Chapter 10

Background color
Font
Font size
Line height

Mama Daisy POV

Hays! nahihirapan man ako para sa mag asawa wala akong magawa. Kakausapin ko na lang si Jeannie alam ko naman maiintindihan nya ang asawa nya pero nakakalungkot lang na hindi nya makakasama si Michael ng ilang buwan.

"Andito na po ako"-Jeannie

"Eh? Ang aga mo naman anak?"

"Tss siguro napagalitan yan sa trabaho nya Ma."-Joshua

"Tumahimik ka nga. Magmeryenda ka na lang dyan. Nagseselos ka lang sa kasama ni Nicenice kanina"

"Magsama pa sila. Dyan na nga kayo mag aaral na lang ako"-Joshua

Seloso di na lang kasi umamin para talagang si Michael.

"Anak kumain ka na muna"

"Wala akong gana Ma"-Jeannie

"Hindi pwd yang ganyan. Alalahanin mo buntis ka"

"Pero Ma wala po talaga akong gana. Matutulog na lang po muna ako"

"Ay sya nga pala. Hindi daw uuwi si Michael magpahinga ka daw ng mabuti hindi mo daw kasi sinasagot ang mga tawag nya. Nag aalala sayo ang asawa mo." mahabang paliwanag ko

"Sige po tatawagan ko sya pag akyat ko"

"Sige magpahinga ka na muna. Bumababa ka na lang pag nagutom ka."

"Salamat po Ma. Matutulog na po muna ako"

Hays naaawa ako kay Jeannie di sya makausap ng maayos alam ko namang nagbubuntis sya pero sana naman intindihan nya ang sarili nya.

Jeannie POV

*Kring kring kring*

"Michael"

"Kamusta na pakiramdam mo?"

"Medyo pagod lang ako."

"Magpahinga ka na"

"Michael...a-alis ka ba talaga?" pinipigilan kong manginig ang boses ko

"Jeannie wag ka umiyak wag mo munang isipin yan. Mag uusap tayo okay? Pero ngayon magpahinga ka muna."

"Michael uuwi ka ngaun diba?"

Narinig ko syang bumuntong hininga

"Sige tatapusin ko lang to"

"Hindi ba pwedeng bukas na lang yan?"

"Bukas kase kailangan na tong ibigay sa mga head doctor."

"Sige.

"Anong sige?"

"Wag ka na umuwi. Sasanayin ko na ang sarili ko na wala ka dito. Pasensya na"
"Jeannie hindi naman gan----"

Binabaan ko na sya ng telepono. Kailangan ko na talaga sanayin ang sarili ko na wala sya sa tabi ko sa mga susunod na araw. Nagiging pabigat na talaga ako sa kanila. Ayoko man isipin pero ganon ang nararamdaman ko. Ayoko na mag isip kailangan di ako mastress dahil sa baby ko.

Di ko alam kung gaano ako katagal nakatulog naramdaman ko na lang may mabigat sa bandang tiyan ko.

"Michael" mahinang tawag ko halatadong pagod sya 

"Hmmm" unti unti nyang binuksan ang mata nya at ngumiti sakin "Bakit?"

"Wala. Kanina ka pa ba?"

"Hindi. Nagmadali akong umuwi nung binabaan mo ko ng telepono"

"Kumain ka na?"

"Hindi pa."

"Bakit?"

"Hindi ka pa daw kasi kumakain. Sasabayan kita. Bakit nagugutom ka na?"
Tumango ako

"Anong gusto mo?"

"Kahit ano basta luto mo"

"Tara"

Pagkatapos namin kumain ni Michael ay dumeretso muna kami sa veranda para magpahangin. Nakakailang ang pagiging tahimik namin. Di ko pa alam ang gagawin ko o kung pano kp sisimulan ang gagawin naming pag uusap tungkol sa pag alis nya.

"Michael/Jeannie" sabay naming sabi at tumawa 

"Ikaw muna"-Michael

"Ano kasi ... pumapayag na kong umalis ka"

To Be Continued...........
--------

After 6 days nakaupdate na din magbunyi mga arjoenatics :*

You are reading the story above: TeenFic.Net