CHAPTER 21: WISHFUL THINKING

Background color
Font
Font size
Line height

Pagkauwi ko, diretso agad ako sa kwarto.

Pagod. Lutang. Sabog.

Hinubad ko ang bag ko at humiga sa kama, nakatitig lang sa kisame. Ang bigat ng araw na ‘to.

Pero kahit anong pilit kong ipikit ang mata ko, isang pangalan lang ang pumapasok sa isip ko.

Althea.

Putangina.

Bakit ba hindi siya mawala sa utak ko?

Napabuntong-hininga ako at ipinikit ulit ang mata ko.

Gusto ko na lang siyang kalimutan—kahit sandali lang.

Pero habang unti-unting lumulubog ang utak ko sa antok…

May isang linya lang ang sumagi sa isip ko.

"I wanna be yours… kahit hanggang sa panaginip lang."


You are reading the story above: TeenFic.Net