CHAPTER 12

Background color
Font
Font size
Line height

A/N: Short ud muna haha. Sorry sa typos sa school ko kasi 'to sinulat kasi walang teacher hahaha. Enjoy reading po mga beshy ko!

THALIA'S POV

Magdadalawang buwan na akong nandito sa France at medyo may kalakihan na rin ang aking tiyan.

Dumadalaw naman dito si Kent. Sa mga nagdaang araw ay lagi akong umiiyak dahil namimiss ko si Kent, pero gumagawa naman ng paraan si Tita o Tito para makausap ko si Kent. Minsan tinatawagan niya o kaya video call.

Minsan pinipigilan ko ang sarili na maging emosyonal dahil nakakahiya kila Tita at Tito. Mabuti nalang at mga pilipino ang mga katulong nila dito sa bahay kaya hindi ako masyadong mapapasabak sa english.

Next week na malalaman ang gender ng anak ko kaya uuwi si Kent para masamahan ako. Hindi kasi makakasama si Tita dahil may business meeting siya sa araw na iyon.

Nandito kami ngayon ni Natalie sa sala habang nanunuod ng palabas na isang Gorilla. Kami lang ang tao dito sa bahay kasi si Tito at Tita nasa kompanya nila.

Kilala ang pamilya nila dito sa France kasi sobrang sikat ng kanilang kompanya.

"Ate is the baby kicking na po ba?" Conyong tanong ni Nat na nagpapaalala sa akin kay Aiden.

Aaminin ko namimiss ko siya pero kapag naalala ko kung paano niya ako hindi pinakinggan nuon ay bumalik ang galit sa dibdib ko.

"Hindi pa, Nat. Matagal pa bago siya sumipa. Are you excited to know the baby's gender?" Nakangiti kong tanong.

"Yes, ate. Sana babae para ibibigay ko sa kanya ang mga luma kong laruan at mga damit." Nakangiti niyang sabi at hinimas ang aking umuumbok na tiyan.

"Paano kapag lalaki?" Kunyaring tanong ko.

"Gusto ko pa rin pero mas gusto ko yung babae tapos kamukha mo."

Hinaplos ko lang ang buhok niya at inaya na siyang matulog dahil malapit ng mag alas dyes ng gabi.

Hindi makakauwi ngayon si Tita at Tito dahil busy sila sa kompanya dahil may big project sila. Binilin niya lang kami sa mga katulong.

Hinatid ko na siya sa kwarto niya at kinumutan bago ako bumaba sa kusina para magtimpla ng gatas para madali akong makatulog.

Umakyat na rin ako agad sa kwarto ko at natulog na. Nagising ako ng hating gabi dahil sa humahaplos sa buhok ko.

"K-kent, nandito ka na." Inaantok kong sabi.

"Yes, Lia. Did i wake you up? Matulog ka na ulit babantayan lang kita."

Hindi na ako sumagot at hinayaang lamunin ulit ako ng antok.

Nagising ako kinabukasan na wala na si Kent. Pumunta ako ng banyo at naghilamos at sipilyo bago ako bumaba.

Pagkababa ko ay agad akong dumiretso sa dining are. Nakahanda na sa hapag ang mga pagkain. "Oh, Lia. Umupo ka na at kumain. Kakarating lang namin ng Tito mo galing kompanya."

"Good morning po, Tita, Tito." Sabi ko at nagmano. "Good morning, Nat." Bati ko kay Nat na mukhang inaantok pa.

"Good morning, Ate." Inaantok niyang sagot.

"Si Kent po pala, Tita?" Tanong ko ng maalalang umuwi nga pala siya dito.

"Nasa kwarto niya, Anak. Pagod yun sa byahe dahil madaling araw na daw nakauwi sabi ni Yaya."

Tumango lang ako at nagsimula ng kumain. "Next week na daw malalaman ang gender ni Baby?" Tanong ni Tito.

"Opo, kaming dalawa po ni Kent ang pupunta ng Hospital."

"Mabuti naman, hindi ka kasi talaga namin masasamahan dahil sobrang busy ng kompanya ngayon."

"Okay lang po, nakakahiya na rin po. Kaya ko naman medjo kabisado ko na yung lugar dito." Nahihiya kong sabi.

"Balitaan mo nalang kami, Anak, kung ano ang gender. Sigurado akong maganda o pogi yang apo ko."

Napangiti ako. Kahit hindi ko sila kadugo tinuring nila akong para isang pamilya. Ngayon ko lang naramdaman ang magkaroon ng parang isang kompletong pamilya.

"Salamat po sa pagtanggap niyo sa akin, sa amin ng anak ko." Buong puso kong sabi.

"Nasa hapag tayo kaya wag tayong mag-iyakan dito." Biro ni Tita.

Agad ko namang pinunasan ang luha ko at kumain na. Nagkwentuhan lang kami sa hapag. Habang si Nat ay tahimik lang na kumakain, nakikinig sa usapan.

Nang matapos ay agad akong uminom ng vitamins at umakyat ng kwarto ni Kent para gisingin siya. Malapit na rin kasing magtanghali.

Hindi na ako nag-abalang kumatok at pumasok nalang sa kanyang silid. Agad kong hinanap ang switch ng kanyang ilaw dahil ang dilim ng kanyang kwarto.

