JEO POV
Umiiyak akong, napaupo sa dito sa parking. Ang mga salita ni Ven, ang mga hikbi niya…
parang mga sirang salamin na tumutusok sa akin. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ‘yun. Paano ko siya sinaktan ng ganito?
Narinig ko ang pagdating ni Kuya Elo, sina Kate,Thea at F4. Nakita kong nag-aalala sila para kay Ven.
Naintindihan ko ang galit nila. Gusto ko ring magalit sa sarili ko. Gusto kong magalit sa mga salitang lumabas sa bibig ko.
"Jeo… Naiintindihan kita, naiintindihan ko kung gaano kasakit,alam kong nagsisisi ka," sabi ni Kuya Elo, ang boses niya ay kalmado pero puno ng pag-aalala.
"Pero Jeo ang sakit, ang sakit kung paano ko nakita.....Nakita ko kung gaano siya nasaktan. Ung princesa namin Jeo..ung princesa ko" napahagulgol nalang si Kuya Elo sa harap ko agad naman siyang niyakap ni ate Kate
"Hahanapin namin si Venice" Andre sabay alis kasama ang F4 at sila Darius at Tonix
Tiningnan ko si Kuya Elo, ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. Tama siya. Sinaktan ko siya. Sinaktan ko ang taong pinakamamahal ko.
"Nagsisisi ako kuya," bulong ko, ang boses ko ay halos hindi ko marinig sa gitna ng mga hikbi.
"Hindi ko dapat sinabi ‘yun…Hindi ko dapat siya sinaktan…Gusto ko siyang bumalik… Gusto ko siyang bumalik sa akin…Yayakapin ko siya ung mahigpit tapos matutulog kami sa labas habang nakasiksik siya sakin" sabi ko habang umiiyak parin
Lumapit sa akin ang pamilya ko. Si Mama, si Papa, si Domeng, at si Tito Siko. Lahat sila ay nag-aalala sa akin, pero alam kong nag-aalala rin sila kay Ven.
"Anak… Huminahon ka na," sabi ni Mama, niyakap ako. "Alam naming nagsisisi ka."
Pero kahit anong pagsisisi ko, hindi maibabalik ang mga sinabi ko. Hindi maibabalik ang sakit na nararamdaman ni Ven.
3RD PERSON POV
Isang tahimik na parke, malapit sa dagat. Gabi na. Ang hangin ay malamig, ang alon ay marahang humahampas sa dalampasigan.
Si Ven ay nakaupo sa isang bench, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa malawak na karagatan.
Ang kanyang mga balikat ay nanginginig, ang kanyang mga mata ay puno ng luha.
Maya-maya pa, dumating sina Khobe, Mike, Peter, Andre, Darius, at Tonix.
Lumapit sila kay Ven, ang kanilang mga mukha ay puno ng pag-aalala.
"Salamat sa pagpunta ninyo.Pero Kailangan ko lang… mapag-isa. Kailangan kong umalis."Ven habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
"Aalis ka nay? Ano’ng ibig mong sabihin? Biglaan naman yata ung desisyon mo!"gulat, nanlalaking mata na sabi ni Khobe
"Ven… seryoso ka ba? Hindi ka nagbibiro, ‘di ba? Saan ka pupunta? Kailan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mike
"San… huwag mo naman kaming iwan. Ano’ng problema? Sabihin mo sa amin. Tutulungan ka namin." Peter habang nanlulukot na himawakan ang braso nito
Si Andre ay tahimik na nakatingin kay Ven, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala.
Nanginginig ang kanyang mga labi, parang gusto niyang magsalita pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"Ven… bakit hindi mo man lang sinabi sa amin? Bakit kailangan mong umalis ng ganito na lang? Ano’ng gagawin namin?" Darius habang malungkot na nakatingin sakanya
"Ven… huwag kang aalis… please… kailangan kita… kami… kailangan ka namin…" Tonix umiiyak habang hinahawakan ung kamay ni Ven
Si Ven ay tumingin sa kanila isa-isa, ang kanyang mga mata ay puno ng luha.
Nakikita niya ang sakit at pag-aalala sa mga mukha ng kanyang mga kaibigan
"Naiintindihan ko ang inyong nararamdaman. Pero kailangan ko talaga ‘to. Kailangan kong mapag-isa. Kailangan ko ng oras para sa sarili ko. Pero… pangako… aalagaan ko ang sarili ko. At… sana… alagaan ninyo ang isa’t isa. Lalo na sina Domeng, Jaydon, at Jeo. Please" Ven mahinahon niyang sabi kahit nanginginig pa rin siya
Si Ven ay nagbigay ng isang maliit na kahon kay Tonix.
