Chapter 23. Kiesha's pov.
Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga. Subrang bigat pa rin dalaga ng pakiramdam ko kaya magpapahinga na muna ako.
"Tok, Tok, Tok!"
Nagising ako dahil sa mga katok na narinig ko. Pagtingin ko naman sa oras ay alas otso na ng gabi. Apat na oras pala akong nakatulog.
"Tok, Tok, tok!" Katok ulit.
"Sino 'yan?" Tanong ko nalang dahil ayaw kong tumayo.
"Ako ito, little sis." Si kuya lang pala kaya kahit ayaw ko ay tumayo nalang ako at binuksan ang pinto.
"Kuya, bakit?" Walang ganang tanong ko.
Sinuri niya muna ako mula ulo hanggang paa bago sumagot. "Bakit hindi ka pa nagpalit? Kanina mo na suot 'yan ah."
"Napagod ako, kuya e, kaya nakatulog ako agad nang hindi nakapagpalit."
Bumuntong hininga naman siya. "Siguro naman ay hindi ka na pagod ngayon kaya mag-ayos ka na at magpalit ng damit. Pagkatapos ay bumaba ka na para kumain. Hihintayin kita sa dining area."
"Sige, kuya."
Sinuri niya pa ako saglit bago umiling-iling na umalis. Ako naman ay ginawa ang sinabi niya bago lumabas at nagtungo sa dining area. Nadatnan ko naman siyang nakaupo na at umiinom ng kape. May nakahanda na ring pagkain sa lamesa at dalawang plato't kutsara't tinidor.
Bumuntong hininga pa muna ako bago lumapit at umupo sa lagi kong inuupuan.
"Mabuti naman at narito na ka. Sige, kumain na tayo."
Tumango lang ako at kumuha na ng pagkain. Wala kaming imikan dalawa hanggang sa matapos. Tumayo agad ako kaya napatingin si kuya sa akin.
"Tapos ka na? Ang kunti lang ng kinain mo ah."
"Tapos na ako, kuya, at saka wala na kasi akong ganang kumain ng marami. Sige at aalis na ako't babalik sa kwarto."
Walang naman siyang nagawa at pumayag na lang. Pagkapasok sa kwarto ay napabuntong hininga na naman ako at naupo sa kama. Napayuko ako at pumikit saka napasabunot ng buhok dahil sa frustration na nararamdaman ko. Isipin ko palang iyong nangyari kanina, feeling ko nabigo talaga ako na protectahan at ilayo sila sa kapahamakan at panganib laban sa mga kaaway ko.
Ilang sandali pa, habang nag-iisip ako ay narinig ko na namang may kumatok sa pinto pero hindi ako nagsalita at nanatiling nakayuko.
"Little sis, ako 'to. Papasok ako ah?" Hindi pa ako sumagot ay narinig ko ng bumukas ang pinto at nagsara. Pagkatapos ay narinig ko rin na naglakad siya palapit sa akin at tumigil sa harapan ko. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. Nakapamulsa siyang nakatingin sa akin ng kalmado. "Ayos ka lang ba?"
Ayaw kong magsinungaling kaya umiling ako. Napabuntong hininga naman siya at kinuha ang upuan na nakaharap sa salamin. Nilagay niya sa harap ko at doon naupo para magkapantay kami.
"Tell me, anong nangyari kanina bago ako dumating? At bakit nasa hospital ka imbis na nasa paaralan?" Hindi ako sumagot kaya nagsalita na naman siya. "Little sis, kuya mo ako, kaya kung ano man iyang problema mo ay sabihin mo sa akin para matulungan kita." Pangungumbinsi nito kaya napatango ako at mahinang napahikbi.
"Kasi, kuya, ayaw na nila sa akin. Galit sila at ayaw na nila akong makita."
"Shhh... Stop crying." Pagpapatahan nito at hinawakan ang pisngi ko saka marahang pinahid ang aking luha. "Tuloy mo lang ang sinabi mo. Bakit? Bakit mo nasabi iyan? Ano bang ginawa mo at ayaw na nila sa'yo?" Mahinahon nitong tanong.