Nang ma on ko na ang ilaw ay agad ko siyang ginising. Naka short lang ito at walang damit. Sanay na ako sa kanya dahil parang ito na ang routine ko kapag nandito siya.

"Kent, gumising ka na at kumain sa baba. Sige ka, mauubusan ka ng ulam."

"Lia, ang aga pa." Sabi niya at niyakap ang unan.

"Anong maaga? Gumising ka na at tanghaling tapat na." Gising ko pero hindi pa rin ito natinag.

"Hay nako, Kent. Kapag ako na-stress sayo, ha!?" Mahinang sigaw ko kaya dumilat na ito at umupo sa kama habang kinukusot ang mata.

"Inaantok pa ako, Lia." Nakanguso niyang sabi pero inirapan ko ito.

"Matulog ka nalang din at wag ng kumain!" Sabi ko at lumabas sa kanyang silid.

Na h-high blood ako sa lalaking yun. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ang dali kong magalit at sigawan siya. Dala na rin siguro ng pagbubuntis.

Pumasok ako sa aking silid at kumuha ng damit bago nagtungo sa banyo.

Nang makalas ako ng banyo ay napatingin ako kay Kent na nakaupo sa aking kama. "Bakit ka nandito?"

"Are you mad at me?" Nakanguso niyang tanong, natawa naman ako at tumabi sa kanya ng upo.

"Hindi. About kanina, sorry kung nasigawan kita. Hindi ko sinasadya, ikaw naman kasi, e." Pansisisi ko sa kanya.

"It's fine, Lia. I thought your mad at me. Alam mo namang ayokong nagagalit ka sa 'kin, diba?" Mahinhin niyang sabi at niyakap ako.

"Opo, pasensya na ulit." Nakangiti kong sabi at niyakap siya pabalik. Sanay na kaming laging magyakapan, sobrang clingy ko kasi noong isa buwan palang ako dito sa France. Halos hindi na makauwi non si Kent sa Pilipinas dahil lagi ko siyang niyayakap at gustong gusto makita.

"Tapos ka nang kumain." Tanong ko bago bumitaw sa aming pagkakayakap.

"Hindi pa, sinundan kita dito matapos kang nag walk-out sa kwarto. Akala ko kasi galit ka kaya pumunta agad ako rito matapos kong maghilamos." Mahabang sabi niya habang nakanguso.

"Sasamahan na kitang kumain sa baba. Kawawa ka naman." Nang-aasar kong sabi.

Ngumiti naman agad siya bago tumayo at ma-ingat akong hinatak pababa para makakain na siya. Tuwang tuwa tuloy siyang kumain at ganadong ganado.

Nang matapos siyang kumain ay ako na ang nagligpit at nilagay sa lababo para mahugasan mamaya ng mga katulong.

NGAYON na malalaman ang gender ng baby ko. Sabay kaming bumaba ni Kent at nagtungo sa garahi kung nasaan ang sasakyan niya.

Nang makarating kami sa Hospital ay agad naming tinahak ang opisina ng doctor na pinagkakatiwalaan ni Tita. Siya daw kasi ang nagpaanak kay Tita noong pinagbubuntis nito si Nat. Bukod daw kasi sa magaling ay isa rin itong Pilipino.

"Oh, Mr. Lim and Ms. Climonte. Of course I've been expecting you two." Sabi ni doctora nang makapasok kami sa kanyang opisina.

"Good morning, doc." Nakangiting sabi ni Kent. Ngumiti lang ako sa doctor at hinawakan ang aking malaking tyan.

"Lay down, iha..." she said. Humiga naman agad ako sa hospital bed at kinomportable ang aking sarili. Pumunta naman agad sa kilid ng kama si Kent.

"Are you cold?" Bulong ni Kent at hinawakan ang kamay ko. Tinggal ko kasi ang cardigan ko kaga tanging manipis lang na dress ang suot ko.

Kay Kent lang ako nakatingin the whole time she's putting that thing in my belly as if scanning something. Si Kent naman ay pinagmamasdan ang ginagawa ng doctor at hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Samantalang ako kinakabahab sa gender ng anak ko.

Tsaka ko nalang tiningnan ang doctor ng marinig ko ang kaniyang natutuwang boses. "Congratulations! You are having twins, one baby girl and one baby boy!" Nakangiting sabi ng doctor.

Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin kay Kent na nanlaki rin ang dalawang mata ng marinig niya ang sinabi ng doctor.

May dalawang batang nasa luob ng aking tiyan!

Umiyak ako bago ko tiningnan si Kent na nakangiti na ngayon. Pinunasan niya ang tumulong luha sa mata ko at hinaplos taas-baba ang aking likod, pinapatahan ako.

"Lalabas muna ako. Meet me before you leave para mabigay ko ang ultrasound pic." Nakangiting sabi ng doctor bago lumabas.

"Ang bilis naman, dalawa agad." Pagbibiro ni Kent kaya hinampas ko ang braso niya.

Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na iyon. Ang saya ko at the same time nalulungkot, dapat kasama ko siya. Dapat nasa tabi ko siya dahil anak namin ang dinadala ko.

TO BE CONTINUED...

A/N: Next chapter would be 5 years later. Wala pa tayo sa exciting part.


You are reading the story above: TeenFic.Net