Chapter 16. Kiesha's pov.
Nasa classroom na kaming lahat ngayon at kasalukuyang nakikinig sa mga itinuturo mi Ma'am, Reyes. Pero habang nakikinig ako ay parang walang pumapasok sa utak ko, dahil hindi pa rin nawala sa isipan ko ang nangyari kanina.
Ngayon alam ko na ang ibigsabihin nang sinabi ni Clinetone noon na, "The best way to move forward, is to let go of the people holding you back," at sa biglaang pagtahimik ng lahat lalo na si Nazzer. Pero para masiguro talaga na tama ang hinala ko ay kakausapin ko si Nazzer mamaya.
Lumingon ako sa gawi niya at nalaman kong hindi pala nakatuon ang atentsyon niya kaya Ma'am Reyes, kundi sa bintana.
Pagkatapos magklase ni Ma'am ay nagpaalam na kaagad ito at umalis. Lunch time na ngayon kaya nagsitayo na kami at lumabas. Habang naglalakad kami ay napansin kong wala siya sa tabi ko. Lumingon-lingon pa ako sa mga kasama ko at sa likod, nagbabakasakalaing nandoon siya pero wala.
Bumuntong hininga naman ako at tumigil na nagpatigil din sa kanila.
"Bakit, Kiesha?" Tanong ni Nelson.
"Ahh, mauna na kayo, C.R. lang ako sandali."
"Sige,"
"Okay,"
"Tara, guys."
Pagkatapos ay nauna na nga sila. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang nila napansin na hindi namin kasama si Nazzer. O napansin na nila pero ipinagsawalang bahala lang. Umalis nalang ako at nagtungo pabalik sa room dahil naroon siya at nagpaiwan.
Nagsinungaling ako kanina dahil baka sasama rin sila pabalik.
At tama nga ako, dahil pagdating sa room ay nakita ko siya ng nakaupo pa rin sa kanyang upuan at nakaduko sa kanyang lamesa. Lumapit ako at kinuha ang aking upuan at itinabi sa kanya saka ako umupo. Mukang hindi niya pa rin napansin ang presensiya ko dahil ganon pa rin ang posesyon niya.
"Nazzer," tawag ko at hinawakan siya sa balikat.
Inangat niya naman ang kanyang ulo at tumingin sa akin. "Ayos ka lang,"
Alanganin siyang ngumiti at tumango sa akin, pagkatapos ay tumingin sa kawalan. "Huwag ka sanang magagalit, pero gusto ko lang malaman kung totoo ang sinabi mo kanina."
"Totoo 'yun."
"Paano?"
Third persons pov.
It was Almia's birthday, and all of her friends and friends of her cousin, Ranzel are invited. Marami na ring mga tao sa bahay nila Almia, including her relatives and friends of her family. Naroon na rin si Ranzel at ang mga kaibigan nito.
Marami ang mga bumabati kay Almia. Lahat ay nagsasaya sa birthday niya. Hindi nagtagal ay dumating si Katherine, kaibigan ni Almia na dalawang taon ang tanda sa kanya. Lumapit si Katherine kay Almia dala ang regalo nito at binati siya. Masaya naman niya itong tinanggap at niyakap ni Katherine.
"Mabuti naman at nakarating ka. Akala ko kasi ay hindi ka pupunta eh." Turan niya sa kaibigan.
"Akala ko nga rin eh, pero mabuti nalang at pinayagan ako ni mama, kung hindi ay baka wala nga ako ngayon rito." Nakangiting sagot naman ni Katherine. Lumapit naman sa kanila sina Selen, Rosel at Recia.
"Ahm, Almia, sino siya?" Tanong ni Selen na tinanguan naman ng dalawa pa.
"Ah, oh! By the way, Katherine, meet my three friends. Recia, Selen and her cousin, Rosel. And girl, this is Katherine may new friends." Nakangiting pagpapakilala ni Almia kay Katherine sa tatlo.
"Hi,"
"Hello,"
"Nice to meet you,"
"Nice to meet you, too."
"Paano kayo nagkakilala, Almia?" Tanong ni Recia.
