Vol. 1 Chapter 6.1: Kamustahin ang Lahat, Ang Pagdalaw Ni Sakuragi sa lahat

Background color
Font
Font size
Line height

Pagod sa trabaho at marami pang galingan gawin sa opesina, limang companies ang pagmamay ari ni Sakuragi na inaasikaso nya katuwang ang pinagkakatiwalaan nyang mga tauhan, hindi pa kasama dito ang basketball association kung saan sya rin nag aasikaso at sya rin ang Chairman

Ngayon araw, balak nyang magpahinga ng dalawang araw, sa isang araw ay itinuon nya ang buong araw na iyon sa mga anak nila ni Haruko at syempre kay Haruko din

Si Sakuragi at Haruko ay 16 years nang kasal, sa magkakaibigan sila ang pinakaunang kinasal na may limang anak

Sa sumunod na araw ay maagang umalis si Sakuragi, ngayong araw ay dadalawin nya ang mga kaibigan na matagal na nyang hindi nabibisita, uunahin nya syempre ang isa sa pinakaimportante sa buhay nya ang kinikilala nyang ina si Yukia

Sakay ng kotse nya gusto nyang mag isa syang dumalaw sa mga kaibigan nya kaya pina-dayoff nya ang driver nya, pagdating ni Sakuragi sa Lomi house

"Mama"

"Huh? Sakuragi"

"Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw hehe"

"Kumain kana ba? Nagluto ako ng almusal" sagot ni Yukia na masayang dinalaw sya ni Sakuragi

Habang kumain si Sakuragi

"Bakit kasi hindi na lang kasi kayo tumira sa bahay? Lalo pa nasa America si Aisha, si Sonomi nman sa Tokyo"

"Masaya ako na nasa mabuting kalagayan kayong tatlo, dinadalaw nman ako paminsan minsan ni Sonomi dito"

"Hindi nman yun ang problema eh mag isa lang kayo dito sa Lomi house nakatira nag aalala ako sa inyo, simula bukas don na kayo tumira sa bahay"

"Sakuragi, ayokong sumiksik pa isa sa inyo ni Sonomi, malapit narin umuwi si Aisha kaya wag ka ng mag aalala saakin" sagot ni Yukia

Kahit na anong pilit na pagkukumbinsi ni Sakuragi ay ayaw talaga ni Yukia na umalis sa Lomi house

Pero dahil mukhang masaya nman si Yukia hindi na nagpumilit si Yukia, tuwing sabado nagsasara si Yukia at dinadalaw ang mga apo nya kay Sakuragi at kay Sonomi

Isang Oras lang nanatili si Sakuragi dito, tinulungan nya sa pagbubukas ng lomi house si Sakuragi kasama ang mga mababait na mang gagawa ni Yukia

Pagkaalis nya, pumunta nman sya sa Tokyo kila Kenzo,

"Sakuragi" na lumabas si Fuji na isa sa kaibigan ni Haruko

"Nandyan ba si Kenzo?" Tanong ni Sakuragi

"Nasa gym sya" sagot ni Fuji

Si Kenzo at Fuji ay 15 years nang kasal at mayron apat na anak

Ilang hakbang lang ang lakad ay mararating na ang gym ng Takashita, si Kenzo ang kasalukuyang Coach ng Team Takashita kasama si Shino na isa nmang 2nd Coach

"Sige salamat pupuntahan ko lang sila" sagot ni Sakuragi

Ngunit bago makapunta sa gym madadaanan muna ang bahay ng Takahashi Family kung saan dito nakatira si

"Oniichaaaaann!" Na nagsasampay ng mga nilabhan na si Sonomi

"Ahhh wag kang tumakbo" nataranta na si Sakuragi dahil si Sonomi ay limang buwan buntis

"Onichan! Onichan!" Na parang batang umiiyak na si Sonomi

"Ay para ka parin talagang bata"

"Ehhhh ilang buwan lang hindi dumalaw, miss na miss na kita" sagot ni Sonomi

"Nandyan ba si Shino?" Tanong ni Sakuragi

"Nasa gym" sagot ni Sonomi pumasok sila sa bahay

Pagpasok nila

"Mama nandito si Onichan"

"Sakuragi"

Nakatira si Sonomi sa bahay ni Hinari na Ina ni Shino at Inami, kasama ang tatlong anak nya, si Sonomi at Shino ay 7 taon nang kasal

"Kamusta Tita Hinari" sagot ni Sakuragi

Nag stay muna si Sakuragi sa bahay nila Hinari, nagkamustahan at syempre nakipag bonding sa dalawang anak ni Sonomi na

"Shanga pala Sonomi, pumunta ako ngayon sa Lomi House" Sabi ni Sakuragi

"Kamusta si mama? Isang linggo na ako hindi nakakadalaw sa kanya, masyado kasing mabigat si Shone"

"Maayos nman sya, Teka Shone? May pangalan na agad"

"Lalaki sya Onichan shaka si Shino nagka isip ng pangalan" sagot ni Sonomi at binigyan si Sakuragi ng maiinom

