nagugutom na ako.

"Pst!" Tawag ko kay Rhyme nang dumaan siya sa harap ko.

"Oh?" Masungit niyang sambit.

"I want to order"

"Pila ka" itinuro niya ang counter.

"Tinatamad ako. Order mo na lang ako"

"Ano ka? Chicks?" Kumunot lang ang noo niya bago niya ako iniwan.

I scoffed in disbelief.

He's so rude!

Papadyak akong umalis sa table ko. Sabi niya kanina bawal ako umalis hmp!

Umorder ako sa counter. I ordered hamburger and fries and a coke float as my drinks.

Puro unhealthy but this will do.

Bumalik ulit ako sa table ko pagka-received ng aking order. Ilang minuto lang din naman ang tinagal ay nai-serve ni Rhyme ang pagkain sa table ko.

Padabog pa niya ibinaba ang tray sa table.

"Is that how you treat your customer huh? Ilapag mo 'yan ng ayos"

Rhyme sighed. Halatang wala itong gana.

I tsked. "Ah gano'n, sumbong kita sa manager—"

"Joke lang. Hindi mabiro" kita ko ang pekeng ngiti niya sa mukha. "Eto na po kamahalan ang inyong order. Enjoy your meal" mas maingat na niyang nilapag ang tray.

Ngumiti ako ng matamis. "Thanks"

Bago siya umalis ay may sinabi pa siya. "Mabulunan ka sana"

Nawala kaagad ang ngiti ko. I scoffed. Isusumbong ko talaga siya sa manager. Kailan pa siya naging mapang-asar?!

I was...so irritated at him! Kumakain tuloy ako ng burger na may sama ng loob. Na-stress ako! Dapat nasa spa session ako today e.

I spend my time on social media. I take a few selfie, just appreciating my beauty. Umalis lang ako saglit para magpunta sa cr. Nakita pa ako ni Rhyme na kaagad humarang sa dinadaanan ko.

"Saan ka pupunta?"

"Mag-CR"

"Bumalik ka doon pagkatapos"

"Sino ka para sundin ko?" 

"Hahalikan kita sige" banta niya pa.

"Iww!" Kaagad ko siyang tinulak palayo at nagpunta sa cr.

Dapat hindi ko siya hinalikan pabalik. Ang tapang-tapang niya tuloy ngayon. Hindi naman kasi dapat gano'n. Ang confident tuloy niya.

Nag-retouch ako dahil namumutla na ako. Pagkatapos ko umihi ay bumalik ako sa table. I waited like an idiot there.

Bakit nga ba hinihintay ko siya?

I sighed before resting my eyes a little bit. Ipinatong ko ang mga brsso sa mesa at doon sumubsob. I feel sleepy all of a sudden hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako.

Naalimpungatan lang ako nang mayroong tumutusok sa pisngi ko. I creased my forehead before slowly opening my eyes.

Noong una ay malabo ang aking paningin pero nang luminaw iyon ay hindi ko mapigilan ang paglakas ng tibok ng aking puso nang makita ang mukha ni Rhyme na malapit sa mukha ko.

"Gising" aniya.

Napakurap ako ng ilang beses bago ako natauhan at tinulak siya.

"Back off!" I said in digust.

Kaagad siyang lumayo.

Kaagad kong tiningnan kung nasaan ako at naalala ko palang nasa restaurant pa rin ako. I stretched my body. Nangimi pa ang braso ko sa tagal kong nasa ganoong position. I stretched my body. Ngalay na ngalay ito.

"Sarap ng tulog a" komento pa ni Rhyme na hindi na naka-unipormeng pang service crew. Mukhang tapos na ang shift niya.

"What time na?"

"Alas dies na ng gabi"

"What?!" Kaagad kong inayos ang mga gamit ko. "Let's go na" 

Kinuha ko ang cellphone at nakita ko na maraming chat sa akin ang driver ko.

Kaagad ko siya tinawagan pabalik. I don't know if he's awake pa rin.

"Hi kuya!" I called when he answered my call.

[Nasaan po kayo ma'am? Hindi ko po kayo ma-contact]

"Nakatulog kasi me. I'm at my..." tumingin ako kay Rhyme na napasuplado ng mukha. "....friend house"

[Okay po. Uwi po ba kayo ngayon ma'am?]

"Uuwi ako. Papahatid na lang ako sa 'friend' ko" halos masuka ako sa word na friend. Sumalubong ang makapal na kilay ni Rhyme sa sinabi ko.

[Sige po]

Pinatay ko na ang tawag bago tumingin kay Rhyme. "I-uwi mo ako"

"Bakit ko gagawin 'yon?"

I looked at him ridiculously. "Ikaw ang nagdala sa akin dito"

"Sinabi ko bang ako rin ang mag-uuwi sa'yo?"

I scoffed. "So sama ng ugali ah! Sinabi ko na sa driver ko na ikaw ang maghahatid sa akin"

He gave me smug look. "Bakit? Friends ba tayo? Kasalanan ko din ba na hindi ka na nagpahatid sa driver mo"

"I waited for you! Wala ka man lang ba kaunting consideration?"

"Pwede ka namang umalis ah? Bakit hindi mo ginawa? Sino ba may sabing hintayin mo ako hanggang matapos ang shift ko"

Kinuyom ko ang kamao. Sobrang nakakairita siya.

Oo nga naman. Bakit ko siya hinintay? I'm so stupid!

"Ayaw kong halikan ka...kaya hinintay kita!" Depensa ko pa.

"Sabi ng unang humalik sa akin"

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. "Bahala ka diyan! Uuwi na ako!"

Hiyang hiya na ako. I hate it that he could do this to me.

Kinuha ko na ang gamit ko at nauna na akong maglakad paalis ng gusali na iyon nang hawakan niya ang pulsuhan ko.

"Ano na naman?!" Inis kong sambit.

May lihim na pang-aasar ang mga mata niya. "Hatid na kita. Baka maging kasalanan ko pa kapag napahamak ka sa daan"

"Ofcourse it's your fault!" I shouted.

"Wala nga lang ako car" pinaarte niya ang salitang 'car' "kasi cheap ako hindi ba?"

Naiinis kong winaksi ang kamay niya sa pulsuhan ko.

"Fine. That will do! Just....bring me home"

Mahina siyang tumawa. "Sige po prinsesa" 

I rolled my eyes.

Nakakainis siya from the 10th power!


You are reading the story above: TeenFic.Net