✞ Ocho ✞

Background color
Font
Font size
Line height

Gabrielle's Point of View

Nang titigan ko ang sunod na ulo ay gipalpal ito ng pako sa kaniyang mukha. Tiningnan ko rin ang dalawang ulo na natitira at hindi ko ito makilala kaya tinawag ko sila Kurt at Lawrence.

“Kurt, Lawrence! Tingnan niyo ‘to, dali!” tawag ko sa kanilang dalawa at tumigil sila sa paghahabulan at dumulog sa akin.

“Ano ‘yon?” sabay na tanong nilang dalawa.

Tinuro ko ang dalawang ulo na katabi ni Dylethena na ang isa ay lasog at ang ikalawa naman ay sunog. Tiningnan ko rin ang kanilang katawan at ganoorin kaya mas lalo ko itong hindi makilala.

“Kilala niyo ba sila?” tanong ko rito kaya tinitigan ng dalawa ang itinuturo ko.

“Mukhang sila Eiran ito at si Annika” saad ni Kurt sa akin.

“Hmmm, kung titingnan mo ang kurba ng kanilang katawan itong lasog ay kay Eiran at iyong sunog naman ay kay Annika,” dagdag ni Lawrence.

Tiningnan kong muli ang dalawa at naawa dahil sa sinapit nila.

“Mas malala pa itong mga nangyari sa kanila kaysa sa iba, siguro ay may galit ang may pakana nito sa kanila ‘no?” hulang teyorya ni Lawrence.

“Siguro pero wala naman tayo roon kung saan sila pinatay kaya hindi tayo sigurado rito” sabi ko naman sa kaniya.

“Saka isa pa hindi naman tayo panigurado kilala noong mga pumatay sa kanila, malay mo utos lang talaga noong boss nila, ‘di ba?” dagdag naman ni Kurt sa sinabi ko.

“Sabagay,” si Lawrence.

Inaya ko na silang dalawa sa taas kung nasaan ang iba pa naming kaklase. Nang makarating kami sa itaas, lahat sila ay nakamukmok ay hindi alam ang gagawin nila.

Lumapit kaming tatlo sa kanila upang samahan sila.

“Saan kayo galing?” tanong ni Glaiza sa amin, namumula ang mata nito dahil sa pag-iyak niya kanina.

“Sa ibaba, tiningnan namin ang mga kaklase nating namatay” sabi ni Lawrence sa kaniya kaya nagsimula na naman siyang umiyak.

“Kasama ba roon ang kaibigan mo?” tanong ni Kurt sa kaniya.

“H-Hindi” hikbi niya.

“Eh bakit ka umiiyak?” tanong ni Lawrence sa kaniya.

“Kasi pinapaalala niyo lang na mamamatay tayong lahat dito, ayaw ko pa e,” malungkot na saad niya.

“Glaiza, lahat naman tayo na nandito at nabubuhay pa ay gusto nating mabuhay hindi ba? Kahit iyong mga kaklase nating nawalan ng buhay ay sigurado ako na sinabi nilang gusto pa nilang mabuhay. Pero anong magagawa natin hindi ba? Wala na tayong choice kung hindi laruin na lamang itong mala-impyernong laro. At siguro isa lang sa atin ang makakaalis dito.” pagpapaliwanag ko sa kaniya kaya mas lalo siyang umiyak.

“Tahan na,” lumapit ako sa kaniya at inalog upang hindi na siya umiyak pa.

“Hindi pa tayo nakakain, tara sa baba tulungan niyo akong magluto at maghanda ng pagkain,” si Kurt.

“Sa nangyayari sa atin ngayon may gana ka pang kumain?” sabad ni Aelora.

“Kung ayaw mong kumain, huwag kang kakain. Hindi ka namin pinipilit,” pagtataray sa kaniya ni Drach kaya itong si Aelora ay napatahimik na lamang.

“Tara, Kurt” aya ng mga kababaihan sa kaniya maliban kila Glaiza at Aelora.

Bumaba sa kusina ang mga babae kasama si Kurt upang magluto na ng makakain namin at itong si Aelora ay padabog na umalis at pumasok sa isang silid.

Narinig ko pang nagtatapon ng mga gamit si Aelora kaya napagdesisyunan ko na tulungan na lang sila Kurt na magluto.

Pumayag naman ang mga lalaki kaya bumaba na kami. Hinawakan ko na lamang ang kamay ni Glaiza upang suportahan ito sa pagbaba. Nahagip pa ng mata ko ang kunot noong tingin sa amin ni Lawrence, hindi ko alam kung bakit kaya hindi ko na lang ito pinansin. 

Nang makababa kami ay linggal ng mga gamit sa kusina ang mga naririnig namin, nang makarating kami sa loob ay lahat sila ay nakatakip na ng ilong gamit ang mask na nakita nila siguro rito sa loob ng kusina.

Nangangamoy na kasi ang mga bangkay ng mga kaklase namin at wala kaming choice kung hindi rito magluto. Siguro ay sasabihin ko na lamang sa kanila na sa taas na lamang kami kumain.

