Chapter 8

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 8

Kiesha's pov

"Sila na ba lahat ang mga kaklase mo?" Tanong ni kuya nang nakatingin sa'kin at nakaturo sa mga kaklase ko.

"Opo, kuya,"

"Really? Bakit puro mga lalaki?"

"Dahil walang babae?"

"Ano? Paano ka napunta sa section nila na wala kahit isang babae at ikaw lang?" May bahid ng galit na tanong niya at iniisa-isang tiningnan sila.

"Eh, wala ng bakante eh, kaya sakanila ako nilagay ayon na rin sa kautusan ng principal," napapakamot ulo kong sagot saka tumingin sa mga kaklase ko na naghihintay at pinapanood kami ni kuya.

"Hindi pwede 'to. Kailangan kong makausap ang inyong principal at ipalipat ka sa ibang section. Pupunta ako roon mamaya. Baka kung mapa'no ka pa sa section na iyan. Paano kung bastosin ka nila dahil ikaw lang ang nag-iisang babae sa kanila? Kailangan talagang mailipat ka." Sermon ni kuya sa'kin.

At dahil nanonood sila sa'min ay narinig nila ang mga sinabi ni kuya kaya agad silang nagreact.

"Aba! Hindi kami ganon!"

"Siya nga lang ang babae sa section namin pero hindi namin siya babastosin."

"Ipagtatanggol pa nga namin siya kung may mananakit sa kanya, eh."

"Ayos na siya sa section namin."

"At hindi na rin papayag ang principal kahit makiusap ka."

"Panigurado 'yan."

"Magtiwala ka sa'min, kuya."

"Wala kaming gagawing masama kay Kiesha."

"Baka siya pa nga ang gumawa ng masama sa'min, eh."

"Oo nga!"

"Ang siga at astig kaya ng kapatid mo."

Nakatunganga lang kaming dalawa ni kuya. Walang masabi. Marinig mo ba naman ang mga sinabi nila. Hanep! Kailangan ko bang maniwala? Namamalik mata ba ako?

Nakita ko ba talaga ang pagtutol sa kanilang mukha na ilipat ako ni kuya?

Wow!

Parang dati lang na gustong-gusto nila akong paalisin sa section nila, ah. Mukang nabago na yata ang isip nila.

Ayos lang. Masgusto ko 'to dahil ayaw ko na rin lumipat sa ibang section.

Nasanay na ako sa presensiya nila at ugali kaya baka maninibago na naman ako kapag nalipat. So, no!

"Oo nga naman, kuya. Huwag kang mag-alala. Mababait sila at kasundo ko na. Hindi sila tulad ng iniisip mo kaya kalma lang. Huwag mo nang ituloy ang balak mo dahil wala na rin akong balak na umalis sa section nila. Magiging ayos lang ako. Ako pa ba! Hindi mo na yata alam ang kung anong kayang gawin ng kapatid mo? I can handle myself." Paliwanag ko habang nakangiti.

Napabuntong hininga naman siya.

"Okay, fine. Pumapayag na ako. Gaya nga ng sabi mo, mukang wala na talaga akong magagawa." Maslalo naman akong napangiti kaya napayakap ako sa kanya. "Thank you, kuya."

Nakita ko rin na natuwa ang mga kaklase ko maliban kay Ranzel na kanina pa tahimik at nakamasid lang sa'min, at mukang inip na inip na. Pagkakalas ko sa kanya ay bumaling naman ako sa section Fear.

"Ano nga pala ang ginagawa niyo rito nang ganito kaaga?"

"Sinusundo ka," masaya at masiglang sagot ni Onel.

"Bakit? Eh, pwede namang dumiretso na lang kayo agad sa school?" Nakakunot noo kong tanong ulit.

"Wala. Gusto lang naming makasabay ka sa pagpasok. Masama ba 'yon?" Nakapuot na sagot ni Kell.

"Hindi naman masama, nagtataka lang,"

"Wag ka nang magtaka dahil kaibigan ka na rin namin kaya hali ka na." Nakangiting turan ni Cristian.

"Eh,"

"Ayaw mo ba kaming makasabay?"

"Ayaw mo ba kaming makasama?"

