Chapter 13. kiesha's pov.
"Goodbye class, " paalam ni Mrs. Ramos.
"Goodbye, Message. Ramos, " sabay din naming paalam.
Pagkalabas ni mama ay nag-ayos agar kami pagkatapos ay lumabas saka naglakad papuntang cafeteria. Pagpasok ay lumapit agad kami sa aming pwesto at umupo ako. Tiningnan ko naman sila nang nagtataka dahil hindi sila umupo maliban kay Ranzel na nakacross-arms na habang nakaupo.
Ngumiti naman sila sa akin. "O-order lang kami, " sabi ni Nick. "Ano pala order more? " tanong pa niya sa akin.
"Ikaw na bahala, " sagot ko at tipid na ngumiti.
Tumango naman siya at ngumiti run. "Ikaw, Ranzel, ano sa'yo? Same pa rin o si Kiesha?" Nakakalokong tanong ni Nick kaya sinamaan siya agad nito nang tingin. Mahina namang bumungis-ngis ang iba.
Hindi naman ako kumino kahit na nabigla ako sa naging tanong ni Nick sa kanya. "Gaya pa rin nang dati," rinig kong sagot ni Ranzel.
"Okay, akala ko pipiliin mo iyong isa eh, " sabi ni Nick at tumingin sa akin kaya sinamaan ko ito nang tingin kaya natatawa saying umiwas nang tingin.
"Tumigil ka nga riyan, " mag pagbabantang saway ni Ranzel sa kanya.
Ngunit hindi natinag si Nick at mas inasar pa ito. Tatayo na sana si Ranzel para sugurin si Nick, pero agad ding napatigil dahil humarang at pinigilan agad siya ni Nazzer.
"Ops! Tama na 'yan, Ranzel, Nick, tumigil ka na, " umupo naman ulit si Ranzel habang masama ang pagkakatingin kay Nick. "Tara na, order na tayo. " sabi pa ni Nazzer at saka sila umalis pero nag-iwan naman nang nakaka-asar na tingin.
Tinanaw ko pa sila gang gang sa makalinya. Alam kong nakatingin ngayon si Ranzel sa akin pero hindi ko siya nilingon, nagpanggap na lang na busy sa pagce-cellphone kahit na naiilang na ako sa mga titig niya. Nang hindi ko na matagalan ang mga titig niya ay saka ko na siya nilingon. Hindi naman siya umiwas at sinalubong lang ang mga tingin ko.
Mata sa Mata.
"Pwede bang tumigil ka na diyan sa kakatitig sa akin? " hindi mapigilang usal ko.
"Bakit? " tanong niya na may halong pagtataka.
"Tss! Anong bakit?" Kumunot naman ang noo niya. "Nakakailang ka kaya, " sabi ko na maslalong ikinakunot nang noo niya pero kalaunan ay ngumisi na ikinataka ko. "Oh, anong ngisi iyan? "
"Hindi ko alam na naiilang ka na pa la sa akin ngayon, " sabi niya at mas lalong ngumisi. Iniwas ko naman ang aking tingin. "Anyway, about what happened last Friday, forget it, " sabi niya kaya napayingin ulit ako sa kanya. Seryoso na siya ngayon kaya sumeryoso rin ako.
"Why?" Tanong ko ng seryoso.
"Anong why?" Tanong niya. "Ayaw mo mo bang Kalimantan iyong nangyari?" Dag-dag pa niya na bagamat nagtataka ay seryoso pa rin ang kanyang boxes.
"No, hindi ganon,"
"Then what?"
"Nagtataka lang ako kung bakit kailangan mo pa iyang sabihin sa akin, " ani ko at diretsong tumingin sa mga mata niya. "Kahit naman hindi mo ako sabihan ay gagawin ko pa rin naman. "
Dumaan ang is ang minuto ay hindi na siya nagsalita pa, kaya tumahimik na rin ako at hinintay na makabalik na sila Nazzer. Ilang sandali pa ay dumating na nga sila kaya nagsimula na kaming kumain nang tahimik.
