Chapter 34. Kiesha's pov.
"Ate, saan ka pupunta?" Tanong ko nang makita ko siyang bihis na bihis. Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Niyaya kasi ako ng mga kaibigan ko na samahan muna silang mamasyal dahil simula noong nakauwi kami rito ay hindi pa nila nalilibot ang lugar. Ayos lang ba sa iyo o gusto mong sumama sa amin? Para naman makapamasyal din tayong dalawa." Nakangiting sagot at aya niya sa akin na nginitian ko rin.
"Hindi na, ate. Moment niyo ngayon ng mga kaibigan niyo. Sa susunod nalang tayo mamasyal nang tayong tatlo lang ni kuya para makapag-bonding naman tayo." Tanggi ko.
"Kung iyan ang gusto mo. Mas mabuti nga iyon. O siya sige. Alis na ako."
"Sige po. Mag-iingat kayo."
"Ikaw din."
Nang makaalis na siya ay naisipan kong lumabas din ng bahay. Pagkatapos mag-ayos ay umalis na rin ako.
Nasa mall na ako ngayon at naglilibot-libot. Gusto ko lang tumingin-tingin sa mga paninda at baka may magustuhan akong bilhin.
"Kiesha, ikaw ba 'yan?" Napatigil ako dahil sa boses babaeng nagtanong mula sa likuran ko. Paglingon ko rito ay nagulat ako dahil hindi lang pala siya nag-iisa dahil kasama niya ang apat. Oh my gosh! Ikaw nga!" Nagagalak na sigaw ni Almia at yumakap sa akin.
Napangiti nalang ako at gumanti rin.
"Ang tagal na nating hindi nagkita." Sabi naman ni Rosel at yumakap din.
"Namiss kita." Sabi naman ni Selen
"Me too. I miss you, Kiesha." Sabi naman ni Recia at gaya ng tatlong nauna ay niyakap din ako nito.
Pagkakalas ay si Katherine naman ang yumakap sa akin. "Kiesha, long time no see."
"Nagagalak din akong makita kayong muli lahat. At gaya niyo, namiss ko rin kayo." Nakangiti ko ring bati sa kanila pagkakalas. "Kumusta na kayo?"
"Ayos lang kami. Ikaw dapat ang tinatanong namin niyan." Sagot ni Almia.
"Oo nga." Ani Selen.
"Wala na kaya kaming balita sa'yo." Sabi naman ni Recia.
"Hindi ka na nagparamdam." Sabi naman ni Rosel.
"Kumusta ka na?" Tanong ni Katherine.
Napabuntong hininga naman ako dahil sa mga tanong nila saka napailing-iling. "Kayo talaga. Ayos lang ako kaya huwag kayong mag-alala.
"Kumain muna tayo habang nag-uusap." Suhestiyon ni Selen na sinang-ayunan naman namin.
"So, nagkabalikan na pala kayo ni Nazzer, Katherine?" Nakangiting tanong ko.
Nahihiya naman siyang ngumiti at tumango. "Oo. Hindi siya tumigil hangga't hindi ko siya napapatawad. At habang wala ka noon ay nililigawan niya na rin ako kahit hindi ko siya pinayagan. Ang kulit eh. Hanggang sa hindi ko namalayan na nahulog na ulit ako sa kanya at iyon na nga. Hindi nagtagal ay naging kami ulit... At Kiesha, gusto ko lang sabihin sa'yo na napatawad ka na niya... at sana magkabati na kayong muli."
"Yeah. Pati si kuya ay ganon din." Sabi ni Rosel.
"And, hindi man halata sa pinsan ko pero nararamdaman kong napatawad ka na rin niya. At sa tingin ko ganon din ang iba saka umaasang sana nga magkabati na kayong lahat." Sabi naman ni Almia at ngumiti.
Hindi rin nagtagal ang pag-uusap naming anim kanina dahil may kanya-kanya pa raw silang lakad kaya nagkahiwalay din kami ulit. Masaya ako dahil nakita at nakausap ko sila ulit pagkatapos ng lahat ng nangyari.
Ngayon naman ay wala pa rin akong balak na umuwi kaya napagdesisyunan ko na magliwaliw muna sa park tutal maaga pa naman. Nang makarating dito ay naaliw akong nanonood sa mga batang masayang naglalaro habang ang mga magulang nila ay nakabantay sa kanilang lahat.
Namimiss ko tuloy sina mommy at daddy. Kung narito pa lang sana sila ngayon ay siguradong mas masaya pa ang pamilya namin lalo na at kumpleto na kami dahil umuwi na si ate. Napangiti ako na may halong lungkot. Mabilis ko ring pinunasan ang luhang dumaloy sa aking pisngi na hindi ko namalayang tumulo na pala. Hindi nagtagal ay naisipan kong tumalikod nalang at pumunta sa kabilang parte ng park na walang masyadong tao. Pero sa pagtalikod ko ay siyang pagtatagpo naman ng aming tingin ng mga taong hindi ko inaasahang makikita at makakatagpo ko ngayon.
Sa harapan ko at isang kilometro ang layo sa akin nakatayo at nakatingin sa direksyon ko ang buong section fear. Hindi ako halos makagalaw dahil sa gulat at mukang ganon din sila. Nang makabawi ay ako na ang naunang umiwas at lumakad sa kabilang direksyon.
"Kiesha, sandali!" Medyo nagulat ako dahil sa sigaw ni Nick pero hindi ako tumigil. At alam kong nakasunod silang lahat sa akin ngayon.
"Kiesha."
"Please."
"Pwede ka ba naming makausap?"
"Kahit sandali lang."
"Kiesha naman oh."
"Sandali lang!"
Huminto naman ako pero hindi ko sila nilingon. Hinihintay ko lang ang kanilang sasabihin.
