Ika-limang Yugto

Background color
Font
Font size
Line height

Luz's PoV

Isang buwan na ang lumipas at hindi parin kami muling nakakapag-usap ni sungit tungkol sa sunod naming gagawin. Nakalimutan niya na ata ang napag-usapan namin. Sabagay sino ba ako para alalahanin niya, 'diba?

Ngayon ang araw kung kailan gaganapin ang party na sinabi ni San tatlong araw ng nakararaan. Busy ako sa pagbabasa ng paborito kong manhwa habang hinihintay ang pagdating ng dalawa kong kaibigan. Makalat ang lamesa dahil sa kahon ng JCO donut na iisang klase lang naman ng donut ang laman, bowl ng brownies na binake ko, inumin ko na frappe. Nakalapag din sa lamesa ko ang laptop ko pero nasa kabilang parte ito para hindi matapunan ng inumin ko kung sakali mang matapon ito. 

Wala kasing pasok ngayon sa kumpaniya dahil sa linggo ngayon at tinapos ko naman kanina ang pagbabasa at pag apruba ng mga papeles ko sa kumpaniya ko. Ganito ang gawain ko tuwing wala akong pasok sa kumpaniya ng mga Martinez kaya naman gustong gusto ko talaga ang linggo. Pagkatapos kong mabasa ang mga bagong chapter ng paborito kong manhwa ay inilapag ko ang cellphone ko sa sofa pagkatapos ay tumulala.

Ilang minuto pa ay nagbagsakan na ang aking mga luha. Nakakabaliw lang isipin na ang bida sa aking paboritong manhwa ay may pamilya nga ngunit kay lungkot naman ng buhay niya. Iyon ay dahil sa siya ay ampon lamang. Inampon siya ng amang duke ngunit hindi naman siya gaanong pinagtuunan ng pansin at alaga. 

Kay sakit lang na kahit anong gawin niya ay hindi siya kailanman magiging kaisa sa pamilyang umampon sa kaniya dahil isa lamang siyang repleka ng anak nitong babae na nawawala. Bukod din sa hindi siya pinagtuunan ng pansin at alaga ay hindi rin siya tanggap ng dalawang lalaki na anak ng duke. 

At ngayong nakulong siya ay hindi pa siya pinaniwalaan ng mga ito. Kaya naman hindi ko masisisi kung sumuko man siya sa pag-asang mamahalin siya ng mga ito bilang isang kapamilya. Dahil kung ako man ang nasa posisyon niya ay susuko rin ako sa panahon pa lamang na hindi inimbestigahan ng maayos ang pangyayaring ninakaw 'daw' niya ang perlas na pagmamay-ari ng totoong anak at naparusahan siya sa bagay na hindi niya naman ginawa.

Tumunog ang doorbell dahilan para mabalik ako sa reyalidad at dali daling kinuha ang tissue upang magpunas ng mata at sumingha. Pagkatapos ay tinapon ko ang mga nagkalat pang tissue gawa ng pag-iyak ko rin kanina sa iba pang parte ng istorya. Pagkatapos kong itapon iyon ay naglakad na ako sa pinto at binuksan iyon ng hindi tinitignan kung sino ang kumatok.

'Well wala namang ibang dadating kundi ang mga kaibigan ko lang.' Pagkikibit balikat ko pagkatapos ay pinihit ko na ang pinto pabukas.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong napatalikod ng maramdaman ko ang paparating na bahing ko. Mabuti na lamang at mayroon akong dalang tissue at tinakip ko agad yun para hindi ako makahawa. Pagkatapos ay tsaka ako nagsalita. "Pasok." sabi ko at muling tinakpan ang aking mukha dahil sa panibagong pagbabahing ko.

Naglakad ako sa CR dahil sa mayroon na itong sipon na kasama. 'Kakaiyak ko 'to eh. Tsk.' Nasabi ko na lamang sa sarili ko. Naghilamos na rin ako ng mukha bago ako lumabas at nagpupunas ako ng mukha habang naglalakad papunta sa salas pagkarating ay agad akong naupo sa sofa. Napatingin ako sa sofa ng makita kong wala na roon ang cellphone ko at tila nanlamig ang aking katawan ng makitang ang katabi ko ay naka suit kaya naman agad kong tinignan ang mukha nito na mas lalong nagpagulat sa akin.

"Sungit?!" Gulat na sigaw ko rito. Tumingin naman ito sa akin mula sa librong hinahanap ko na hawak na pala niya.

