Chapter 33 : Convincing

Background color
Font
Font size
Line height

Third Person P.O.V

Hinatid ni Jc ang kanyang Pinsan sa Mall kung saan ito nagtatrabaho.Nakadungaw lang si Angela sa Bintana sa Tabi niya buong Biyahe.Napansin ni Jc Ang Katahimikan ni Angela dahil maging siya ay Nag aalala dito.

"Anong Problema,Ate?" Nag aalalang tanong ni Jc sa Noo'y Balisang si Angela.

"Si Lolo.....Alam mo yung Feeling na 10 years nang Wala si Robbie pero grabe niya pa rin kung isumpa at Ikahiya yung Pinsan ko." Sagot niya habang Nananalamin.

"Nako,Tama ka diyan,Ate.Mabuti nga si Lola Nakapagpahinga na siya.Dahil kung nagkataong Buhay pa siya,Malamang Mamatay siya sa Konsumisyon dahil kay Lolo."

"Tsaka Wala siyang kabilib-bilib sa ating Magpipinsan.Minamaliit niya tayo porket Hindi natin natupad ang Gusto niya para kay Robbie. Tila tayo Robot na Dapat walang sariling desisyon na parang Ultimo paghinga natin,Ipagpapaalam pa.Kung ako kaya ko lang Mag isa,Malamang wala na ako diyan sa Bahay."

"Ate,Kapag ginawa mo yan edi parang Hinayaan mo nalang kami ni Mama sa Puder ni Lolo.Tsaka Wala na yung Papa mo,Walang susuporta sa needs mo"

"Oo,Jc.Alam mo kahit naging masama dati si Papa kay Robbie,Mahal ko pa rin siya at alam mo kung gaano ako Kalungkot noong mamatay siya sa Shoot out Laban sa nga Drug addicts.Hindi pa nga ako nakakamove on sa pagkamatay ni Papa,Bigla namang namatay si Lola dahil sa Heart attact 3 years later."

Tinignan ni Jc ang kanyang bintana at nang Makita niya na nandito na sila sa Mall,Pinagbuksan niya si Angela ng Pinto.

"Ate,Mag ingat ka ahh" sabi niya pagtapos niyang Isara ang Pinto

"Oo,Ikaw Talaga.Ito,Baunin mo ito....." Bumunot si Angela ng 200 pesos sa Wallet niya at Inabot niya ito kay Jc

"Nako,Wag na Ate.Itabi mo nalang yan pang Tuition mo tsaka May Ulam naman ako diyan eh." Pilit tinanggihan ni Jc ang Inaalok sa kanya ng Pinsan pero Hindi pumayag si Angela.Kinalaunan,Tinanggap din ni Jc ang Pera.Kinuha niya ang kanyang Wallet na Bigay sa kanya noon ni Robbie.Napansin naman ni Angela na Hanggang ngayon ay Buhay pa ang Wallet na bigay sa kanya.

"Nasa sayo pa pala yan?" Hindi Maiwasan ni Angela ang Ngumiti matapos makita ang regalo ni Robbie sa kanyang kapatid.

"Syempre naman.Yan nalang kasi yung ala ala ko kay Kuya eh.At least diba?Wala man siya sa tabi ko,Basta I have this wallet parang kasama ko na rin siya."

"Kamusta na kaya siya sa Thailand?Natupad niya kaya yung pangarap niya na maging Isang Fashion Designer?"

"Ano kaba! Sa Sobrang Sipag at Madiskarte ba naman ng Kuya,Eh Malamang natupad na niya yun.Sige na,Pumasok ka na baka malate ka pa."

"Sige mag Ingat ka ahh!" Sabi ni Angela sa nakababatang pinsan bago nila niyakap ang Isa't isa.Pinanood ni Angela habang paalis si Jc at Nang nakalayo na ito,Nalakad naman siya sa Hagdan papasok ng Mall.

Olivia's P.O.V

I'm Currently editing my Video for my Next vlog. Tungkol ang Video na ito sa Self acceptance.I heard a Knock on the other side of my Door.I stood up and Walk towards my Door.

