PROLOGUE

Background color
Font
Font size
Line height

Two people keeps hiding behind the large tree while watching the 5 year old little girl plays her toy alone in her grandma's garden.

"She's pretty...  just like what they said" usal ng lalaki.

Umakto itong lalabas sa pagtatago  nang hawakan ng kasama niyang babae ang kaniyang braso

"She's not for you" ani ng babae.

Nilingon ng lalaki ang kasamang babae bago nagsalita.

"Let's leave now" igting pangang saad niya at naunang tumakbo paalis sa lugar na iyon.

Nilingon ng babae ang bata na may kasama ng ginang.

Bakas sa mata ng misteryosong babae ang lungkot.

"You need to live far from this place and never comeback, for you to live the life I wasn't given a chance to have"  malungkot na bulong nito sa hangin.

Bigla na lamang tumama ang tingin ng bata sa kaniya dahilan para kaniyang ikagulat.

Hindi namalayang tumulo ang butil ng luha mula sa kaniyang mata

As the little girl smiled, the Grandmother who just came followed her granddaughter gaze so she immediately hid herself.

Yumuko ang matanda at may sinabi sa batang babae sabay tumayo habang hawak sa kamay ang bata at inaya na ito papasok sa loob ng bahay ngunit ang tingin ng bata ay nasa babaeng nagtatago sa likod ng puno.

"I'm sorry, I'm doing this for you" huling sabi nito bago umalis sa lugar na iyon

-----

"Ronald, ilayo mo na siya dito. Hindi na siya maari pang manatili dito" sabi ng matanda sa anak niyang lalaki

"Tama po kayo. I need to bring her far from here" sabay lingon ng lalaki sa pwesto kung nasaan naglalaro ang kaniyang anak na si Yuriana.

Batid nilang may mangyayaring masama kung mananatili pa ang batang si Yuriana sa lugar na iyon. Kung saan nawala ang kaniyang Ina, at kung saan siya maari ring kunin ng angkan na pinagmulan ng Ina ni Yuriana.

Ang angkan ng mga bampira.

Hindi lamang ito basta basta bampira, sapagkat may iba't ibang kakayahan ang bawat bampira na handog ng kanilang sinasambang diyos.

"Alam nating pareho na siya ang tinutukoy sa propesiya ng mga bampira, at batid nating hindi pa kayang itago ni munting Yuriana ang kaniyang kapangyarihan kaya madali siyang matutunton ng mga gustong kumuha sa kaniya. Ngunit hindi ito maari, Ronaldo. Bukas na bukas ay umalis na kayo" sambit ng matanda.

"Masusunod, Ina"







BACKSTORY

-500 years ago-

Noong unang panahon.

May isang diwatang labis na makapangyarihan. Siya ay likha ng enerhiya ng mundo, kasama na ang kaniyang mga kapatid.

Kumpara sa iba niyang kapatid, siya ay naiiba.

Kung ang kaniyang mga kapatid ay hawak lamang ang isang kapangyarihan ng mundo, siya ay hawak lahat ng kapangyarihan na meron dito. Kung kaya siya ay labis na kinaiinggitan, hindi lamang sa kaniyang kagandahang tunay pati narin sa lakas niyang walang katulad.

Dahil sila ay mula sa enerhiya ng mundo, wala silang mga pisikal na katawan.

Naisipan ng pinakamalakas na diwata na gumawa ng kaniyan sariling katawan upang makipagsalamuha sa mga naninirahan sa kanilang mundo. Itinago lamang niya ang kaniyang ginawa dahil batid niyang hindi sasang ayon ang kaniyang mga kapatid sa kaniyang plano.

Nung siya ay nagkaroon na ng katawan, agad siyang nakipagsalamuha sa mga tao ng mundong kanilang binabantayan.

Doon nakilala ng munting diwata ang isang binata na nagmula sa angkan ng mga bampira. Kahit hindi alam ng binata ang ngalan ng isang magandang dilag na kaniyang nakita ay kaniya parin itong sinamahan.

"Maari ko bang malaman ang iyong ngalan?" Tanong ng binata.

Ngumiti ang dalaga bago sumagot, "Kristyal" mahinhing wika ng dalaga.

"Ikinagagalak kong makilala ka Kristyal, ako si Viktor na handa kang paglingkuran" sabay halik nito sa likod ng palad ng dalaga.

Nagkamabutihang loob ang diwata at ang binatang bampira. At sa ilang beses nilang pagkikita, dumating ang araw na sila ay nagka aminan ng tunay nilang nararamdaman para sa isa't isa.

