Chapter 20

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 20

"I'll change my outfit as soon as we're settled." Nahihirapang sabi ni Ash.

My lips curved upon seeing her beach wear ruined 'cause of the things she was holding. Bitbit niya ang mga kawali, Tupperware, at payong.

"Sinabi ko naman sa 'yo 'di ba? Na kaya ko?"

Nasa unahan sina papa at ninong, nagbabayad ng entrance fee namin. Habang abala si Ethan sa pagkuha ng litrato ng paligid gamit ang Canon camera ni Ash.

Sumimangot siya. Her purple lilac crochet top skirt fit was a head turner, fusing with her porcelain skin.

Maraming napapalingon sa kaniya pero deadma lang siya. I'm wearing casual attire: white short pants paired with unbuttoned blue long sleeves, which expose my crochet beige brassiere.

Umirap siya nang may tumingin ulit sa kaniya.

"Ash umayos ka, baka hindi na tayo makauwi."

"It was them who must stop eyeing me."

"Have you seen yourself? You can't blame people for being attracted—"

"It was because of my fit."

"Even with casual attire, you're a head turner."

"Yes, I know. But it was their lustful energy that was radiating not admiration."

I nodded. She had probably gotten used to stares and could now see the difference. "We can't control people's minds, and I'm not tolerating them. Tell me if someone creeps you out, I'll call the police." Tanging nasabi ko.

"They should have a good sense of control, you know? Not everything must be sexualized." Inis siyang tumingin sa paligid.

"Right," I crossed my arms. "You need a control too."

"Hey!" She turned to me with a shock on her face. "I'm not that bad, I can control myself."

Binigyan ko siya nang mapanghusgang tingin. I can still vividly remember what we did last Christmas. We were pretty wild.

Her cheeks reddened, and she closed her eyes, feeling guilty.

"I mean, there are times that I'd lose my control 'cause it was you whom we're talking about. But I'm not like them. Drooling over a stranger."

Akmang huhubarin ko ang long sleeve at ipapasuot sana sa kaniya nang magreklamo siya.

"You're exposing your skin."

"You're uncomfortable with their stares."

"I appreciate the gesture. It was my fault and I'll change my clothes, so continue wearing that."

"It looks good on you. . ." I said the truth to calm her down.

It was them who were the problem, not her fit. But like I said, we can't control people's minds. And I don't want her to be troubled by what she wore, knowing she had probably prepared it.

"Really?"

I nodded. "Hmm,"

"Why aren't you asking me to change like before?"

"Iba naman kasi 'yon at nag-t-trabaho tayo no'n, pero ngayon nasa dagat tayo."

"How come you're no longer possessive?"

"Gusto mo sapakin ko sila?"

Tumawa siya. "Those bastards. Don't worry, Akin. All they can do is stare, it was you who can touch me."

"Isa," banta ko.

Tinikom niya ang bibig at umirap. "First time mo ba mag-outing? New Year na New Year paiba-iba mood mo. Hindi ka mapakali."

"Kind of?" Kinamot niya ang paa gamit ang isa.

"Come here. . ." lumuhod ako at pinagpagan ang paa niya. Kinagat kasi siya ng langgam.

Tumingala ako. "Thank you. . ." malamya siyang ngumiti.

"Sayang ang ootd mo, may pa bandana ka pa at top na kita tiyan pero ganiyan bitbit mo. Akin na kasi. . ." kinuha ko ang payong at Tupperware and this time she allowed me.

Natawa kami dahil sa sitwasyon. Ako naman talaga dapat ang magbibitbit ng lahat but she insisted 'cause she don't want me to be tired. It made my family wonder and to not raise their suspicion we lied that she owed me a favor.

Kahapon lang nakauwi sila papa pero nag-imbita agad sila ng outing. They asked me to invite Ash to make up for our change in plan. Luckily, she agreed.

Wala kasi siyang kasama ngayong Bagong Taon. And it saddened me because what if hindi niya kami kasama?

Maiiwan siyang malungkot at mag-isa? I don't want that to happen, knowing this was her first Holidays without her dada.

Tahimik naming dinaramdam ang mga buhangin nang mapunta ulit ang tingin ko sa suot niya.

"Is purple your favorite color?"

"Yes,"

I checked her outfit. "I never appreciated how beautiful it was, until you're wearing that."