Nakita ko si Mommy na nakangiti habang may dala siyang Isang Paper bag na hindi ko alam ang Laman.

"Hi,Mom! Kamusta po?"

"Anak,I got you Some books!"

Lubos akong natuwa dahil sa binili sa'kin ni Mommy na Libro.Para akong Batang Nakatanggap ng Regalo mula sa Nanay ko.Nahilig kasi ako sa mga Libro simula noong nagtransitioned na ako.Binuklat ko Isa Isa ang 3 librong dala dala ni Mommy.Napansin ko na Puro ito Inspirational na Stories.

"Bakit niyo nga po pala ako Binilhan ng Books?" Nagtatakang tanong ko dahil wala namang naturang Okasyon noong araw na iyon.

"Diba Gusto mong Maging Author?I dediced na To Grab so Books sa Local Bookstore para makakuha ng Inspiration.Tsaka You're planning to write a Book even Before the Operation."

"Oo nga po eh,Di ko po alam pero Siguro dahil busy lang po ako."

"Kaya ka naging Successful eh.Alam mo maganda yung Gagawin mong Libro na Parang maihahalintulad sa buhay mo."

"Sana nga po,Sipagin ako at makapag sulat."

Matapos naming mag usap,Naglakad si Mommy Right Across the Hallway dahil dito nakalocate ang Kwarto nila ni Daddy.Our house in Thailand is 3 story Tall.My Room is Located on the Second Floor. Umupo ulit ako sa Table ko bago ko Binuksan ang Laptop ko na nakaCharge. Inopen ko ang Word.
Huminga ako ng Malalim habang nakahanda ang mga kamay ko sa Pagtatype ng mga Letra.

"Come on,Olivia! Kaya mo yan! Just Start Typing Your Story....." Pumikit ako sandali para Alalahanin ko ang mga Unos na Pinagdaanan ko.Alam ko na Sinabi ko na Hinding hindi ko na Babalikan ang buhay ko bilang Si Robbie pero kailangan kong Kumuha ng Inspirasyon sa pagsusulat.Biglang lumiwanag ang Paligid dahil naisip ko na kung Paano ko sisimulan ang Kwento ko....

"OMgosh!!!! Ito na,Chapter 1......" Biglang nagtype ang mga kamay ko na parang may sarili silang mga Utak.Tutuparin ko rin ang pangarap ko na maging isang Writer........Sana mabasa naman ito ni Mama o kahit manlang Sina Jc,Angela o Lola.Isa si Lolo sa mga Inspirasyon ko sa pagsusulat.Kahit naging Malupit ay Hinamak niya ang Pagkatao ko noon,Mahal ko parin si Lolo at Papa.

Marlo's P.O.V

Sobrang busy ko ngayong Araw na ito.Nagdedesign pa ako ng bahay nang mga Kliyente ko.Mahirap rin pala ang maging Architect,Napakamot ako sa Ulo dahil sa Pagod.Kahit naka Boxers at Sando ka na,Kailangan paring Gawin ang mga Blueprints.Napakalamig din kasi dito sa Patio namin.

"HAYYYYY NAKOOOO" sabi ko Matapos akong Huminga ng Malalim.

"Son,Take this....." Inabot sa'kin ni Mommy ang Isang tasa ng Kape

"Thank you,Mom.God,I really need this" Kinuha ko sa kanyang kamay ang Isang mainit na tasang kape na Nakapatong sa Isang maliit na Plato.
Tumingin si Mommy sa Ginagawa ko sa Laptop at Bond paper.

"Busy?" Tanong niya habang Pinipisil niya ang aking balikat na parang hinihilot niya ito.Bahagya akong Tumingala sa Taas

"Thank you,Mommy." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan tanda ng aking Respeto at Pagmamahal sa aking Ina.