Dumulog kami sa mga nagluluto upang tumulong na.

“May matutulong ba kami Kurt?” tanong ko sa kaniya at ininguso niya iyong mga gulay na hindi pa nabalatan.

Dinulog ko ito kung saan nakalagay ang mga gulay at sinimulan ko na itong balatan.

Malapit na magtanghali at hindi pa rin namin naririnig ang nakakabinging tunog na inilalabas sa mga speaker. Hindi ko na lang iyong pinansin at itinuloy na Lang itong pagtatalip ng mga gulay.

Nang matapos ko na itong balatin ay umakyat na ako sa taas para silipin itong si Aelora. Tahimik na sa loob kaya naglakas ako ng loob para pasukin ito. Pagkapasok ko ay nakikita ko itong tulog kaya dumulog ako sa kaniya upang tingnan ito, napakaganda niyang babae pero bakit hindi siya inambunan sa ugali? Kaya tuloy maraming may hindi gusto sa kaniya.

Umupo ako sa sahig at binantayan siya, saka naman nagulat ako ng biglang naglinggal iyong pinto. Tiningnan ko ito at nakita ko si Lawrence, na ngayon ay blanko ang mukha habang tumitingin sa aming dalawa ni Aelora. Aalis na sana siya ng tawagin ko ito.

“Lawrence,” tawag ko na siyang ikinatigil niya sa pag-alis kaya hinarap niya akong muli, habang tinititigan siya ay napagbulay-bulay ko kung bakit buhat kanina ay masama ang timpla nito, kanina pa noong napansin kong masama ang tingin niya sa amin ni Glaiza.

Hindi siya nagsalita at tumingin lang siya sa akin, hinihintay ang sasabihin ko.

“P’wede ba tayong mag-usap?” tanong ko sa kaniya kaya tumango lamang ito.

Tumayo na ako sa pagkaka-upo ko at lumapit sa kaniya, nilagpasan ko siya at pumasok sa isa pang kwarto at sumunod naman ito.

Nang makapasok kaming dalawa ay nagkatitigan muna kami, masyadong awkward ang naging ihip ng hangin kaya tinanong ko na siya. Bahala na kung anong mangyayari, basta malaman ko lang kung bakit siya naging ganoon.

“May problema ka ba sa akin?” tanong ko ng deretso sa kaniya, siya naman ay nagulat at nanlaki ang mata.

“H-Hmm? Anong ibig mong sabihin?” utal niyang sabi kaya napa-iling ako.

“Kanina nakita kita na masama ang tingin mo ng hawakan ko si Glaiza. May gusto ka ba sa kaniya?” tanong ko nang may ngiti sa labi ko.

“H-Ha? Hindi,” sagot naman niya kaya nawala ang ngiti ko.

“Eh bakit nga masama ang timpla mo? Tapos kanina blanko ang mukha mo, eh dati rati naman ay kapag nakikita mo ako ay may ngiti iyang mga labi mo, bakit ngayon—kanina ay wala?” mahabang sabi ko ayon sa napansin ko kanina.

“Ano kasi” nahihiyang sabi niya saka ito yumuko.

“Ano?” tanong kong muli.

“Ano...uhm...” malapit na akong maubusan ng pasensiya kaya hindi na ako nagtanong at hinintay na lamang siyang sumagot.

Napansin niya atang hindi ako nagsasalita kaya inangat niya ang tingin niya sa akin at nakita niyang parang nauubos na ang pasensiya ko kaya umamin na siya.

“Nagseselos ako” sabi niya na siyang ikinagulat ko. Kanino? Sa akin?

“Kanino?”

“Kila Aelora at Glaiza” sabi niya na ikinatahimik ko.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kaniya at huminga ito ng malalim.

“Hindi na ako magpapakaligoy-ligoy pa tatapatin na kita, Gabrielle.” huminga ulit siya ng malalim kaya nakinig naman ako rito at hindi na nagsalita.

“N-Noong bata pa lamang tayo, Gab. Gusto na kita, K-Kaya nagpaka-lalaki ako sa iyo kasi baka layuan mo ako, pero ngayon wala na akong pakialam kung masira man itong pagkakaibigan natin pero sana ay hindi. Gusto ko lang alisin ‘tong nararamdaman ko sa iyo lalo na nasa bingit na tayo ng kamatayan, kaya kahit papaano kung isa man sa atin ang nabuhay at nakaligtas ay at least nakapagtapat na ako ng damdamin ko sa iyo. Nagseselos ako kila Glaiza at Aelora kasi hindi mo iyon magawa sa akin, kaya napag-isip isip ko na kung naging babae ba ako ay may chance ako sa iyo? Kung magiging babae ba ako tititigan mo ba ako ng ganoon kagaya ng kay Aelora? Kung magiging babae ba ako alalalayan mo ba ako ng ganoon katulad ng kay Glaiza? Ngayon ko lang ‘to sinabi sa iyo dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob lalo na kung mareject mo man ako makakalimutan ng isa sa atin ‘yon— p’wedeng pareho. Uulitin ko Gabrielle, gusto kita,” mahaba niyang sabi habang umiiyak, agad ko naman itong inalog at niyakap.