"Noong, tinulungan niya ako sa pagbitbit ng mga libro ko papunta sa library."
"Bakit ka naman niya tinulungan at saan galing ang mga librong iyon?" Tanong ni Selen.
"Inutusan kasi ako ni Mr. Juven dahil wala siyang ibang mautusan."
"Ahhh," they said in unison.
"So, pwede ka rin ba naming maging kaigan?" Tanong ni Recia kay Katherine.
"Oo naman, bakit hindi?"
"Talaga? Great! We have a new friend now." Masayang wika ni Recia na nginitian naman ng dalawa.
"Ahm, tara, naroon ang table namin oh. Sumama ka na rin sa amin at nang makakain ka na rin. Ikaw din, Almia." Aya ni Selen sa kanila. Pumayag naman si Katherine at ganon din si Almia.
Habang kumakain sila ay lumapit naman si Ranzel, kasama ang dalawa nitong kaibigan na si Nazzer at Cristian.
"Hey, cous! Here's my gift for you, and again happy birthday." Sabi ni Ranzel at ibinigay ang regalo nito.
"Oh! Thanks, cous."
"Ito rin sa akin. Happy birthday." Wika naman ni Cristian.
"And here's mine, too." Sigunda ni Nazzer at tiningnan ang mga kasama nito isa-isa hanggang sa madako ito kay Katherine na kumakain lang at minsan ay tumitingin-tingin sa paligid.
"Yeee! Thanks to the both of you."
Hindi pa rin inalis ni Nazzer ang kanyang tingin rito hanggang sa makabalik na silang tatlo sa kanilang pwesto. Hindi niya alam kung bakit pero bumilis ang tibok ng puso niya pagkakita rito.
Nang matapos ang selebrasyon ay hindu na nakita pa ni Nazzer ang dalaga. Marahin ay nauna na itong umuwi, sa isip-isip niya pa.
Hanggang sa pagtulog ay ito pa rin ang nasa isipan niya. Hindi siya mapakali, at gustong-gusto niya itong makita muli. Ngunit hindi niya alam kung paano. Ni hindi niya manlang nalaman ang pangalan nito O kung saan ito nag-aaral.
Kinabukasan, sa school nila ay niyaya nila Almia si Katherine na pumunta sa court, dahil panonoorin daw nila ang practice ng pinsan nito sa basketball ang mga kaibigan at kapatid ni Selen at Recia.
Nang makahanap ng pwesto ay agad silang umupo rito at nanood. Tudo cheer sina Almia habang nanood lang si Katherine.
Nakay Cristian na ang bola at hindi siya makatakbo dahil hinaharangan siya ng dalawa na nagsisilbing kalaban nila.
"Cristian, ipasa mo sa akin!" Sigaw ni Nazzer na ginawa naman ni Cristian.
Todo cheer at sigaw naman ang ginagawa ng mga nanonood na studyante lalo na ang mga babae.
Pinapatalbog na ni Nazzer ang bola habang may isa na humaharang sa kanya.
"Go, kuya, kaya mo 'yan!"
"Go, insan!"
Dinig ni Nazzer kaya lumingon siya sa pinanggalingan nito, at napangiti siya nang makita ang kanyang kapatid at pinasan pati na si Almia at Recia. At ang mas nakakapagpangiti sa kanya ay ang babaeng kagabi pa niya iniisip. Nakatingin ito sa kanya habang nakangiti. Hindi niya tuloy maiwasan ang makaramdam ng sobrang saya dahil nandito ito at nanonood.
Hindi na siya nagdalawang isip pa at mabilis siyang umikot sa kalaban at tumakbo habang pinapatalbog ang bola. Agad din siyang tumalon at ipinasok sa ring ang bola nang makalapit.
"Yaaaah!"
"Ang galing mo, Nazzer!"
"Wooooh!"
"Galing!"
"Waaaah!"
Sigawan naman ng mga manonood. Nakangiti naman si Nazzer na humarap sa lahat lalo na sa direksyon ng dalaga. Mas napangiti pa siya nang makita itong nakangiti pa rin, at kahit nasa malayo ay nakikita niya pa rin na humahanga ito sa kanya.