"Syempre naman,Anak. Kahit magka anak na kayo ni Joseph,Forever ko kayong Baby Boys." Sabi niya habang Hinihimas niya ang Buhok ko.Niyakap niya ako sa likuran ko habang nakaupo pa rin ako sa Upuan ko.
"Anak,Kahit hindi ka magsalita,Alam ko kung may Bumabagabag sa Isip mo.Kaya Sige na,Ikuwento mo na sa'kin." Huminga ako ng Malalim bago ako tumayo sa Upuan ko.Naglakad ako palayo sa Lamesa ko habang Nakatayo si Mommy.

"Mommy,Ang Weird kasi ng Ikinikilos ni Phoebe Noong mga Nakaraan eh."

"What do you mean?"

"Days before She Left,Sabi niya may Aasikasuhin daw siyang Family Business eh."

"Oh,Family Business naman pala."

"But I called Cassandra kanina and She said na Phoebe's not Home yet.Mom,Can please convince her to Go back?"

"Bakit anak? Miss mo na ba siya?"

Hindi ko namimiss si Phoebe kaya ko lang siya Gustong Pabalikin is Para Bumalik rin ang feelings ko for her dahil mahal ko lang siya kapag kaharap ko si Mommy o di kaya kapag kasama ko siya.Hindi siya ang Itinitibok ng Puso ko..........

"Ikaw ang gumawa niyan,Marlo.Call her and For sure,Makikinig siya sayo kasi alam ko How much she Loves you.Naalala mo ba noong Panahong Halos gumuho ang Mundo mo after mong Malaman na Niloloko ka ng Bakla mong Ex? Siya yung Nandyan para sayo kaya alam ko na Mahal ka niya."

Third Person P.O.V

Nadatnan ni Olivia ang Mag asawa na nakaupo sa Sofa kung saan nakapwesto ang Kanilang 64 inches na Flat screen Tv.

"Mom,Pinapatawag niyo raw po ako?" Hinawi niya ang kanyang Buhok mula sa kanyang Mukha papunta sa Tainga niya.

"Hindi ako,Honey.May sasabihin sa'yo ang Daddy mo."

"Maupo ka." Sabi ni Delfim. Umupo naman si Olivia sa Tabi ni Belinda.Napagitnaan nila si Delfin sa Kulay Purple naming Sofa.

"Anak,Kailangan na nating Bumalik sa Pilipinas."

"Po?Totoo po ba?"

"Yes....Don't You think na 10 years is Enough? Siguro it's about time para Ipakita mo na sa Mundo si Olivia Mariano."

"I'd love to but Dad,Alam mo naman na I'm still Traumatised about Everything that Happened Years Ago.Ayaw ko rin pong magkrus ang Landas namin ni Lolo."

"Pero anak may mga businesses kami na kailangan na naming Ihandle.Hindi na kayang Ihandle ng Secretary ko yung mga Investors na Gustong Mag invest sa company natin.Ever since kasi Nagboom ang negosyo natin,Mas Dumami ang Gustong Mag invest sa'tin."

"Your Dad's right,Baby...Wala na naman si Robbie ehh. You're now a Different and Much Stronger person.Tsaka malay mo Makita mo na ang Mama mo."

"Mom,Hindi po sa Ayaw kong makita si Mama pero ganto po kasi yung kinakatakutan ko.....Kung maglalapit ang Mundo namin ni Mama,Ibig sabihin nun na Maglalapit rin kami ni Lolo."

"So?Hindi na niya malalaman na Ikaw yung Apo niya.At First Glance,Iisipin nila na Babae ka talaga.Dont you Worry dahil Pangangalagaan natin ang sikreto mo.Walang makakaalam ng Tungkol sa Past mo." -Mommy

Hindi pa rin alam ni Olivia ang kanyang Magiging desisyon kaya naman tahimik parin siya habang Nanginginig ang kanyang Kamay.

"Sige,Anak. We'll give you 24 hours to Decide."

Tumayo si Delfin para pumunta sa kusina. Sumandal naman si Olivia sa Balikat ni Belinda habang Hinihimas niya ang Kanang Braso ng kanyang anak anakan.

Olivia's P.O.V

Umakyat ako sa Room ko after kong makipag usap kay Mommy at Daddy.Lubos akong nalilito sa Dapat kong gawin.

