Chapter 1: Simula

Background color
Font
Font size
Line height

Bago kayo magsimula. Gusto ko lang sabihin sa inyo. Na 'wag niyo pong gagayahin ang mga pinagsasabi ng mga karakter na nandito sa kwento kung alam niyong mali ito. Merong mga scene or mga dialogue rito na nakakawalang galang.

Please lang 'wag niyo ho sanang gayahin iyan sa real life. Ang kwento na nandito ay panatilihin na dito.

Love,

Miss Shang

***

TGISM: CHAPTER 01

THEA GARCIA POV

Nandito na kami sa cafeteria. Ang kaibigan ko kinikwento niya kay 'insan ang mga kalukuhan ko raw sa loob ng classroom kaya wala silang tigil kakatawa. Hindi ko alam kung saan ang nakakatawa.

"Talaga ginawa niya yan?" tanong ni Kuya Marcel.

Tumango lang si Heart at nagpatuloy lang sa pagkwento ngunit ito ako kumakain lang at walang pakialam sa paligid. Ba't ba kasi ang tamad ko?

Wala naman akong ginagawa pero pagod ako.

Nang matapos na ang recess ay pumasok na kami sa next subject. Gano'n pa rin, wala akong ganang mag aral.

Discuss lang nang discuss si sir pero wala pa rin ako sa tamang pag-iisip nasa kabilang planeta pa rin.

'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa klase, boring kasi ng math e. Value raw ni x, pake ko kay x? Naramdaman ko nalang na may tumapik sa pisnge ko.

"Hmm!" ungol ko at nilipat ng pwesto ang ulo ko.

"Miss Garcia!" Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko ng biglang sumigaw si Sir.

"Ba't ka natutulog sa klase ko?" galit na tanong n'ya.

"Kasi inaantok ako."

"Ang bastos mong bata ka!"

"'La? Ba't inaano kita? Kinantot ba kita?" Tumawa naman ang mga kaklase ko, padabog namang lumabas ito pero bago 'yon, may sinabi siya na makakasira ng kinabukasan ko. "Go to the Dean's Office miss Garcia."

PATAY LAGOT AKO!

Pa'no naman kasi ako naging bastos? Hindi ko naman siya inaano.

Malalagot na naman ako ni Dean nito.

Mamayang uwian ako pupunta sa office. Tinapos ko muna ang lahat ng subject ko bago ako pumunta roon.

Napansin ko si Heart na nagtitipa sa cellphone niya, mukhang may ka chat. "Online siya?" tanong ko sa kaniya.

Lumingon siya sa 'kin at tumango saka ngumuso. May jowa si Heart sa RP account niya kaya hindi ito interesado sa mga lalaki sa paligid kahit na maganda naman ang kaibigan kong 'to.

"Online pero 'di ka chinachat?" Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa pang-aasar ko. Pero ako si Thea Gracia, hindi oobra sa 'kin ang klaseng titig na 'yan.  "Gwenchana." Tinapik ko ang balikat niya. "Aso nga kulay brown pangalan whitey."

Napanguso ako dahil sa sakit na pagbatok niya sa 'kin.

Inirapan ko siya at tumayo. Lumabas na ako sa room para pumunta sa Dean's Office. Bakit ko pa nga ba hihintayin na matapos ang lahat ng subject ko? Hindi rin naman ako nakikinig.

Nang papunta ako roon ay nakasalubong ko ang pinsan kong si Leo. Saktong papunta siya sa Cafeteria kaya sumunod ako sa kaniya.

Kakain muna ako saglit.

"Libra mo 'ko!" Siniko ko siya. Magrereklamo na sana siya ngunit sinamaan ko siya ng tingin kaya wala rin siyang nagawa kun'di ang bilhan ako.

Habang kinakain ang binili niya ay napasilip ako sa phone ni Leo. Naka use data lang siya. Kawawa naman, parang ako lang.

