Chapter 20

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 20. kiesha's pov.



Paggising ko ay tumama agad ang paningin ko sa kisame ng kwartong kinahihigaan ko ngayon. Napagtanto kong nasa hospital bed pala ako nang ilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Ilang sandali pa ay bigla kong naalala ang nangyari roon sa hideout ni Elton kaya napaisip ako.

Sila Ranz3l, as an kaya sila ngayon? Maayos na kaya ang kalagayan nila? Narito rin na sila sa hospital kanya ko?

Natigil lang ang mga katanungan sa isip ko nang pumasok si kuya na may dalang pagkain at prutas. Medyo natigilan pa siya nang makitang gising na ako pero kalaunan ay nagpatuloy na sa paglakad patungo sa lamesa.

"Mabuti naman at gising ka na." Wika niya at inilapag ang dala sa lamesa. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Maayos na ba? Wala na bang masakit sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong niya pa at humarap sa akin.

"Opo, kuya, medyo nakararamdam pa ako ng sakit sa ibang parti ng aking katawan pero hindi naman gaano kaya ayos na ako."

"Mabuti naman kung ganon. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko." Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo iyon ginawa?" Seryosong tanong niya na medyo ikinakaba ko.

"Ang alin, kuya?" Maang-maangan ko.

"Bakit ka sumugod doon nang mag-isa nang hindi pinag-iisipan ng mabuti--ay mali, nag-iisip ka pa ba talaga ng tama noong araw na 'yon?... Sa tingin ko hindi, dahil hindi mangyayari 'to sa 'yo kung oo." Galit na galit siyang nakatingin sa akin habang nagsasalita. "At hindi ka man lang nagpaalam sa akin kung payag ba ako sa gusto mo!"

"Kuya, ginawa ko lang naman iyon dahil nag-alala ako sa kalagayan nila at sa kung anong mangyayari sa kanila roon. Kilala ko si Elton, baka pag hindi ako dumating ay mapatay niya sila roon." Mahinahon kong sagot sa kanya.

"Ah ganon? So, mas gusto mong ikaw ang mamatay kesa sila? Kaya hindi mo na inisip ang mararamdaman naming maiiwan mo kung sakaling mawala ka?... Ano bang meron sa mga lalaking iyon at ganyan nalang kadali sa 'yo ang magsakripisyo para sa kanila?... "

"Mahalaga sila sa akin." Mahinang sagot ko.

"Ano?" Nagtataka at gulat nitong tanong.

"Ang sabi ko mahalaga sila sa akin."

"At bakit? Kailan mo lang sila nakilala."

"Iyon na nga eh. Kailan ko lang sila nakilala pero napamahal na ako sa kanila... Alam mo naman diba, kuya, na mula paglabata, pagkatapos mag elementary hanggang high school at sa huling school na natanggal ako, ni minsan hindi ako nagkaroon ng kaibigan?... " Turan ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at pinakatitigan lang ako.

"Sila Aspren lang mga naging kaibigan ko simula noong nakilala at sumali ako sa grupo nila, at hindi ko pa sila masyadong nakakasama dahil nasa ibang school sila nag-aaral... Ngayon, kuya, sa bagong nilipatan kong school nagkaroon ako, at sila Ranzel'yon... Hindi naging maganda ang unang tagpo namin pero habang tumatagal na nakasama ko sila ay nagbago ang lahat. Um ayos ang trato nila sa akin, naging kaibigan ko silang lahat. Hanggang sa hindi ko na maramdamang nag-iisa lang ako sa school gaya ng dati na walang kaibigan dahil dumating sila."

"Sila ang pumuno sa mga kulang sa buhay ko, at dahil sa kanila nagbago ako. Ang dating basagulera at palaging natatanggal sa school na pinapasukan ay unti-unting nawawala... Kuya, mahal ko sila bilang akin ng pinakamalapit na kaibigan at kapamilya na rin.... Kaya natatakot ako na baka sa isang iglap lang ay mawala sila sa akin, na bumalik na naman ako sa dating ako.... Ayaw ko na ulit maranasan iyon, kuya.... Gusto kong maranasan na maging masaya kasama sila, ang mga bago kong kaibigan. Kaya, kahit ikapahamak ko pa ay ayos lang dahil ako rin naman ang dahilan kung bakit sila napunta sa sitwasyong iyon." Hanggang sa natapos akong magsalita ay tumutulo pa rin ang aking mga luha kaya pinupunasan ko ito habang nakatingin kay kuya.