"Wha--" Naputol ang salita nito ng muling mag doorbell. This time I'm sure na mga kaibigan ko na iyon kaya naman para makatakas sa pagkadulas ng dila ko, dali dali akong tumayo para buksan ang pinto ng condo ko at tama nga ako mga kaibigan ko na ito.

"Ay! Kalurki ka naman, girl!" Sigaw na sabi ni San sa akin pagkakita ng mukha ko.

"My ghad! Mahihirapan ako sa pag ayos ng mukha mo niyan!" Sigaw din ni Meg sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko naman sa kanila.

"Look! Magang maga!" Sabi ni San at hinawakan pa ang baba ko para ibaling-baling ang aking mukha habang nag thumbs up naman si Meg with matching tango.

"Panigurado binasa mo na naman yung the Villains are destined to die, noh?!" May tunog ng pagbibintang na sabi ni Meg.

"May bago kasing chapter~" Nakanguso kong sabi pagkatapos pagkatapos ay napanganga dahil nababahing na naman ako. Mabuti na lamang at maagap itong si Megan at agad siyang naglabas ng panyo upang itakip sa aking bibig. 

"Ikaw talaga. May crush ka pero hindi mo parin magawang ayusin ang sarili mo." Pananaway sa akin ni Meg na ikinangiti ko.


"Alam mo, similar yung The wirepuller gets lucky in happier years diyan. Parehong nakakasuko ng buhay yung nangyari sa MC." Sulsol naman sa akin ni San.

"At ikaw naman!" Turo ni Meg kay San. "Sulsol ka naman ng mababasa kay Luz." 

Naglabas lamang ng dila si San kay Meg sabay tawa. Natawa na lang din si Meg sa akto nito. Naputol lamang ang pagtatawanan namin ng biglang may tumikhim dahilan para maalala ko kung bakit ako nanlamig kanina bago pa dumating ang aking mga kaibigan.

"Oh? May bisita ka pala." Sabi ni San at pasimpleng sumisilip pa sa loob. Habang si Meg naman ay napahawak na lamang sa kamay ko at bahagyang sumiksik.

"Ah! Pasok kayo guys. Nawala sa isip ko." Sabi ko at tumawa ng naiilang.

Pagkapasok ay sinarada ko na ang pinto. Magkakasama kaming pumasok at bumungad sa amin si Night na nakatayo. "Ay! May date ka pala, Luz?" Sabi ni San at pabalik balik pa ang tingin sa akin at kay Night na nakasuit at tila ready na upang umattend sa party.

"Ah... eh..." Kabadong tumingin ako sa mata ni sungit na nakatingin lang din sakin at hinihintay akong magsalita. 

Ngunit tila nainip ito at siya na mismo ang nagsabi. "Of course, I'll be her date after all I am her hus--" 

Dali dali kong tinakpan ang bibig ni sungit. "Ah! Guys akyat muna kayo sa kwarto hehe. Kwento ko na lang after ng party." Sabi ko at nginitian sila. Si San ay tila ayaw pang sumunod sa sinabi ko kaya naman sinenyasan ko na si Meg na hatakin na si San paakyat na agad naman nitong nakuha at umakyat na nga sila.

Napabuntong hininga ako matapos nilang makapasok sa kwarto. Tila nawala ang malaking tinik sa aking lalamunan. Tinanggal ko ang aking kamay sa bibig ni sungit pagkatapos ay hinarap ko ito. "Hey. Sorry that I interrupted you earlier. Hindi kasi makakamove on yang mga yan kung sakaling malaman agad nila ngayon. Baka hindi pa tayo pare-parehong maka-attend sa party dahil sa kulit ng mga yan na magpakwento." Sabi ko na puno ng sinseridad.

Tumango lamang ito bilang sagot sa aking sinabi. Pagkuwan ay nagsalita, "So? I'll go ahead?" Tanong nito sa akin.


"Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na magsasabay tayo kaya mauna ka na lang." Sabi ko rito pagkatapos ay tumingin sa itaas kung saan ang pinto ng kwarto ko. "Hindi makakayanang pumunta ng mga kaibigan ko kung sakali mang silang dalawa lamang ang magkasama. Lalo na iyong si Megan."

Pagtapos kong magsalita ay lumingon ako rito. Muli itong tumango sa akin. Pagkakita ko ng malinaw sa kaniyang ayos ay hindi ko maiwasang hindi mapatulala sa kagwapuhang taglay nito. May tama nga talaga ako sa kaniya. Napansin kong hindi masyadong maayos ang kaniyang necktie kaya naman lumapit akong lalo sa kaniya at inayos ito. 

