#7

Background color
Font
Font size
Line height

"Are you okay Tin?" Medyo kabado na si Venice habang nakatitig sa akin.

I'm fuming mad. Ramdam ko kung paano kumukulo ang dugo sa galit. That cheap! How dare him!

"Kumalma ka. Bakit ba galit na galit ka?"

Venice continue to make me calm but she's not helping. Mas lalo akong naiinis.

"He's getting on my way damn it!"

How dare him! Talagang nakipagbugbugan siya dahil sa Mila na 'yon?

Feeling pa-hero?

Kumunot ang noo niya. "Huh? Sinong him?"

Kinuyom ko ang kamao. "My god Venice! Kilala mo na kung sino 'yon?!"

Umaktong nagiisip ang babaita hanggang sa nakuha ang tinutukoy ko. "Ah...si Rhyme. Bakit? Anong nangyari?"

"I'll tell you later. Wala ako sa mood"

Ngumuso na lang si Venice ang tumango. Mga ilang minuto pa ng lumipas bago bumalik ang adviser kasama si Rhyme.

Nakabenda na ang sugat niya sa kamao at may band aid na rin ang mga sugat na natamo niya.

Agad kong pinukol ng masamang titig sa binata. Nagtama ang tingin namin kaya binigyan ko siya ng irap.

Lagot ka sa akin mamaya.

"Matatapos na ang oras at mukhang di na ako makakapagturo pa, magpapahomework na lang ako." Bumaling ang guro kay Rhyme. "Okay Mr. Delos Reyes, kindly take a seat at tungkol sa napag-usapan natin....'wag mo na ulit gagawin 'yon"

"Yes ma'am" sagot ni Rhyme na umupo na kanyang upuan.

"Rhyme anong nangyari sayo?"

"Sinong gumawa niyan sayo?"

Tanungan ng mga girls sa likod na nakikiusyoso at feeling concern sa cheap na yun.

Muli akong lumingon sa banda nya. Nagtama ulit ang tingin namin. Just like before, seryoso at masyadong nakakaintimidate itong tumitig.

Sinamaan ko siya ng tingin bago muling umirap.

"And by the way, before our class dismissed, mag-aassign ako ng tao para sa election niyo. Make sure na iluluklok niyo sa position ay matino. And bago pala ako umalis uunahin ko na mag-assign for escort and muse for the intrams." Tumingin ang aming adviser sa akin.

"Ms. Villafuerte is it okay if I choose you to become the muse?"

Tumango lang ako. Hindi ko ibibigay ang position na muse sa mga pangit kong kaklase. Bagay lang sa ganda ko noh.

"And Rhyme, would you mind if I choose you to become the escort?"

Lahat nakatingin kay Rhyme na napakamot lang ng ilong na may kaunting ngisi sa labi. "Mukhang hindi ako bagay diy-"

"Sige na Rhyme. Bagay sayo!"

"Sayang lang at si Christine ang muse"

"Go na Rhyme. Support ka namen!"

"Kami bahala sa funds at costume na susuotin"

"May consolation price 'yon!"

"Ako na lang po ma'am kapag ayaw ni Rhyme" sabat pa ni Jude, isa sa mga kaklase naming may gusto sa akin. Kinukulit pa ako niyan sa messenger pero hindi ko nirereply-an.

"Magkano po ba consolation price?"

"Hindi ko pa alam nak pero 5 digits. Sayang din."

Nangingising tumango si Rhyme dahilan para maghiwayan sa buong classroom.

Umirap na lang ako. Siya pa nga ang kapartner ko sa intrams!

Ang cheap niya!

____

After two subject, sa wakas, ay tumunog na din ang bell. Nangangahulugan lang na recess na.

"Hi Christine, baka gusto mo magrecess?" Lapit sa akin ni Jude.

Jude is handsome. Sikat din siya na maraming followers but he is really not my type. Alam ko playboy daw ito.

"Maybe nextime" sagot ko sa kaniya.

Ngumisi lang siya bago tumango. "Asahan ko 'yan ah"

I just nod before turning my attention at his seat. Nakita kong may dalawang babaeng kinakausap siya. Di ko marinig masyado pero sigurado kong dahil sa nangyari sa kanya kaninang umaga at sa pagiging intrams representative niya.

"Magrerecess ka ba Tin?" Tanong ni Venice na biglang sumulpot sa tabihan ko.

"No. May kakausapin pa ako. You go first. Ibili mo na rin ako" sagot ko.

Tumango lang si Venice na dali-daling lumabas ng classroom habang ako ay padabog na nagtungo sa pwesto niya.

Sino pa ba?

The only one cheap, Rhyme Dela Cruz

"Ehem" pukaw ko sa mga babaeng kinakausap siya.

Nakuha agad sa tingin ang dalawa na kusang umalis. Ngayon kami na lang dalawa ang nasa loob ng classroom.

Malakas kong hinampas ang desk niya, just to create a heavy atmosphere. "Bakit mo 'yon ginawa?" kalmado kong tanong but deep inside, I'm boiling.

