Chapter 25.

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 25. Third persons pov.

Maingat at matulin na tumatakbo ang isang kotse na pinagmamanehuan ni Azzel. Nasa gilid niya si Cider at nasa likod naman si Kiesha kasama si Aspren. Alas kwatro palang ng madaling araw at patungo sila ngayon sa lugar kung saan dinala ang mga magulang ni Kiesha. Nauuna ang kanilang sasakyan at nasa likuran nila nakasunod ang iba pa.

Lahat sila ay seryosong naghihintay na makarating sa kanilang paruruonan, lalong-lalo na si Kiesha na kanina pa iniisip ang kanyang mga magulang at kung paano niya mapapatay ang mga kalaban lalo na ang dalawang pinunu nito.

Nang matanaw na nila ang gate ay walang pasabi nila itong binangga at nagtuloy-tuloy na pumasok. Binaril din nila ang dalawang nagbabantay rito na ikinagulat ng mga nakarinig na kalaban. Nang huminto na ang kanilang sasakyan ay agad silang nagsibabaan, labas ng baril at sunod-sunod na pagkasa nito.


"Magsikalat kayo at patayin ang lahat ng makakaharap na kalaban!" Utus ni Kiesha na sinunud at tinanguan nila saka naghiwa-hiwalay.

Si Kiesha kasama sina Aspren, Azzel, Cider at iba pa nilang mga kasama ay sa entrance pumasok at binaril ang mga bantay na humaharang sa kanila.

Samantala, sa loob lalo na sa second floor ay nagkakagulo. Nagmamadaling naglakad si Roni kasama si Elton habang maypagtataka sa mukha. Sinalubong din sila ng kanilang mga tauhan na natataranta.


"Anong nangyayari?! Ano 'yong mga naririnig naming putukan?!" Tanong ni Roni.

"Boss! Sinalakay tayo!" Nababahalang sagot ng isa.

"Ano?! Sino sila?"

"NKAB Gang group, boss. Sinira din nila ang gate natin."

"Paano nila nalaman itong lugar na ito?" Tanong ni Elton.

"Hindi namin alam, boss."

"Putangina! Magsikalat kayo at maging alisto!" Utos ni Elton at inilabas saka kinasa ang kanyang baril.

"Tiyak akong ang mga magulang niya ang kanyang pakay dito. Hindi ko alam kung paano niya tayo natuntun pero isa lang ang tiyak ko. Matalino talaga siya dahil nalaman niya ang lugar na ito... Magaling, NK, hindi na nga talaga mababawasan ang panghanga ko sa'yo dahil sa galing mo." Nakangising turan ni Roni. "Ngunit iyan din ang dahilan kung bakit gustong-gusto talaga kitang matalo... At hindi ko rin hahayaan na makuha at mailigtas mo ang mga magulang mo. Gusto kitang magdusa kaya ibibigay ko iyon sa'yo." Dagdag pa niya saka inilabas din ang kanyang baril at kinasa ito bago lumakad kasunod si Elton.

"This will be exciting." Ngising usal ni Elton.

"Yeah, and fun." Dugtong ni Roni. May mga pasikot-sikot ang lugar at lumiko sila sa kanan. Kapag may makakasalubong na kalaban ay binabaril nila ito. "Maghiwalay tayong dalawa at magkita nalang tayo sa lugar na napag-usapan natin kagabi." Sabi niya kay Elton.

"Sige." Pagkatapos ay naghiwalay sila.




Agad umikot sa kanan si Kiesha para maiwasan ang mga bala na tatama dapat sa kanya saka binaril ang lalaki na nagpaputok non. Inunahan din niya sa pagbaril ang isa saka siya tumakbo at napapayuko saka nagtago sa isang haligi dahil pinagbabaril siya ng tatlong lalaki na kalaban. Naglalakad ang mga ito palapit sa kinaroroonan niya habang nagpapaputok.

Tumigil lang sila nang nasa likod na sila ng haligi habang nakatutok ang baril nila rito. Nagkatinginan muna silang tatlo bago ngumisi at sabay na humarap sa magkabilaang gilid ang dalawa. Bago pa sila makapagpaputok ay nakatanggap na ng sipa ang nasa kaliwa at sunod ang nasa kanan na ikinaatras nila. Nabigla ang pangatlo kaya hindi agad ito nakakilos habang nakatingin sa dalawa niyang kasama. Itututok na sana niya ang kanyang baril kay Kiesha nang mabilis na hinawakan nito ang kanyang kamay na may hawak na baril saka ito binaliktad kaya napasigaw siya at nabitawan ang hawak.