"Grabe ka sa'min, Kiesha,"

"Nasasaktan ako,"

"Ayaw mo na sa'min?"

"Huhu ayaw na sa 'tin ni Kiesha. Ayaw niya na tayong makasabay at makasama."

"Bad ka, Kiesha! Bad ka!"

"Pagkatapos mo kaming paasahin, iiwan mo nalang kami basta?!"

Gulat na gulat ako sa mga pinagsasabi nila. Mga muka na parang nasasaktan talaga.

Ang iba ay lumuhod pa sa harap namin ni kuya. Ang iba naman ay nagpapahid ng luha na kunyari ay naiyak.

Hala ka!

Anong nangyayari?

Tiningnan ko naman sina Nazzer at Ranzel. Hindi sila sumali sa drama ng iba pero nagpipigil sila ng tawa habang nakatingin sa mga pinaggagawa ng kanilang mga kaibigan.

Si Kuya Niel naman ay mahinang natawa dahil sa mga itsura ngayon ng mga luko. Maging ako ay hindi na rin napigilang matawa sa kanila.

"At pinagtatawanan mo pa talaga kami,"

"Kiesha naman!"

"Ayaw mo na talaga sa'min?"

"Huhuhu!"

Nagulat nalang ulit ako nang magyakapan ang iba by partner. Ang iba ay umastang susuntukin at sisipain ang kanilang mga sasakyan, pero pagtumama na ay mahina naman.

"Okay lang 'yan, pre, makakamove on din tayo. Huhuhu! Huhuhu!"

"Huwag kang mag-alala, pre, hindi kita iiwan, basta hindi mo rin ako iiwan, ah?"

"Tayo nalang ang magmahalan, pre, dahil hindi natin iiwan ang isa't Isa. Huhu!"

"Oo nga, eh,"

"Mabuti pa nga, huhuhu!"

Seryoso. Para silang mga baliw.

Sa mas ginawa pa nila ay ang kaninang nagpipigil at mahinang natatawa na sina Ranzel, Nazzer, at Kuya Niel ay malakas nang natawa. Magkasabay pa silang tatlo.

Si Ranzel ay napapahampas sa kanyang manibela habang nakaupo sa loob ng kanyang kotse habang malakas na tumatawa.

Si Nazzer naman ay napaupo na sa kakatawa at napahampas pa sa sahig. Habang si Kuya Niel naman ay tumatawa lang nang malakas at napapailing.

"Magaling palang magpatawa itong mga kaklase mo, ano. Pwede na silang maging komedyante." Sabi ni kuya habang natatawa pa rin.

Ptttf!

"Oo nga, eh." Sagot ko sa kanya. "Magsitigil na nga kayo! Ayusin niyo na 'yang mga sarili niyo, para kayong mga baliw diyan sa ginagawa niyo, eh. Kung merong dadaan ngayon ditong ibang tao ay siguradong pagtatawanan din kayo." Pagpapatigil ko sa kanila habang nagpipigil sa tawa.

"Wala kaming pake!"

"Ayaw namin!"

"Hindi mo na kami mahal, eh!"

"Ayaw na namin sa'yo!"

Ah, ganon?

Makisabay nga.

"Okay! Sabi niyo, eh. Hindi ko na kayo Mahal!" Sigaw ko saka naglakad paalis.

Agad naman silang natigilan saka sabay-sabay na tumingin sa gawi ko.

"T-tika lang, Nyhl!"

"Nyhl, sandali!"

"Ikaw naman, di ka mabiro!"

"Nagbibiro lang naman kami, eh!"

"Sorry na!"

"Huminto ka, Kiesha!"

"Kiesha, bumalik ka!"

Huminto naman ako at lumingon sa kanila at tinaasan sila ng kilay. Kunyari, naiinis at galit ako kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang humagalpak ng tawa.

"Akala ko ba ayaw niyo na sa'kin?"

"Biro lang naman, eh. Diba guys?"

"Oo! Oo! Biro lang!"

"Bumalik ka na rito please!"

"Sige na, Kiesha!"

Sagot na may halong pagsusumamo nila sa'kin.

Napangiti nalang ako.