Sobrang bagay ito sa kaniya kaya hindi ko rin masisi ang iba kung bakit napapahinto sila at napapatingin. Mas lalong tumingkad ang kutis ng balat niya. Her curves was highlighted along with her abs and firm posture.

"You don't use it often on your canvas?"

I shook. "Now, I might."

We shared a soft smile.

"Ate Nat! Doon lang ako ha?" Pagtawag ni Ethan, lumingon kami sa kaniya. "Pahiram po muna ako."

Ash waved and gestured that she agreed. Parang bata na napagbigyan na tumakbo si Ethan para pitikan ang mga tanawin.

"Huwag mo sanayin ang bata ha."

She arched her brow. "I won't leave."

I didn't say anything, but like before, it was as if she knew what I was thinking. "I mean—"

"I won't leave." Dagdag niya.

"Fine." I sighed as defeat. Lumiwanag ang mukha niya.

"Cottage 17 tayo 'nak." Sabi ni papa at sumenyas na sumunod kami.

"Let's go," I nodded. She reached for my hand, but I avoided it. "What?"

"Don't be too obvious. . ."

"We're friends!"

"Still—"

"And friends hold their hands." Inis niyang pinagsuklob ang kamay namin. Nagdadabog din siyang humakbang.

"Ash. . ."

"I'm not halata."

"I'm not halata pero nagmamaktol ka." Her tongue clicked. "Ano ba'ng kinaiinis mo?"

"Nothing," bumuntong-hininga siya. She let go of my hand and scratched her temple. "I'm irritated because I've been attracting people's attention, I don't want to stand up for once. I don't want your family to be uncomfortable 'cause of their stares."

How I wish I was strong enough to protect her. All I can do is make her feel comfortable with herself.

"And I'm scared 'cause I'm pissed. I might forgot to act appropriately and your family might won't like me 'cause of that."

Umiling ako. "They won't, natutuwa nga sila sa 'yo e. Saka sanay na rin sila papa sa tinginan ng mga tao at alam din naman kasi namin na hindi 'yon maiiwasan lalo na't ikaw 'yan. Wala sa damit mo 'yan Ash, at bad boy kaya datingan nila papa dati. P-protektahan ka nila promise."

She's pretty conscious of her actions and appearance, and I understand. She doesn't want to make mistakes, especially since this was our first family outing, and she's joining us.

At kaya rin siguro siya conscious sa tingin ng iba kasi iniisip niya na baka huhusgahan siya nila papa sa paraan ng pananamit niya, pero sa kanila naman ako nagmana.

We don't look at people's external beauty. We prefer seeing their souls. And I know they don't mind whatever she wears.

Tumango siya. Hinawakan ko siya at pinisil ang kamay niya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya, tipong may pake sa iisipin ng iba.

Pagkarating namin nagpaalam siya kina papa na magbibihis pero bago pa man siya makapunta sa banyo inaya siya ni Ethan na picturan siya.

Pumwesto sila sa shore banda habang inaayos namin nila papa ang mga gamit sa cottage.

Sakto at ang ganda ng panahon. Katamtaman lamang ang tirik ng araw at medyo mahangin din. Sobrang asul din ng langit at ang payapa ng alon ng dagat.

"Ayos lang talaga sa inyo pa? Kasama siya?"

"Oo, bakit 'nak? Ang totoo ba ay ayaw mong kasama siya?" Nilipat niya ang bag sa kabilang bangko.

"Luh? Binabalik mo sa 'kin pa."

Tumawa si papa. "Siya ang una mong kaibigan na pinakilala sa pamilya natin, siyempre ayos lang. Pero 'nak, wala ba siyang makakasama?"

I sighed. "Wala po e."

Paglingon ko kina Ash tinitignan na nila ang litrato na kuha ni Ethan. They're smiling from ear to ear na para bang totoong magkapatid. Ginulo niya rin ang buhok ng bata dahilan para umalma ito.

I can't help but laugh.

Pet peeve talaga 'yan ni bunso. Ash apologized and they exchanged their role. Siya na kukuha ng litrato kay Ethan.

"'Nak gumawa ka ng sawsawan mag-iihaw na ako ng isda." Utos ni ninong.

"Hindi mo pa nga nalalagyan ng mga pampalasa 'yan." Sagot ni papa.