Tahimik na ang buhay ko at Ayaw ko na Ulit itong masira na Halos Kailangan ko pang pulutin isa isa ang bawat piraso ng Nabasag kong mundo para lang maayos ulit ito.

Kahit matupad ko na ang mga Pangarap at Gusto ko sa Buhay,Pakiramdam ko na Walang wala ako dahil Hindi ko Kapiling ang Babaeng Nagluwal sa'kin sa Mundong ito.Gusto ko siyang makita pero The Harsh Reality is Kapag Muling NagCollide ang mundo namin,Ibig sabihin Magkakaroon ako ulit ng Konesyon sa Lolo ko.Paano nalang kapag nalaman niya na Ang Apo niya na Kinakahiya at Kinasusuklaman niya Noon ay Isa ng Babae ngayon?

Isinara ko na ang Nalulungkot na Kabata ng Buhay ko.Naisulat at Nagpapatuloy pa rin ako sa Pagyakap sa Panibago at mas Makabuluhang Buhay.Naglalakad na ako sa Landas kung Saan ako nararapat at Alam ko na Hindi na ako si Robbie pero hindi nila alam ang totoo kong Pagkatao.Matatanggap ba ako ni Mama,ni Jc,ni Lola o Si Angela kapag nalaman nila na Babae na ako?
Lalo na Si Lolo,Papa at Tito,Natatakot akong Magbungo pa kami dahil Alam ko na Isusumpa nila ako kapag nalaman nila na Isa akong Transwoman....at Ako si Robbie.

Hindi ko na Alam ang Iisipin ko,Parang Gusto kong Bumalik na Ayaw ko? Nag aaway ang Puso at Isip ko.Sabi ng Utak ko,Manatili nalang dito sa Thailand dahil dito ako nakilala bilang si Olivia at dito ko rin Sinimulang Tuparin ang mga Pangarap ko sa Buhay Habang sinasabi naman ng Puso ko na Wala lahat ng Nakamtan at Narating ko kung Hindi ko kasama ang Mga taong naging Inspirasyon ko sa Buhay.

Matapos ang Bente Kwatro Oras na Pag iisip ng Magiging Desisyon ko,Pumunta ako sa Kwarto nila Mommy at Daddy.Nakita ko na Nakahiga si Daddy sa Bed habang Nagbabasa siya ng Dyaryo.Si Mommy naman ay Nakatayo sa Bintana ang Habang Hawak niya ang Wine Glass na may kalahating ng Wine. Tumayo si Daddy sa Bed noong makapasok ako.

"Mom,Dad.....Nakapag desisyon na po ako" Binaba kaagad ni Mommy ang Hawak niyang Baso Sa Tabi ng Flower Vase sa Ibabaw ng Mesa para makalapit siya sa'kin.

"Pumapayag na po akong Bumalik sa Pilipinas." Ang kanilang Tahimik na Mukha ay Napalitan ng Ngiti at Tuwa dahil sa Desisyon ko.

"Naisip ko po kasi na Tama kayo.Wala na po yung Dating ako,Nakalabas na ako sa Closet kung saan ako nakakulong dati.Paano ko nga ba naman haharapin ang Magandang Bukas kung Patuloy kong Babalikan ang Masalimuot na Nakalipas.A Strong Woman will Conquer the World No Matter How Harsh and How Painful Reality is.Hindi po ako Duwag....kung sakali man po na Magkita kami ni Lolo,Hindi po ako matatakot dahil alam ko na Hindi niya ako makikilala at Kung Makilala niya man ako,Haharapin ko siya."

"Yan! Ganyan ka Dapat kasi Ganyan namin nakilala si Olivia Mariano.She is A Brave,Smart,Confident and Beautiful Woman." Lumapit silang dalawa sa'kin para yakapin ako. Hindi ko inaasahan na Papatak ang luha mula sa aking mga mata.Natutuwa siguro ako dahil may Chance na makita ko si Mama kaso lang,Baka hindi niya malaman na ako ang anak niya.