"Wala kang load?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang sagot. "Anong number mo loloadan kita," seryoso kong sabi sa kaniya kunwari ay hinihintay na ibigay niya ang number. "Bilis!" sigaw ko nang mapansin na nakatunganga lang siya. Mabilis naman niyang binigay sa 'kin ang number. "Bilis! Minsan lang ako magbiro." Napatigil siya sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin. Nag piece sign ako, para sabihing bati kami.

Kinuha ko muna ang pagkain ni Leo bago tumakbo paalis doon.

"THEAAAAAAAA!" Napatawa ako ng marinig ang malakas na sigaw na 'yon. Naagaw namin ang pansin ng iba. Pero anong paki' ko?

Nang papunta na ako sa Dean's office ay may nakita akong mga lalaki na nakasandal sa pader habang nagsisigarilyo.

Nang makita nila ako ay kaagad nilang pintay ang mga hawak nila at napatayo ng maayos.

"Thea," tila gulat na gulat silang lahat ng makita ako.

Hindi ko sila kilala. Pero mukhang kilala nila ako. Gano'n na siguro ako kasikat.

"Sana all marunong manigarilyo," sabi ko sabay nguso. "Ako kasi mikmik lang muntik pang mamatay."

Malakas naman silang tumawa, napairap na lang ako. May nakakatawa ba sa muntik ng mamatay?

Iniwan ko na sila roon para matuloy na nila ang naudlot nilang ginagawa.

Mukhang tumakas pa naman sila, magiging sayang lang ang paghihirap nilang makatakas.

Nang makarating ako sa Dean's Office ay saktong nando'n na rin lahat ng guro. Nag-iwas ako ng tingin habang papasok sa loob. Kunwari may ibang ginagawa bago ako umupo sa bakanteng upuan habang nakatayo naman ang mga guro at nasa tapat ko nakaupo si Dean.

"Hindi ka pa rin nagbabago Miss Garcia," giit ni Dean.

"Ano na naman bang kasalanan ko Dean?" pag dadrama ko.

"Sinasagot mo ang teacher, natutulog ka sa klase nya, kumakain, at namimilosopa. Naku ikaw'ng bata ka talaga, oo," pigil galit na sabi ni Dean.

"Peace yow, lolo." Nagpeace sign ako sa kaniya at nagpa cute ngunit mukhang hindi ito umobra sa kaniya.

Napanguso nalang ako at nilalaro ang kuko ko sa kamay. Alangan namang kuko ko gitna. Hala! Meron ba no'n?

"May parusa ako sa 'yo," sabi niya.

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko mapigilang ma-bored, naka cross arm at nakadikwartong nakaupo.

Madali lang ang lagi niyang pinapagawang parusa. Maglinis ng garden kahit na wala namang dumi. Mag linis ng CR tapos pinapalo ko ang mga estudyante 'pag naging madumi na ulit ang banyo. Naglilinis ng gym pero hindi ako ang gumagawa kun'di ang mga estudyante.

"Napakapasaway mo talaga sa'n kaba nagmana?" Tinampal niya pa ang nuo niya sa sobrang kunsimesyon sa 'kin.

"Sa mga magulang ko. 'Wag mong sabihin sa 'kin na hindi ko sila magulang? Lolo 'wag n'yo akong lokuhin! Daddy ko ba ay isang Mafia boss? Ta's kinidnap lang ako kaya ako napunta sa inyo? Lolo please eh a-arrange marriage na ba ako?"

Napailing nalang si Lolo sa sinabi ko. Masama bang mangarap?

"Mag aaral ka sa Quias University."

Napasinghap naman ang mga guro meron ding ngumingisi at iba ay nag alala ang mukha. Ang weird ng mga reaksyon'g pinapakita nila.

Ano bang meron sa University na 'yan? D'yan ko na ba makikita ang lalaking umiigting ang panga?

"But dean—" reklamo ng isang guro.

"No buts. Sana mapatino ka ng paaralan na iyon apo."

Ano namang meron d'yan? Hehe! baka may maraming girls doon.

"Marami ho bang chix doon lolo?" tanong ko sa kaniya.