"Nalaman na kasi nila ang secreto ko. At sinisisi nila ako sa lahat ng sakit na dinaranas nila mula sa mga kaaway ko. At nasabi ko na ba sa iyo, kuya, na ayaw nila sa mga gangster? Kaya galit na galit sila sa akin dahil nilihim ko ito sa kanila at kanina lamang tanghali ay si Nazzer naman ang pinunterya nila. Mabuti nalang ay natulungan ko siya dahil kung hindi ay baka nadala na siya ng mga iyon. Dinala ko siya sa hospital, at dahil din sa nangyari ay ipinagtabuyan na talaga nila ako dahil sa nangyari." Humihikbing paliwanag ko sa kanya.
"Shhhh... Tahan na. Pumayag ka ba?"
"Oo.... Ayaw ko na rin kasi silang mahirapan at masangkot pa sa gulo ko kaya kahit masakit para sa akin dahil napamahal na ako sa kanila ay pumayag ako.... Simula bukas ay hindi na ako papasok."
"Ganon ba? Pero paano ang pag-aaral mo? Paano kapag nalaman ito nila mommy---?"
"Hindi mo naman sasabihin sa kanila, diba, kuya?" Pagpuputol ko at nagmamakaawang tumingin sa kanyang mga mata. "At saka, titigil muna siguro ako sa pag-aaral at babalik nalang sa susunod na taon. Sa ngayon ay gusto ko na munang magpahinga mula sa mga sakit na naramdaman ko."
Napabuntong hininga naman siya. "O sige, hindi ko ipapaalam sa kanila. Basta, ipangako mo sa akin na magiging ayos ka rin."
Tumango naman ako pagkatapos ay niyakap siya. "Salamat, kuya."
"Tss! Huwag kang magpasalamat sa akin dahil nararapat lang naman talagang unawain at intindihin kita dahil kapatid kita. Huwag ka ring panghinaan ng loob dahil sa mga sinabi nila sa'yo. Malakas ka, diba? At ito rin tandaan mo. You never know how strong you are, until being strong is your only choice. So, be strong. Okay?" Tumango ako sa kanya. "At isa pa. Never waste your time trying to explain who you are to people who are committed to misunderstanding you. Because, the eyes are useless when the mind is blind."
Huling wika niya habang nakatitig sa aking mga mata, pagkatapos ay niyakap niya ako. Hindi naman ako nagsalita dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni kuya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na naihiga na pala niya ako sa kama ko at kinumutan saka hinalikan sa noo kaya napapikit ako, at napadilat din pagkatapos.
"Good night, little sis, and take a rest. Aasahan kong bukas ay maayos ka na talaga."
"Okay."
Ngumiti lang siya saka ako iniwan, pero bago siya lumabas sa kwarto ko ay pinatay niya muna ang ilaw. Naiwan akong iniisip pa rin ang sinabi niya kanina.
You never know how strong you are, until being strong is your only choice.
Never waste your time trying to explain who you are to people who are committed to misunderstanding you.
Because, the eyes are useless when the mind is blind.
Kahit anong gawin ko ay tama lahat ng tinuran ni kuya. Hindi ko alam kung gaano ako malakas, hanggang sa ang pagiging malakas lang ang aking pagpipilian. Kaya kailangan kong manatiling maging malakas hindi lang para sa sarili ko, kundi para na rin sa mga taong mahalaga sa akin. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa kanilang mga sinabi.
Siguro hindi man ngayon, baka bukas, sa makalawa o sa susunod pang mga araw ay maiintindihan din nila ako. Because my brother is right, the eyes are useless when the mind is blind.
Kinaumagahan ay nagising ako na magaan na ang pakiramdam at medyo nabawasan na ang sakit na naramdaman ko kahapon. Malaki ang naitulong ng payo ni kuya kagabi at sana lang ay magtagal ito. Ayaw ko na muna kasing maramdaman ang sakit na naramdaman ko kahapon.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas agad ako at bumaba saka nagtungo sa dining area. Nadatnan ko naman doon si kuya na kumakain na. Nakabihis na rin siya ng pang business attire.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Medyo nagulat naman siya sa ginawa ko kaya napatigil siya sa pagsubo.
"Magandang umaga, kuya." Bati ko at umupo na sa aking upuan.
Nang maka recover na siya sa pagkabigla ay tumingin agad siya sa akin. "Magandang umaga rin. Mukhang ayos na ang pakiramdam mo ngayon ah."
"Oo, kuya, ayos na ako. Salamat talaga." Nakangiting sagot ko.
"Sinabi ko ng huwag ng magpasalamat eh, dahil tungkulin ko iyon bilang kuya mo. Ang kulit mo talaga, pero walang anuman." Sermon nito pagkatapos ay ngumiti rin. "Sige kumain ka na."
