Chapter 24 : Amorsolo's Wrath

Background color
Font
Font size
Line height

Robbie's P.O.V

(Thursday after Class)

Sinabihan ko si Marlo na Hindi muna ako makakasama sa kanya dahil may dadaanan lang ako pero ang Totoo ay makikipagkita ako kay Angela.Mas nauna siyang lumabas sa gate kaya naman hinintay niya ako sa kanto malapit sa poste ng kuryente.Hinintay ko munang makauwi si Marlo bago ko pinuntahan si Angela.Lumapit ako kaagad noong nakaalis na si Marlo

"Tara kain tayo" Hiling niya
"Nako ikaw ang takaw mo kaya ayan tuloy tumataba ka na" Biro ko naman sa kanya bigla niya akong tinapik sa Braso
"Grabe ka naman sa'kin,Insan Nakaka Conscious yung Sinabi mo.Tumataba na ba talaga ako?" Tanong niya habang hawak ang kanyang magkabilang Pisnge.
"Kahit tumaba ka pa always Remember na Maganda ka at Mahal na Mahal kita"
"Alam mo hanggang ngayon di ka parin nagbabago,Napaka bolera mo parin.Tara na! Libre mo nalang ako sa 7/11 ng Pagkain para matuwa ako sayo" sabi niya.Agad kaming naglakad papunta sa 7/11 para makabili na rin ako ng makakain ko.Ngunit habang naglalakad kami,Napansin ko na parang may sasakyan na Sumusunod sa'min.Tinignan ko ito para makasiguro.Tumalikod ako sandali upang tignan ang daanan pero Hindi ko na nakita ang kotse na pakiramdam kong sumusunod sa'min
"Huy! Ayos ka lang ba" tanong ni Angela habang Hinihila niya pababa ng bahagya ang manggas ng aking uniporme.Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil patuloy kong hinahanap ang kotse na Pakiramdam ko ay Sumusunod sa'min.Tumingin ako kay Angela at sinabi ko na
"Wala....Oo ayos lang ako" sabay ngiti sa kanya para pagtakpan na Hindi talaga ako ayos
"Alam mo,Gutom lang yan kaya bilisan na natin maglakad kasi I can feel my stomach is Speaking to me na Kapag hindi pa ako kumain,Kakainin na niya yung mga Intestines ko"Biro niya.Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad dahil naisip ko na baka pakiramdam ko lang yun dahil sa sinabi sa'kin ni Mama na Parang nakakatunog si Lolo.Pagdating namin ni Angela sa Loob,Bumili kami ng Dalawang Inumin at Dalawang Pagkain at sa loob namin ito kinain.
Nag usap kami tungkol kay Marlo
"Robbie,Kamusta nga pala kayo ni Marlo?"
"Ayos naman kami kaya lang nagsisikreto ako sa kanya na Kunwari hindi ko pa kayo nakikita.Natatakot kasi ako na baka mahiwalay kayo ulit sa'kin eh.Pero alam mo nakokonsensya ako dahil naglilihim ako sa kanya habang siya Totoo at Tapat siya sa'kin "
"Tingin ko mabait namang tao yang si Marlo eh.Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo? Sigurado naman ako na Hindi ka para Ipahamak nun kasi Mahal ka niya.Malay mo diba nagsususpetsya siya na bakit parang Mailap ka sa kanya.At least kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit,Baka maintindihan niya pa"
"Hindi na.Mabuti na yung ganto tayo.Susundin ko si Mama this time para hindin na tayo magkakahiwalay."
"Speaking Of,Robbie,I have to go na.Baka kasi hinihintay na ako nila Lolo sa bahay.Sabi nga niya kanina na Susunduin niya raw ako pero sabi ko na magcocommute nalang ako."
"Halika na,Ihahatid kita sa may sakayan" Tumayo kaming dalawa sa Lamesang aming kinauupuan at Lumisan.Pagdating namin sa sakayan,Walang masyadong tao.Nagulat kami habang naglalakad kami nang biglang may isang pamilyar na boses ang nagsalita mula sa aming Likuran.
"ANGELA!" sigaw niya
Agad kaming Humarap ni angela at nagulat kami ng makita ko si Lolo Amorsolo.Agad akong nilagay ni angela sa kanyang Likuran para protektahan ako.Nang makita kong naglalakad si Lolo papalapit sa'kin,It sent shivers down my spine as I quiver with fear.My hands are sweating due to the nervousness I felt in my Body,I tried to remain calm even though I'm very close of panicking.
"Lolo........" sabi ko.Ngumiti siya sa'kin nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na Ngingitian niya ako.Lumapit siya sa'kin at laking gulat ko nang Bigla niyang Sinuntok ang aking sikmura dahilan para bumagsak ako sa Lupa
"LOLO!!!" sigaw ni angela habang Piniligalan niya si lolo.Tinulak siya ni Lolo at sinabi na
"WAG KANG MAKIALAM DITO" Habang Ako'y namimilipit sa Lupa,Itinayo niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kwelyo ng uniporme ko
"Ikaw,Hayop ka! Ano sa tingin mo?Masaya ako na Nakita kita?Hindi! Bakit hindi ka pa namatay,Hah?!" Sigaw niya habang namimilipit parin ako sa sakit.
"Wag kang lalapit sa Pamilya ko,Hayop kang Salot ka!" Sabay itinumba niya ako sa lupa.Hinila niya si Angela ngunit hindi nagpapadala si Angela bagkos ay tumakbo siya palapit sa'kin at inalalayan ako para makaupo.
"Lolo,Hayaan niyo na po kaming magkita ni Robbie kahit pa minsan minsan! Hindi na po siya nakakaabala sa inyo dahil may umampon na po sa kanya" depensa ni Angela
"WALA AKONG PAKE KAHIT SINONG KAMPON NI SATANAS ANG UMAMPON DIYAN! BASTA HINDI KO NA APO YANG HAYOP NAYAN! SUMAMA KA NA SA'KIN!" Muli niyang  Hinila si Angela ngunit tumayo ako para bawiin sa kanya ang pinsan ko.Muli niya akong sinuntok ngunit sa pagkakataong ito,Sa Mukha niya ako pininsala.
"Bakla! Lumayo ka dito! Nakakasuklam ka!" Nagawa niyang isakay si Angela sa Kanyang sasakyan ngunit hindi pa pala siya tapos,Bumaba siya at binigyan niya ako isang malakas na Sapak sa panga dahilan para dumugo ang aking bibig.Habang nakadapa ako sa Lupa,Patuloy niya akong pinagsisipa habang Paulit ulit na sinisigaw ang
"Bakla ka! Mamatay ka na! Hayop ka! Niloloko niyo akong lahat!" Hanggang sa iniwan niya akong Puno ng Sugat at dugo ang katawan.