"Alam ba nila na isa kang gangster?"

Umiling ako. "Hindi. Hindi nila alam maliban kay Ranzel ay wala na. Hindi pa ako handang ipaalam sa kanila dahil maka magalit sila sa akin at kamuhian nila ako. Ayaw kong mangyari iyon, kuya, ayaw ko."

"Bakit naman sila magagalit at kamuhian ka?" Tanong niya ulit at lumapit sa akin at umupo sa gilid ng aking kama saka humarap at maingat na pinunasan ang luha ko.

"Dahil ayaw nila sa mga ganoong klaseng tao, kuya, kaya natatakot ako sa maaaring maging reaksiyon nila kapag ito'y nalaman." Sumisinghot kong sagot.

"Shh.. It's okay kaya tahan na. Stop crying can you? Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan eh." Pagpapatahan niya sa akin saka ako niyakap at hinagod ang aking liked.

Yumakap naman ako sa kanya pabalik habang pinipigilan ko ang nagbabadya kong luha na bumaksak. "Hindi ka na galit, kuya?"

"Oo, hindi na basta huwag mo ng uulitin iyon sa susunod. Magpaalam ka o ipaalam mo muna sa akin ang gagawin mo para matulungan kita. Okay?" Tumango-tango naman ako.

"Opo."




Pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya kanina ay umalis na siya dahil may aasikasuhin pa raw siya sa kompanya at mamayang gabi pa ang balik niya.

Napatingin naman ako sa pinto nang bumulas ito at pumasok si Aspren na may dalang pagkain, tubig at gamot na nakalagay sa tray na hawak niya. Tanghalian na rin kasi. Pinanood ko lang siyang lumapit at umupo sa gilid ng kama ko.

"Ito na ang pagkain mo kaya kumain ka na at nang magkalaman na iyang tiyan mo. Susubuan kita." Sabi niya. Hindi naman ako sumagot at tumango nalang.

Ibinuka ko naman ang bibig ko nang sinubuan na niya ako. Nanatili lang kaming tahimik habang seryoso siyang sinussubuan ako. Pagkatapos ay pinainom niya ako ng gamot. Nilagay niya muna sa lamesa ang tray bago humarap sa akin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Mabuti na."

"Mabuti naman." Turan niya at pagkatapos ay naging tahimik ulit kami pero kalaunan ay binasag niya ito. "Narinig ko ang pinag-uusapan niyo ng kuya mo kanina at naiintindihan kita... At kung balak mo rin akong pagalitan sa ginawa kong pagsuway sa utos mo sa amin ay gawin mo na, pero hindi namin pinagsisihan ang aming ginawa." Turan niya habang nakatitig sa akin.

Bumuntong hininga naman ako. "Kahit na pagalitan ko kayo ay wala namang magbabago, nangyari na ang nangyari kaya wala na akong magagawa. Pero gusto kong magpasalamat sa inyo dahil niligtas niyo ang buhay ko maging ang mga kaklase ko. Tika, asan na nga pala sila ngayon? Hindi ba sila masyadong napuruhan?"

"Oo, hindi naman. Kagabi lang din ay nakauwi na sila pagkatapos madischard. Ikaw lang itong naabutan ng umaga dahil masmalala ang sa iyo kesa sa kanila. Gusto rin sana nilang dalawin ka kagabi pero hindi sila pinayagan ng kuya mo kaya wala silang nagawa."

"Ganon? Ayos lang at least ayos na sila. Eh, sina Elton, ano nang nangyari sa kanila?"

"Nakatakas ang ibang mga tauhan nito maging siya kaya kailangang mag-ingat pa rin kayo ng mga kaklase mo, dahil hindi natin alam kung ano na naman ang binabalak nila laban sa 'yo.... At madadamay na naman ang mga kaklase mo."

*********


Ranzel's pov.


Tatlong ng hindi pumapasok si Kiesha. Tatlong araw na rin na walang ganang pumasok ang aking mga kaibigan maging ako. Naghihilom na rin ang aming mga pasa at sugat sa katawan kay masasabi kong ayos na rin kami.


"Hay! Kumusta na kaya si Kiesha ngayon."


"Hindi pa rin ba siya nakalabas ng hospital?"


"Maayos na kaya siya?"


"Nag-aalala pa rin ako sa kanya."


"Dalawin kaya natin?"


"Mabuti sana kung papapasukin tayo roon."