Sabay-sabay naman kaming umalis at lumabas sa cafeteria. Tahimik lang akong naglakad at naking sa mga kwentuhan nila. Tiningnan ko naman ang aking relo. May one hour and ten minutes pa bago magsimula ang panghapon na klase. Kaya naisipan kong hindi na muna pumasok sa classroom at maglibot-libot na muna.
Hinarap ko naman ang mga ka klase ko kaya natigil sila sa paglalakad. Nakangiti na may bahid nang pagtataka silang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako.
"Hindi na muna ako sa sabay sa inyo papasok sa room kaya mauna na kayo. " agad namang nawala ang kami lang mga ngiti at maslalong nadagdagan ang kanilang pagtataka.
"Bakit? "
"Why? "
"What? "
"Saan ka pupunta?"
"Basta, babalik din ako agad, "
"Sigurado ka?" Tanong naman ni Nazzer.
"Mmm, " tumango-tangong sagot ko.
"Hindi na, human ka ng umalis,"
"Sumama ka na lang sa'min,"
"Tama!"
"Baka mapaano ka pa eh,"
"Wala pa naman kami sa tabi mo,"
Pigil nila sa akin. Umiling naman ako at bumuntong hininga. "Hindi, ayos lang. Sigina, umalis na kayo dahil walang magyayari sa aking masama." Pagkukumbinsi ko sa kanila. Napabuntong hininga naman sila na wariy moy wala na talagang magagawa.
"Sige, ingat ka na lang," pagsuko ni Nazzer.
"Tss! Para namang mapapahamak ako, sige na mauna na kayo, " tanging nasambit ko nalang.
"Sige,"
"Una na kami,"
"Balik ka agad ah,"
"Susunod ka agad ah,"
"Hihintayin ka namin,"
"Bye,"
"Ingat,"
Paalam nila na nginitian ko na lang at pagkatapos ay umalis. Nagpahuli naman si Ranzel na tiningnan pa ako na parang may sinisihurado at sinusuri kaya napakunot noo ako. "Ano na naman 'yan?"
"Wala, siniguro ko lang na wala ka ng binabalak." Seryosong usal niya. "Balik ka agad," dag-dag niya pa at sumunod sa mga kaibigan niya. Bagamat nagtataka ay hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.
Nang nawala na sila sa paningin ko ay saka na ako umalis. Naisipan kong pumunta sa garden kaya dumiritso agad ako roon.
Agad naman akong umupo sa ugad ng puno pagkarating at sumandal rito. Ipinikit ko ang aking nga mata saka ninamnan ang ang sarap ng simply ng hangin. Mga tatlom pong minuto lang akong nanatili roon bago napagpasyahang bumalik na sa room.
Nasa hallway na ako at sa aking paglalakad ay may nabangga akong isang babae. May kalakasan ang pagoakabangga namin pero sapat na iyong para hindi agad kami matumba pero napaatras lang.
Agad ko naman siyang tiningnan at sinuri. Maganda, may kaputian, tamang tangkad, mahaba ang kanyang tuwid at itim na buhok na umabot hanggang bewang. Hindi siya naka school uniform pero may dala siyang bag.
Nag inangat niya ang tingin sa akin ay nagtama ang mga mata namin. "Na ko! Sorry, hindi kasi kita nakita," agad niyang paumanhin at yumoko Nang bahagya sa akin.
"Hindi, huwag kang humingin ng tawad dahil maging ako ay hindi rin kita nakita," sabi ko at ngumiti sa kanya. Agad naman siyang ngumiti.
"Pasensya na talaga,"
"Ayos lang talaga, at ano pala ang ginagawa mo rito? "
"Ah, bago ako rito at kagagaling ko lang sa principals office, " sagot niya.
It means she's the transferee, ah, bakit ko nga pala nakalimutan iyon eh, Lunes nga pala ngayon.
"Ganon? Eh, ano pang ginagawa mo rito? Malapit nang magsimula ang klase."