Nang matauhan ang isang kalaban mula sa pagkagulat ay agad itong lumapit at itinutok kay Kiesha ang hawak na baril. Hindi pa man niya nakalabit ang gatilyo nito ay agad na lumingon si Kiesha sa kanya at sinipa ng malakas ang baril na ikinabitaw niya. Pagkatapos ay binitawan ni Kiesha ang hawak na lalaki saka paikot na sinipa ulit ang isa sa mukha kaya pabalikrad itong nahiga at nawalan ng malay.

Mabilis din siyang umikot-ikot at hinablot ang lalaki na hawak niya kanina saka ginawang panangga laban sa isa pang lalaki na pinapaputukan siya, kaya ang tinamaan ay ang lalaking pangsangga niya na sumuka ng dugo. Nagulat ang nagpaputok kaya napatigil ito at napatulala habang nakatingin sa lalaking nakahandusay na ngayon at wala ng buhay. Ginamit naman itong pagkakataon ni Kiesha at nilapitan siya. Wala siyang nagawa nang mabilis siyang sinuntok ni Kiesha sa mukha at patalikod na siniko sa dibdib na ikidura nito ng dugo. Bumagsak ito at wala ng malay.

Walang reaksiyon namang nakatingin si Kiesha rito bago mabilis na hinablot ang baril sa kanyang tagiliran at mabilis na pinaputukan ang mga kalaban na paparating habang naglalakad.

Puro putukan at takbuhan lang ang maririnig at makikita mo sa loob at labas ng gusali. Kabikabilaan ang mga bumagsak at namamatay.



Habang nagpaputok si Roni ay hingal na hingal na lumapit sa kanya ang iba niyang mga tauhan. Agad naman siyang tumingin sa mga ito.

"Boss, problema, mabilis na nalagas ang mga kasamahan natin."

"Eh, sila Elton?"

"Ganon din, boss, kunti nalang sila at ngayon ay tumatakas na."

"Paano na ngayon, boss? Anong gagawin natin?" Tanong naman ng isa.

Napaisip naman si Roni. "Do the same and inform the other."

"Yes, boss."

Seryoso namang tinawagan ni Roni ang kanyang mga tauhan na inutusan  niya sa pagtakas sa mga magulang ni Kiesha para hindi ito makuha. "Nagawa niyo na ba?"

"Opo, boss, nagawa na namin. Ano na ngayon, boss?"

"Paandarin niyo na at hayaan sila sa loob. Pagkatapos ay tumakas na kayo at magkita-kita nalang tayong lahat sa isang lugar na napag-usapan kagabi. Hintayin niyo kami roon.

"Masusunod, boss." Pagkatapos ay pinatay na ni Roni ang tawag saka humarap sa mga tauhan nito.

"Let's go." He then said and move.

Pinagbabaril niya ang mga humaharang sa kanila at ang mga tauhan niya naman sa likod at sa magkabilaang gilid. Hanggang sa makalabas sila sa likod ng gusali at sumakay sa isang van kasunod ang iba, pagkatapos ay pinaandar nila ito at nagmaneho paalis at palayo sa gusali.




Nagkasalubong naman sila Kiesha at Aspren kasama sila Azzel kaya lumapit sila sa isa't isa.

"Nahanap niyo?" Tanong ni Kiesha sa kanila. Umiling-iling naman sila.

"Hindi. Hindi namin sila nakita." Sagot ni Aspren.

"Paano na 'yan? Sigurado ba kayong dito talaga sila dinala?" Nababahalang tanong ni Kiesha.

"Oo, sigurado ako at hindi ako pweding magkamali." Sagot ni Azzel.

"Eh, bakit hindi natin sila makita?!" Sigaw ni Kiesha.

"Huminahon ka, Kiesha, baka may nangyari. Baka may ginawa sila kaya hindi natin mahanap sina Tita't Tito." Sabi ni Aspren saka hinawakan siya sa braso.