"Nandoon ang kuya niya nagbabantay sa kanya kaya panigurado hindi na naman tayo papapasukin non."


"Oo nga pala, dahil tayo ang dahilan kung bakit nangyari kay Kiesha iyon."


"Kailan ba siya papasok?"


"Oo nga, namimiss ko na siya."


"Walang buhay ang room natin kung wala siya."


Iyan palagi ang mga pinagsasabi nila sa mga nagdaang tatlong araw. Hindi lang pumasok si Kiesha parang ayaw na rin nila na pumasok.


"Goodbye, class!" Paalam ng guro sa last subject namin ngayong umaga."


"Tumayo naman kami. "Goodbye po, ma'am."


Pagkalabas ni mama ay nagsitayo na rin kami. "Tara na sa cafeteria." Aya ko sa kanila.


Nagsitango naman sila at naunang lumabas at sumunod naman ako saka wala kaming imik na naglalakad. Pinagtitinginan kami ng ibang studyante pero wala kaming pakialam, hanggang sa makalapit kami sa lamesa namin at maupo habang ang iba ay um-order.


Habang kumakain kami ay dumating si Katherine at lumapit sa lamesa namin.


"Bakit, Katherine?" Tanong ni Nazzer sa kanya.


"Wala pa rin ba si Kiesha? Hindi pa rin ba siya pumasok?" Tanong niya at inilibot ang tingin sa amin.


Hindi naman ako kumibo at nagpatuloy nalang sa pagkain habang tumango naman ang mga kaibigan ko at ngumiti ng tipid sa kanya.

"Ilang araw na ba siyang hindi pumapasok?" Tanong nito ulit.

"Tatlong araw na, Katherine." Sagot ni Nazzer at tumango lang ulit ang mga kaibigan ko.

"Subrang nag-aalala na ako sa kanya. Kailan ba siya papasok? Ano ba kasing nangyari sa kanya maging sa inyo?"

"Mahabang kwento, Katherine, sa susunod ko nalang sasabibin sa 'yo. Anyway, kumain ka na ba? Sabay ka na sa amin." Aya ni Nazzer.

"No thanks. Kumain na ako. Sige, magpatuloy na kayo at aalis na rin ako. Pumunta lang naman ako rito para itanong si Kiesha. Paalam."

"Sige"





Kinabukasan ay nakaupo na kaming lahat sa room pero wala pa rin ang first subject namin ngayong umaga na si Sir Marcos.


"Kainis naman! Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya?" Maktol ni Onel na ang tinutukoy ay si Kiesha.

Nakaupo lang naman ako sa upuan ko habang tahimik na nakikinig sa kanila.

"Hayaan mo na, Onel, papasok din iyon. Hindi man ngayon, malay natin baka mamaya, bukas o sa makalawa ay pumasok na siya." Pagpapagaan ng loob ni Nazzer sa kanya.


"Sana nga, ganon." Turan nalang ni Onel na tinanguan nila.nika.

"Good morning, class!" Napalingon naman kami sa pinto nang pumasok si Sir Marcos.


"Good morning, Sir." Bati rin namin habang nakatayo.


"Okay, you may now seat down." Umupo naman agad kami. "Hindi pa rin ba siya pumasok?" Tanong ni Sir habang nililibot ang tingin sa amin at tumigil ito sa upuan ni Kiesha kaya napatingin din ako rito.

"Yes, Sir. Namimiss na nga namin siya eh." Sagot ni Donald.


"Oo nga, Sir, hindi kimpleto ang araw namin dito sa school at room kung wala siya eh." Sagot naman ni Arsen.


"Yes, sir, wala ng bumabara sa amin kapag kami ay nagtatanong." Sabi naman ni Luis.

"Okay.. Naiintindihan ko kayo. Ipagpanalangin nalang natin na kung ano man ang kalagayan niya ngayon, ay sana gumaling na siya at ng makapasok na rin siya." Sabi ni sir habang nakangiti.

"Sana nga, sir." Sabay na turan nila.

"Sige, tama na 'yan at magsimula na tayo. Our topic for today is---" Napatigil si sir nang biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kami rito.

"I'm sorry, sir, I'm late." Nakangiting paumanhin ng babaeng pumasok at inilibot ang tingin sa amin.


Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong napangiti pagkakita sa kanya. Ang mga kaibigan ko naman ay hindi magkanda ugaga sa galak sa kanya at nag-uunahang makalapit rito. Nakangiti niya naman itong sinalubong saka dumako ang tingin niya sa akin.