Pagkatapos ng practice nila ay nagsialis na kaagad ang mga studyante. Hinanap pa ulit ng mga mata niya ang dalaga pero wala na ito. Ngunit kahit magkaganon man ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mapangiti dahil nakita niya itong muli.
"Guys, tara, cafeteria tayo." Aya ni Luis. Nasa locker room sila ngayon kasama ang buong barkada at katatapos lang nilang magpalit ng admit.
"Sige, tara."
"Tamang-tama, gutom na rin ako."
"Oo nga,"
"Kakapagod kaya ang practice."
"Tama ka riyan."
"Pero worth it naman dahil maganda ang kinalabasan ng practice natin."
Mga usap-usapan nila habang naglalakad patungong cafeteria.
"Pero, guys, wala ba kayong napapansin?"
"Ano naman iyon, Linbo?" Balik tanong ni Clinetone.
"Hay, wala nga." Ani naman ni Linbo.
"Sabihin mo nalang kasi, ano ba 'yon?" Naiinip na tanong ni Tommy.
"May isa kasi diyan na simula nong mapalingon siya sa gawi ng kapatid ay hindi na mawala-wala ang ngiti sa lagi. Sabihin niyo nga sa'kin, sinapian ba ito ng ligaw na spirito?"
Napatigil naman ang mga kasamahan niya maging si Ranzel at tiningnan ang bawat isa. Napatigil ang ganilang tingin sa nakangiting si Nazzer habang nakatingin sa daan, at napatigil lang ito nang mapansin ang tingin ng kanyang mga kaibigan sa kanya.
"What?" Nagpipigil ngiti nitong tanong.
"Napano ka, Nazzer?"
"Ayos ka lang, Nazzer?"
"Nazzer, sinong sumapi sa'yo?"
"Anong uri ng spireto ang sumapi sa'yo?"
"Tatawag na ba kami ng pari?"
"O kaya ay albolaryo?"
"Ano, Nazzer?"
Sunod-sunod at sari-saring tanong ng mga ito na ikinataka ni Nazzer at tiningnan sila nang nakakunot noo.
"Pinagsasabi niyo?"
"Huh?"
"Huh?" Panggagaya ni Nazzer sa kanila.
"Nazzer naman eh, wag ka ngang ganyan, nanininago kami sa'yo." Ani Morgan.
"Bakit? Ano ba ang ginawa ko?"
"Kanina kapa kasi ngiti ng ngiti. Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ni Luis.
"Ah, 'yon ba? Wala," pagkatapos ay umiwas siya ng tingin at nagpipigil na naman sa pagngiti.
"Nazzer,"
"Hay! Dahil ito sa kanya." Nakangiting sagot nito habang nakatingin sa kawalan.
"Huh?"
"Sakanya?"
"Sini iyang tinutukoy mo?"
"Saan ka ba nakatingin?"
"Nazzer, huwag mong sabihin na may nakikita ka ng hindi namin nakikita?"
"Oo,"
"Huh!"
"Waaah!"
"Nazzer naman,"
"Huwag ka ngang ganyan."
"Natatakot na ako."
Mga hinaing nila at nagyakapan. Napatigil naman sa pagngiti si Nazzer at tiningnan sila nang nagtataka. Hindi mawari kung ano ang ginagawa ng mga kaibigan.
"Ginagawa niyo?"
"Nagyakapan."
"Bakit?"
"Eh, sabi mo kasi may nakikita ka na hindi namin nakikita."
"Nazzer, nasaan siya, Nazzer?"
"Ituro mo naman sa amin."
"Para alam namin kung saan kami tatakbo nang hindi namin siya nababangga o makakasalubong."
"Ano ba iyang mga pinagsasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan. Ang mabuti pa ay magmadali na tayo at nang makakain dahil gutom na gutom na ako." At nauna itong lumakad.
Ang mga kaibigan niya naman ay nagtinginan muna bago dali-daling sumunod sa kanya. Pagdating nila sa cafeteria ay dumiretso agad sila sa counter at nag-order. Pagkatapos ay napadako ang tingin nila sa is ang lamesa na may limang babaeng nakaupo.