Angela's P.O.V

Patuloy akong umiyak ng Umiyak sa Loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa bahay.Kinaladkad ako ni Lolo papasok ng bahay at dahil sa aking malakas na paghagulgol,Napalabas ng kwarto si Tita Gina,Jc at Tito lando,Gayun din si Lola Feliciana at Si Papa.Sinampal ako ni Lolo ng sobrang lakas na naramdaman ko na galit ang kanyang palad
"Papang,Ano pong nangyayari?"-Tito Lando
Lumapit si Lolo kay Tita Gina at tinulak niya ito papunta sa'kin.
"Yan,Mga manloloko yan! Matagal na nila tayo niloloko!" Sigaw niya habang nakaduro ang kanyang daliri sa'min ni Tita.Bakas sa mukha ni Tito lando ang pagkalito dahil sa nangyayari
"Ano pong Ibig niyong sabihin papang?" Tanong ni Tito
"Yang asawa,Anak,Pamangkin at Nanay mo! Nakikipagkita doon sa Anak mong Salot pero Hindi nila sinasabi sa'tin
Muli akong sinampal ni Papa dahil sa Sinabi ni Lolo.
"ANO,ANGELA?! NATUTO KA NG MAGSINUNGALING SA'MIN DAHIL SA BAKLA MONG PINSAN?!"- Papa
"Wala naman pong mali sa ginagawa namin,Papang! Sadyang Galit lang po talaga kayo kay Robbie dahil sa Hindi niya nameet ang mga expectations niyo sa kanya,Pero tama na rin po siguro na malaman niyo na nagkikita kita na kami.Hindi ko na po hahayaan na Ilayo ninyo sa'kin si Robbie dahil karapatan kong makasama at Makapiling ang anak ko Bilang ina niya" Depensa ni Tita sa Sinabi nila
"Tama si Gina,Amorsolo.Bakit?Kung sinabi ba namin na nakita na namin si Robbie,Hayayaan niyo ba kaming makasama ang Apo ko? Hindi naman di'ba? Kaya tama lang na nilihim namin ang Pagtatagpo namin" Nagulat ako ng biglang Inangat ni Lolo ang kanyang palad na para bang Handa siyang saktan si Lola
"Ano?! Sasaktan mo ako?" Sigaw ni Lola bago pa man dumampi ang palad ni Lolo sa kanya.
"Itutulad mo kami sa mga ginawa mo noon sa apo ko? Hindi na Nakakasagabal sayo ang apo mo kaya hayaan mo na siyang mamuhay kasama kami dahil kung ayaw niyo,Aalis kami dito sa Impyernong lugar na ito na Tinatawag niyong tahanan"
"Kung Lalayas kayo dito,Saan kayo kukuha ng pagkain niyo,HAH?! Tingin niyo ba mapapalamon kayo ng Bakla mong Apo?Gagapang kayong lahat sa Lupa" Sigaw ni Lolo

