Chapter 21

Background color
Font
Font size
Line height

"What the hell are you doing, Jann?! Are you crazy?" Sabi agad ni Sandra nang makalayo sila bahagya sa table kung nasaan ang kanyang ama. "Bakit gano'n ang sinabi mo sa Daddy ko? Are you crazy?!"

Hindi na pinatapos pa ni Sandra nang pagsagot kanina ang binata at agad niya itong hinila paalis para makapag-usap sila. She's starting to get crazy because of what this man is telling to her father.

"I don't see what's wrong with what I say." Prente nitong sagot at nakuha pang mamulsa habang nakatingin sa kanya nang seryoso.

"We don't even know each other, yet. Kagabi lang tayo nagkita for pete's sake! Stop this whatever game you are playing with me!"

"You mean, 'muling nangkita'. Saka puwede ba Sandra, hindi ako nakikipaglaro o 'di kaya ay nagbibiro." Paglilinaw nito.

"You are making things complicated. Hindi mo kilala si Daddy at wala kang alam sa pamilya ko to say that without my permission! Ano ba'ng trip mo, ha?"

"Hey, lower your voice. Relax, okay? Baka kapag napansin tayo ng Daddy mo ay isiping nag-aaway na tayo agad." Nanatili pa ring relax ang lalaki habang kaharap naman siya na galit na galit dito.

"I don't care! Ano ba kasi ang ginagawa mo? What do you want from me, huh? Say it para matapos na 'to." Nagsusumamo ngunit mataray na tanong niya sa binata.

"You."

"W-what? What do you mean 'me'?"

''Come on. You know what I mean is." Humalukipkip ito at sumandal sa pader na nasa bandang kanan lamang nito.

"I-I don't understand. Ano ba ang kailangan mo sa akin? Ba't ginugulo mo ang buhay ko ngayon?"

"That's over reacting, sweerheart. I'm not ruining or messing with your life."

"Then what?" Naniningkit ang matang tanong niya dito.

"I told you, right? I already ask you to date me. That I want to take you out not just to eat or something but to date you." Idiniin pa nito ang salitang 'date' para mas maintindihan niya. "Messing is too much."

"Date? Mukha bang date ang pinagsasabi mo sa Daddy kong kasinungalingan?! Alam mo ba ang pinasok mo, ha?"

"I mean it. I will court you. Yes, I told him some lies about us. Pero tototohanin ko ang lahat nang 'yon. I will date you, court you and make you fall in love with me. I'm ready to take all the consequences because of what I just said to your father."

"Hindi iyon ganoon kadali, Jann. You're crazy!"

"You could say that. But still, I won't leave until you say yes to me." Jann give her a wink.

Nagsalubong naman ang kanyang mga kilay. "Yes, what?"

"That you'll allowing me to introduce myself to you properly. Let me explain myself to you. And hear me out about my intentions."

"I don't care, Jann. I just want you to go and leave me alone. Wala ka na bang mahanap na iba pang babae kaya ako naman ang kinukulit mo? Saka ano pa ba ang hindi malinaw sa 'yo? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?" May pang uuyam sa boses niya.

"Simula nang makilala kita sa isla at may mangyari sa atin nang gabing 'yon hindi na ako kailan pa tumingin sa iba."

"Shut it! I don't want to hear it. Kung pwede lang kalimutan ang lahat ay ginawa ko na." Mabilis na tinakpan niya ang magkabilang tainga para hindi marinig ang sinasabi nang binata.

"Please... Leave and move on. I'm doing the same since I got here in Manila again. That was just a one-night mistake."

"Is that all to you? That it's just a one night mistake?" Naging seryoso ang mukha ni Jann habang natitig sa kanya.

"If that's just a mistake to you, that that night was just nothing na madali mo lang nakalimutan pagbalik mo dito sa Manila. Then go, tell your father about everything that happened in that island between me and you. That we had sex."

"W-what?" Napipil siya sa sinabi nito. "Tell him for what?"

Lessandra knows her father. Baka kapag sinabi nga niya ito ay agad agad pa siyang ipakasal nito sa lalaking kaharap o 'di kaya'y habulin nito nang samurai si Jann para lamang pakasalan siya dahil sa nangyari. Her parents live in an ancient beliefs. At sagrado sa mga ito ang kasal. Paano pa ngayon na nasa edad siya na pinagtutulakan na siya nang mga itong maghanap nang lalaking magpapakasal sa kanya para mabigyan niya ang mga ito nang apo.

Bahagyang gumalaw ang labi niya dahil sa naisip.

Hindi rin niya natagalan ang makipaglabanan nang titigan dito kaya siya na mismo ang nagbawi nang kanyang mata. "That's not that easy! Ano na lamang ang sasabihin ni Daddy, or ni Mommy kapag nalaman nila. That her only daughter had a one night stand at this age?"

