CHAPTER 28: BACK TO NORMAL

Background color
Font
Font size
Line height

"PRINCESS POV"

Ilang minuto na lang, tapus na rin ang PE. Thank God! Baka atakihin na ako sa kaba kakaisip kay Althea.

Nang matapos ang class, diretso na kami pabalik sa room.

At siyempre, back to normal na ulit ako.

"Punyeta, Shaina, pawis na pawis ako, tangina namang PE ‘to," reklamo ko habang naglalakad.

"‘Di nga? Feeling fresh ka pa rin eh," asar niyang sagot, sabay tawa.

"Ulol, fresh ka dyan. Mas mukha kang hindi naligo."

"Tanga! Maligo ka muna bago mo ako i-judge!"

Nagkatinginan kami, tapos sabay kaming nagtawanan. Lagi naman kaming ganito ni Shai—parang dalawang demonyong nag-aasaran pero deep inside, mababait naman kami. (Promise.)

Pagpasok namin sa room, sinalubong kami ng malamig na hangin mula sa electric fan.

"YES, AIRCON!" sigaw ni Abigail, na mas lalong nagpatawa samin.

At habang busy kami sa pag-aasaran ni Shaina, hindi ko napansin na dumaan si Althea malapit samin.

Nung bigla akong napalingon, sakto namang nagtama ulit yung mata namin.

At tangina, parang may kakaiba sa tingin niya.

Parang may iniisip siya.

Pero bago pa ako makapag-react, bumalik na siya sa pwesto niya.

Putangina, ano yun?!

Pero sige, back to normal lang. Wala lang ‘to.

Diba?

A/N: PRINCESS, WAG KANG PAASA SA SARILI MO TEH.


You are reading the story above: TeenFic.Net