Lahat ng mga studyanting nadadaanan naming magkaklase ay napapatingin sa'min dahil sabay-sabay kaming section Fear na naglalakad patungo sa room namin.

Nasa unahan ako, nasa kaliwa si Nazzer, nasa likod ko si Ranzel at nasa likod namin ang iba naming kaklase.

Pagdating sa room ay kanya-kanya kami ng upo. Ang iba ay may sari-sarili ng mundo. Ako naman ay nakahawak sa aking cellphone at nagfa-facebook.

Habang nagce-cellphone ako ay biglang ipinagdikit ni Nazzer ang ang kanyang lamesa sa lamesa ko. Inisog din niya ang kanyang upuan palapit sa'kin, kaya ngayon ay magkatabi na kami. Tumingin naman ako sa kanya nang nagtataka at nakakunot noo.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa'kin bago sumagot.

"Tumatabi sa'yo," nakangiti niyang sagot.

"Bakit?"

"Anong bakit? Ayaw mo ba akong katabi?"

"Ah, hindi naman sa ganon, nagtataka lang."

"Ganito muna tayo sa ngayon. Gusto kitang makatabi, eh. Ayos lang naman siguro sa'yo, hindi ba?"

"Hmm, okay. Ayos lang." Napangiti naman siya.

"Sabay ka ulit sa'min kakain mamaya, ah,"

"Sige," natigil din ang pag-uusap namin dahil dumating na rin ang guro namin sa first subject.

Nang matapos na siya sa pagtuturo ay saka naman nagring ang bell. Senyales na break time na.

"Okay. Goodbye, class, see you tomorrow," paalam ni Sir Marcos sa'min.

"Goodbye, Sir, see you tomorrow," paalam din namin sa kanya.

Nang makaalis na si Sir ay nagkakagulo agad ang mga kaklase ko.

"Okay guys, it's cafeteria time!"

"Sabay-sabay na tayong lahat pumunta!"

"Syempre, kasama ka pa rin, Kiesha!"

"Yeah!"

"Tara na!"

Pagkalabas nila ay hindi agad sila umalis dahil hinintay pa muna nila akong mauna sa kanila. Nang nasa unahan na nila ako at nasa magkabilang gilid na ako nila Nazzer at Ranzel ay saka palang kami sabay-sabay na umalis at pumuntang cafeteria.

Pagpasok palang namin sa cafeteria ay agaw attention na kaming lahat. Paano ba namang hindi eh makakasunod kaming pumasok. Nagtungo kami sa pwesto namin saka naupo habang nakatayo ang iba.

"Oh, kami na nila Cristian, Nelson, Linbo, Esrael, Clineton, Tommy, Luis, Donald at Morgan ang mag-oorder," pagpresenta ni Kell.

"Sige, sige," pagsang-ayon naman ng mga tinawag niya.

"Ano sa inyo?"

"Ano sayo?"

"Ikaw, ano order mo?"

"Kunti lang, ah, huwag marami, hindi ikaw ang magdadala,"

"Sayo, ano?"

"Bilisan niyo na at nang makakain na tayo!"

Kanya-kanya nilang tanong sa'min kaya medyo napatawa ako. Paano ba naman kasi kung magtanong ay parang naghahamon ng away.

"Ikaw, Kiesha, anong sa'yo?" Tanong ni Kell sa'kin nang nakangiti.

"Ahh, ikaw nalang bahala basta masarap," sagot ko sa kanya nang nakangiti na tinanguan naman niya at saka umalis kasama ang siyam.

"So, Kiesha, umuwi na ba ang mga magulang mo?" Tanong ni Artor sa'kin habang hinihintay namin sila Kell na dumating.

"Hindi pa, eh,"

"Kailan daw ba sila uuwi?" Tanong naman ni Kell.

"Hindi ko alam, wala naman silang sinabi sa'kin kung kailan."

"Okay, guys, ito na order niyo!" Sigaw nila Kell habang papalapit sa'min dala ang mga trey na may pagkain.

Isa-isa nilang ibinigay at inilapag sa lamesa at panghuli sa'kin. Pagkatapos noon ay saka na kami sabay-sabay na nagsimulang kumain.