Doon na nangyari ang kanilang pag iisang katawan, kung saan nabuo ang pinaka unang bampira-diwata.

Hindi na bumalik pa sa kaniyang mga kapatid ang diwata at tumira sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanilang dalawa.

Pinalaki nilang malusog at masaya ang kanilang anak na babae.

"Yuryan, mahal na mahal ka namin" sabay na sambit ng mag asawa.

Ngunit dumating ang araw na pinaka kinatatakutan ng diwata, ang araw na siya ay babawiin ng mundo.

Ito ay nasa kanilang sinumpaan ng siya ay malikha ng mundo, at iyon ang gampanan ang kanilang tungkulin ngunit dahil kaniyang iniwanan ang pagiging diwata para sa kaniyang pamilya, siya ay binabawi nang muli ng mundo.

Sa araw na nag aagaw ang dilim at liwanag, umihip ang malakas na hangin kasabay ng paglitaw ng kaniyang mga kapatid

Tahimik na lumabas ng kanilang tirahan si Kristyal at hinarap ang kaniyang mga kaisang uri.

"Kristyal, labis kaming hindi makapaniwala sa iyong ginawa" usal ng isa niyang kapatid, ang may hawak ng kapangyarihan ng kalamidad

"Kailangan mong harapin ang parusa na ipapataw sa iyo ng ating mga ina" sambit naman ng kapatid niyang hawak ang kapangyarihan ng kalikasan

"Isa kang diwata at ikaw ang pinaka- makapangyarihan sa ating lahat ngunit inabuso mo ito, aking kapatid." sabi ng kaniyang kapatid na hawak ang kapangyarihan ng emosyon

"Maliban sa hindi mo nagampanan ang iyong tungkulin, ikaw ay umibig pa na labis na pinagbabawal sa mga tulad natin" usal ng kaniyang kapatid na may kapangyarihan ng hustisya

Sa dami ng sinabi ng kaniyang mga kapatid, tanging paghinga ng malalim ang ginawa ni Kristyal.

"Aking mga kapatid, batid ko ang aking mga nagawa ngunit kailan man ay hindi ko iyon pagsisisihan sapagkat ito ang bumuo sa akin. Masaya na ako at sapat na sa akin ang mga naranasan ko kaya tanggap ko na ang parusang ibibigay sa akin ng ating mga ina. Masaya akong lilisan sa mundong ito" wika ni Kristyal na nagpagulat sa kaniyang mga kapatid.

Napailing nalang ang mga ito at bumaba sa lupa mula sa pagkakalutang.

Sabay sabay ng mga ito itinaas ang kanilang kamay paharap kay Kristyal, at nung sila ay magsisimula nang magpataw ng parusa ay biglang lumabas mula sa maliit na tirahan ang lumuluhang si Viktor.

"Kristyal! Hindi ako papayag" tumakbo ito papunta sa pwesto ng kaniyang minamahal.

Lumingon si Kristyal at niyakap ng mahigpit ang taong nagbigay ng saya sa kaniyang buhay.

"Viktor, aking mahal...."

Hinawakan ni Kristyal ang mukha ng kaniyang asawa at pinagpantay ang kanilang tingin.

"Mahal na mahal kita, ngunit patawad dahil hindi ko sa'yo nasabi ang totoo. Huwag kang mag alala, palagi ko kayong babantayan ni Yuryan. Palagi akong nasa inyong mga puso at-----"

"Hindi, hindi, hindi maari! Kristyal, wala akong pakiaalam kung ano ka pa, pakiusap huwag mo kaming iiwan" nagmamakaawang pakiusap ni Viktor.

Hindi na nagsalita pa si Kristyal, tanging halik ang kaniyang nagawa.

"Mahal na mahal ko kayo" usal ni Kristyal sa pagitan ng kanilang paghahalikan.

Tumingin si Kristyal sa mata ng kaniyang asawa at nag bigay ng napakagandang ngiti.

"Viktor, mahal. Ikaw na ang bahala sa ating munting Yuryan. Huwag mong ipapaalam kahit kanino ang tunay niyang uri. Protektahan mo siya" sambit ng diwata.

"Paalam"

Unti unting lumiwanag ang diwata na naging dahilan ng pag iyak ni Viktor.

Habang unti unti nawala sa hangin ang dalaga, hindi nawala ang ngiti sa labi nito hanggang sa huling sandali.

Napagmasdan ni Viktor ang binuka ng bibig ni Kristyal, at ito ay ang mga katagang,

"Mahal na mahal kita"











----


You are reading the story above: TeenFic.Net