Khobe POV
"So eto ung mga kwarto ng boys may 4 na double deck bed tapos etong katabi isang room pili nalang kayo kung saan niyo gusto. Si Meng dun na muna siya samin kasi gusto siya kasama ni jaydon"
Tito Geo, astig ng kwarto ang laki may sariling banyo eh.
Tumingin kami kay coach siya kasi nagdedesisyon pagdating sa mga ganito eh. Pero sana di kami paghiwalaying apat.
"Paghiwalayin ko kaya kayong apat " sabay turo samin, NO!!!!!!!!!
"Coach naman" naiiyak na ko dito
"Wag mo na kami paghiwalaying tatlo coach si Khobe lang ihiwalay mo samin" Ha?! Ansama naman ng mga to
"It hurts, my heart break" umakting naman akong nasasaktan tumawa naman sila
"Sige na kayong apat na dito, kami na ni coach sa kabilang kwarto" Nice kaya mahal ko to si Kuya Elo eh
Nagsipuwestuhan na kami kung saan namin gusto kami ni Mike sa taas ng dalawang double check si Andre at Pete naman sa baba.
Naglinis na ako ng katawan tapos na ung tatlo at nakikipag kuwentuhan na sa mga Ong Boys lumapit naman ako sa kama ni Josh.
"Alam mo ba kakambal kita" gulat naman siya na tumingin sakin
"HAHAHAHA Hindi niya tanggap Khobe ang itim mo daw kasi" Peter
"Nako bro parang olats" Mike
"Wala daw siyang kakambal na uling" Andre
"Ayaw mo ba Mang HAHAHA" Jeo
"Mang may katukayo ka na pala hahaha" Darius
"Nice one HAHAHAHA" Addie
Tawang tawa sila ha, eto naman kasi grabe makareact
"Wala akong kakambal na aso" Aba?!
"WHAHAHAH" Mike
"Di pa namin nasasabi Khobe alam niya na agad na Aso ka HAHAHAHA" Andre
"Pre ang galing pano mo nalaman na askal yan siya HAHAHAHA" Peter
"HAHAHAHA Grabe ka Mang" Jeo
"HAHAHAHA" Addie
"Lakas ng trip HAHAHAHA" Darius
"Edi wag ayaw ko rin naman ng kakambal na Mangga" akala niya soya lang ah
"Patay na rumebat HAHAHAHA"
"Lumalaban na siya HAHAHAHA"
"Let's go Khobe for three!"
"Tawang tawa Pot"
"HAHAHAHA"
Tuloy lang kami sa pag-aasaran ng bumukas ung pinto si Tito Geo at Tita Janice pala.
"Mukhang magkakasundo na kayo ah" Tita Janice
"Kaya nga tignan niyo ung mga mukha niyo mapupula" Tito Geo
"Nako Khobe wag ka na umasa na ikaw ang tinutukoy sa itim mong yan" Aba?! Moreno ako no gwapong moreno
Nagtawanan nanaman sila. Saya nila no ako trip nila.
"O siya iwan na namin kayo mukhang close naman na kayong lahat" Tita Janice
"Goodnight Guys" Tito Geo
"Goodnight po"
Mga naghahanda na kami sa pagtulog ng pumasok naman si Kuya Elo habang hawak ang phone niya.
"Kompleto kayo dito?" Eh hindi niya kami bilang charizz mahal ko yan si kuya
"Oo ya, bakit?" Peter
"Eh nagnotif phone ko eh may bumukas daw ng kotse si Andre asan?" Si andre lang kasi may duplicate ng susi ng sasakyan
"Bakit bro?" Kakalabas lang ng Cr
"Ung susi mo nasayo, nagnotif ung sasakyan sakin binuksan daw"
"Wala sakin nandun sa wallet ko, nakay Ven di ko pa nakukuha"
"Ahh sige icheck ko nalng sa kanya goodnight"
"Sama ako ya di pa ko naka goodnight dun" Peter
"Kayo nalang pagod na ko" sabi ko
"Ang sabihin mo tamad ka lang"Peter, Aba?!
Dinilaan ko lang sila sabay talukbong ng kumot.
Kate POV
Pagkatapos kaming asikasuhin ni tita Janice sa magiging kwarto naman naglinis narin kami ni Ven ng katawan galing narin dito sila kuya Elo, Andre , at Peter. Di na ko nagtaka sa dalawa antukin kasi un si Mike makakita lang ng kama bagsak na agad , si Khobe naman tamad na talaga un hahaha
Bumukas naman ang pinto. Sila tita Janice pala to
"Ayos lang ba kayo dito nak?"
"Ayos lang po Mama Jan salamat nga po pala ulit" Ven
"Nako wala un ano ka ba" ang bait talaga nila tita
"Wala na ba kayong kailangan" Tito Geo
"Wala na po tito ok na po kami ni Ven"
"Goodnight ate Ven and ate Kate" aww ang cute naman talaga ni baby jaydon
"Goodnight mga ate" isa pa to si meng nakakagigil sila. Hinalikan pa nila kami sa pisngi
"Goodnight din mga cutiee"
"Goodnight baby Jaydon and kuya Meng" Ven
"Goodnight po Mama Jan at Papa Geo" Ven
"Goodnight Tito and Tita"
"Goodnight sa inyong dalawa magpahinga na kayo tiyak napagod kayo buong maghapon" Tito Geo
Lumabas na sila ng kwarto namin, nag usap lang kami saglit ni Venice tapos nakatulog na. Wala pang 2 oras ay naramadaman ko na gumalaw ung kama.