Nasa room na kami ngayon habang taimtim na nakikinig sa guro.

Science subject ito na si Ma'am Reyes. Nagdi-discuss lamang siya hanggang sa dumating na ang hudyat ng uwian.

"Okay class, bago ako lalabas ay may sasabihin na muna ako sa into. Walang pasok ngayong hapon kaya pwede na kayong umuwi at dumiretso sa bahay niyo. May pagme-meetingan kasi kaming mga guro mamaya." Sabi ni ma'am habang inaayos ang mga gamit niya.

Hindi pa man nakakalabas si ma'am ay kanya-kanya na agad sila ng sigaw.

"Hay! Salamat!"

"Ayos 'yon!"

"Mabuti naman."

"Makakapag liwaliw na naman ako."

"May oras na naman ako para gumala."

"Yehey! Walang pasok!"

"Thank you, half day!"

"Thank you, ma'am!"

Napapailing naman si Ma'am Reyes habang nakatingin sa kanila.

"Sige, aalis na ako. See you next time!" paalam ni ma'am sa amin saka dahan-dahang naglalad palabas.

"Bye ma'am!"

"Thanks again, ma'am!"

"See you next time, ma'am!"

"We love you, ma'am!"

Mga sigaw nila kaya napatawa nalang si Ma'am saka tuluyang umalis.

"Tara na guys! Uwi na tayo!" Sigaw ni Onel.

"Sige, tara na!"

"Sabay-sabay na tayong lahat!"

"Okay!"

Hindi ko talaga malaman kung bakit kailangan pa nilang sumigaw gayong malapit lang naman ang mga kinakausap at tinatanong nila. Napailing-iling nalang ako dahil sa kanilang inasta.

"Uuwi ka na?" Papalabas na kami ngayon nang biglang itanong 'yan ni Nazzer sa'kin.

"Hmm, oo." Sagot ko habang nasa daan ang tingin. Hindi naman siya muling nagtanong pa kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Nang nasa labas ng gate na kami ay huminto na muna sila kaya napahinto rin ako.

Lumingon sa'kin si Nick kaya nagsilingon din sa'kin ang iba. Nasa likod kasi nila ako, eh, kasama si Nazzer. Mukang may gusto silang sabihin o ano basi sa mga tingin nila sa'kin.

"Bakit?"

"Wala pa rin ang driver mo, diba?" Tanong ni Dominique.

"Yeah. Why?"

"Gusto mo, hatid ka ulit namin?" Tanong naman ni Zircon.

"Sabay ulit tayo," sabat naman ni Antun.

"Yeah, right," pagsang-ayon naman ng iba.

"Ah, hindi na," pagtanggi ko.

"Why?" Tanong ni Kreptton.

"May magsusundo na kasi sa'kin eh,"

Napatango-tango naman sila.

"Diba wala ang driver mo?" Tanong ni Nazzer na tinanguan ko naman. "Sinong magsusundo sa'yo, kuya mo?"

"Hindi."

"Eh, sino?" Tanong nila.

"Basta. He's just a friend of mine," nakangiti kong sagot.

"He? Do you mean a boy?" Paninigurado ni Donald. Tumango-tango naman ako.

"May iba ka pa palang kaibigan?" Tanong ni Arsen.

"Yes."

"Who?"

"Nag-aaral rin ba tulad natin?"

"Saan siya nag-aaral?"

"Anong pangalan niya?"

"Tika lang, ang dami niyong tanong, eh. Tinext niya ako kanina na susundin niya ako ngayon at pumayag ako dahil may pag-uusapan kami."

"Ano naman?" Tanong ni Luis.

"Basta. Sa amin nalang 'yun."

"Hindi ka pa uuwi sa inyo?" Tanong ni Nazzer.

"Gano'n na nga. Kaya mauna na kayo."

"Sigurado ka?" Nick

"Oo."

"Okay."

"Sabi mo, eh,"

"Basta, mag-iingat ka."

"Bye."

"Una na kami,"

"Kita nalang tayo bukas."

"See you tomorrow, Kiesha."

"Paalam."

"Sige, mag-iingat din kayo sa pag-uwi at sa kung saan man kayo pupunta." Paalam ko rin habang nakangiti.

