CHAPTER 19: HIDDEN FEELINGS

Background color
Font
Font size
Line height

"Gagi, Princess, kita ko ‘yun ha."

Napalingon ako kay Yssandra na biglang sumulpot sa tabi ko habang naglalakad kami palabas ng school.

"Ano naman?" inosenteng sagot ko.

"Huwag mo akong paandaran, halata naman." Tumawa siya nang mahina, sabay tingin kay Abigail at Shaina na nakangisi rin. "Kanina ka pa parang tanga, palinga-linga kay Althea."

"Tangina niyo," bulong ko, sabay tingin sa paligid kung may ibang nakakarinig.

Kami lang apat ang may alam.

At sana, manatili ‘to sa amin.

"Admit it na kasi, bes. Kahit hindi mo sabihin, obvious," dagdag ni Abigail, sabay kindat.

Napailing ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Wala akong aaminin dahil wala namang dapat aminin."

Pero kahit ako, hindi ko mapaniwalaan ang sarili kong sinabi.

Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Althea sa unahan, naglalakad lang, parang walang pake sa mundo.

At putangina, mas lalong sumikip ang dibdib ko.


You are reading the story above: TeenFic.Net