"Iabot ninyo ito kay Jeo. At… sabihin ninyo sa lahat… mahal na mahal ko sila." Ven
Si Ven ay tumayo na, ang kanyang mga mata ay puno ng luha. Niyakap niya sina Khobe, Mike, Peter, Andre, Darius, at Tonix isa-isa.
Ang mga yakap ay puno ng kalungkutan at pagmamahal.Bago muli siya umalis.
.........................
" Tita Janice, Tito Geo… nandito na kami." Khobe
"Kamusta si Ven? Nasaan siya?" Nag-aalalang boses ni Janice
"Tita… umalis na rin siya." Malungkot na sabi ni Mike
Isang mabigat na katahimikan ang sumunod. Ang mga mata nina Janice at Geo ay puno ng pag-aalala. Si Jaydon ay nagtataka. Si Jeo ay patuloy na nakayuko, ang mga balikat ay nanginginig.
Si Domeng, naman, ay nanatiling tahimik. Mahigpit ang pagkakaipit ng kanyang mga labi, ang mga mata ay naniningkit, itinatago ang kanyang pinipigilan ang pagluha.
"Sinabi niya po… kailangan niya raw mapag-isa. Kailangan niya ng oras." Peter
"Pinapasabi niya po… huwag daw po kayong mag-alala sa kanya. Mahal na mahal daw niya kayo." Andre
"At… pinapasabi rin niya po… aalagaan daw niya ang sarili niya. Pero… pinakiusap niya po sa amin… na alagaan namin ang isa’t isa. Lalo na kayo, Domeng at Jaydon."
"Ma,Pa… kilala ko si Ven kahit wasak siya sa mga nangyayari matapang un na aangat muli babalik siya sa atin" Elo na lumapit kina Janice at Geo, hinawakan ang kanilang mga balikat
"Tita Janice… wag po kayong mag-alala. Malakas si Ven. Kaya niya po ‘to." Sa tabi ni Kuya Elo, inalalayan si Janice
"Jeo… alam kong mahirap ‘to. Pero… alam ko rin na mahal na mahal ka ni Ven." Kate Lumapit kay Jeo, hinawakan ang kamay nito
Si Tonix ay lumapit kay Jeo at inabot ang isang maliit na kahon.
Si Jeo ay bahagyang napaigtad sa paghawak, iniwas ang tingin. Si Domeng ay nanonood,
"Ito… pinabibigay niya sa’yo, Jeo." Tonix
Hindi gumalaw si Jeyo. Matigas ang kanyang katawan, ang mga balikat ay nakayuko. Hindi man lang niya tiningnan ang kahon.
Bigla na lamang tumayo si Domeng, natumba ang kanyang upuan dahil sa lakas ng pagkakatayo. Nagulat ang lahat sa ingay.Hindi siya humingi ng paumanhin, hindi lumingon.
Naglakad siya papunta sa bintana,nakatalikod sa lahat, at tumitig sa gabi, bahagyang nanginginig ang kanyang mga balikat.
Sina Geo at Janice ay sumubok na lumapit sa kanya, pero hindi niya sila pinansin. Nang biglang humara si Domeng kay Jeo
"Kuya Jeo… alam mo ba kung gaano kasakit ‘to? Alam mo ba kung gaano ko kamahal si Ate Ven? Parang kapatid ko na rin siya! Tapos… iiwanan niya lang tayo ng ganito?iiwan niya lang ako?" Domeng, tumingin siya kay Jeo, ang kanyang mga labi ay nanginginig.
Tumingin siya kay Jeo, ang kanyang mga labi ay nanginginig
"At ikaw kuya… ano? Ano ang ginawa mo? Anong mga pinagsasabi mo sa kanya!" Galit na sabi ni Domeng
Si Jeo ay yumuko, ang kanyang mga balikat ay nanginginig. Hindi siya makasagot.
"Kuya…hindi ko sinasadya…nasaktan lang ako sobrang nasaktan… para kay Ate Ven…" Domeng at lumapit kay Jeo, at hinawakan ito sa balikat. Ang kanyang mga mata ay puno na ng luha.