"Akala ko tapos na kanina?"

"Hindi pa, lagyan mo muna sa loob." Para silang teenager na nag-tatalo.

"Dapat kanina mo pa sinabi!" Inis na sabi ni ninong at hiniwa ang tiyan ng bangus.

"Hindi ka nagtanong!"

"Ako na lang po, parehas kayong nahihirapan e." Biro ko sa kamay nila.

"Pare nagmamayabang panganay mo." Tinuro ako ni ninong.

"'Nak kaya ka pa rin namin itapon sa dagat kahit isang kamay lang gamit." Tumawa ako.

"Noong kabataan aba sikat na sikat kami ng tatay mo. Pogi kasi at maganda pangagatawan."

Umakbay si ninong. Parehas silang nag-suave pose at ni-flex ang muscles.

"Alam ko po, ang g-gwapo niyo nga po'ng single e. Bad boy pala ah." Banat ko.

Sumimangot sila. "Ako 'nak pinili ko maging single, pero itong tatay mo? Matanda na pa-crush-crush pa rin kay mayora!"

"Ulol may asawa 'yon!" Tinulak niya si ninong at namumula ang mukhang lumayo.

"Papa!" Suway ko.

Humalakhak si ninong. "Annulled na 'yon par! Magkasama na lang sila sa iisang bubong para sa imahe."

"Kahit na! Ikaw kung ano'ng pinagsasabi mo rito sa anak ko. Tarantado ka pa rin talaga hanggang ngayon."

"Ikaw lang ang gurang na nasa crushing stage pa rin pre. Inubos mo kasi kaguwapuhan mo dati e. Tignan mo ngayon daig ka pa ng panganay mo."

Natuod ako sa kinatatayuan. "B-bakit po?"

May alam ba siya? Nag-usap na kami ni Manong Felix noong Huwebes. Suporta siya sa 'min ni Ash at wala raw siyang balak na i-expose kami pero si ninong? Baka malaman nila papa!

"Ano'ng bakit? Happily single. 'Di ba?"

"O-opo. . ." nakahinga ako nang maluwag.

I turned to look at Ash, who was now on her way to our direction, leaving Ethan alone to play with the sand and sea.

"Pa umayos kayo, papunta na si Ash." Tumahimik sila at naghanda na ng mga lulutuin.

"What can I do to help?" Bungad niya.

"Akala ko ba magbibihis ka?"

"I will, once I'm done helping." Nilagay niya ang bag sa bangko.

"Kayo na lang mag-ihaw ng isda at barbeque." Utos ni papa.

"Okay po," tugon niya. Mabilis akong napalingon. Nagtataka siyang tumingin sa 'kin pagkatapos ay umirap. Tila na-offend sa reaction ko. "Let me help you po."

Kinuha niya kay ninong ang trabaho sa paghihiwa ng mga sangkap.

Natatawang umiling ako. Ang cute at ang galang naman ng Akin ko na 'yan. Aakalaing hindi niya ako pinapak at ginawa ring sawsawan.

She mouthed, ‘What?’ and I just smiled.

"Kamusta naman kayo ng pamilya mo. . ." sabi ni papa, tila nakalimutan ang pangalan niya.

"Julian po."

"Hulyan?"

"You can call me Nat po."

"Nat? Kasama mo pa ba sila?" Sumandal si papa sa dingding habang si ninong naman ay umupo na.

"Pa. . ." I shook to stop him, but he ignored me.

"They're gone long time ago."

"Sino na lang kasama mo?"

"Their memories." Pilit siyang ngumiti.

"Tama na par, baka paluin ka ni panganay."

"Ilang taon ka na pala?"

"23 po."

He nodded. "Titigil na ako baka kasi paluin na ako ng panganay namin. Ang sama ng tingin." Biro niya. They shared a small laugh.

Natasha smiled at me as an assurance she was fine.

"Pasensya na, alam mo na. College, ayaw kong maimpluwensiyahan siya ng masama. Ayaw ko rin na mapaligiran siya ng mga taong walang mabuting intensyon. Lumaki kasing mapag-isa ang batang 'to, baka sa excitement na magkaroon ng kasama kumbaga ay kahit sino na lang ang kaibiganin niya."

"Pa, mapili rin kaya ako." Ngumuso ako.

