P r o l o g u e
Bwisit na traffic 'to, malelate ako nito niyan! May appointment pa naman ako.
Nagsalita ang family driver namin nang makita ang pagkainis ko, "Ma'am, may alam akong ibang ruta. Hindi masyadong dinadaanan ng sasakyan kaya walang traffic, gusto niyong doon na lang tayo dumaan?", tanong niya.
"Basta makaalis tayo rito. Nagmamadali na po ako eh" tugon ko.
Right after I said that, manong driver manuevered the wheels and took a u-turn. True to his words, wala ngang masyadong sasakyan ang dumaraan dito pero it still has buildings. Smooth ang takbo ng sasakyan, and in no time, nakarating kami sa high school na pinapasukan ko.
I bid goodbye to our driver and made my way to the school library kung saan madalas kaming tumatambay ng mga kaibigan ko. May aircon kaya tambayan na rin talaga siya ng mga students na nagka-cram, kagaya ko.
I looked around the library, trying to spot my friends. When I saw them, I made my way towards them and smiled sheepishly. Late ako kaya understandable ang judgemental look na binibigay nila sa akin. I made a peace sign while taking a seat beside Rianne, one of my friends.
Lima kaming magkakaibigan. Ako, Rianne, Denisse, Yvonne, at ang nag-iisang lalaki sa amin, si Marcus. Pagkatapos kong umupo ay ibinaba ko ang bag ko bago inilabas ang cellphone ko.
First day of school kaya pachill chill lang muna kami bago kami bigyan ng mga activities ng mga teachers namin na paniguradong pahihirapan kami ngayong school year.
"Bebe, mahal na mahal kita. Pero seryoso, thirty minutes kang late, Keisha!" Sambit ni Denisse, ang tono ng boses niya ay nang-aasar habang pabiro niya akong inirapan.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nanood na lamang sa aking cellphone. Ang aga-aga inistress ako ng mga babaitang 'to! Naku, kung hindi ko lang sila kaibigan, matalagal ko na silang nasapak.
Ilang segundo lang ang nakalipas nang muli nanamang nag-ingay ang mga kaibigan ko. Minsan napapaisip ako kung tao nga ba sila o mga langaw na hindi tumitigil sa panggugulo sa akin tuwing nananahimik ako. Ang iingay, parang mga machine gun na putak nang putak.
I let out a heavy sigh when Marcus, who is sitting beside me, suddenly nudge my side. I put my phone down and looked up at him, raising a brow. Mapanuya ang pagtingin niya sa akin habang nakangisi, mapang-asar na ginagalaw ang magkabila niyang kilay. Sinundan ko kung saan ang tingin niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa entrance ng library.
There stands Iñigo Dominic Imperial, my three year long crush. Since Grade 9, happy crush ko na siya. Pero hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko. Bawat araw na lumipas, mas lumalalim na lamang yata itong nararamdaman ko sa kaniya. Inirapan ko si Marcus at nagpatuloy na lamang sa panonood sa aking cellphone.
Pero hindi yata ako bibigyan ng payapang araw ng mga kaibigan kong 'to. Dahil nang makita ni Rianne ang reaksyon ko, ngumisi siya at tinawag si Iñigo. Kilala itong si Rianne dahil siya ang "social butterfly" sa circle namin. Sa kaniya ko rin nalaman ang pangalan ni Iñigo.
Nakatalikod ako kay Iñigo kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya sa pagtawag sa kaniya ni Rianne. Narinig ko ang mga yagapak ng paa niya papunta sa amin at tumigil siya sa may bandang gilid ko. I acted natural and just continued whatever I was watching, pero wala akong maintindihan dahil sobrang lapit lang niya.
"Hi! What's up?" Tanong ni Iñigo. He leaned against the vacant chair beside me, arms crossed.
Tiningnan ko ng masama si Rianne ngunit binigyan lang niya ako ng mapag-asar na ngiti bago tumingin ulit kay Iñigo. "Wala naman. Mangangamusta lang sana."
Iñigo chuckled. Damn. His tone is soft, yet with a hint of gruffness. He smiled, shaking his head. Damn that smile. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. "Good, I guess? My summer break is pretty boring."
"Wow, ah. Parang hindi galing sa Tagaytay last week? Nakikita ko IG stories mo, sis." Ani Rianne. Tiningnan niya ako saglit bago tumingin ulit kay Iñigo. Hindi kami mutual sa Instagram, pero nakikita ko iyon dahil kay Rianne. Pinakiusapan ko siyang iscreenshot ang bawat stories niya. Inasar niya muna ako ng mga ilang araw no'n bago niya gawin ang pinakiusap ko sa kaniya.
"We just visited my lola, and that's it." Family oriented pala siya, ah? I find that attractive. It's rare these days, kaya ang lakas ng dating ng mga lalaking may pakialam sa pamilya nila. "Can we sit with you, guys?"
Si Yvonne na kanina pa nananahimik ay bigla na lang humalakhak habang tuwang-tuwang pumapalakpak. "Go lang! Sure, sure! Para namang others, oh!" Pinanlakihan ko siya ng mata, pero para silang walang nakita dahil talagang ininvite pa nila!
Narinig ko ang pagtawag ni Iñigo sa mga kaibigan niya na agad naman nilang sinunod. Tatlo ang mga kasama niya ngayon, pero usually, nakikita kong marami siyang kasama.
And my fears just became a reality. He took the seat beside me, comfortably settling on the chair. The once vacant chair beside me, is now occupied by the man I've been crushing on for three years— Iñigo Dominic Imperial.
You are reading stories on: TeenFic.Net