Tumango ako at nagsimula na ngang kumain. Pagkatapos ay sabay kaming pumunta sa sala.
"Papasok ka na, kuya?"
"Oo, kaya dito ka muna."
"Ah, kuya, aalis din ako ngayon eh."
Napakunot noo naman siya. "Saan ka naman pupunta?"
"Sa hideout namin. Gusto ko kasing makausap sila Aspren."
"Para saan?" Tanong nito na halatang di sang-ayon.
"Basta, kuya, kaya aalis din ako."
"Tss! Baka mapano ka na naman. Hindi natin alam, nandiyan lang pala ang mga kaaway mo sa tabi-tabi o paligid at nagtatago. Inaaba ka kaya dito ka lang sa bahay."
"Kuya, wala ka bang tiwala sa akin? Kaya ko ang sarili ko, kaya huwag kang mag-alala. Okay?"
"May tiwala ako sa'yo, sa mga kaaway mo wala."
"Sige na, kuya, pumayag ka na." Pangungulit ko.
Napabuntong hininga naman siya. "Sige na nga. Alam ko namang kahit hindi ako pumayag ay aalis ka pa rin. Ikaw pa, eh hindi ka rin titigil hanggat hindi mo nagagawa ang gusto mo. Kaya ka nga naging dakilang pasaway, diba? Dahil napakatigas ng ulo mo." Sabi nito at pinitik ang aking noo.
Napasimangot naman ako at napahawak sa aking noo saka ito hinaplos.
Wala namang ulo na malambot ah. Lahat naman matigas.
"Kuya naman eh. Ang sakit ng pitik mo." Nakasimangot kong angil.
Tumawa lang naman siya saka marahan akong hinigit sa braso palapit sa kanya at niyakap. "Pero kahit gaano ka pa kapasaway at katigas ang ulo, mahal na mahal pa rin kita. Masaya lang din ako dahil sinunod mo ang sinabi ko."
Napangiti naman ako at gumanti sa kanyang yakap. "Mahal na mahal din kita, kuya."
"O sige, kailangan ko ng umalis. Saka, mag-iingat ka sa lakad mo ah?"
"Opo." Sagot ko pagkatapos ay sinamahan ko siya sa labas hanggang sa kanyang kotse. Hinalikan niya muna ako sa noo bago pumasok dito. Bago umalis ay nagpaalam din kami sa isn't isa.
Nang mawala na sa paningin ko si kuya ay saka ko lang pinuntahan ang kotse ko sa garahe. Sinuot ko agad ang helmet saka sumakay dito at pinaandar. Hindi nagtagal ay pinaharorot ko na ito palabas ng gate. Ilang lingo rin itong nakatambay sa garahe kaya masaya akong nagamit ko ito ulit ngayon.
Pagkatapos ko itong maipark ay pumasok agad ako sa loob ng hideout namin. Nadatnan ko naman sila sa loob na may kanya-kanyang ginagawa. Ang iba ay nagsasanay na naman. Mayroong pinupunasan ang kanilang baril at mga kotsilyo. Ang iba naman ay nakaupo at nag-uusap na hindi ko alam kung ano at tungkol saan. Saka may mga naninigarilyo rin at nagtatawanan.
Mukhang ayos na ayos sila rito ah. Mga walang pinoproblema.
Hinanap ko naman si Aspren sa kanila pero hindi ko siya makita. Asan naman kaya siya? Nang isara ko ang pinto nang may kalakasan ay saka palang nila ako napansin kaya napatigil sila sa kanilang ginagawa. Gulat na gulat sila habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako.
Mukhang hindi nila inaasahan na makita ako ngayon dito base na rin sa mga itsura nila.
"Kumusta kayong lahat? Medyo matagal din tayong hindi nagkita ah." Bati ko sa kanila saka naglakad.
"NK, nandito ka. Bakit?" Nagtataka at may bahid ng pagkagulat na tanong ni Aerence.
Medyo napatawa naman ako sa kanyang tinuran dahil mukhang hindi pa rin sila nakaka recover sa pagkagulat.
Nakakagulat ba talaga na narito ako ngayon? Oh well, nakakagulat at nakakapagtaka naman talaga dahil dapat nasa school ako ngayon at nag-aaral. Kaya hindi ko rin sila masisi kung ganyan ang reaksyon nila ngayon.
"Anong bakit?" Nakangiting tanong ko.
