IV.

Background color
Font
Font size
Line height

Disclaimer: 
   This chapter is only authorized by the Author. An imaginative scenario, dialogue, and people. Read at your risk.

April 16, 2014
5:00 Am

   
JIHOO's POV.

*Dialed phone

     
Ni hindi niya sinasagot yung mga calls ko. Nasaan na kaya yung pasaway na ‘yun? Pigil ko ang inis habang hinahanap siya sa dami ng estudyanteng nagsisilabasan mula sa mga bus.

Lumipat muli ang atensyon ko sa panibagong bus na dumating. By class section ang mga bus, at yung bus namin ang unang nakarating sa pier. Sana naman nasa tamang oras siya ngayon, kahit minsan lang.

Agad akong lumapit para salubungin si Yeji, pero habang nagsisilabasan ang mga kaklase niya, siya wala pa rin. Tulog na naman siguro ‘yun. Palaging last minute. Paglabas ni Donghyun, hindi na ako nakapigil.

"Si Yeji?" tanong ko kaagad.

Ituturo pa lang niya nang makita ko ang kapatid ko na palabas din sa wakas.

"Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo, pero hindi ka sumasagot!" sumbat ko, halos masira na ang pasensya ko.

"Naiwan ko kasi yung cellphone sa bahay," sagot niya, parang walang pakialam.

Of course, naiwan mo na naman. Ilang beses ba kailangan mangyari ‘to? Tumikhim ako, pilit pinapakalma ang sarili. "Lagi mo na lang talagang pinapaandar yang katangahan mo."

"Aray naman, Kuya! Ang sakit nun, ah! Hindi ba pwedeng nakalimutan lang? Tanga na agad?" reklamo niya, mukhang nasaktan nga.

Hindi ko naman siya gustong saktan ng ganito, pero bakit ba palagi na lang siyang pabaya? Sana nga nakalimutan lang. Pero paano kung makalimutan niya na naman sa ibang pagkakataon, at mas malala pa?

Buntong-hininga ako bago bigla akong inabala ni Donghyun.

"Ang sama mo talaga sa kapatid mo," sabat niya, ngiting-ngiti.

"Hinihingi ko ba ang opinyon mo, Donghyun?" sagot ko, iritado na. Isa pa itong si Donghyun. Parang laging nakabantay para lang asarin ako.

"Nagbibiro lang, Mr. Pres." Tumawa siya nang mahina, sabay kamot sa ulo.

Biro. Sana nga lahat ng bagay biro lang. Pero ang daming bagay na seryoso ngayon. Dapat hindi ako nagpapadala sa mga ganitong biro.

"Pumunta na kayo doon," utos ko na walang emosyon, tinutukoy ko ang Sewol.

"Ikaw?" tanong ni Yeji, tila nagtataka.

"Dalawang bus pa lang ang nakakarating. May mga bus pa akong kailangang hintayin. Kaya wag nang maraming tanong—punta na doon," sabi ko nang matigas.

Minsan, gusto ko na lang sabihin sa kanila kung gaano ako napapagod, kung gaano kahirap ang maging responsable para sa kanila. Pero walang panahon para doon. Kailangan ko pang tapusin ang mga iniwan ng ibang estudyante.

Wala na silang sinabi pa, sumunod na sila sa sinabi ko, papunta sa barko.




YEJI's POV.

      
      

"475 na po ngayon ang mga pasahero, kapitan," narinig kong sabi ng isang crew na kausap sa radio phone.

475? Napatigil ako. Ilang pasahero ba talaga ang kayang isakay ng barkong ‘to?

"Po? Mag-ooverload na po niyan kung magdadagdag pa ng track ng oil," dagdag pa ng crew, tila nag-aalangan sa sinabi ng kapitan.

Nakita ko ang kaba sa kanyang kilos, halatang hindi siya komportable sa narinig. Overload? Hindi ba’t delikado na yun? Pero bago pa ako makapag-isip nang husto, muli siyang nagsalita.