Third Person P.O.V

Patuloy parin ang Argumento ng Pamilya.
"Kung hindi niyo kami hahayaan na makasama si robbie,Pwes aalis nalang kami dito.Tutal ilang taon narin kaming nagtiis ang nakisama sa mga taong kagaya ninyo" Sabi ni Gina
Bago siya pumasok sa kanilang kwarto upang mag impake ng kanilang mga damit.Agad namang pumasok si Lando sa Loob ng Kanilang kwarto upang kausapin ang kanyang asawa.
"JC,Ilagay mo na dito yung mga damit mo at Aalis na tayo dito ng lola mo"
"Gina,Bakit hindi mo sinabi sa'kin na nagkikita na kayo ni Robbie?"
"Tama lang ang ginawa namin dahil kung sinabi namin sa inyo malamang nasaktan niyo na ang anak ko"
"Hindi niyo ako pwedeng Iwan!kung aalis ka,Iwan mo dito si Jc! Akin ang bata" sabi niya bago niya hablutin ang bata mula sa kamay ng kanyang asawa.Dahil sa ginawa ni Lando,Naiyak ang Kawawang bata
"PAPA,Ang sakit po! Bitiwan niyo po ako!" Habang pinipilit niyang kumawala sa kamay ng kanyang ama
"Lando,yung bata nasasaktan!" Sabi ni Gina habang pinipilit niyang ikalas ang kamay ni Lando mula sa Braso ng Bata
"Ano?! Mamili ka? Sasama ka doon sa Anak mong abnormal pero akin si Jc o Mananatili ka dito kasama ang anak mo?"
"Hayop ka talaga!" Sapilitang hinila ni Gina ang bata hanggang sa mabitiwan ito ni Lando dahilan upang tumakbo ang mag ina kasama si Angela at Feliciana palabas ng pinto ngunit napigilan sila nila Amorsolo.
Dahil sa mga tagpo,Napahawak si Feliciana sa kanyang Dibdib habang siya ay namumutla at Unti unting bumababa sa Lupa habang inaalalayan siya ni Gina
"MAMA?!"
"LOLA?GISING PO!" Tuluyang nawalan ng Malay si feliciana.Tinapik naman ni Amorsolo ang Mukha ng Kanyang asawa upang Gisingin ito ngunit tuluyan na itong nawalan ng malay.Agad namang nila itong sinakay sa Kanilang sasakyan upang isugod ito sa Ospital