"Kuya,alam ko… alam kong hindi mo kasalanan…pero sobrang nasaktan… at… nagsalita ako ng hindi maganda… pasensya na, Kuya Pot" Domeng
Si Jeo ay niyakap si Domeng, ang kanyang mga mata ay puno ng luha. Pareho silang umiiyak, ang kanilang mga puso ay puno ng kalungkutan at pag-unawa.
"Okay lang, Domeng… naiintindihan ko… nasasaktan din ako… sobrang nasasaktan" Jeo
..................
JEO POV
Andito ako ngaun sa kwarto.sa kama ko, hawak ang isang maliit na sobre. Ang sulat ni Ven. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ko ito.
Ang amoy ng kanyang pabango ay nananatili pa rin sa papel na lalong nagpaiyak sakin. Maingat kong binasa ang mga salita niya. Parang isang kutsilyo na tumutusok sa puso ko
I'm sorry.
Napakasakit ng mga salitang narinig ko mula sa’yo, Jeo—ang pagdududa mo sa pagmamahal ko. Nasaktan ako, pero naiintindihan ko rin kung bakit mo iyon nasabi. Ang mga pangyayari ay nagdulot ng malaking pag-aalinlangan sa puso mo, at hindi ko iyon masisisi.
Hindi ko alam kung tama ba na gawin ko ito pero i have no choice. You deserve to know what i'm thinking or kung bakit ko ito ginagawa. Kung nababasa mo ito ngayon ibig sabihin wala na ako. Iniwan na kita.
Hindi ako karapat-dapat sa’yo.Napakabuti mo sa akin.I know we promised na haharapin natin ang mga problema, na kaya natin to, pero nabigo ako.Hindi ko kayang makita kang nahihirapan kayo nila mama at papa dahil sa akin.Pareho na tayong nasasaktan. Ayaw ko nang makita kang umiiyak dahil sa akin.
Sobrang sakit, Jeo. Iiwan ko ang pinakamamahal kong lalaki para ayusin ang buhay ko na matagal nang gumuguho. Ayaw kong madamay ka at ang pamilya mo sa mga problema ko. Napakabuti ninyo sa akin, at kulang ang aking pasasalamat at pagmamahal para masuklian ang lahat ng ginawa ninyo para sa akin, lalo na sa’yo.
Pero ano pa ang magagawa ko? Ang isang post lang sa social media ay nagdulot ng malaking pagbabago sa pananaw ng mga tao sa akin, at ayaw ko nang mawala ka rin sa akin dahil dito. Sana sa susunod nating buhay, magkakaroon pa tayo ng pagkakataon dahil gusto kong makasama ka hanggang sa huling hininga ko.
Minsan, kahit ayaw natin, may mga taong maiiwan at may mga taong iiwanan.
Ang gusto ko lang ay maging masaya. Pero hindi ito pinahintulutan ng Diyos. Natatakot ako, Jeo. Hindi ko na alam ang gagawin ko para mawala ang sakit na ito. Pagod na pagod na ako. Nasasaktan at nahihirapan ako.
So babe.....please panahon na para maghanap ka ng babaeng mamahalin ka sa paraang nararapat sa’yo, isang babaeng tatanggapin ng mga fans mo. Magalit ka sa akin, kamuhian mo ako,tatanggapin ko.Pakiusap, magmahal ka ng iba. Kalimutan mo ako. Huwag mo na akong hanapin.
But if we meet again and we're still in love with each other, i'll promise to you ako na mismo gagawa ng paraan para bumalik ka sa akin. At kung magkasalubong man tayo ulit, sana ayos na ako para hindi na kita masaktan.
I promise you every sunrise, every sunset papanoorin ko dahil bawat memories natin nakapaloob dun. Kwento nating dalawa na babauinin ko sa bawat tingala ko sa langit.
Pero sa ngayon, kailangan mong maintindihan ako.
Mahal na mahal kita.
I love you
I'm sorry
Goodbye, Babe.
Love, Ven
Bigla, sumasagi sa isip ko ang mga alaala namin ni Ven—ang mga tawanan, ang mga yakap, ang mga sandaling puno ng pagmamahal.
Tapos na.Tahimik akong nakaupo sa kama ko, ang mga mata ko’y puno ng luha. Nanginginig ang mga balikat ko, ang dibdib ko’y puno ng emosyon.