"Sige na. Bumiyahe ka na para mas may time pa kayong magkwentuhang magkakaibigan." Sabi ko rito pagkatapos kong pagpagan ang suit niya.

Malamig ang matang tumingin ito sa akin pagkatapos ay tumango bago naglakad paalis. Hinatid ko pa ito sa pinto para maisara ko iyon pagkatapos ay naglakad ako pabalik muli sa salas at pagkuway nakita kong nakatayo na ang dalawa sa hagdan at nakatingin sa akin ng makahulugan.

"Don't worry. Iku-kwento ko after the party. For now, mag ayos na muna tayo dahil panigurado ay matatagalan na naman kayong mamili at magbihis." Sabi ko habang nagliligpit ng mga pagkain sa may lamesa. 

"Ako mauunang maligo!" Sabi ni Meg at naglakad papasok sa kwarto ngunit inunahan siya ni San at muling binelatan siya nito na ikinailing na lamang ni Meg. "Isip bata talaga." Nasabi na lamang nito. "Luz, nakapili na kami ng damit nating tatlo. Bale aayusin ko na lang muna yung mga make-up na gagamitin natin." Sabi nito at tanging tango lamang ang aking nasagot.

Pagkaayos ko ng kahon ng donuts kung saan ko pinagkasya ang nakikita kong donuts at brownies ay binitbit ko na ito sa kusina upang ilagay ito sa refrigerator. Pagkatapos ay hinugasan ko ang mga pinggan na ginamit ko at uminom ng tubig bago pumunta sa kwarto kung saan nakita kong nagpapatuyo na ng buhok si San at naliligo naman si Meg. 

May tatlong damit namang inakalapag sa kama. Nagpunta ako sa kabinet ko kung saan naroon ang nag-iisang black na sandals ko. Inilabas ko ito at kinuha ang wipes na nasa loob ng maliit na bag na inihanda ko na para dalhin sa party. Ginamit ko ito para punasan ang sandals ko pati na rin ang sandals ng mga kaibigan ko.

Si San ay nagpapatugtog ng party song at kumikembot kembot pa kasabay sa tugtog. Pagkatapos ko magpunas ay sinabayan ko ito at pareho pa kaming nagtapat ng suklay sa aming bunganga bilang mic namin habang kinakanta ang tugtog. Paglabas ni Meg ay sumabay agad ito sa amin kahit pa nga nakabathrobe pa ito at ang towel ay nasa ulo pa.

Pagkatapos ng aming kabaliwan ay naligo na rin ako. Paglabas ko ay tapos na mamake-uphan si San at busy na itong magtali ng buhok ni Meg habang si Meg naman ay mine-make-uphan ang sarili. Dinampot ko ang blower at nagblower muna ako ng buhok bago ko sinuot ang aking damit at naupo sa kama habang hinihintay ang dalawa na matapos. Nang matapos ang mga ito ay ako naman ang kanilang inasikaso. 

Matapos namin mag ayos ay lumabas na kami ng kwarto. Toka toka kami sa pag check ng mga nakasaksak kaya naman naging mabilis lamang ang pagcheck namin bago kami nagpasya na umalis na ng condo. 

"Don't worry guys. Hindi taxi ang sasakyan natin ngayon." bigla ay sabi ni San habang nasa elevator kami at nakatingin siya sa cellphone niya. Pagtapos niya sa kung anong ginagawa niya roon ay nag angat siya ng tingin sa amin at ngumiti. "Susunduin daw tayo ni kuya Echo." 

***TO BE CONTINUED***


Hello guys sorry medyo natagalan ulit sa pag update. Wala kasing signal sa probinsya at kakauwi ko lang hehe. Anyways ituloy ko na lang ulit ito~ Masakit na kasi ulo ko hehe

P. S. By the way guys, since medyo binabago ko na yung flow ng story, baka manibago kayo sa details ng chapters ah? May mga ibabalik parin naman ako though tinaggal and binago ko yung mga parts na I think masyadong mabilis at scenes na hindi ko pa kayang i-handle. Baka rin pala mawala yung cheating part kasi sumisikip dibdib ko maisip pa lang na gagawin ko yun kay Night na ipinartner ko kay Luz. She's too kind for that. Tama na muna yung isang pagdadaanan lang each of the characters.


You are reading the story above: TeenFic.Net