"Alam naming subra itong hinihingi namin dahil noong ikaw ang gumawa nito ay hindi ka namin pinakinggan. Pero nakikiusap kami. Kahit huwag ka nang magsalita...basta pakinggan mo lang ang mga sasabihin namin." Pakiusap ni Nazzer. Nagulat ako oo dahil hindi ko ito inaasahan. "Kiesha, humihingi kami ng kapatawaran sa lahat ng ginawa namin sa'yo."
"Alam naming hindi madali ito para sa'yo pero sana mapatawad mo kami. Nagsisisi na kami sa mga pagkakamali namin." Sabi naman ni Nick.
"Kahit hindi man ngayon, umaasa pa rin kami na mapapatawad mo kami." Sabi naman ni Arsen.
"Sana magkabati na tayong muli." Umaasang usal ni Onel.
"Isa kaming malaking gago oo alam namin iyon. Dahil hindi ka manlang namin pinakinggan." Basag ang boses na usal ni Linbo.
"Hindi manlang namin naiisip ang mga kabutihang ginawa mo para sa amin. Isa rin kaming malaking tanga!" Alam kong lumuluhang saad ni Clineton.
"Wala kaming ibang ginawa kundi ang husgahan ka agad nang hindi manlang inaalam ang side mo." Ani Donald.
"Humihingi kaming lahat ng kapatawan kahit alam naming huli na. " Ani Zircon.
"Patawarin mo kami, Kiesha!" Sabay nilang sigaw at hindi ko na nakayanan pa at humarap na ako sa kanila. Pero nagulat din dahil lahat sila ay nakaluhod na at umiiyak na nakatingin sa akin. Maging si Ranzel na hindi ko akalaing magagawa ito ay narito ngayon kasama ng mga kaibigan niya. Hindi man siya umiiyak pero nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Pakiusap, tanggapin mo ang tawad namin. Kung gusto mo kaming sumbatan dahil sa lahat ng mga ginawa namin sa'yo noon ay willing kaming makinig. Tatanggapin namin lahat ng masasakit na salitang ibibigay mo sa amin kung iyon lang ang paraan para bumalik tayong lahat sa dati." Nakikiusap na saad ni Dominique.
Napapikit naman ako bago marahas na bumuntong hininga. "Matagal ko itong hinintay." Panimula ko at tumingin sa kanila. "Hinihintay ko ang pagkakataong ito na dumating. At ngayong narito na ay hindi ko alam kung anong gagawin ko.... Subra akong nasaktan sa ginawa at mga binitawang salita niyo sa akin... Ang sakit na umabot sa puntong inisip ko na mali ba ako? Inisip at ginawa ko naman ang nararapat para malayo kayo sa kapahamakan pero bakit ganito? Ano bang mali sa nagawa ko. Kung meron man, gaano ba ito kalaki at umabot sa puntong ipagtabuyan niyo ako at....at mawala ang dalawang taong pinakaimportante sa buhay ko?
"Gaano ba kalaki ang naging kasalanan ko at pinarusahan ako ng ganito? Kailan niyo ba ako mapapatawad? At kailan ba tatahimik ang buhay ko nang wala akong iniisip na may masamang mangyayari sa mga taong mahalaga sa akin? Mga tanong sa isip ko na kahit kailan ay hindi pa nasagot..." Paglalabas ko ng saloobin habang tumutulo ang luha kong nakatingin sa kanila na ang iba ay napayuko. "Pero kahit ganon ay hindi ako kailan man nagtanim ng galit sa inyo. Sa mga kalaban oo, pero sa inyo..hindi.... Dahil alam kong biktima lang din kayo rito."
"Ginawa niyo lang ang alam niyong tama at makakabuti para sa mga kasamahan niyo kaya nauunawaan ko..... At matagal ko na kayong pinatawad." Sabi ko pagkatapos ay unti-unting ngumiti sa kanila. "At salamat dahil hindi niyo ako binigo sa hiling kong sana dumating tayo sa puntong ganito...na sana magkabati na tayong lahat....So, shall we?" Ani ko habang nakangiti and spread my arms indicating a hug. Agad namang nagliwanag ang mga muka nila saka nakangiti at mabilis na tumayo't tumakbo palapit sa akin at sabay-sabay akong niyakap.
Natawa naman ako dahil muntik na akong matumba dahil sa ginawa nila. Nagtutulakan pa ang iba para mas makalapit sa akin. Habang si Ranzel naman ay dahan-dahang tumayo at nanatiling nakatingin sa mga kaibigan niya na pinagkaguluhan ako habang nakangiti. Nang magtagpo ang mga tingin namin ay tinanguan lang namin at nginitian ang isa't isa.
"Tama na iyan, baka hindi na siya makahinga dahil sa mga pinaggagawa niyo." Saway ni Ranzel sa kanila. Agad naman sila kumalas sa akin at sinuri ako.
"Sorry, Kiesha."
"Nasaktan ka ba namin?"
"Naipit ka ba?"
"Pasinsiya na at masaya lang kami dahil nagkabati na rin tayong lahat."
"Sa wakas! Buo na ulit tayong section fear!"
"Magkakasama na ulit tayo!"
"Yeah!"
"Ano pang hinihintay natin? Maaga pa naman. Bakit hindi tayo mamasyal?"
"Sige-sige. Gusto namin iyan."
"Tara. Pumayag ka na Kiesha."
"Ano pa bang magagawa ko? Nagdisisyon na kayo eh."
"Yes!"
"Let's go!"
Masayang sigaw nila na ikinailing ko nalang pero nakangiti at natatawa dahil nakikita ko na naman ang makukulit nilang mga sides.
You are reading the story above: TeenFic.Net