"Sige kapitan, ihahanda na namin lahat." At binaba na ang telepono.

Agad siyang umalis, tinahak ang ibang direksyon, tila abala sa utos ng kapitan. Tama ba ito? Bakit parang may mali sa mga nangyayari? Pero imbes na isipin pa, naglakad ako palayo.

Tumapat ako sa railing ng barko, tinatanaw ang malawak na dagat. Huminga ako nang malalim, damang-dama ko ang sariwang hangin na bumabalot sa paligid. Napakagandang tanawin. Para bang, kahit gaano kabigat ang mga iniisip ko, saglit silang nawawala sa tuwing ganito ang nakikita ko. Pero habang nakangiti ako, naramdaman ko na lang ang mga luha ko. Ba’t ganito? Bakit parang may sariling buhay ang mga luha ko? Hindi ko naman gustong umiyak.

"Yeji?" Isang pamilyar na boses ang sumingit sa mga iniisip ko.

Agad kong pinunasan ang mga luha at lumingon. "Oh? Donghyun..." sabi ko, medyo nabigla.

"Kanina ka pa ba dito? Hinahanap ka ni Jihoo," tanong niya.

"Hindi. Bago lang ako," sagot ko, pilit na itinatago ang lungkot sa boses ko.

Humakbang siya palapit at ipinatong ang mga braso niya sa railing, tinatanaw ang dagat kasama ko. "Paliwanag na ang langit. Panibagong araw na hindi mo alam kung anong mangyayari."

Serioso siya ngayon. Hindi ko madalas makita si Donghyun na ganito. Palaging pabiro, palaging magaan ang mga salita niya. Pero ngayon, may bigat. Tumango ako at ipinatong din ang mga braso ko sa bakal. "Tama ka..."

Napansin kong napatingin siya sa akin, parang naghihintay ng karugtong ng sinabi ko. Ano bang gusto niyang marinig? May gusto ba siyang itanong, o gusto lang niyang makinig?

"Gaya noong araw na hindi ko inaasahang mawawala sa’min si Mama. Minsan, hindi mo alam na sa pagsikat ng araw, masasaktan ka pala." Bumalik na naman ang mga luha ko. Hindi ko napigilan. Ba’t ganito? Bakit parang kahit anong saya sa paligid, hindi ko matakasan ang sakit?

Agad ko itong pinunasan, pilit na tumatawa para itago ang bigat. "Sorry ah, nadala lang ako. Ang seryoso mo kasi eh!"

Ngumiti si Donghyun, pero seryoso pa rin ang tono ng boses niya. "Pero sigurado naman ako na masaya na ang mama mo kung nasaan man siya. At sigurado din ako, wala na siyang kahit anong sakit at paghihirap ngayon."

Tumango ako, pero tuloy pa rin ang agos ng luha ko. Gusto ko siyang paniwalaan. Sana nga. Pero bakit parang hindi ako natutulungan ng mga salitang yun? Bakit ganito pa rin ang pakiramdam?

Bigla kaming naputol sa aming usapan nang marinig ang boses mula sa speaker.

"Hinihingi ko po ang atensyon ng lahat, this is Captain Lee Joon Seok speaking. Una, gusto kong sabihin maligayang pagdating sa board! Ang barko sa lahat ng aspeto ay handa na para sa dagat. Mangyaring makinig nang mabuti sa mga tagubiling pangkaligtasan na sumusunod. Kung sakaling magkaroon ng emergency, mangyaring sundin ang mga utos na ibinigay sa sistema ng pampublikong address."

Dinig na dinig ko ang boses ng kapitan. Handa na daw. Sana nga totoo, sana walang mangyaring masama. Pero hindi ko maiwasan ang kaba sa dibdib ko.



6:30 am

...







JIHOO's POV.