"May mga babae doon 99 at magiging 100 sila kasi kaisa ka na rin sa kanila at ang pinakamarami roon ay lalaki 500 ang lalaking naroon apo," paliwanag niya.

"Seriously? 500 laban sa 100."

"Ha?" sabay na tanong ng mga guro.

"Ha?" balik na tanong ko rin sa kanila, kunwaring naguguluhan din.

Shit ano bang pumapasok sa isip mo Thea? Baliw kaba? Hindi naman 'ata sila maglalaban doon diba? Hindi naman 'ata diba? Siguro kada isang babae limang lalaki? Kaya ba ng babae iyon? Whaaaa! Thea ang halay mo hindi Sex University ang pupuntahan mo kun'di Quias University. Hala, bakit magkatunog?

"Wala lolo pogi," pang uuto ko.

"Nag alala ako sa 'yo pero kailangan na kitang ipaaral doon," may bahid na pag alala ang boses niya. "Masasamang tao ang nag aaral doon apo. Pasaway ka lang pero hindi ka masama."

"Ang daming drama ni Lolo," pabiro akong umirap.

"Malalagot ako sa mga magulang mo 'pag nalaman nila 'to pero 'yong ibang guro at ibang may share ng University na ang nagsabi na roon ka nalang pag aralin."

Nang matapos ang drama ni Lolo ay agad akong nagtungo sa bakanteng room.

Hindi na ako nagtaka kung bakit nakita ko si Leo, Heart, Kuya Marcel at Ate Gia. Madalas nila akong puntahan, samahan at kulitin. Naging tambayan na rin naming lima ang room na 'yon na hindi na nagagamit. Wala naman kaming ibang ginagawa kun'di ang tumambay.

"Sinong gusto ng ice candy?" tanong ni Ate Gia sa 'min.

Sabay kaming apat na nagtaas ng kamay.

Tumayo siya at tinungo ang ref na nasa gilid. Nag ambagan kami para bumili ng ref dahil sa wala namang aircon dito kaya mainit, walang aircon dahil na rin sa hindi na ginagamit ang room na 'to.

"Ang tigas na nito." Sabi ni Ate Gia habang pinipiga ang ice candy nya.

"'Di lahat ng tumitigas nasa Freezer." Napatingin naman sila sa 'kin dahil sa sinabi ko. "Yong iba nasa Zipper." Kumindat ako. Napanguso ako ng binatukan ako ni Kuya.

"Ang libog mo talaga."

"Inosente po ako Kuya."

Umuwi na ako para mag impake dahil sa susunod na araw na ang alis ko papuntang Quias University.

"Kulit mo naman kasi, nawalan na ng pas'yensa 'yang lolo mo kaya wala siyang magawa kun'di ang ilipat ka. Mag-iingat ka lang doon. Salamat din dahil mawawala ka na rin dito sa bahay," panenermon ni mama.

"Sarap mo magmahal ma. Na appreciate ko," sarcastic kong sabi sa kaniya.

"Kumain ka muna bago ka umalis. Ihahatid ka ng driver papunta roon."

"Ma, bukas pa ako aalis. Mag-iimpake lang." Lumabas si Mama sa k'warto ko nang makita niya si Heart.

"Pagkatapos niyo d'yan, mag dinner muna kayo," pagkatapos nito iyong sabihin ay umalis na ito.

"Thea talaga bang ililipat ka sa Quias University?" tanong ulit ni Heart. Paulit ulit na lang siya. Tumango na lang ako bilang sagot. Nag impake na ako dahil bukas na bukas daw kasi ay dadalhin na ako roon ni Lolo.

"Q.U?!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Kuya.

Lumapit siya sa 'kin pati na rin si Ate Gia. May pag alala ang mukha nilang lahat lalo na si 'insan. May alam din ba sila na hindi ko alam?

"Napaka delikado ng paaralan na iyan Thea," inis na sabi niya sa 'kin.

"Ba't ka naiinis? 'Di ko rin naman gusto 'to e desisyon 'to ni Lolo," inis ko ring sabi sa kaniya.