Patuloy lang na nag-hihiwa si Ash, panay ang ngiti at tango. "'Yan si Jin, mahal na mahal namin ni ninong at kapatid niya 'yan. Bata pa lang ang laki na ng mundong tinahak niya, pero kailanman hindi siya sumuko at nagreklamo. Aba'y napakabuting bata, ano? Pero mas nasasaktan kami, kasi lumaki siyang walang pinagsasabihan ng problema. Buti na lang nandito ka na. May makakausap na siya. Alam mo na rin naman siguro ang kwento ng buhay namin, 'di ba?"

Kumirot ang puso ko.

Nag-uusap sila na para bang wala ako sa tabi nila. Tinanggal ko ang plastic na tinatakpan ang mga barbeque.

"Opo."

"Gabayan mo siya Nat ah? Kapag may nanligaw, ilayo mo." Napatigil si Ash sa paghhiiwa. "Ayaw kong pasukin niya ang relasyon na 'yan. Hindi pa siya handa. Ayaw kong malayo ang isip niya sa pag-aaral. Hindi naman sa sinasabi kong sutil si Jin pero iba siya magmahal e."

"Ibubuhos niya ang lahat, gaya ng ginawa niya sa 'min. Baka maubos siya tapos lolokohin lang din pala. Ang mas masaklap ay baka masira rin ang pag-aaral niya dahil sa nabuntis siya."

"At hindi ko rin sinasabing hindi maiiwasan ang pakikipagtalik sa isang relasyon, pero kahit ako nga nabiktima ng tukso. Tignan mo ang naging resulta, naghirap kami."

Ash took a long gulp before responding. "I will, I won't let any man come near her."

Kasi ikaw lang?

Natawa ako. Lumingon sila sa 'kin. "Tama po kayo pa."

"Ano nga pala ang kurso mo? Tumigil ka rin ba sa pag-aaral ng ilang taon? Si Jin isang taon siyang tumigil. Huwag mong ikahiya ang edad mo ha?"

"Hindi minamadali ang pag-aaral. Irregular ka man o behind sa mga ka-batch mo huwag mong pansinin ang mga nanghuhusga at nag-p-pressure sa 'yo dahil lang sa binabase nila ang pagtatapos sa edad. Hindi naman sila ang nag-aaral at nagbabayad ng tuition mo. Background noise lang ang mga 'yan."

"Kaya hayaan mo sila. . . magpatuloy ka lang. Makakamit mo rin ang mga pangarap mo at ang ninanais mong pamumuhay. Hindi karera ang buhay Nat." Payo niya.

She smiled. "Thank you po,"

"Architecture rin ba kinuha mo?"

"No, actually I'm a—"

"Engineering pa." Singit ko. "Magkatabi lang ang building namin kaya kami nagkakilala."

"Engineering? Maganda 'yan." Ngumiti si papa.

"Talaga Ate Nat? Pangarap ko rin 'yan! Para partner kami ni Ate." Pagsulpot ni Ethan at tumabi siya kay ninong.

"Yes, it was a good course." Pilit siyang ngumiti.

Tila may kung ano'ng kumalikot sa sikmura ko. Na-gi-guilty ako na ewan.

"Pwede rin naman po partner kayo ni ate habang hindi pa ako engineer. Bagay ata kayo e. Parehas matalino." He thumps up as if he approved.

Ash nodded with a smile, and her ears reddened. She pretended to feel heated, pinaypayan niya ang sarili.

"Unang outing namin 'tong mag-pamilya, kung wala na ang iyo sino naman ang kasama niyo ni Jin no'ng Pasko?"

"Kami lang dalawa pa. . ."

Kinakabahan na ako, batid kong gano'n din siya but she's too good at concealing.

"Ano'ng ginawa niyo?"

Marahan niyang hinila ang buhok ko at kinagat ang labi ko. Hindi ko mapigilang mapaungol dahil sa sensasyong pinadama niya. Nanghihina na ako, sobrang tamis ng labi niya, ang lambot din nito na para bang unan, nakakaadik ang bawat haplos at ungol niya.

Kahit saan na rin sumisiksik ang mga kamay namin. Nag-iinit na ako at tila nalulunod ako sa nanabik niyang mga halik. Mas diniin niya ang katawan sa 'kin at nag-aangat baba na rin siya sa pagkakaupo sa lap ko.