    

Mahigit isang oras na kaming bumabyahe. Sa pagkakaalam ko, 325 lahat ng estudyante ang sakay ng barko. Ang dami, sobrang dami nila. Makikita mo naman talaga kung gaano kasaya ang mga co-students ko para sa field trip na ito. Pero ako? Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako huling nakaramdam ng excitement.

Habang naglalakad ako sa corridor, sinusuri ang bawat kwarto para tiyaking lahat ay maayos, nararamdaman ko ang bigat ng responsibilidad. Pagod na ako, pero kailangan kong tapusin ito. Obligasyon ko ito, ipinagkatiwala sa akin.

Nasa gitna ako ng mga iniisip ko nang biglang may bumangga sa akin. Napatingin ako, at siya pa itong natumba.

Isang batang lalaki? Napatigil ako. Hindi ko siya kilala.

"Okay ka lang?" tanong ko habang tinutulungan siyang tumayo. Ba’t may batang ganito kabata dito?

"Pasensya po, kuya. Hindi ko po sinasadya," sabi niya, nakayuko at halatang nahihiya.

Hindi naman ako galit. "Hindi, okay lang. Na’san ang mga magulang mo? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, pero parang mas lalo siyang napayuko.

"Naglalaro lang po ako." Laro? Dito sa corridor ng barko? Napailing ako. Ang dami talagang walang disiplina.

"Dapat hindi ka pumupunta kung saan-saan. Gusto mo bang samahan kita sa mga magulang mo?" alok ko, pero hindi siya sumagot.

Ba’t hindi siya nagsasalita? Baka natatakot sa’kin. "Wag kang matakot, hindi naman kita sasaktan. Pakilala tayo—ako si Kuya Jihoo. Ikaw?" Sana maging komportable siya.

Unti-unti siyang tumingala at mahina niyang sinabi, "Lee Seok San po."

Umupo ako para magpantay kami ng tingin. Kawawa naman, parang takot na takot.

"Pwede ko bang malaman kung anong ginagawa mo dito, Seoksan?" tanong ko ulit, mas malumanay na.

"Pasensya na po, hindi na mauulit. Papagalitan niyo din po ba ako?" Bigla na lang siyang umiyak.

Ano bang nasabi ko? Bakit siya umiiyak? Hindi naman ako nagalit ah! Napatigil ako saglit bago ako nagsalita ulit.

"H-hindi, hindi kita papagalitan," sabi ko, pinipilit na ibalik ang mahinahon kong tono. "Natanong ko lang kasi baka nag-aalala na mga magulang mo sa’yo."

"Pasensya na po ulit," sabi niya, patuloy sa pagyuko.

Ano ba tong sitwasyong ‘to? Kawawa naman ang bata. "Ganito na lang, samahan kita pabalik sa mga magulang mo. Okay ba yun?"

Tumango naman siya, at naglakad na kami, hawak-hawak ko ang kanyang maliit na kamay.







...







"Kuya? May kapatid din po ba kayo?" tanong ni Seoksan habang naglalakad kami.

"Meron. Kasing kulit mo din," sagot ko, medyo napangiti. Si Yeji. Oo, kasing kulit mo talaga siya. "Pero kakambal ko na babae."

"Kambal po kayo?" tanong niya, parang nabighani sa idea.

Tumango ako, ngumiti ng konti. "Oo, ako yung panganay kasi ako yung unang lumabas."

Ang gaan pala ng pakiramdam pag may kausap kang bata. Napahinto ako sa paglalakad, naalala ko bigla na hindi ko pa alam kung saan kami pupunta.

"Saan nga pala natin mahahanap ang mga magulang mo?" tanong ko.

"Wala na po sila eh."

Wala na? Napatigil ako at agad na lumuhod para magpantay kami ulit.

"Anong wala na sila?" tanong ko, bagama’t alam ko na ang ibig sabihin ng sagot niya.

"Patay na po yung mama at papa ko. Si Auntie Jin na lang po yung kasama ko ngayon."

Patay na? Biglang sumikip ang dibdib ko. Ang bata-bata pa niya para mawalan ng magulang.

