TBL 67

Background color
Font
Font size
Line height

“Cash…” tawag pansin ni Jamaila sa kaibigang tulala habang yakap-yakap ang kwintas ni Archie.

“Cash,” isang kalbit ang ginawa niya nang mapansing lumuluha na naman ang kaibigan.

Kahapon pa ito umiiyak, matapos maputol ang tawag ay nagmadali silang pumasok sa Hospital. Ngunit, ang nakatalukbong na katawan na lang ni Archie ang kanilang nadatnan.

Naaawa siya sa kaibigan, hindi niya pa ito nakitang umiyak ng malala,  ngayon pa lang. Kung sana ay maibabalik niya ang oras, hindi niya na pipiliting ipasok ang kaibgan sa RPW. Ang mundong mapaglaro… at metikuloso.

Hinagod niya ang likod ng kaibigan, ha ang tulala sa hawak-hawak nitong kwintas na may disenyong arrow at letter ‘A na pendant.

“Bakit di mo sinasabi?” tahimik na tanong ni Cash kay Jamaila.

“Ayaw niyang malaman mo, I’m sorry.” ani Jamaila.

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Cash sa kaibigan, “Mahal na mahal ko siya, Jam. Bakit niya ko iniwan?”

“I’m sorry.” ang tanging nasambit na lamang ni Jamaila sa nagluluksang kaibigan.

Sabay nilang tinanaw ang puting kabaong sa harapan, wala nang namutawing mga salita pa.

“Ate…” isang nanginginig na kamay ang pumutol sa malayong tanaw nilang magkaibigan.

Unti-unting tinanaw ni Cash ang nag-abot mg kamay, hilam-hilam ng mga luha ang babae katulad niya.

“Pinabibigay ‘to ni Mommy sayo.” pumiyok ang boses nito, “Mahal na mahal ka ni kuya ate.” umapaw ang mga luhang kanina pa pinipigilan nang kaharap na babae.

Naiiyak na inabot ni Cash ang sobre, ang sobreng naglalaman ng isang sulat, mga litrato at ang nalalantang bulaklak ng rosas.

Ang pagmamahal na nabuo sa pekeng mundo, ay tuluyan nang nawasak at nagkapira-piraso.


You are reading the story above: TeenFic.Net