(PART 2)
PRINCESS CEL’S POV
Habang patuloy ang gulo sa harapan namin, palihim akong napatingin kay Althea.
Pero syempre, hindi ko pwedeng ipahalata.
Nag-aalala lang ako, okay? Kasi baka masaktan siya o madamay sa gulong ‘to. Wala namang ibang dahilan. Wala talaga.
Pinilit kong ibalik ang atensyon ko sa suntukan nina Brex at Kulot, pero kahit anong gawin ko, mas aware ako sa presence ni Althea.
Nasa harapan ko lang siya, seryoso ang mukha habang pinagmamasdan ang dalawa. Ang composed niya kahit nagkakagulo na sa paligid namin. Parang… walang takot.
Hindi tulad ko.
Kasi habang nagkakagulo, hindi ako nag-aalala sa away.
Nag-aalala ako kay Althea.
And I hate that.
Hindi ko gusto ‘tong feeling na ‘to—yung parang may invisible string na hinihila ako palapit sa kanya.
Pero mas lalo akong na-frustrate nung biglang lumapit si Althea sa gitna ng suntukan.
Sh*t, anong ginagawa niya?!
Halos mapaatras ako, pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ako pwedeng obvious.
Pero sa loob-loob ko…
Damn it, Althea. Huwag mong gawin ‘yan.
Please.
ALTHEA’S POV
Nagkakasuntukan pa rin sina Brex at Kulot, at walang gustong umawat nang maayos. Ang ingay na sa buong classroom, at any moment, baka may masaktan pang iba.
Kaya wala na akong inisip.
Diretso akong lumapit sa kanila, handang umawat.
Pero bago ko pa magawa ‘yon, nararamdaman kong may nakatingin sa akin.
Palihim akong lumingon.
At doon ko nakita si Princess.
Hindi siya nagsasalita, hindi siya gumagalaw, pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
Pero ang mas nakaka-curious?
Mukhang ayaw niyang ipahalata.
Ngumiti ako ng bahagya.
Interesting.
-May gulo nanga lumalandi kapa Princess!!
Pero imperness bakla kinilig ka saglit..
You are reading the story above: TeenFic.Net