"Like what? Kagaya nang itatakas nila ang mga ito o magaling lang talaga silang magtago?" Naiinis na tanong ni Kiesha.

"Tama ka, kagaya nga niyan. Ang kailangan nating gawin ngayon ay kumpermahin kung tama nga ang hinala natin." Sagot ni Aspren pagkatapos ay tumingin kay Azzel. "Tawagan mo ang iba pa at tanungin mo kung nahanap na ba nila o hindi pa." Utus niya.

"Sige." Sagot nito saka ginawa ang inutos sa kanya. Ilang sandali pa ay tumingin ulit si Azzel sa kanila at umiling. "Hindi raw nila mahanap at makita."

"Shit!" Mura ni Aspren.

"Damn!" Nakapikit at nakakuyom na mura naman ni Kiesha. "Hindi maaari." Sabi pa niya saka dali-daling tumakbo at hinabol ang isang kalaban na nakita.

Nang malaman ng lalaki na hinahabol siya ay mas binilisan pa nito ang pagtakbo. Hindi ito hinayaan ni Kiesha na makatakas kaya pinaputukan niya ito ng baril. Tinamaan ang lalaki sa hita kaya napaluhod ito at natumba kaya agad itong nilapitan ni Kiesha habang nakatutok ang baril dito. Umaatras naman ang lalaki habang nakahawak sa kanyang hita. Sumusunod naman si Kiesha sa kanya na seryoso at dahan-dahang naglalakad, habang ang lalaki ay kinakabahang nakatingin sa kanya.

"Trying to escape from me, huh." Mariing turan ni Kiesha na ikinalunok niya.

"Pakiusap, huwag mo akong patayin." Pagmamakaawa nito.

"Hindi kita papatayin basta sagutin mo ang tanong ko." Tumango-tango naman siya.

"Oo."

"Nasaan ang mga magulang ko? Saan niyo sila dinala?" Tanong ni Kiesha na hindi naman agad sinagot ng lalaki at umiwas ng tingin. "Sagot!" Napapitlag ito at tumingin ulit kay Kiesha pero hindi pa rin sumagot. "Ayaw mong sumagot? Sige, madali naman akong kausap. Papatayin na kita." Akmang babarilin na niya ito nang bigla itong sumigaw.

"Wag! Huwag, pakiusap, sasabihin ko na! Huwag mo lang akong patayin!" Nakataas ang kamay niting pakiusap.

"Answer, now."

"Dito namin sila dinala pero kanina lang ay inutos ng boss namin na itakas namin sila at isakay sa kotse na kulay pula habang wala silang malay. Kanina pa nakaalis ang kotse at walang nagmamaneho rito. Sa loob ay may nilagay kaming bomba dahil utos ni Roni. Sa loob ng 30 minutes ay sasabog ang bomba at tiyak na kasama ang mga magulang mo roon dahil nasa loob sila. Inutos iyon ni Roni para hindi mo sila makuha at mailigtas. Ngunit kong maaabutan mo ang kotse at mailabas sila roon ay maaari mo pa silang mailigtas, 'yon ay kung makakaabot kayo."

Natigilan at hindi makapaniwala si Kiesha sa narinig. Bigla ay subra siyang kinabahan at halos hindi na makakilos sa pagkabigla maging ang iba pa niyang mga kasamahan na nakarinig. Ngayon ay mas lalo silang nag-alala para kay Kiesha sa maaaring gawin nito kapag hindi nailigtas ang kanyang mga magulang.

"No. Hindi maaari! Si mommy, si daddy! I have to save them! They need me!" Pagkatapos ay dali-dali itong tumakbo palabas ng gusali na sinundan ni Aspren at ng iba.

Papasok na sana siya sa driver seat nang pigilan siya ni Aspren. "Ako na." Tumango nalang siya at lumipat sa passenger seat.

Mabilis itong pinaandar at pinaharorot ni Aspren palabas saka hinanap ang sasakyang sinasabi ng lalaki. Kinakabahan sila na hindi mapakali at malakas ang kabog ng dibdib. Patingin-tingin din si Kiesha sa kanyang relo tapos sa daan at sa mga sasakyan.

"Bilisan mo, Aspren, kailangan natin silang maabutan!"