“Alam ko na may gusto ka sa akin, Lawrence,” pag-amin ko sa kaniya na siyang ikinatigil ng paghikbi niya.

“H-Ha? Kailan pa?” tanong niya sa akin.

“Nung tumungtong tayo ng high school, halata ka na kaya,” sabi ko rito habang tumatawa.

“Bakit ngayon ka lang umamin? Kung kailan mamamatay na tayo. Kung sana pinaaga ko e di sana naging tayo,”

Sandali siyang natigilan at natulala dahil sa sinabi ko.

“A-Ano?” sabi niya nang mahimasmasan na siya sa sinabi ko.

Ngumisi ako. “Gusto rin kita Lawrence, matagal na”.

“T-Totoo ba ‘yan?”

“Mukha ba akong nagbibiro? Syempre totoo ‘yan,”

“Eh bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong niya.

“Hinihintay kita, ang tagal mo ngang umamin e, kaunti na lang mamatay na ako kakahintay sa iyo.” tumawa pa ako at nahawa rin naman siya.

“Eh mamamatay na rin naman tayo ngayon,” malungkot na sabi niya.

“Ang tagal mo kasi, pero alam mo?”

“Ano?” kuryosong tanong niya.

“P’wede pang maging tayo,” sabi ko naman sa kaniya.

“Eh ilang araw lang no’n ‘yan, hindi nmaan tayo sigurado kung ligtas tayong pareho lalo na isa lang ang makakaalis dito,” pagpapaliwanag niya sa akin.

“Eh ano ngayon? Kahit ilang araw lang naging tayo at least magmahalan tayo sa loob ng ilang araw na iyon, hindi ba? Saka kung sakaling ikaw ang maligtas sa ating dalawa, p’wedeng huwag kang umibig muli sa iba? Ako na lang muna hanggang Isang dekada, kahit wala na ako,” pakiki-usap ko sa kaniya.

“Ano ka ba naman? Papaiyakin mo na naman ako e. Pero oo ikaw lang naman ang gusto ko, Gabrielle. May pabor din ako sa iyo, kagaya niyang sinabi mo kung sakaling ikaw ang maliligtas sa atin, ako na lang din muna ah? O kaya kapag mayroon ka nang napupusuan sabihin mo sa akin. Para naman bigyan kita ng sign kung payag ba ako” sabi niya at umiyak muli. Tumawa lang ako dahil sa inaakto niya kaya niyakap ko na lang ito hanggang sa tumahan.

“Eh paano kapag tayong dalawa ang namatay?” tanong ko sa kaniya.

“Eh di magiging tayo sa kabilang buhay, mas maganda ‘yon,” sagot naman niya.

Umungol na lamang ako bilang pag sang-ayon. Ang sarap pala sa pakiramdam na may kayakap kang ganito lalo na kung itong taong ito ay mahal mo.

Sandali pa kaming nagyakapan hanggang sa ako na ang nagdesisyon na humiwalay sa pagkakayakap naming dalawa.

Tiningnan ko siya saka ko pinunasan ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.

“P’wede ba kitang mahalikan?” tanong ko sa kaniya at tumango na lamang siya.

Hinawakan ko ang pisngi niya saka ako pumikit at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at pinagdikit ang labi naming dalawa.

Napakalambot ng kaniyang labi at nang dahil doon ay nawala ako sa wisyo. Na ang tanging halik lang ay napunta sa malalim na halik.

Iginalaw ko ang labi ko habang nilalawayan ang labi niya, nilabas ko na rin ang dila ko para ipasok sa loob ng bibig niya.

Binuksan naman niya ang kaniyang labi upang papapasukin ang dila ko, kaya nang pinapasok ko ito ay nag-espadahan ang dila naming dalawa.

Hinawakan ko ang leeg niya para idiin ang mukha niya sa mukha ko.

Sandali ko pa siyang hinalikan hanggang sa humiwalay ang labi naming dalawa.

Tinitigan ko ito ng sandali at saka ko napagdesisyunan na buhatin ito at ihiga sa kama.

“Hoy! Gabrielle! Anong ginagawa mo?! Saan mo ako dadalhin?!” sigaw niya sa akin habang hinahampas ang dibdib ko.

“Saan pa ba? Syempre sa kama para sa exciting part” sabi ko na siyang ikinapula ng pisngi niya.

“Aba loko ka ah?! Ibaba mo nga ako!”

“Ayaw ko nga,”

“Sabing ibaba—”

Pinutol ko ang sasabihin niya ng halikan ko ang labi nito, agad naman siyang tumugon na siyang ikinatuwa ko hanggang sa mailapag ko ito sa kama.


You are reading the story above: TeenFic.Net