Masaya itong kumakain habang nagkwe-kwentuhan. Hindi na naman napigilan ni Nazzer ang mapangiti dahil isa roon ang babaeng laman ng kanyang isipan.
"Nakangiti ka na naman."
"Huwag mong sabihin--"
"Nazzer?"
Hindi naman sila pinansin ni Nazzer at nauna na naman itong naglakad palapit sa pwesto ng mga babae. Sumunod naman ang mga kaibigan nito.
Napatigil naman sa pagtawa sina Selen nang mapatingin siya sa kuya niya na papalapit sa kanila.
"Kuya Nazzer!"
"Oh, Selen," turan naman ni Nazzer na saglit lang na tumingin sa kapatid at tumingin sa dalaga.
"Hello, ladies!" Bati naman ng mga kaibigan ni Nazzer sa kanila.
"Hello,"
"Low,"
"Hi,"
"Ahm, Recia, may bago yata kayong kaibigan. Sino siya?" Tanong ni Cristian sa kapatid.
"Ah, oo, kuya. Siya nga pala si Katherine Gil Diaz, bago naming kaibigan."
Maslalo namang napangiti si Nazzer dahil sa narinig. Alam na niya ang pangalan nito. Nakangiti namang kumaway si Katherine sa kanila.
"Hi," bati niya sa mga ito.
"Hi,"
"Hello,"
"Ganda mo,"
"Ang ganda mo,"
"May boyfriend ka na?"
"Pwede apply--aray!"
Mga comento nila na tinawanan lang ng dalaga. Pagkatapos din non ay isa-isa na silang nagpakilala sa dalaga at panghuli si Nazzer.
"Hi, I'm Nazzer Samonte, brother of Selen and cousin of Rosel." Pagkatapos ay inilahad nito ang kamay sa harap ng dalaga. "Nice to meet you."
"Nice to meet you, too." Pagkatapos ay nagshake hands sila. Nang matapos ay humanap na rin ng mapu-pwestuhan ang mga binata at kumain.
Dumaan pa ang ilang mga araw at buwan ay naging malapit sina Nazzer at Katherine. Nagkataon din na parehas sila ng grade pero magkaiba ng section. Grade 9 sila habang grade 7 naman sila Almia. Sabay silang pumupunta sa building nila kasama ang mga barkada ng binata.
Alam ng mga kaibigan ni Nazzer na may gusto ito sa dalaga at suportado sila rito.
Hindi nagtagal ay nagpasya na si Nazzer na umamin na sa dalaga na sinuportahan naman ng mga kaibigan nito maging ng apat na dalaga na sila Almia.
Sa park nila napagdisesyonan na gawin ang plano. Nakahanda na ang lahat. The decorations, the lights, the food, the table, the song and other.
Gusto niyang maganda at memorable ang araw na aamin siya rito.
And they all excited lalong-lalo na si Nazzer na may halong kaba. Sa Sabado ng gabi magaganap plano nila-niya.
"Saan ba tayo pupunta guys at kailangan pa talaga ganito ang ayos ko?" Tanong ni Katherine habang nakasakay sa kotse kasama ang apat na kaibigan.
Hindi niya mawari kung bakit nagkakaganito ang mga kaibigan. Kanina kasi pinuntahan siya ng mga ito sa bahay niya at pinag-ayos dahil may lakad daw sila.
Kahit nagtataka ay sumunod naman siya, at dahil nababagalan ang mga kaibigan sa kilos niya ay tinulungan na siya ng mga ito. Nararamdaman niya rin sa mga kilos at galaw ng mga ito na excited sila na siyang mas lalo niyang ikinataka.
"Come on, guys. What are you planning to do, huh?"
"Relax lang, Kath, malalaman mo rin pagdating natin doon." Nakangiting pagpapakalma ni Selen sa kanya na sinang-ayunan naman ng tatlo.
Pagkarating nila sa Park ay bumaba na agad sila sa kotse.
"Park? Bakit tayo narito eh gabi na? Wala ring mga tao."
"Basta, malalaman mo rin."
"Kaya, tara na."
"Let's go."
Kahit na
You are reading the story above: TeenFic.Net