Nang makaalis na sila ay umupo muna ako sa bench. Hinihintay ko lang ang taong susundo sa'kin ngayon. Mga 30 minutes akong naghintay bago siya dumating.

Pumarada ito sa harap ko saka bumaba sa kotse ang taong nagmamaneho rito. Nakangiting kumakaway si Aspren sa'kin. Ginantihan ko naman siya saka tumayo at lumapit sa kanya.

"Pasensiya na kung natagalan ako. Kanina ka pa ba naghihintay?"  Tanong niya nang makalapit ako.

"Oo, eh, ang tagal mo," masungit Kong sagot. Natawa naman siya nang mahina sa inasta ko.

"Sorry, may dinaanan pa kasi ako." Saka ako pinagbuksan ng pinto. "Sumakay ka na para makaalis na tayo,"

Tumango ako saka pumasok sa front seat at kinabit ang seatbelt. Pumasok naman siya sa driver seat at kinabit din ang kanyang seatbelt saka binuhay ang makina ng sasakyan, pagkatapos ay nagmaneho paalis.

Papunta kami ngayon sa hideout namin. Dito muna ako mananatili dahil masyadong boring sa bahay at wala pa si kuya dahil paniguradong nasa trabaho pa ito.

Agad ipinarada ni Aspren ang kanyang kotse sa tapat nito tapos ay sabay kaming lumabas. Nadatnan naman namin sa labas ng pinto sina Cider at Jaxon na mukang may hinihintay.

Nang makita nila kami ay agad silang umayos ng tayo habang naglalakad kaming dalawa ni Aspren palapit sa kanila.

"Good day, queen," sabay nilang bati sa'kin.

"Good day, too. Nandiyan ba sila lahat?"

"Yes,"

"Okay, then, let's go inside."

Nauna akong pumasok sa kanila at sumunod naman silang tatlo.

Pagpasok ko ay nadatnan kong may kanya-kanya silang ginagawa sa loob pero nang makita ako ay agad naman silang tumingil at nagsi-ayos.

"Magandang tanghali, aming Reyna!" Sabay-sabay nilang bati sa'kin na ikinangiwi ko naman.

"Magandang tanghali rin sa into." Ganti ko naman saka lumapit sa single sofa at umupo na sinunod naman nila.

"So, anong ganap? May nadiskobre ba kayo?" Pag-uumpisa ko sa usapan.

"Yes." Sagot nila.

"Then, what is it?"

"Nalaman na namin kong sino ang gustong pumatay sayo." Sagot ni Azzel.

"Talaga? Sino o sino-sino naman ito?"

"Sina Elton at Ronnie kasama ang kanilang grupo. Nagsanib pwersa sila para mapabagsak ka." Sagot ni Aerence.

Napakuyom naman ako ng kamao.

Sabi na nga ba, eh.

Ang dalawang 'yon. Hindi pa rin talaga nadadala. Ayaw pa ring tumigil sa mga balak nila.

Tss!

Para namang hahayaan ko silang magtagumpay.

Akala ba nila matatakot ako sa pagsasanib pwersa nila?

Hindi!"

"Sila lang ba? O meron pang iba?"

"Sila lang. Magkasabwat na ngayon ang dalawang gang na 'yon gayong magkaaway naman sila dati." Sabi ni Kiezen.

"Pareho silang gustong mapabagsak ka kaya nag-isa sila." Turan ni Jaxon.

"At sa tingin namin ay meron na naman silang binabalak na hindi pa namin matukoy sa ngayon. Patuloy pa namin silang pinamamanmanan ng mga tauhan natin." Sabi ni Davies.

Hindi naman ako nagsalita.

Pansamantalang katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa binasag ito ni Aspren.

"Anong plano mo ngayon?" Seryosong tanong niya.

"Sa ngayon ay hindi ko pa alam pero pag-iisipan ko ito mamaya. For now, thank to all of you for telling me this information." Sagot ko saka bumuntong hininga at pumikit nang mariin.

Ano na naman kaya ang susunod nilang gagawin laban sa'kin?


You are reading the story above: TeenFic.Net