"Ah kase, hindi ko mahanap ang room at section ko," nahihiyang sagot niya.
"Room? Section? Ibig sabihin ay hindi kapa nakakapagsimula?"
"Oo, sa katanuyan ay ngayon lang ako pumasok dahil may inaasikaso ako kaninang umaga,"
"Ah, kaya pala," tumango lang siya. "Gusto mo tulungan kita sa paghahanap?"
"Talaga, pwede?" ani niya nang nakangiti.
"Oo naman,"
"Hindi na ako nakaka-abala?" Agad naman akong umiling. "Sige, tara na,"
"Tara," aya ko rin at saka ko tinuro sa kanya ang magiging room niya at section. Huminti kami sa gilid nito malapit sa pinto. Humarap siya sa akin nang nakangiti kaya sinuklian ko ito. "Ayan na ang room at section mo, section Joy, " Saad ko nang may ngiti sa labi at nilingon ang room niya na media maingay dahil naroon na ang mga magiging kaklase niya.
"Hmmm, maraming salamat,"
"Walang a human. Pano, kailangan ko nang pumunta sa room ko. Maiwan na kita," sabi ko at akong tatalikod na sana nang pigilan niya ako. Tiningnan ko naman siya nang nagtataka.
Ngumiti muna siya bago nagsalita. "Ano nga pala ang pangalan mo? "
Ngumiti naman ako. "Ahmed, Nyhl... Nyhl Kiesha Villanueva ang pangalan ko at taga section Fear ako. Ikaw?"
"Ha?"
"Anong pangalan mo?"
"Ah, ako?" Turo niya sa sarili, tumango naman ako. "Katherine Gil Diaz ang pangalan ko." Sagot niya at matamis na ngumiti. Tumango naman ako at akma na sanang aalis nang pigilan niya ulit ako.
"Bakit? May kailangan ka pa? "
"Pwede bang maging magkaibigan tayo?" Nahihiya at nag-aalangan niyang tanong. Hindi rin siya makatingin sa akin nang diretso.
Ngumiti naman ako. "Oo naman bakit hindi, diba?"
Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Talaga? Magkaibigan na tayo?" Magiliw niyang tanong. Tumango-tango naman ako. "Salamat, ikaw ang una kong naging kaibigan dito."
Ngumiti naman ako. "Sige, alis na ako dahil magsisimula na ang klase maya-maya kaya baka mahuli ako," paalam ko sa kanya.
"Sige, "
"Sige, " saka ako tuluyang umalis. Pagdating sa room ay sakto namang dumating ang guro sa science na si Ma'am Melrose, kaya umupo agad ako sa aking you and.
Habang nakikinig sa itinuturo ay bahagyang inilapit ni Nazzer ang kanyang mukha sa aking tainga. "Saan ka galing? Tagal mong bumalik ah, " bulong niya.
"Diyan lang, nagpahangin," bulong ko ring sagot.
"Saan ang diyan lang?"
Bumuntong hininga naman ako. "Sa garden," tumango naman siya at umayos na nang upon.
Mabilis natapos ang araw at ang mga nagdaan pang apat na araw kaya ngayon ay biyernes na.
"Hey! Kiesh!" Agad akong napalingon sa aking likuran nang may sumigaw. Umaga ngayon at naglalakad ako papuntang room.
Kumaway-kaway siya sa akin habang nakangiting naglalakad palapit sa akin. Gumanti rin naman ako ng ka way sa kanya. "Hey!" Sigaw ko rin at hinintay siyang makalapit sa akin. "Kadarating mo lang?"
"Hmm, magkasunod lang tayo," tumango-tango naman ako. "Papunta ka na sa room niyo?"
"Oo,"
"Sabay na tayo,"
"Sige,"
Sabay naman kaming naglakad. Med to marami-rami na rin ang mga studyante. Napalingon naman ako sa kanya nang kalabitin niya ako.