"Ven san ka pupunta?" Nakajacket kasi siya tapos may dalang sapin kumot at unan
"Jan lang ako sa labas di ako makatulog" namamahay nanaman siguro siya ganiyan siya lagi pag una
"Gusto mo ba samahan kita?"
"Hindi na jan ka lang matulog ka na" di narin ako nagpapilit
Venice POV
Kahit anong gawin ko hindi talaga ako makatulog, naglatag ako ng sapin dito sa may damuhan sa bakuran nila mama janice malapit sa may court nila. May dala din akong unan at kumot panigurado kasi dito nanaman ako makakatulog
May nakuha din akong gitara sa may sala nila Mama hiniram ko muna babalik ko nalang bukas. Nakasandal ako dito sa may poste na walang ilaw ung nasira siguro ung ilaw ng isang to
Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon
At nalulunod sa batikos ng mundo
Sa kung ano lamang ang kaya ko
Pigang-piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad
Parang wala ng bukas
Pwede bang umiwas?
Hinahanap ang sarili ngunit 'di na kakayanin
Sa ligaw na dinadaanan ko
Sa'n na 'to patungo?
JEO POV
Bumangon ako sa higaan ko at bumaba nakita ko naman na gising pa si Mang nag eedit pa
"San ka pupunta?" Grabe tibay din ng isang to di pa din tulog
"Nauuhaw na ko, iinom lang ako sa baba. Matulog ka na anong oras na"
"Patapos na ko dito kaya matutulog nadin ako mamaya maya"
Bumaba na ko sa kusina pagkatapos ko uminom aakyat na ulit sa ako pero may narinig ako sa labas.Sumilip ako sa labas ba't andun yun?
Sa'n na 'ko patungo?
Dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka at sabihing
"Ako naman muna"
Sinabayan ko siya dun sa dulo kaya gulat siyang napatingin sakin hahaha pero grabe ang ganda ng boses niya.
"Hi"
"Hello" grabe ang awkward naman nito
"Ba't nandito ka sa labas" tanong ko
"Di ako makatulog ganito talaga ako lagi pag una" tinapik niya naman ung katabi niya kaya umupo ako dun
"Mahamog dito baka magkasakit ka lagot ako kay Mommy"
"Haha wag ka mag alala sanay na ako sa ganito, nga pala Venice Nathalie Montefalco di tayo nagkakilala ng maayos kanina" sabay abot ng kamay niya
"Jeremiah Emmanuel Ong, pasensiya nahihiya kasi ako sa mga sinabi nila kanina" grabe naman kasi may picture pa sila na nangyari un ha
"Wag mo na isipin un baby palang tayo halos nun haha tsaka hindi lang naman si kuya ang may kopya nun" sabay pakita niya sakin ng wallet niya.
"Hala namumula ka nanaman haha" paanong di ako mamumula eh may copy din pala siya
"Hahaha kasama to sa regalo sakin to ni Kuya Elo dati, gusto mo ba ng kopya dalawa to ayaw kasi ni kuya nate kaya parehong nasa akin" sabay abot niya
"Salamat memories din to hahahaha" nilagay ko naman un sa wallet ko
Nagulat ako ng bigla siya humiga.Huh?! Ano un dito siya matutulog
"Inaantok ka na ba? Pumasok ka na dun sa loob" mahamog dito sa labas kahit hindi ganun kalamig
"Ayaw ko pumasok hindi nanaman ako makakatulog dito nalang ako sabi ko naman sayo sanay na ko" hala eh? paano na yan
"Samahan nalang garud kita dito baka kasi may mangyari" tinitigan niya lang naman ako may mali ba sa mukha ko
Ginitna niya naman ung unan niya at tinapik un
"Higa ka na garud hati nalang tayo sa unan at kumot" payag siya agad?
"Seryoso ka ba?"
"Ano ba eh sabi mo sasamahan mo ko kung nagbago isip mo bumalik ka nalang sa loob" antok na siguro siya haha nakakunot noo na eh
"Hindi , sige wait lang" pumunta ako sa isang sasakyan namin dito sa may parking may stock ako ng damit dito eh tuwing nagri-rigs kami nila daddy.
Kinuha ko ung dalawang hoodie bumalik naman ako sa pwesto niya at binigay sa kanya ung isa
"Salamat" humiga narin ako sa tabi niya
Pareho lang kami nakatingin sa langit buti nalang maganda ang panahon ngaun kitang kita pa ang mga bituin.
"Jeo?"
"Hmm?"
"Pwede mo ba ko kwentuhan ng mga adventures niyo hindi kasi mahilig nila kuya sa social media si khobe nga lang ata ang meron saming lahat eh"
May ganun pala well kahit din naman kami hindi pinapagamit ni mommy at daddy ng ganun madalas para narin daw sa mental health namin.
"Osige, wait lang mag iisip ako. Ahh alam ko na ikuwento ko nalng ung tungkol nung nahanap namin si Meng"
Nagsimula na ko magkuwento may mga side comment naman siya paminsan minsan halatang na-eenganyo siya.
Hanggang sa bigla nalang bumigat ung sa bandang balikat ko lumingon ako tulog na pala siya hahaha.
Kinumot ko na saming dalawa ung dala niya tsaka ulit ako tumingin sa langit grabe hindi ko akalain na madaldal ako ng ganung level pero ang saya ko kasi nakapaglalabas ako ng nga nangyari samin na ako ung mismong nagkukwento sa totoo lang ang sarap niyang kausap.
Di ko na namalayan na nakatulog narin pala ako.
You are reading the story above: TeenFic.Net