Kita ko ang pagbuntong hininga niya at hindi man lang naintimidate sa akin bago tumitig sa akin. Humigpit ang hawak ko sa desk dahil naramdaman ko ang panghihina ng aking tuhod.

Fuck! Why the fuck I'm like this when our eyes met?

Naghintay lang ako ng sagot niya pero matamlay niya lang akong tinitigan. It looks like he's not interested.

Argh! This man is getting on my nerves.

Pinagmasdan ko ang kaniyang galaw habang ang aking isang kamay ay nakalagay sa arm rest at ang isa ay sa sandalan. Talagang nicorner ko siya para walang kawala.

"Tell me, sino ka ba para pigilan ang plano ko ha?" Medyo tumaas ang boses ko. I'm controlling my patience but this man is testing my limit.

Umigting ang kaniyang panga at biglang tumayo. Hindi agad ako nakaiwas. Dahil sa pagtayo niya ay nabuwal ang pagkakahawak ko sa arm rest at sandalan niya kaya nawalan ako ng balance. It's too late para pa maayos ang posture ko dahil tumama na ang aking puwitan sa sahig.

"Ginawa ko yun dahil mali ka" mahugong niyang ani bago isinukbit ang bag nya na handa ng umalis.

Kahit pa napahiya sa pagkakabagsak ay pinilit kong tumayo.

"So hindi pala mali ang makipag-away huh?" I crossed my arms as I block his way out.

Nagtagis muli ang bagang niya bago malamig na tumitig sa akin. "Hindi ko sinabing hindi 'yon mali pero ginawa ko 'yon para pigilan ka sa balak mo. Nananahimik na si Mila kaya tigilan mo na siya."

"Oh? Kilala mo sya? You sound casual while mentioning that Mila"

Tinaas niya ang kilay bago bored na tumitig sa akin. "Kaibigan ko si Mila may problema ba do'n?"

Akalain mo nga naman! Bakit hindi ko naisip 'yon? Kaya naman pala parehas sila ng ugali. They are getting on my way!

"Yes, I have a problem!"

"Lagi ka na lang may problema tss" bulong niya pa.

Aba! Bwisit talaga 'to!

Humakbang ako palapit at dahil matangkad siya ay hinawakan ko ang kwelyo niya palapit sa akin.

Aksidente kong nakita ang pagkaawang ng bibig niya sa biglaan kong paghapit sa kaniya. Napangisi ako dahil do'n.

I knew it. He's also thinking about that kiss.

Dahil medyo natuwa ako, mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya, just to see his reaction more but he already look at me at his usual stare.

With a disgust.

It's okay for me.

Atleast napatunayan ko na puro lang siya arte at lalaki rin siyang naaapektuhan.

Adorable

Oo. Hindi ko man gustong aminin pero ang 'adorable' niya sa aking paningin ngayon.

Tila nawala na ang dahilan kung bakit ko siya kinausap. Nawala na rin ang pagkairita ko.

Lumayo na ako sa kaniya at uniwas ng tingin.

"Papalipasin ko itong ginawa mo ngayon pero sa susunod na makielam ka, makakatikim ka na sa akin!"

Ng halik.

Kaagad kong iniling ang ulo at winaksi iyon sa aking isipan.

What the heck?

I should go out.

Kung ano na namang naiisip ko.

Akmang lalabas na ako ng hulihin ni Rhyme ang kamay ko kaya napalingon ako ulit sa kaniya.

"Ano 'yon?"

"Huwag mong gagalawin si Mila"

Umirap ako. "Hindi ko siya gagalawin. Tatakutin ko lang dahil bwisit ang kaibigan mo Rhyme. Siya ang may dahilan kung bakit kailanga—"

"Revenge is not good." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya tumalim ang titig ko sa kaniya.

Mukhang concern na concern siya sa kaniyang kaibigan. Bigla akong may naisip. Let's test him then.

"Sige, I'm not going to do anything to Mila but say please first. Apologize to me for the sake of your friend. You can do that?"

Kita sa mga mata ni Rhyme na ayaw niyang gawin. Kita din ang dilim sa kaniyang mukha.

Ngumisi lang ako habang pinapanood siyang mapikon at sinusukat ko din kung gaano kahalaga ang friend niya.

At nawala ang ngisi ko nang gawin niya nga.

"Sorry for Mila. Ayaw niya lang na tinatapakan siya kaya niya iyon nagawa." He cleared his throat. "So please....spare Mila"

He is persistent huh? Suddenly my anger towards Mila doubled.

Ang swerte naman ng babaitang iyon!

Kinontrol ko ang sarili. I can't burst my anger here.

"Fine..." Wala akong magagawa dahil ginawa niya. "Basta hindi na niya ulit ako babanggain, I'm okay with that"

Nagtiim bagang siya bago tumango. "Promise?"

Tumaas lang ang kilay ko. May kacorny-han rin pala ang cheap na ito. "Promise then"

Bumuntong hininga ito bago ginulo ang buhok na natural na gulo bago inayos ang pagsuot niya ng bag at bago ito lumabas, nag-iwan pa siya ng salitang kaiinisan ko pa.

"You should stop this. Stop messing with people. Stop being immature...."

"Grow up"



You are reading the story above: TeenFic.Net