"Pwede bang samahan mo muna akong pumunta sa faculty? "
"Bakit? "
"May ibibigay lang akong paper works kay ma'am Melene, teacher ko sa biology.
Tumango naman ako. "Sige, tara,"
Pagdating sa tapat nang faculty ay naghintay lang ako sa labas at saka siya pumasok. Dalawang minuto lang ang lumipas at lumabas na siya. "Tara na," aya niya na tinanguan ko lang at hawak kamay kaming naglakad ulit.
"Kumusta nga pala ang first day mo? Ayos lang bakit? Hindi na tayo nag kita nitong mga nakaraang araw," tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway.
Ngumiti naman siya bago sumagot. "Ayos lang naman, masaya sa at mga mababait ang mga kaklase ko."
"Mabuti naman," ngumiti lang ulit siya. "Oh, magakahiwalay na tayo, nandoon na sa unahan ang room mo habang liliko pa ako para makarating sa room ko." Sabi ko sa kanya at huminto kami sa paglalakad.
Napatingin-tingin naman siya sa dawn na sinasabi ko. "Hala, oo nga no," turan niya "Sige, kita nalang ulit tayo sa susunod," sabi niya na tinanguan ko naman. "Bye, " dag-dag niya pa at kumaway-kaway.
Kumaway din ako pabalik. "Bye," pagkatapos ay tinungo ko na ang daan papuntang room ko.
Naabutan ko pa sa labas sina Nick, Arsen, Linbo at Esrael na naka tayo sa magkabilaang gilid ng pinto. "Anong ginagawa niyo rito sa labas at hindi pa kayo pumapasok?" Tanong ko nang makalapit.
Tumingin naman sila sa akin at agad na lumapit sa akin si Arsen. "Good morning!" Masiglang bati niya.
"Hmm, good morning, " sabi ko sabay tango.
"Morning, Nyhl!"
"Good morning, Kiesha! "
"Magandang umaga!"
Suno-sunod naman na bati nang tatlo sa akin. "Morning, at iyong tanong ko, hindi niyo sinagot."
"Ahhh.. Wala naman, trip lang, Hehehehe," pakamot-kamot ng iyong sagot ni Nick.
Tumaas naman ang kilay ko. "Really? If that so, then, let's go inside now," tumango naman sila kaya mauna na ako sa pagpasok.
"Oy! Morning Nyhl!"
"Morning!"
"Good morning!"
"Kiesha, good morning!"
"Magandang umaga!"
"Good morning, Kiesha!"
"Umagang maganda, Kiesha!"
Sari-saring bati nila sa akin kaya napangiti nalang ako. "Good morning too, to all of you, " bati ko naman at napatingin sa direksyon ni Ranzel.
Nakaupo lang siya at bahagyang tumango sa akin kaya ganon din ako sa kanya. Pagtingin ko naman kay Nazzer ay nakangiti na siya sa akin at kumaway. Kumaway din ako sa kanya at naglakad tungo sa aking upuan.
"Kumusta ang umaga?" Napalingon agad ako sa kanya pagkatapos umupo nang tanungin niya ako.
"Ayos lang naman," sagot ko at ipinatong ang aking kamay sa lamesa at saka ngumiti sa kanya.
Mahina naman siyang natawa. "Kita ko nga, ang lapad at tamis ng ngiti mo eh," sabi niya kaya mahina nalang din akong natawa.
Pagdating ng lunch break ay kanya-kanya agad kami ng tayo at labas sabay na pumunta sa cafeteria. Agad kaming umupo sa mga kanya-kanya naming pwesto habang ang iba ay dumiretso sa pila para um-order ng makakain namin. Pagkatapos ay kumain agad kami kasabay ng kwentuhan.
"Diba noong Lunes dapat ay narito na ang transferee?" Tanong ni Onel na tinanguan naman ng iba.
"Eh, biyernes na ngayon pero hindi ko pa rin siya nakikita," dag-dag ni Donald.
"Oo nga 'no,"
"Ano kayang section niya,"
"Ano pangalan?"
Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila.
"Wala pa ba sa inyo ang naka kita sa kanya rito o nakasalubong manlang?" Tanong ni Antun.
Ako na kita ko na, nakausap at naging kaibigan ko pa nga eh.
"Mukang wala pa ni isa sa atin ang nakakilala sa kanya."
"Ano kaya ang itsura niya, no?"
"Maganda kaya siya?"
Yeah, maganda.
"Tss! Tama na iyan, bilisan niyo nalang kumain para makabalik na agad sa room natin." Sita ni Ranzel sa kanila.
Agad naman silang sumunod at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos ay nagsibalik na ulit kami sa room at nagkanya-kanya na agad ng mundo.
Hapon na ngayon, tapos na ang klase kaya nasa labas kaming lahat na magkaklase ngayon sa gate. Marami na ring iba pang studyante ang lumabas at umuwi sa kanila.
At iwan ko rin ba sa mga kaklase kong ito kung bakit hindi pa umalis, e may sasakyan na naman sila. Samantalang ako, wala, at hinihintay lang na dumating ang aking sundo na si kuya Niel.
"Bakit pa kayo narito? Bakit hindi pa kayo umalis? Ano't sino pa ang hinihintay niyo?" Hindi ko mapigilang tanong. Tumingin naman sila sa akin.
"Hindi ba halata?" Tanong nila pabalik.
"Ang alin?" Naguguluhan kong balik tanong.
"Kung bakit hindi pa kami umaalis?"
"Hindi."
"Ganon?"
"Oo, "
"Hay! Edi Sinasamahan ka,"
"Saan?"
"Sa paghihintay,"
"Nang?"
"Iyong sundo,"
"Bakit?"
"Para may masama ka,"
"Sa?"
"Paghihintay,"
"Nang?"
"Iyong sundo nga,"
"Para may kasama ka nga,"
"Saan nga,"
"Sa paghihintay nga,"
"Nang ano nga?"
"Nang iyong sundo nga,"
"Bakit ng----"
"Hep!---- tika lang, Kiesha, paulit-ulit na tayo eh. Paulit-ulit ang tanong mo eh, paulit-ulit lang din ang sagot namin kaya, awat na, ha? Awat na, tama na ang tanong na paulit-ulit, dahil ganon pa rin ang isa sagot namin sa'yo, ha? Kaya, awat na," napangiwi nalang ako sa mga sinabi ni Onel. Nakaharap pa sa akin ang kanyang dalawang palad na parang hinaharangan ako at pinapatigil.
"Ganon?" Nasabi ko nalang habang nakangiwi pa rin.
"Oo," nakangiwi ring sagot nila.
"Tss!... Kasalanan niyo dahil hindi niyo klinaro at diniretso ang iyong sagot, pinuputol niyo pa," sabi ko at inirapan silang lahat na ikinakamot nalang din nila ng kanilang ulo at noo saka pekeng tumawa.
"Jehehe,"
"Bep! Bep! Bep!
Agad kaming napalingon nang sabay sa harap nang may bumusina rito. Pagkatapos ko kung sino ito ay agad naman akong napangiti.
Pagkababa niya sa kanyang lots ay lumapit agad siya sa akin nang may ngiti sa labi. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi nang makalapit. Pagkatapos ay lumabas na kaming dalawa.
" kumusta ang klase? Ayos lang ba? Hindi ba nakaka-stress?" Umiling naman agad ako sa tanong ni kuya.
"Ayos lang naman, kuya," sagot ko ngunit kalaunan ay napatigil kaming dalawa nang may narinig kaming mga tikhim. Agad naman kaming napatingin sa mga kaklase ko.
Agad namang ngumiti si kuya sa kanila. "Oh, narito pala kayo, pasensiya na at hindi ko agad kayo napansin dahil nakatuon lang ang pansin ko sa kapatid ko." Nakangiti ngunit may bahid nang pang-aasar na paliwanag ni kuya sa kanila. Agad naman silang napangiwi.