"Kiesha!"

*********

Niel's pov.


Pagkatapos kung maihatid ang kapatid ko sa paaralan ay umalis agad ako at nagmaneho papunta sa companya ko.

Napakatigas talaga ng ulo ng babaeng 'yon. Sinabi ng next week nalang pumasok para makapagpahinga pa siya at mas gumaling pa ang mga sugat at pasa niya ay hindi nakikinig. Nagpupumilit talagang pumasok kahit kalalabas lang niya sa hospital kahapon. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung saan siya nagmana, dahil hindi naman daw ganoon sila mommy at daddy noong kabataan pa nila.

Napabuntong hininga nalang ako saka napailing-iling na napatingin sa kalsada. Habang patagal sa pagmamaneho ay napansin kong parang may sumusunod sa akin na tatlong kotse. Pero imposible 'yon. Bakit naman nila ako susundan? Kaya hindi ko nalang sila pinansin at ipinagsawalang bahala nalang saka pinagpatuloy ang pagmamaneho. Pero kahit anong gawin ko ay nakasunod pa rin sila sa akin.


Masama na ang kutob ko rito.


Kaya, para makasiguro ay lumiko ako sa kabilang daan na hindi masyadong daanan ng mga tao at sasakyan. Nang tumingin ako sa side mirror ng kotse ko ay nakita kong nakasunod pa rin sila sa akin. Binilisan ko naman ang pagpapatakbo ng sasakyan, at nang makita na bumilis din sila ay sigurado na ako na hindi ko lang guni-guni iyon. Sinusundan talaga nila ako kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo at nag-iisip ng paraan kung paano sila matatakasan dahil hindi ko alam kung ano ang mutibo nila para gawin ito. Hindi naman sila tumigil at ang kaninang nakasunod lang ay hindi na ngayon, dahil sinusubukan na nilang pantayan at banggain ang kotse ko.

Hindi na maganda 'to.

Hindi nagtagal ay nalagpasan ako ng isang kotse at hunarang ito sa daraanan ko kaya mabilis akong napapreno.

Mukang Hindi na ako makakatakas. Dalawang kotse ang nakabantay sa likod ko eh.

Hindi naman ako kumilos at tumingin nalang sa harapan. Bumaba ang mga nakasakay sa kotseng nasa harapan ko at nang lumingon ako sa likod ay nakitang ganon din sila.

Mukang decade ako sa mga ito kung lalaban ako dahil puro sila mga armado at nag-iisa pa ako.


Lumakad palapit sa kotse ko ang dalawang lalaki na lumabas sa kotseng nasa harap. Hinintay ko lang ang mga ito habang naghahanda sa maaaring gawin nila. Kumatok ang isa sa bintana ng pintuan kung saan ako naroon. Bumuntong hininga naman ako bago ibinaba ang salamin.

"Bakit? Anong kailangan niyo? Bakit niyo ako sinusundan at hinarang?" Tanong ko agad dito.

"Ikaw ang kailangan namin kaya bumaba ka na sa kotse mo at sumama nalang sa amin para hindi ka na masaktan." Sagot nito.

"Eh kung ayaw kong bumaba? Anong gagawin niyo?"

"Pwersahan ka naming isasama at masasaktan ka pa kapag nagmatigas ka pa."

Napabuntong hininga naman ako at lumabas nalang ng kotse. Napangising tagumpay naman sila.

"Madali ka naman palang kausap eh, hindi gaya ng kapatid mo." Sabi naman ng isa.

Kapatid? I big sabi hindi ay sila ang mga kaaway ng kapatid ko? Possible kaya na sila rin ang may gawa non sa kanya kaya ito nahospital?

Sa isiping sila nga iyon ay hindi ko mapigilang mapatiim bagang at mapakuyom ng kamao. Kaya sa galit ko, habang hindi pa kami nakakalapit sa kotse nila ay agad kong sinuntok at tinadyakan sa tiyan ang dalawa. Naalerto naman agad sila dahil sa nangyari. Nang lumapit sa akin ang isa ay hinuli ko ang pulsuhan nito saka umikot at binalibag ito saka sinuntok ang dalawang lumapit pa at patalon na sinipa. Ang mga taong nasa likuran naman ng kotse ko ay nagsilapit na rin at sinugod ako.