Robbie's P.O.V

Pinilit kong Umuwi ng bahay sa pamamagitan ng paglalakad at ng makarating agad akong tumakbo sa aking mga kwarto.
"Robbie!" Sigaw ni Daddy habang paakyat ako ng hagdan.Narinig ang yabag ng kanilang paa papunta sa Kwarto ko.
Ako naman ay Nakatulala sa Isang sulok habang naalala ko lahat lahat ng pagmamaliit at pananakit ni Lolo sa'kin mula noon hanggang ngayon.
Patuloy silang kumakatom sa labas ng aking kwarto habang paulit ulit na binabanggit ang aking pangalan.
"Yaya,yung susi ng kwarto,Please" Rinig ko sa labas
Agad napuno ng Luha ang aking mga mata ng matanto ko na Malalayo nanaman sa'kin sina mama.
"Robbie,Ano ba ang nangyari sa'yo?Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni mommy habang hinihimas niya ang likod ko
Nanginginig ang buo kong Katawan dahil sa mga tagpo kanina.
"Nakita po kami ni Lolo kanina" sagot ko sa tanong ni Mommy
"Jesus Christ! Sinaktan ka nanaman niya!" -Daddy
"Opo,Dad.Galit na galit po siya sa'kin at hanggang ngayon,Salot parin ang tingin niya sa'kin" sabi ko habang patuloy na tumutulo ang Luha sa aking mga mata.
"Anak,Ireport na natin to sa mga pulis! This is Child abuse! Look what he did to you" Mommy said
Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga palad
"WAG PO,MOM! Baka po mas lalo niyang Ilayo sa'kin sila Mama,Hindi ko na po Kakayanin." Makaawa ko.Biglang nagring ang aking Telepono kaya naman dali dali ko itong Sinagot

Hello,Angela?

Robbie,Si Lola......

Anong Nangyari????

Sinugod namin siya sa Ospital! Inatake siya

Ano? Nasaang Ospital kayo?

Nandito kami sa may St.James medical Hospital

Sige,Sige Pupunta na ako diyan

Nagbihis ako at Umalis,Bago ako lumisan kinausap ako nila mommy and Daddy
"Anak,Sumabay ka na sa'min. We'll take you to that Hospital" -Mommy
"Wag na po.Ayaw ko po na madamay kayo sa Gulo ng pamilya ko.Dito nalang po kayo"
"Pero nak you're mom is Right.We have to be there in case saktan ka ng Lolo mo at least nandyan kami to defend you"
"Daddy,Please?Ayaw ko na po kayo idawit sa Gulo ko"
"We'll sige.Magpahatid ka nalang kay Mang rudy pero if you need our help just give us a call,Ok?"-Mommy
"Ok po.Mang rudy alis na po tayo"
Agad akong sumakay sa kotse para mapuntahan ko na si Lola.
"Mag ingat ka!" Pahabol na bilin ni Mommy bago kami tuluyang Lumisan.

Third Person P.O.V

Nasa labas ng kwarto ni Feliciana sa ospital ang kanyang Pamilya.Hinihintay nila na Lumabas ang Doktor mula sa Kwarto.
Lumabas mula sa silid ang isang babaeng doktor upang sabihin sa kanila ang lagay ni Feliciana.
"Doc,Kamusta po ang Lola ko?" Tanong ni Jc
"Bakit po nahimatay ang Mama?" Habol ni Gina
"Tumaas po ang Blood pressure ni Mrs.Marquez.I suggest na Iconfine muna natin siya for 3 days para mamonitor ang lagay ng kanyang katawan.Kapag nagpatuloy pa rin ang pagtaas ng Blood pressure niya,It can lead to Stroke"
"Stroke?" Tanong ni Amorsolo
"Yes,General.Bawal po sa kanya ang stress and mataas na Emosyon dahil ito po ang pwedeng mag trigger ng Stroke.Excuse me po,I have to go po"
"Thank you po,Doc" sabi ni Jonel.
"Tignan mo nga,Gina,May kakambal na Malas yang Anak mo.Palibhasa kasi....."
"Papang naman! Bakit niyo ba kay Robbie sinisisi Ito? Kasalanan niyo kung bakit naospital si Mama dahil diyan sa Galit niyo sa Apo ninyo"
"Huwag mo akong sisihin,Gina.Yung anak mong Bakla ang dahilan kunf bakit nagkakanda letche letche itong pamilya natin"
"Lolo,Si Robbie po ba talaga?o kayo? Kung tinanggap niyo lang siya noon malaman walang mangyayaring masama kay Lola.Huwag niyo pong sisihin si Robbie dahil wala siyang ibang ginusto kung hindi ang Matanggap niyo siya at Mabuo ang Pamilya natin"
"Angela,Tumahimik ka.Naririnig mi ba yang sinasabi mo? Wala akong Pamangkin na Kampon ni Satanas."
"Tama na! Wala namang magagawa kung mag aaway away tayo dito! Ang mahalaga dito ang kaligtasan ni Mama"-Lando
Naglakad si Gina palayo sa kanila kasama si Jc
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lando
"Lalabas nalang ako kaysa marinig ko na Laitin niyang Ama mo yung Anak ko" sabi niya bago siya tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad palabas.Agad ring Sumunod si Angela.