"Ay wow"
"Grabi"
Natawa naman nang mahina si kuya sa naging reaksyon nila. "Di biro lang, and by the way. Why are you still here? You guys have a car, right?"
"Ayon!"
"Buti naman binawi"
"Akala ko talaga eh"
"Sa gwapo ko ba namang 'to,"
Tss! hangin. Napairap nalang ako.
"Ayon ba? Sinamahan lang namin siya sa paghihintay sa'yo dahil baka may mangyari na namang masama at wala pa kami sa tabi niya, wala ka, mahirap na." Paliwanag ni Nick.
Napatango-tango naman si kuya at ngumiti sa kanila. "Kung ganon, maraming salamat at may malasakit pala kayo sa kapatid ko,"
"Abay! Oo naman!"
"Walang ano man, boss!"
"May pleasure, boss!"
"Our pleasure, boss!"
"Kaya makakaasa ka sa amin, boss!"
At pagkatapos ay sumaludo at yumuko agad silang lahat maliban kay Ranzel na nakatingin sa akin pero kalaunan ay umiwas.
"Hahahahaha!" At tumawa pa sila pagkatapos. Napailing-iling nalang ako maging si Ranzel. Bago kami umalis ni kuya ay sandali pa kaming nagkatinginan ni Ranzel.
Pagkaparada ko nang aking motor sa parking lot ay pumasok agad ako sa mall. Wala naman akong bibilhin at gusto ko lang na maglibot-libot dito dahil napakaboring sa bahay. Wala rin naman kasi si kuya roon dahil na sa kompanya na naman siya at nagtratrabaho. Sabado naman ngayon kaya walang pasok.
Habang naglalakad ako at tumingin-tingin sa mga paninda't nakadisplay ay may nabangga ako. Nahulog ang kanyang mga paper bags na sa tingin ko ay mga naglalaman ng kanyang mga pinamili.
"Pasensiya na, hindi ko sinasadya." Hindi nakatinging paumanhin ko sa kanya at tinutulungan siya pulutin ang mga nahulog. Nang matapos ay tumayo ako nang maayos at ininigay sa kanya ang mga napulot.
"Ayos ka lang ba, Selen?" Tanong ng isang babae sa kanya na kakalapit lang kasama ang dalawa pang babae na sa tingin ko ay mga kaibigan niya. Nakatingin sila sa babaeng nabangga ko.
"Oo, ayos lang ako," sagot niya at ngumiti sa tatlo pagkatapos ay humarap silang apat sa akin.
"Again, I'm sorry, miss,"
Ngumiti naman siya. "Ayos lang at hindi naman ako nasaktan kaya no problem," sagot niya at mas ngumiti pa. "Ako nga pala si Selen Samonte." Pagpapakilala niya at naglahad ng kamay sa akin.
Kahit na nag-aalangan ay tinanggap ko pa rin ang kamay niya, pagkatapos ay napalingon sa isang kasama niya na nagpakilala rin.
"Hi, ako nga rin pala si Rosel Samonte," pakilala nito na ikinakonot ng noo ko. "Mag pinsan kami ni Selen," dag-dag niya na mukang nahalata ang reaksyon ko. Napabaling din ako sa tumikhim.
"Hi, ako nga rin pala si Recia Mendoza, kaibigan nila,"
"At ako naman si Almian Munterial, kaibigan din nila,"
Ngumiti lang ako sa kanila at nang may maalaka ay napatingin ako sa kanila nang nagtataka, na agad namang ikinakunot nang noo nila. "Magkaano-ano kayo ni Cristian, Recia? Mendoza rin kasi siya,"
Napangiti naman siya sa sagot ko. "Kuya ko siya,"
May kapatid pala si Cristian?
Hindi ko alam iyong ah.
"Ahh" nasabi ko nalang. "Eh, kayo naman Selen, Rosel, kaano-ano niyo si Nazzer Samonte?"
"Kuya ko siya,"
You are reading the story above: TeenFic.Net