Umilag-ilag ako sa mga suntok at sipa nila saka agarang sinalo ang paa ng isa at malakas na siniko ang tuhod nito at sinuntok sa panga. Agaran ko ding pinatid ang dalawang nasa likod ko at tumayo ng maayos. Akmang susugurin ko na ang lalaking nagtanong sa akin kanina nang bigla ako nitong tutukan ng baril kaya napatigil ako at hindi agad nakagalaw.


Damn! Wala pa naman akong baril na dala. Malas naman oh.

"Nagkamali pala kami, hindi ka pala madaling kausap kagaya ng kapatid mo.

Nang makabawi, kahit hinihingal ay nginisihan ko siya. "Sino ba kasi ang nagsabi sa inyo na madali akong kausap?"

"Ha! Katulad ka rin pala talaga ng kapatid mo. Masyadong matitigas ang ulo, kaya ang dapat sa inyo ay turuan ng leksiyon!" Sigaw nito at babarilin na sana ako nang may nauna nang magpaputok.

Nagulat ang lalaki sa nangyari pagkatapos ay natumba dahil tinamaan ito sa dibdib. Kahit na nagulat ay tumingin ako sa likod dahil doon nanggaling ang putok. And there he is, standing beside he's car while holding a gun pointing it to the man now who's laying on the ground, dead.

Mabilis namang nagsitayo ang mga kasamahan ng lalaking nabaril at nagsitago saka bumunot na rin ng baril at sinubukang baril ang lalaki na mabilis namang nakailag at nakatayo. Hindi naman ako nagpahuli at mabilis na tumakbo saka nagtago sa gilid ng kotse ko.


Nagpapalitan sila ng putok at patay na rin ang mga lalaking nakasakay sa kotseng humarang sa akin. Mabilis ko namang pinulot ang baril na malapit sa akin at walang pagdadalawang isip na binaril ang iba na sinusubukang patamaan ang lalaki. Hindi naman nagtagal ay natapos na ang putukan at patay lahat ang mga armado. Hinihingal akong nakatingin sa lalaki na papalapit sa akin hanggang sa magkaharap kami.

"Ayos ka lang ba? Wala kang natamong sugat o tinamaan ng bala?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Oo, ayos lang ako at salamat sa tulong mo...pero paano ka nakarating dito?" Seryoso ko ring tanong sa kanya.

"Habang nagmamaneho ako papunta sa Kings Ground ay nakita ko ang kotse mo rito kahit malayo ako. Hindi rin naman sana ako pupunta rito kung hindi ko lang nakita na nakipaglaban ka sa kanila. At sa nakikita ko, mga kalaban namin sila ni Kiesha."

"So, tama nga ang hinala ko kanina na kalaban sila ng kapatid ko. Sabihin mo, isa rin ba sila sa mga nagpahirap sa kapatid ko na muntik ng mamatay?"

"Hindi. Iba ang lider ng mga iyon at ng mga iyan."

"So, ibig mong sabihin ay marami pa kayong mga kaaway ng kapatid ko?"

"Oo, kaya mag-iingat ka na rin simula ngayon, dahil sa nakikita ko at kung hindi ako nagkakamali, mukang ikaw ang susunod nilang target na makuha para ipain sa kapatid mo."

"Hindi mangyayari iyan dahil hindi ko hahayaan na ako naman ang magiging dahilan sa ikapapahamak ulit ng kapatid ko."

"Ikaw ang bahala, basta, mag-iingat ka pa rin. Sige, aalis na ako. Paalam."

"Sige at, Aspren, tuparin mo ang pangako mo na hindi na iyon mangyayari ulit sa kapatid ko, dahil hindi ko alam ang gagawin at mararamdaman ko sa oras na mawala na siya ng tuluyan sa akin."

"Makakaasa ka na hindi ko na ulit iyon hahayaang mangyari sa kanya. At kahit hindi mo na ito sabihin pa sa akin ay gagawin ko pa rin naman at alam mo na kung bakit.... Mahal na mahal ko ang kapatid mo, Aspren, hindi bilang kagrupo at kaibigan, kundi bilang babae na pwede kong makasama..... Habang buhay..."



*********

Kiesha's pov.


"Mabuti naman at pumasok ka na, Kiesha, subrang namiss ka namin." Nakangiting wika ni Tommy sa akin.

"Yeah. Parang walang buhay ang room natin pag wala ka." Turan ni Linbo.

"Subrang nag-alala rin talaga kami sa 'yo sa isiping nasa hospital ka pa rin." Turan naman ni Antun.

"Ano? Talaga bang ayos ka

You are reading the story above: TeenFic.Net