Robbie's P.O.V

Nang makarating kami sa Hospital,Inutusan ko si Mang rudy na pumunta sa Parking lot.Nang maipark na niya ang kotse,Sinabihan ko siya na Manatili na lamang dito.Tatawagan ko nalang siya kung Uuwi na ako.Agad akong pumunta sa Front desk ng Ospital
"Nurse,Saang Room po si Feliciana Marquez?" Binuksan ng Nurse ang talaan ng mga kwarto ng pasyente
"4th floor po Sir Room 210"
"Thank you very much" Dali dali akong tumakbo papunta sa elevator ngunit ang tagal bago ito makarating sa baba.nagulat ako dahil sa pagbukas ng pinto ng Elevator,Nakita ko si Mama,Jc at Angela
"Mama!" Sabi ko bago ko sila niyakap
"Anak! Ano?Kamusta ka?Sinaktan ka ba ng Lolo mo?"
"Opo,Mama.Galit na Galit po siya sa'kin kanina at Halos mapatay niya ako"
"Hayop talaga yang Lolo mo humanda siya sa'kin"
"Huwag na po,Mama.Ang mahalaga po dito si Lola.Kamusta na po si Lola?"
"Robbie,Hindi maayos si Lola.Tumaas ang dugo niya natatakot kami dahil sabi ni Doc na may chance daw na ma Stroke si Lola" sabi ni Angela habang Puno ng luha ang kayang mga mata
"Ano?! Pupuntahan ko siya" sinubukan kong Pumasok sa Elevator ngunit pinigilan ako ni Mama
"Wag anak!"
"Bakit po,Mama?Kailangan ko pong makita si Lola!"
"Anak,Huwag! Nandon ang Lolo mo pati narin ang Papa at Tito jonel mo.Natatakot ako baka saktan ka nila."
"Hindi po sila ang pinunta ko kundi si Lola kaya mama,Please?"
"Kuya,Makinig ka na kay Mama baka masaktan ka pa ni Lolo"
"JC,Gusto ko makita si lola."
"Kuya,Please?nakinig kana sa'kin.Alam ko na ikaw ang panganay pero ngayon ikaw muna ang makikinig sa'kin kaya please,Dito nalang po tayo" dahil sa Sinabi ng Kapatid ko,Naisip ko na tama sila na huwag muna akong pumunta doon.Naisip ko na Pumunta muna kami sa Chapel para nagdasal.

Nananalangin po ako sainyo ngayon,Panginoon.

Gabayan mo po si Lola. Tulungan niyo Po siya na Malampasan itong kalbaryong ito sa buhay niya.Alam ko pong Matatag at Magaling si Lola kaya naman po sana mas lalo niyo pa po sana siyang gabayan kahit huwag na ako basta po maayos ang lagay ng pamilya ko.Panginoon,Haplusin niyo po si Lola ng iyong kamay na makapangyarihan sa lahat.Lord,Gusto ko pa pongmakasama si Lola ng Mahabang panahon.Gusto ko pa pong maramdaman ang mga maiinit niyang yakap ay makita ang kanyang matatamis na ngiti.
Ito lang po ang aking samo't dalangin sa tanging pangalan ni Hesus,