"Bakit ka narito?" Patanong na sagot ni Cider.
"Bakit? Hindi na ba ako pwede rito?" Tanong ko rin at tiningnan silang lahat.
"Hindi naman sa ganon, pero diba dapat nasa skuwelahan ka ngayon? Anong ginagawa mo rito? Saka, baka kapag nalaman ito ng kuya ay magalit sa iyo 'yun." Turan naman ni Keizell.
"Hindi na ako papasok mula ngayon kaya pumunta ako rito." Sagot ko at umupo sa single sofa na nasa gitna at may lamesa sa harap.
"Bakit naman?" Tanong ni Davies.
"Basta malalaman niyo, rin. By the way, where's Aspren?"
"Siya ba? Nasa second floor at natutulog." Sagot ni Giffard.
"Oh? Pagod ba siya kaya natutulog? Kung ganon ay ano naman ang ginawa niya at pagod siya?" Nakacross-arms na tanong ko.
"Aba, iwan namin don." Turan nila at nagkibit balikat.
Napabuntong hininga naman ako. "Sige, tuloy niyo na na ang kung ano man iyang ginagawa niyo."
Sumunod naman sila sa aking sinabi. Ako naman ay umakyat sa taas para puntahan si Aspren. Pagdating ko roon ay nadatnan ko siyang nakahiga sa kama at natutulog.
Lumapit naman ako at umupo sa gilid ng kanyang kama at tinitigan siya. At hindi ko maikakaila na gwapo rin talaga si Aspren. Hindi ko alam kung paano kami naging malapit sa isn't isa, pero ang masasabi ko lang ay sa tagal na naming magkakaibigan at magkasama lalo na sa grupo, ay hindi niya ako pinabayaan. Palagi rin siyang nandiyan sa tuwing kailangan ko ng kasama at karamay sa problema ko na hindi ko pweding sabihin sa pamilya ko lalo na kay kuya.
Kaya subra rin ang pasasalamat ko sa kanya at ipinapangako ko rin sa sarili ko na kapag siya naman ang nangangailangan ng karamay at kasangga, ay nandito lang ako para sa kanya. Hindi lang pala siya kundi pati na rin iyong mga nasa ibaba na naging kaibigan at katuwang ko na rin sa ibang bagay.
Ulit, bumuntong hininga na naman ako, at dahil tulog siya ay napagpasyahan kong matulog na rin. Tumabi ako sa kanya ng higa at inunan ang kanyang braso. Tumagili ako ng higa paharap sa kanya na nakatihaya at niyakap siya sa bewang. Wala naman ito malisya dahil kaibigan ko siya at para ko na rin siyang kuya. Mamaya ko nalang din siguro sasabihin sa kanila ang pakay ko kung bakit ako naparito ngayon.
Nagising lang ako na parang may nakatitig sa akin kaya minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ng katabi ko. Nakatagilid na siya ngayon ng higa paharap sa akin at nakaunan pa rin ako sa braso niya't nakayakap.
Tinanggal ko ang kamay ko sa bewang niya at bumangon habang nakasunod ang tingin niya sa akin. Medyo nakaramdam ako ng ilang sa titig niya kaya tumikhim ako saka tumingin sa kanya na wala pa ring kibo at nakatagilid ng higa.
"Kanina ka pa gising?" Tanong ko sa kanya na tinanguan niya naman. "Kung ganon ay bakit hindi mo manlang ako ginising?"
Nagkibit balikat naman siya. "Ayaw ko lang."
"At bakit?" Mataray kong tanong.
Ngumisi naman siya. "Dahil nakayakap ka sa akin at gusto ko pa itong maramdaman ng matagal kaya hindi kita ginising. At isa pa, gusto muna rin kitang titigan ng matagal, masama ba 'yun?" Sabi niya at nagpuot. Umismid naman ako.
"Kahit na, dapat ginising mo pa rin ako. Tss! At anong oras na ba?" Pagtingin ko sa oras ng relo ko ay 10 a.m. na pala ng umaga. Dalawang oras akong nakatulog.
"Matanong nga kita." Agad akong napatingin sa kanya. "Bakit ka nga pala narito? Baka magalit ang kuya mo niya kapag nalaman niyang nandito ka." Tanong niya at umupo sa harap ko.
Ako naman ay tumayo at nakacross-arms na humarap sa kanya na nakatingala sa akin. "Sus, huwag kang mag-alala dahil alam ni kuya na narito ako ngayon."