"Oo nag desisyon siya kasi hindi na niya alam kung pa'no ka niya patitinuin."

Napanguso nalang ako at patuloy nalang sa pag impake. Napatingin ako kay Kuya ng bigla siyang nagkwento. Hindi daw nakakalabas ng paaralan ang mga estudyante doon kung hindi ka pa graduate.

“Delikado ang paaralan na ‘yon. Lalo na ang namumuo ay si Thelenious Zeth Achie Quias o kilala bilang si Nious. Hindi ko alam pero ang sabi nila pumapatay raw ito kapag hindi niya gusto ang isang bagay. Hari siya ng demonyo kaya nag alala lang ako sa ‘yo.”

Gusto ko pang may malaman sa Quias kaya nagpakwento pa ako kay Kuya. May dalawang school building raw ang Quias. May limang floor at kada floor may limang classroom. Kada classroom sampung lalaki at dalawang babae dahil nga mas madami ang lalaki doon. Isang daan lang raw ang mga babae doon kabilang na ako. Habang ang mga lalaki ay halos limang daan. May dalawang building pa. May dorm pa. Sa dorm ng babae kada isang kwarto may apat na babae. Sa dorm naman ng lalaki ay anim sila, may anim na kama naman raw sa loob ng isang kwarto. Saka malaki naman raw roon.

“Maganda pala roon.” Hindi ko mapigilang magkumento. Nakatikim tuloy ako ng batok galing kay Kuya.

"Bawal kang mag kagusto sa isang halimaw Thea," pagpapaalala niya. "Ubod ng gwapo ang mga estudyante na naroon, maganda rin ang mga babae pero kung itatabi kayong lahat mas maganda ka kaya alam kong may magkakagusto sa 'yo roon please mag ingat ka 'wag na 'wag kang magkakagusto maliwanag?" Tumango naman ako. "Susunod ako sa 'yo roon," bulong niya.

Bakit naman ako magkakagusto doon? Eh lalaki ako. Hindi na ako kumontra pa dahil baka mainis lang si Kuya sa 'kin. Makatikim na naman ako ng batok. Nakailang batok na tuloy ako ngayong araw. Kung pera lang ‘yang batok mayaman na siguro ako. Mayaman ka naman talaga gaga.

"Nasa'n si Leo?" kunut nuong tanong ko dahil bigla itong nawala.

"Ayan oh." Tinuro ni Heart si Leo na nakaharap sa may salamin.

"Dati pogi ako, ngayon naman sobra na." Napailing pa siya at nagpogi sign.

Napatawa naman si Heart.

"Ikaw pogi? Haha pwet ko!" sigaw niya dahilan kaya napanguso si 'insan.

Kinabukasan pumasok na ako sa school. Mamayang hapon pa ang alis ko. Papasok na sana ako sa room namin ng may humarang sa ‘kin na isang guro.

"May mga kulang kang outputs." Napatigil ako sa sinabi niya. Aalis na nga ako nangung'wenta pa siya sa mga kulang ko.

"Ako nagkulang?" tanong ko sa kaniya. "Excuse me, sabi ni mama sumusobra na ako." Umirap ako sa kawalan.

Hindi ko pinansin ang iba pang teacher na pumasok hanggang sa last teacher na ang nandito. K'unting tiis na lang, makakauwi na rin.

"Sir bakit daw kailangan pa naming mag aral?" tanong ng isa kong kaklase.

"Sino nagtanong?" tanong ni Sir.

"Si miss Garcia po." Sabay turo sa 'kin.

Kaya tiningnan ko siya ng nagtatanong na tingin. Aba kailan pa ako nagtanong ng gan'yan?

"Ito ang sagot ko," aniya. "Baliktarin mo ang DEPED miss Garcia," utos ni Sir.

"DEPED D-E-P-E-D hindi naman siya nabaliktad e," maktol ko.

"Oh diba? Walang pinagbago papasok parin kayo."

Aba pilosopo na rin pala si Sir.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY


You are reading the story above: TeenFic.Net