Phoebe's P.O.V

Days after namin magreunion nila Janet at Mika,Niyaya nila ako sa Isang Nail salon para magpa Manicure at Pedicure.Nagpapafoot massage ako at the moment habang si Janet at Mika ay nagpapapedicure.Nagpalinus na rin ako ng Kuko ko sa Paa after ng Foot massage

Phone Ringing......

Kinuha ko ang Phone sa Kulay Red kong Purse to Answer it.The Id said It's Marlo so Sinagot ko rin ito kaagad

Marlo?

Phoebe,Where are you?

Kasama ko sila Janet ngayon sa Isang Nail salon.

Phoebe,Ano ba? Akala ko kaya ka Umuwi kasi you want to Handle your Step-Father's business? I called Cassandra kanina at She said na Wala ka daw sa Bahay nila and She doesn't even know na nasa Pilipinas ka na.

Ummmm......Kay Janet muna ako nakikitulog kasi Ineenjoy pa namin yung Reunion naming Tatlo eh.

Ilang Araw ka na Nandyan sa Pilipinas and Yet Hindi ka pa rin Bumabalik kayla Cassandra.

Babalik naman naman ako eh.Ikaw?Kailan ka ba Babalik dito sa Pilipinas?

Do we have to discuss this Again? I told you a dozen times Already na Ayaw ko na bumalik diyan.

Dahil ba saan? Dahil kay Robbie? My God,Marlo! Please naman I want to be with you.

Then Bumalik ka dito.Sino ba mas mahalaga sayo? Ako o Mga kaibigan mo?

Bakit ba kasi ayaw mo bumalik? Tapos na yung 10 years na Pagstay diyan sa States.Marlo,I have my own life.

Sige,Bahala ka

Marlo Hangs up.......

Hello? Marlo,Andyan ka pa ba?

Nakakainis naman! Nag away nanaman kami ni Marlo dahil sa ayaw niyang bumalik dito sa Pilipinas.Alam ko na kaya ayaw niyang bumalim dito is because ayaw niya makita si Robbie.Natutuwa naman ako na Hate niya yung Baklang yun pero Nakakainis lang kasi dahil sa Galit niya,Hindi ko na tuloy siya maconvince na bumalik dito sa Pilipinas.

"Bakit naman kasi Bumalik ka pa dito,Sis? Ang Ganda na ng Buhay mo sa Puder nila Marlo eh.Ikakasal na kayo tapos isa kang Successful na Vlogger.Bakit kapa bumalik dito?" Tanong ni Janet habang nakapikit siya dahil hinihilot ng isang Masahista ang Sentido niya.

"Paano naman kasi! Bwiset si Luke. He's Blackmailing me na Irereveal niya daw kay Marlo na Yung Ginawa namin noon kay Robbie na it's all just a Ploy."

"Nagpadala ka naman sa kanya?"-Mika

"What other choice do I have? Kapag hindi ko pinagbigyan si Luke,Edi kami naman ni Marlo ang Magkakasira.Kaya Mabuti na rin na Umuwi ako dito dahil Nabibilog ko ang Ulo niyan ni Luke.Hindi ko naman talaga siya mahal,Kailangan ko lang siya para sa mga Future plans ko." Napansin ko na habang nag uusap kami,Sumusulyap ng tingin sa'kin yung babaeng Naglilinis ng Kuko ko.

"Hoy,Nakikinig ka sa Usapan namin?! Diyan ka magfocus sa nililinis mo! Mamaya ma-Murder mo pa yung Kuko ko dahil sa pagiging Chismosa mo"

"Sorry po,Ma'am" Yumuko siya at Itinuon niya ang kanyang sarili sa paglilinis ng aking Hinliliit.

"Che! Ayusin mo yan dahil pag hindi ko nagustahan nako,Wala kang Tip sa'kin" sabi ko sa kanya bago ko siya inirapan.Nakakainis talaga mga Chismosa.Lahat nalang pinapakinggan na para Human CCTV sila at Ang nakakayamot pa, Kahit saan ka pumunta may Ma eencounter ka talagang mga Chismosa!


You are reading the story above: TeenFic.Net