Napakunot noo naman siya. "Oh, mabuti at pinayagan ka, pero bakit hindi ka pumasok? May nangyari ba?"
"Ayaw kong magsinungaling kaya, oo ang sagot ko. May nangyari nga at hindi maganda." Mapait kong sagot.
"Talaga? At ano naman iyon?"
"Sa baba ko na sasabihin para marinig din ng iba. May sasabihin din akong importante sa iyo."
"Ganon ba? Tara na sa baba." Aya niya at nauna nang lumabas kaya sumunod ako.
Napatingin naman sa aming dalawa ang nasa ibaba pagkakita sa amin. Pagkababa ay dumiretso ako sa gitna kasama si Aspren.
"Ah, NK, sabi mo kanina na malalaman namin kung bakit hindi ka pumasok. Siguro naman ay sasabihin mo na sa amin ngayong narito na rin si Aspren." Tumango naman ako kay Jaxon.
"Oo, at ito ay dahil nalaman na ng buong section Fear na isa akong gangster na kinamumuhian nila?" Sagot ko na agad nilang ikinagulat.
"Holy shit!"
"Ano ang ginawa nila sa'yo?!"
"Sinaktan ka ba nila?!"
"Ano, paano nila nalaman?!"
"The hell!"
"Totoo?!"
Kanya-kanya nilang reaksyon saka nag-aalalang nakatingin sa akin.
"Paano nga pala nila nalaman iyon?" Tanong ulit ni Aspren at lumapit sa akin.
"Narinig kasi nila ang pagtatalo namin ni Ranzel, at dahil doon kaya nalaman nila. Kahapon ng tanghali, diba tinawagan kita para ipalinis ang gulo sa parking lot ng school namin?" Tumango siya. "Dahil iyon sa ginawa at pagbabalak na naman ng mga kalaban ko na kunin ang isa sa section Fear at iyon ay si Nazzer."
Hindi naman sila nagsalita at nakikinig lamang kaya pinagpatuloy ko ang pagkukweto hanggang sa matapos. Nang ilibot ko ang tingin sa kanilang lahat ay nakita ko ang nakakuyom nilang mga kamao at nagpipigil sa galit, lalo na si Aspren.
"Hindi ko nagugustuhan iyang nakikita ko sa inyo kaya huminahon kayong lahat." Ginawa naman nila ang sinabi ko pero makaraan lang ang ilang sigundo ay nag-ingay na sila dahil hindi na napigilan ang sarili.
"Eh mga tarantado pala sila, eh. Kung pagbubugbugin ko kaya silang lahat!" Sigaw ni Keizell.
"Sila na nga ang tinutulungan mo, sila pa ang may ganang magalit sa'yo!"Sigaw ni Giffard.
"Pasalamat nga sila at hanggang ngayon ay buhay pa sila dahil kung hindi dahil sa'yo, wala na sila ngayon!" Turan naman ni Emmette.
"Sa katunayan ay ikaw pa nga ang dapat na magalit sa kanila dahil hindi sila mag-iingat. Palagi pang nalalalagay sa alanganin ang buhay mo kakaligtas lang sa kanila. Muntik ka pa ngang mamatay eh. Tapos ito ang igaganti nila sa'yo? Ang ipagtabuyan ka na ngayon? Hanep ah!" Galit na turan at hindi makapaniwalang anas ni Azzel.
"Bakit hindi mo manlang pinagtanggol ang sarili mo? Dapat nagalit ka rin sa kanila." Turan ni Davies.
"Oo nga, at dapat hindi mo sinunud ang mga kagustuhan nila dahil wala ka naman talagang kasalanan!" Turan ni Creed.
"At hindi mo kasalanan 'yon!"
"Lagot talaga sila sa akin!"
"Mga tarantadong 'yon!"
Hindi ko nakayanan ang kanilang mga hinaing at sigaw kaya nagsalita ako. "Manahimik na kayo!" Dahil sa sigaw ko ay napatigil sila at magsasalita na naman sanang muli nang sinamaan ko sila ng tingin. Napapikit naman sila ng mata at marahasna bumuga ng hangin. "Huwag na kayong magsalita pa ng kung ano-ano tungkol sa kanila." Mahinahon kong pahayag.
"Pero sinaktan ka nila. Hindi man physical, pero emotional kaya bakit mo pa sila pinagtatanggol?" May halong galit na wika ni
You are reading the story above: TeenFic.Net