"Oo, alam ko." Pagkatapos ay mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo. Nakasunod lang ang iba sa kanilang likuran. Si Niel naman ay tinawagan ni Azzel kaya bumabyahe na rin ito para maabutan sila.



Tumunog naman ang cellphone ni Kiesha at nang makita ang numero ng tumatawag ay agad niya itong sinagot.

"Hayop ka! Napakawalang hiya mo! 'Pag nakita talaga kita ay hindi ako magdadalawang isip na patayin kang demonyo ka!" Nanggigigil nitong sigaw at mahigpit na hinawakan ang cellphone.

"Hahahahaha! Easy ka lang, NK, napaka-init naman ng ulo mo. Hindi mo ba alam na nakakapangit 'yan? Sige ka, sayang ang ganda mo kung mawawala. Hahahahaha!"

"Napaka demonyo mo talaga. Bakit mo dinadamay ang mga magulang ko? Wala silang kasalanan sa'yo para idamay mo!"

"Meron, NK. Ang ipinanganak ka palang ay kasalanan na nila... Dahil binuhay nila ang isang katulad mo na magiging kalaban ko sa lahat." Nakangising sagot nito. "Pero huwag kang mag-alala, para sa'yo, hahayaan kitang makausap ang mga magulang mo. Tiyak akong gising na sila ngayon at para na rin makapagpaalam kayo sa isa't isa. Hahahahaha!" Pagkatapos ay naputol ang tawag.

Mas lalo namang tumindi ang galit na nararamdaman ni Kiesha kaya sinubukan niyang kontrolin ang kanyang sarili kahit gusto na niyang sumabog sa galit. Ilang sandali pa ay nakatanggap siya ng mensahe, same number sa tumawag sa kanya kanina. Binuksan niya ito at binasa ang nakasaad.

"Nakita ko na ang kotse." Bigla siyang napatingin kay Aspren nang magsalita ito pagkatapos ay sa daan.

"Saan?"

"Ayon, sampung metro ang layo sa atin."

"Bilisan mo para maabutan natin sila!" Utos niya na ginawa naman ni Aspren. Siya naman ay mabilis na tinipa ang numero na pinadala sa kanya at tinawagan ito. "Please, please, sagutin niyo." Paulit-ulit niyang bigkas habang kinakagat ang kuko.

Sa unahan naman, sampung metro ang layo sa kanila ng isang kotse na kulay pula. Sa loob nito ay may natutulog na mag-asawang Villanueva na nasa backseat. Nagising lamang ang mga ito dahil sa tunog ng isang cellphone na nasa lapag sa harap nila.

Pupungas-pungas silang gumising at umupo ng maayos saka tumingin sa labas. Laking gulat nila nang makita na nasa gitna na pala sila ng daan at nasa loob ng sasakyan. Pagtingin nila sa harap ay walang nagmamaneho kaya nagpanic silang dalawa.

"Hon?" Kinakabahang tawag ni Mrs. Villanueva at kumapit sa asawa.

"Huwag kang mag-alala, hon, susubukan kong patigilin ang kotse." Pagpapakalma ni Mr. Villanueva sa asawa at hindi pinapahalata na maging siya ay kinakabahan din. Pagkatapos ay tumayo ito at lumipat sa driver seat.

Sinusubukan nito ngayong patigilin ang kotse pero ayaw. Kahit anong gawin niyang pagtapak sa break ay ayaw talaga. Si Mrs. Villanueva naman ang nakapansin sa kanina pang tumutunog na cellphone. Kukunin na sana niya ito nang mapansin din niya ang isang bomba na nakadikit sa likod ng upuan na inuupuan ni Mr. Villanueva ngayon. Natigilan siya bigla lalo na nang makita niya ang natitirang tumatakbong oras dito. Labing limang minuto nalang at sasabog na ito.

"Hon, halika rito da-dali." Kinakabahan nitong tawag sa asawa.

"Bakit?" Tanong nito at lumapit na rin sa kanya dahil hindi nito makontrol ang kotse. Hindi sumagot ang ginang pero may tinuro ito. Nang sinundan niya ay ganon nalang ang kanyang pagkagulat.

