Tangina, Shaina.
Alam kong may iniisip ‘to. Kilala ko ‘tong si Shai, at kapag may natuklasan siyang chismis, hindi niya ‘to titigilan.
At ngayon, ako ang chismis.
“Uy, Princess,” bulong niya habang nakangisi. "Gusto mo bang malaman kung gusto ka rin ni Althea?"
Napatingin ako sa kanya nang masama. "Anong kalokohan na naman ‘to?"** bulong ko pabalik.
“Basta, trust me,” aniya, sabay biglang lumingon kay Nathan—SHEEEET, MAY GAGAWIN ‘TO.
At bago ko pa siya mapigilan…
"NATHAN!" sigaw niya bigla.
Napatigil si Nathan at Althea sa usapan nila at napatingin sa amin. Lalo na si Althea.
PUTANGINA, SHAINA ANO ‘TO?!
Nakangiti si Shai nang malandi bago tumingin kay Nathan.
"Uy, bagay kayo ni Althea ah," pabirong sabi niya. "Kayo na ba?"
PUTANGINA, HINDI KO ALAM KUNG BA’T KO GUSTONG SABUNUTAN SI SHAINA SA ORAS NA ‘TO.
Napatigil si Nathan at natatawang umiling.
"Ha? Anong sinasabi mo d’yan, Shai?" sagot niya. "Friends lang kami ni Althea."
Si Althea? Tahimik lang.
Pero nung napatingin siya sa akin, may kakaiba sa tingin niya.
Parang… parang may gusto siyang sabihin.
At hindi ko alam kung ako lang, pero mas lumamig ang atmosphere bigla.
Si Shaina? Halatang may hinihintay na reaksyon.
At ako? Tangina, ba’t parang ako ang kinakabahan?!
ALTHEA’S POV
Bagay daw kami ni Nathan?
Napatingin ako kay Princess.
At kita ko ang biglaang pagbabago sa expression niya.
Interesting.
Umiling si Nathan at natawa. “Ano ka ba, Shai, friends lang kami.”
Wala naman akong pake kung anong sabihin ni Shaina. Pero habang pinapanood ko si Princess na hindi mapakali…
Mas lalo akong na-curious.
Kaya imbes na mag-react sa tanong ni Shaina, dumiretso ako ng tanong kay Princess.
"Ikaw, Princess."
Napatingin siya sa akin, halatang nagulat.
"Anong tingin mo?"
And that’s when I saw it.
That slight panic in her eyes.
Oh.
This is getting fun.
-🤷🏻🤷🏻
You are reading the story above: TeenFic.Net