AMEN

Hindi ako mapakali sa Waiting Room.Naisip ko na habang Bumili sila Mama sa labas ng Pagkain,Umakyat sa Kwarto ni Lola.Agad ring nagbago ang isip ko dahil sa takot na magkita kami ni Lolo kaya pagdating ni Mama galing sa labas,Nagpaalam ako sa kanya.
"Mama,Lalabas lang po ako sandali"
"Hah?Anong gagawin mo?"
"Wala po.Magpapahangin lang po."
"O sige mag iingat ka" sabi niya bago niya ako halikan sa Noo bilang tanda ng pagmamahal.Gumamit na ako ng Elevator para mas mapabilis ang pagdating ko sa baba.Nang makarating ako,Tumayo ako sa labas ng Ospital.Nagulat ako ng may Isang Lalaking Humila sa'kin at Hinarap ako sa kanya
"Anong Ginagawa mo dito?Kulang pa ba lahat ng Bugbog ko?" Sabi ni Lolo habang hawak niya ako sa Leeg
"Lolo,Nasasaktan po ako" Pagmamakaawa ko
"Wala ka talagang kadala dala,No? Tandaan mo,Hindi ka na parte ng Pamilya ko simula noong nalaman ko na Bakla ka kaya pwede ka ng Umalis" Sabi niya bago niya ako tinulak dahilan upang madapa ako sa Kalsada.Lumapit ang isang Guard upang Tulungan akong tumayo pero dinuro ito ni Lolo at pinakita ang Kanyang baril bago sabihin na
"Pulis ako.....Kaya Tumigil ka kung ayaw mong ipatanggal kita sa trabaho" Noong una ay parang ayaw umalis ng Guard pero dahil sa nakakasindak na titig ni Lolo,Napilitan siyang Iwan ako.Sakto naman nang biglang Lumabas si Papa sa Ospital
"Papang!" Sigaw niya habang tumatakbo siya papunta sa'kin.Tinulungan niya akong tumayo
"Papang,Ako na po ang Bahala dito."
"Paalisin mo yan dito,Lando.Ayaw kong makita ang pagmumukha ng Baklang yan dito" sabi niya bago ayusin ang kanyang suot na Jacket at Umalis.Tumingin sa'kin si Papa Habang hawak niya ako sa Balikat
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"Papa,Sorry po ahh dahil sa'kin nag aaway kayo"
"Wag mo ng isipin yun.Umuwi ka nalang baka saktan ka pa ng Lolo."
"Hindi niyo po ako sasaktan?"
"Hindi basta Umuwi ka na."
Tumalikod ako para pumunta sa Parking lot at Umuwi dahil bigo akong makita si Lola Nalulungkot ako dahil pinagtatabuyan ako ng aking sariling pamilya na para bang mayroon akong sakit na Lubhang nakakahawa.
"Robbie?" Sigaw niya mula sa aking Likod.Agad naman akong Humarap
"Anak,Kamusta ka naman?"
"Po?" Tanong ko dahil hindi ako makapaniwala na tinawag niya akong anak.Senyales ba ito na may Posibilidad na matanggap ako ng Papa ko?
"Kamusta ka naman?"
"Ayos lang po ako,Pa"
"Gusto mo ba Ihatid kita sa sakayan?"
"May sundo po ako,pa"
"Sige anak" sabi ni papa.Hindi ko alam kung ako lang ba,pero ramdam ko na may kaunting pag aalala sa tono ng pananalita ni Papa sa'kin o sadyang Ginagawa niya lang yun uoangg itaboy ako sa paraang maayos.gayun pa man,Naisip ko na umuwi nalang ng bahay dahil wala rin namang silbi kung mananatili pa ako dito.Baka muli lang akong saktan ni Lolo kung pipilit ko ang sarili ko.

Gina's P.O.V

Nakita ko si Papang na pumasok mula sa labas.Lubos kong kinatakot ang nakita ko dahil baka sinaktan niya nanaman ang anak ko.Lumapit siya papunta sa'kin.
"Gina,Sabihan mo yang Anak mo na Kahit dulo ng Anino niya o Kahit Amoy niya,Ayaw ko dito sa Ospital"
"Papang,Ano pong ginawa niyo sa anak ko?Sinaktan niyo nanaman ho ba siya?" Tanong ko dahil natatakot ako na baka nga napagbuhatan nanaman niya ng kamay si robbie.
"Huwag ka OA diyan.Hindi ko sinaktan.Lumabas yung asawa mo at mabuti napigilan ako dahil kung hindi baka ano na ang nagawa ko diyan sa Kampon ni satanas nayan"
"Sino ba talaga ang Kampon,Papang?Si Robbie ba O Ikaw?" Tanong ko habang nakakamao ang aking mga kamay sa magkabilang bewang ko
"Bastos ka ahh" Umamba siya na sasampalin niya ako ngunit bahagya siyang naitulak ni Jc dahil Niyakap ako ng Aking anak
"Lolo,Wag na wag niyo na pong saktan ulit ang Mama ko!Sobra ka na po!" Lubos akong natuwa at natamot dahil sa katapangang ginawa ng anak ko
"Apo lang kita.Wala kang karapatan na

You are reading the story above: TeenFic.Net