TeenFic.Net Stories that stay with you ♥

ESPEKTASYON NG IBA

Sarili ko Ang aking inaasahan,

Ang mga bagong nakuhang kaalaman,

Tila ba ito ay kinakailangan

Upang grado ay tumaas at makamtan


Sa ating mundong puno ng mapanghusga,

Mababang marka ay nakakahiya.

Mga taong, tingin sayo ay mababa

Ganyan ang aking natangap at nadama


Sarili ko'y may Isang simpleng pangarap,

Ang maka pasa dahil sa pagsumikap.

Hindi dahil sa ako ay naghihirap,

Ngunit, baon ang kaalamang nakalap


Bakit tila ako ay nabibigatan,

Sa mga ekspektasyong kailangang tapatan?

At Hindi nila kayang maunawaan,

Hanggang doon lang ang aking makayanan.


Ako'y magpapatuloy na walang duda

Hindi dahil sa panghuhusga ng iba,

Sapagkat,sarili ang naging alaga

Dahil sa bunga ng tyaga at pag-asa

You are reading stories on: TeenFic.Net