We turned to look at each other, and soon as our gazes met; her cheeks started burning. Mapula na ang buong mukha niya.

"We exchanged gifts." She replied.

We exchanged kisses.

"And?" Ethan asked.

"We played a game." Her eyes are flicking so bad.

We played with our bodies.

"Ayun lang?"

"And we ate."

You mean we gave each other bite marks?

Tinignan ko siya nang mapanukso. She rolled her eyes and pretended not to see me. Alam kong iniisip niya rin lahat ng iniisip ko.

"Ano ba 'yan ate!" Reklamo niya.

"It's not my fault Ethan that I'm into resting, than interesting." I stick my tongue out. Napaayos ako nang tayo nang makita ang mapanuring tingin ni ninong.

Feeling ko talaga may alam siya e!

"Du-di dapat gumala na lang kayo."

"What's du-di?"

"Dude po." Tugon ni Ethan kay Ash. Sabay-sabay kaming umiling. "By the way ate, sakay po tayo ng bangka? Hehe." Tumayo si Ethan at lumingkis kay Ash.

"How much?"

Pumalakpak siya at nilabas ang listahan. Puno ito ng mga beach activities at price.

"Ethan. . ." banta ko.

"It's okay." Ash smiled, but it soon faded when she saw the price. "12 trillion just for a rent? I'll call my lawyer and ask him to buy a yacht instead—"

"P-po?"

Napanganga sila ninong. Lumapit ako at tinignan ang presyo. "12T ang nakasulat e."

"Ay, 12 thousand po yan." Kumamot siya sa ulo.

"'Di ba dapat 12k?!" I faced palm.

Ash giggled. "Okay, bunso. We'll try that later."

"Bunso?" Tanong ko.

"Yes! Wala na bawian Ate Nat ha? Mabuti na lang dalawa na ate ko. Ha ha. Ang sungit kasi ng isa."

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray Ate Jin!"

At talagang ini-ignore nila ako!

"Really? She's masungit?" Natutuwang tanong ni Ash.

"Opo! Ang sumpungin din! At mas gusto kausap ang sarili kaysa na kami." Pinanlisikan ko siya ng mata. Tumakbo siya at nagtago kay papa. "Pero kahit ganiyan siya Ate Nat mararamdaman mo pa ring mahal ka niya. Sadyang ini-embody niya lang talaga ang pagiging nonchalant."

"Yeah. . . I get it." Sinipa ko siya dahilan para mapaayos siya ng tayo.

Hindi raw halata?! E kilig na kilig at namumula na!

"Mag-iihaw na po kami." Kinuha ko ang barbeque at sumunod siya sa 'kin bitbit ang isda at uling.

Sinindahan ko agad ang papel habang tinabi niya ang isda sa gilid. Buti na lang at may apoy pa ang mga uling na natira rito. Tamang paypay na lang kami.

"Hindi ka pa magbibihis?" Natatawang tanong ko.

"Why?" Nakapamewang siya at nakataas ang kilay na nilingon ako.

Siya ang pumapaypay ng uling para magbaga habang nanonood lang ako.

"Ang outfit mo," I laughed. "Kanina dala-dala mo ang kawali tapos ngayon ito na gawain mo."

Napailing siya at tumawa rin. "I'm fine with it, but I really thought we'll use my car."

"Nakapag-renta na sila papa ng multi cab bago pa kita inaya e."

Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang butil ng pawis sa noo, leeg, at shoulder niya. She's watching me the entire time.

"It was fun though,"

I chuckled. "Inis ka nga sa buhok mo na halos liparin na ng hangin e."

"I was worried of my bandana, not my hair." Sa likod kasi kami pumwesto habang sila papa nasa loob mismo.

"Are you happy?"

"Hmm," she enthusiastically nodded. "I didn't see the essence of family outings before. Usually, it was tiring, and I stayed in my room the entire event. But now I understand why people love it. It's fun and memorable."

"Pero Ash, photographer ka rin pala?" Umatras na ako, baka kasi makita kami nila papa.

"No, I just bought the camera on my way to your shop. I barely know how to use it but Ethan seem to be knowledgeable."

I turned my whole body to her. "Why?"

"It's your family's first outing, I'd like to help you document it. I know how important this is to you, that's why I've been cautious. I don't really give a damn 'bout their stares, and your

You are reading the story above: TeenFic.Net