Naiiyak naman na yumakap sa kanya ang kanyang asawa. Huminga siya ng malalim bago inalo ito. Pero napatigil din sila nang marinig na tumunog uli ang cellphone na hindi pa nasasagot. Kinuha niya ito saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Napakunot noo siya dahil unregistered number ito kaya tumingin siya sa asawa na nakatingin na rin pala rito.

"Sagutin mo, hon." Sabi ng ginang. Tumango naman siya.


"Hello?"

"Dad? Dad, it's me, Kiesha! Kamusta na  po, ayos lang po ba kayo riyan?" Sagot ng nasa kabilang linya.

"Nak? Anak, thank God at narinig ko pa ang boses mo." Nakangiti na medyo naiiyak na sagot nito.

"Hon, sino 'yan? Anak ba natin iyan? Sino sa kanila?" Tanong ng asawa saka inagaw sa kanya ang cellphone at pinindot ang loudspeaker nito.

"Yes, and it's Kiesha."

"Oh God! Hello, sweetie? It's me, how are you?" Nagagalak nitong tanong.

"Mom? Mom, ayos lang po ba kayo riyan? Ayos lang po ako kaya huwag po kayong mag-alala sa akin."

"Hindi ko masasabi na ayos lang kami rito. Nasa loob kami ng kotse at ayaw  nitong huminto kahit na anong gawin namin. Nakalock din lahat ng pinto and... And... And there's a bomb here." Naiiyak nitong sagot.

"Oh God, Mom. Ahm, wala ba kayong kahit na anong gamit diyan na pweding makabasag ng bintana o makasira ng pinto? Para makalis na kayo riyan." Agad namang tumingin-tingin sa paligid ang mag-asawa at naghanap, pero bigo sila dahil wala silang makita.

"Anak, wala kaming makita eh."

"No, baka meron. Kailangan niyo nang makaalis riyan. Sinusundan na namin kayo. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa inyong masama. Gagawa ako ng paraan para mailigtas ko kayo."

"Maraming salamat, anak." Sagot ng ginang at tumingin ulit sa bomba. Sa isang iglap ay agad na nagsituluan ang mga luha nito nang makita ang natitirang oras saka tumingin sa asawa na nakita na rin ang oras.

Pumikit ito ng mariin saka tumingin sa kanya, pagkatapos ay ngumiti habang dahan-dahan na ring tumutulo ang luha. "It's okay." Bulong nito na tinanguan niya naman ng dahan-dahan.





"Mom? Dad? Magsalita naman kayo oh, please? Kinakabahan na ako rito." Sabi ni Kiesha habang nakatingin sa kotse kung saan naroon ang kanyang mga magulang. "Mom, dad. Aspren bilisan mo pa, kailangan natin silang maabutan." Aniya na hindi mapakali.

"Nak, sweetie." Rinig niyang magkasunod na tawag sa kanya sa kanilang linya.

"Yes, p-po?" Nanginginig na sagot nito.

"Nagpapasalamat kami ng daddy mo dahil dumating kayo ng mga kapatid mo sa buhay namin kahit na medyo may pagkapasaway kayo... Ingatan niyo ang mga sarili niyo, ah." Wika ng mommy niya na batid niya ngayong umiiyak base sa boses nito pati ang daddy niya.

"Mom, ano ba iyang sinasabi niyo? Para na kayong nagpapaalam ah."

"Nak, ikaw na ang bahalang magsabi sa mga kapatid mo kung ano ang mga sinabi namin ngayon sa'yo ah. Huwag niyong kakalimutan na proud na proud kami ng mommy niyo sa inyo." Humihikbi na ngang nagsasalita ang daddy niya.

"No, ano ba kayo? Hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niyo. Para niyo na kaming iiwan at hindi na babalikan pa eh. Please naman, bawiin niyo ang mga sinasabi niyo. Ayaw kong isipin na totoo ang nasa isip at nararamdaman ko." Pagkatapos ay nagsimula ng magbadya ang kanyang mga luha.

"Again, we're sorry. Paalam, at mag-iingat kayo palagi. Also, palagi niyong tatandaan na mahal na mahal namin kayo."

Magsasalita pa sana si Kiesha nang may marinig siyang malakas na pagsabog sa unahan. Nang tumingin siya rito ay nabitawan niya agad ang kanyang cellphone na hawak at natulala.


You are reading the story above: TeenFic.Net