Dinampi ko ang sulat sa puso ko, parang isang mahalagang alaala.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko habang iniisip ko ang mga salita niya, lalo na ang bahagi kung saan inamin niya ang sakit na dulot ng pagdududa ko sa pagmamahal niya.
Tahimik na kalungkutan ang bumabalot sa akin. Iniisip ko ang mga salita ni Ven, ang pag-alis niya.
"Ang sulat na ito…ang hahawakan ko love bilang pag-asang muling magkikita tayong dalawa." Bulong ko at humagulgol muli
3RD PERSON POV
Dahan-dahang bumukas ang pinto, at pumasok sina Janice at Geo.Nakita nila si Jeo na nakaupo sa gilid ng kama.Napansin nila ang sulat sa kanyang mga tuhod.
"Jeo… anak…" Janice
Napalingon si Jeo sa kanila, ang kanyang mga mata ay namumula at namamaga.
"Anak… kamusta ka na?" Geo
Hindi sumagot si Jeo. Tanging ang kanyang mga hikbi lamang ang naririnig
"Anak… nandito kami… huwag kang mag-alala…" Janice
"Mommy, mommy....pabalikin niyo siya...mag sosorry ako...yayakapin ko soya para di na siya makaalis...hindi ko kaya na wala siya mommy" Jeo
Umiyak si Jeo, ang kanyang mga balikat ay nanginginig.Niyakap siya nina Janice at Geo, at hinayaan nilang ilabas niya ang kanyang kalungkutan.
"Anak… nandito lang kami… anuman ang nararamdaman mo… nandito kami para sa’yo…" Geo
Habang yakap-yakap nina Janice at Geo si Jeo, unti-unting huminahon ang kanyang pag-iyak. Hanggang sa nakatulog siya sa pagod.
...............
Kinabukasan na sala silang lahat pinipilit na kumain si Jeo pero para itong walang gana sa buhay.
"Jeo,anak alam namin masakit. Alam namin kung gaano mo kamahal si Ven." Janice habang nasa harap siya ng anak at hawak lang ang kamay nito habang tulala lang si Jeo
"Nandito kaming lahat para sa’yo, Jeo." Geo at nakahawak sa balikat niya
"Isang pamilya tayo Jeo, malalampasan natin to" Siko habang katabi si Darius at Tonix na sumang-ayon sa sinabi nito
Biglang bumukas ang pinto, at pumasok sina Emily at Von,at ang iba pa. Ang kanilang mga mukha ay puno ng pag-aalala.
"Jeo… anak…" Emily
Lumapit si Emily kay Jeo at niyakap ito. Si Von naman ay lumapit kina Janice at Geo, ang kanyang mga mata ay puno ng awa.
"Janice, Geo… alam na namin ang nangyari… napakasakit man pero kakayanin natin to.." Von
Si Jeo ay umiiyak habang yakap ni Emily. Hinaplos ni Emily ang kanyang buhok, at sinabing
"Anak… naiintindihan namin… naiintindihan namin ang sitwasyon ninyo ni Ven… ang hirap ng desisyon niya… pero alam namin na mahal na mahal ka niya…" Emily
"Anak… huwag kang mag-alala… malakas si Ven… kaya niya ‘to… at babalik din siya…" Von Lumapit kay Jeo, hinawakan ang kanyang balikat
Si Domeng at Jaydon ay lumapit din kay Jeo, at niyakap din nila ito. Ang buong pamilya ay nagsama-sama, nagbibigayan ng suporta at pag-unawa sa isa’t isa.
"Emily, Kuya Von…malaking tulong ito kay Jeo…" Janice, niyakap naman siya ni Von
"ang pag-unawa ninyo ay malaking bagay… salamat at naiintindihan niyo ang sitwasyon ng dalawa…" Geo hinawakan naman soya sa balikat ni Von pinaparamdam na nakasuporta lamang sila
"Ung mga panget na un na nagcocomment, Hindi naman nila kilala si Ven katulad ng alam natin" Elo
"Don't worry, kami na nagmag-aasikaso sa mga un. Pasensiya na Pa hindi ako papayag na walang mangyari kahit fan niyo pa siya" Nate sabay tingin kay Geo
"Sang-ayon naman ako sa gusto mo anak, tutulong kami sayo para kay Ven" Geo
"Tama! Ipapakita natin sakanila!" Andre at Peter
"Wala silang panama satin!" Khobe at Mike
You are reading the story above: TeenFic.Net