"Hindi pa ako nababaliw!"

"I still remember what you've said to me. That 'that's people nowadays, it happens'. " itinaas pa nito ang kaliwang kamay at iginalaw galaw ang daliri para ipaalala ang kanyang sinabi sa binata.

"Please, Jann. Let's not complicate things." Sa oras na 'yon ay kalmado na siyang nagmamakaawa sa lalaki.

"Ouch. Ganyan mo ba talaga ka-ayaw sa akin? Kung ipagtulakan mo akong lubayan ka tinalo ko pa ang may nakakahawang sakit."

"It's for the both of us, hindi lang naman para sa sarili ko. Saka ayaw mo noon marami ka pa namang babaeng pwedeng ligawan diyan o bola bolahin."

"Ikaw ang gusto ko. I don't want any women. And I'm not fooling around. Seryoso ako."

"Why me? Dahil lang ba may nangyari s---"

"No. I want to court you to be my girlfriend. No reasons. Not just because we had sex. Yes, I want to do it again with you over and over again nang hindi tayo nakainom. But that's not the reason." Ngumiti pa ito ng nakakaloko.

Ikinurap kurap ni Sandra ang mga mata. May kalituhan sa isip niya kasabay nang pag-init ng kanyang mukha dahil sa sinabi nito.

"Hell, No! Maghanap ka nalang ng iba, 'wag ako. Wala akong oras para makipaglokohan sa 'yo."

"Then, alright. Nothing would change. I won't leave. Basta I already told you about it. Nasa sa 'yo na lamang kung magmamatigas ka pa. You can't run from me, you know. I will follow you wherever you go."

"I want you, and I'm willing to wait."

"Unbelievable!" Bigkas niya dito.

"Yeah. You can say that."

"Bahala ka na nga! Basta huwag kang magkukwento nang kahit ano kay Daddy. Please lang, ayoko nang complications. Ayoko nang magulo at complicated na sitwasyon."

Sa halip na sumagot ay nanatiling nakatitig lamang ito sa kanya habang nakangiti.

"W-what are you smiling at?"

"You're pretty. Kahit yata sungitan mo ako araw-araw ay okay lang. Basta nakikita kita." Jann looked at her like he really adore her.

"Whatever! Bolero!"

"Are you guys fighting?"

Parehas silang napalingon sa boses na narinig nila. Nakatayo ang ama ni Lessandra sa gilid at nagtatakang nakatingin sa kanilang dalawa.

Naging mabilis naman ang binata at naunahan pa si Sandrang magsalita. "No, Tito. Sandra wants to go home. Gusto po kasi niyang ihatid ko siya at balikan na lamang po kita dito."

Naningkit ang mga mata ni Sandra sa sinabi nang binata. "Hindi ko sinab---"

"Anak, this was the first time na may makikilala akong manliligaw mong pormal na humingi nang permiso sa akin. I know you can find your way home. Saka boys night out ito kaya tama lamang na mauna ka nang umuwi." Natatawang sabi ni Amadeo sa anak.

"Bahala nga kayo! Uuwi na ako! Saka excuse me, kaya ko naman talaga umuwing mag-isa nang walang naghahatid sa akin. I know how to drive on my own."

Naaaliw na humalakhak ang kanyang ama. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Jann. Minsan talaga mahirap intindihin 'yan at mas masungit pa sa Mommy niya. You know, girls."

Jann smiled and looked at her. "Are you sure kaya mong umuwing mag-isa?"

"Heh! 'Wag mo akong maliitin. Kayang kaya kong magmaneho at alam ko ang pauwi, 'di ko kailangan ng tulong mo!" Tinungo naman nito ang ama.

"I have to go, Dad. Please. Don't drink too much." Hinalikan niya ito sa pisnge.

"Is that for me or for Jann?" Biro nang kanyang ama.

"Whatever, Dad. I'm going. Maaga pa ako bukas." Bago pa niya lagpasan ang binata ay tiningnan niya ito nang matiim.

"Take good care of my Dad. My mom would throw his things away kapag umuwi 'yan nang may lipstick sa damit at gumagapang sa kalasingan."

"See? She's really like her mother." Singit naman nang kanyang ama.

"Don't worry too much, love. Hindi ko papabayaan si Tito."

Sandra rolled her eyes. "Love your face!"

Naiiling na lamang na sinundan nang tingin ni Jann ang kakaalis lang na si Sandra.

"That stubborn kid. Sana hindi ka kaagad mawalan nang pasensya sa anak ko, hijo."

"No, Tito. I love her being like that."
Napangiti naman ang ama ni Sandra sa narinig.


You are reading the story above: TeenFic.Net