"Pasensya ka na, hindi ko kasi alam. Pero tandaan mo ito, palagi kang maging matatag, okay? Wag kang susuko sa mga pangarap mo." Tumingin ako sa kanya, at hindi ko alam kung naririnig niya ang sinasabi ko, pero gusto kong malaman niyang hindi siya nag-iisa. "Nangangako si Kuya Jihoo na poprotektahan at ipagtatanggol ka, okay ba yun?"

Tumango siya, pero bigla na namang tumulo ang luha niya. Agad siyang yumakap sa akin. Siguro, sobrang bigat ng nararamdaman ng batang ito.

"Wag ka nang umiyak," sabi ko, pinupunasan ang mga luha niya. Wala na akong ibang magawa kundi ang pasayahin siya, kahit saglit.






...






"Seoksan!" Biglang may tumawag sa kanya, at napatigil kami.

Isang babae ang naglakad papalapit. Ito na siguro yung Auntie Jin na sinasabi niya.

"Napakatigas talaga ng ulo mo, bata ka!" sigaw ng babae. "Hindi ba’t sinabi ko na wag kang pupunta kung saan-saan?!"

Ang sungit. Tumahimik ako saglit, pero hindi ko rin napigilan.

"Mawalang galang na po, wag niyo naman sigawan ng ganyan yung bata," sabi ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Tumingin siya sa akin saglit, pero agad niyang binalik ang atensyon kay Seoksan.

"Halika na!" Hinila niya ang kamay ng bata.

Napatitig sa akin si Seoksan. Kawawa naman siya. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti, para ipakita na okay lang, kahit pa alam kong hindi talaga.



***

7:30 Am

    
*The ship continues to function in the middle of the ocean.

[Slowmotion with some students enjoying the field trip]

  8:50 am









[Room 214]



  JIHOO's POV.

        Nasa baba ako ng double deck, nililibang ko ang sarili sa pagda-drawing. Kailangan ko lang tapusin itong mukha ng babae. Isang huling ayos na lang. Ilang stroke pa at matatapos ko na ang obra ko. Ganda nito. Sigurado akong magugustuhan nila.

Hinayaan ko na lang ang mga kasama ko sa kwarto sa mga ginagawa nila. Ang iingay nila. Pero sige, wala na akong magagawa. Nakatuon ang isip ko sa pag-drawing, pero ang lakas ng boses nila, parang bumabalik sa akin. Sana manahimik sila kahit saglit.

Bigla kaming napahinto nang may narinig na malakas na tunog mula sa barko. Ano ‘yon? Parang may bumangga. O baka naman... hindi, imposibleng may mangyari.

"Anu yun?" tanong ng isa sa mga kasama ko. Good question. Pero ako rin hindi ko alam.

Pagtingin ko sa labas ng pinto, may mga crew na dumadaan, parang nagmamadali. Bakit kaya? Hindi maganda 'to. Ramdam ko na unti-unting sumisiksik ang kaba sa dibdib ko. Kalma lang, siguro may inaayos lang sila.

Ilang minuto lang ang lumipas, may biglang nagsalita sa speaker. Dinig na dinig sa buong barko.

"Walang aalis sa kanya-kanyang direksyon. Inuulit ko, walang aalis sa kanya-kanyang direksyon. Manatili sa posisyon!"

Bakit kaya? May nangyayari ba? Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ito magandang senyales.




"Mangyaring siguraduhin na huwag lumipat mula sa kung nasaan kayo!" sabi pa ng crew.






Ano ba itong nararamdaman ko? Parang lumalalim ang kaba. Hindi ko mapigilang tumitig sa pinto, parang may hinihintay akong masamang balita. Parang hindi maganda ang kutob ko dito ngayon.







End of Chapter IV.

Note: The next chapter will be the complex story of this novel. And I sincerely sympathize and respect all the victims of the sewol ferry tragedy.
         


You are reading the story above: TeenFic.Net