"Nakakalungkot, pinipilit ko sya na tumira sa bahay pero ayaw nya, Lalo pa na wala si Aisha nag aalala ako kasi wala syang kasama"

"Pagkapanganak ko, don na kami ulit titira sa Kanagawa, kaso nga lang dito nag tatrabaho si Shino"

"Hhhmmm kung ganun problema ninyo ang masasakyan? Okey, bibigyan ko kayo ng kotse"

"Ahhhh Onichan sigurado kaba jan" nabigla na si Sonomi

"Oo nman, kung sasakay si Shino ng kotse hindi na sya malalate sa trabaho at makakauwi pa sya araw araw" sagot ni Sakuragi

"Nakakahiya nman"

"Ano kaba? Magkapatid tayo normal lang na mag tulungan ang magkapatid, shaka gusto ko lang nman na may kasama si mama nag aalala ako sa kanya"

"Nag aalala din ako sa kanya, Hindi ko ta-tanggihan ang regalo mo Onichan, dabest ka talaga Onicahhhn kohh!" sagot ni Sonomi sabay yakap kay Sakuragi

"Ahhhkk Sonomi"

Saktong biglang bumukas ang pinto

"Huh?"

"Shino mahal"

"Kuya Sakuragi"

"Kamusta" sagot ni Sakuragi

9:30am pumunta si Sakuragi sa gym ng Takashita kasama si Shino, laking pasasalanat ni Shino na bibigyan sila ni Sakuragi nang sasakyan noong una tinanggihan ni Shino dahil sa nahihiya sya, ngunit sa huli pumayag narin sya sa regalo ni Sakuragi nang malamig ang dahilan, gusto ni Sonomi na makasama ang kanyang ina

Pagdating nila nakita nya si Kenzo, nagkamustahan ang dalawa

"Tama ka Hanamichi, pinaghahandaan namin ang paglaban namin sa Asian World Cup, noong nakaraang taon hindi nakapasok ang Japan sa top 5 kaya matindi ang pagsasanay na ginagawa nila" Sabi ni Kenzo na nakaupo sa bench kasama si Sakuragi na nanonood

"Ganun ba? Nga pala umuwi na si Rukawa at sa Kanagawa sila ngayon nakatira ni Ina-chan"

"Ahhh? Hindi man lang dumalaw si Inami samin, pambihira kaylan pa?" Tanong ni Kenzo

"Tatlong linggo na, sya ang Coach ng Shohoku ngayon nag 1on1 kami at natalo ako, hay pambihira iba na talaga kapag Laos na"

"Ilang taon kana kasing tumigil" sagot ni Kenzo

Tumayo si Sakuragi

"Okey, Kenzo makikipaglaro muna ako sa kanya hihi"

"Huh? Teka sandali"

Nakipaglaro si Sakuragi sa National Team ng Japan gaya ng inaasahan makalipas lang ng 20 minutes pagod na agad si Sakuragi, nagdedesisyon na syang nagpahinga

"Hay nakakapagod pero ang sarap, Kenzo kahit na riterado na ako, gusto ko parin maglaro kapag may Oras pupunta ako dito para maglaro kasama sila"

"Okey lang nman, Good experience din sa kanila na makaharap ang dating binansagang Basketball King diba" sagot ni Kenzo

"Hay 16 taon na nakalipas nang bansagan ako ng ganyan, Sampung taon na akong tumigil sa paglalaro kaya hindi na nababagay sakin ang titulo na yan"

"Hahaha imposibleng may makakuha ng titulo mo" sagot ni Kenzo

Dalawang Oras lang nanatili si Sakuragi dito, dito na sya nagtanghalian sa bahay nila Hinari inasikaso sya ng kapatid nyang si Sonomi

At nang 1pm na nagdedesisyon na syang umalis

"Saan ka na pupunta?" Tanong ni Sonomi

"Pupunta ako ng Shibukai dadalawin ko sila" sagot ni Sakuragi

"Mag iingat ka Kuya, Next week baka makadalaw din ako sa inyo, pakikamusta na lang ako kay Ate Haruko"

"Okey mag iingat din kayo" sagot ni Sakuragi

Sakay ng kotse, tinawagan muna ni Sakuragi si Haruko bago bumyahe

"Baka bukas na ako makauwi" Sabi ni Sakuragi na kausap si Haruko sa cellphone

"San ka matutulog?" Tanong ni Haruko na nasa cellphone

"Sa Shibukai, baka dun sa bahay ni Uncle Sakutobi" sagot ni Sakuragi

"Hoy Sakuragi baka sa pagtulog katabi mo si Sakumi" boses ni Haruko na galit

"Ahhh? Ano kaba? Hay pambihira hanggang ngayon parin ba? Isang taon narin nang huling bisita natin sa kanila"

"Oo nga at kahit na may mga anak na tayo, patay na patay parin sayo si Sakumi"

"Wag ka nang mag alala, ganyan nman talaga ugali nya diba, okey dun na lang ako matutulog sa palasyo kila Mitou" sagot ni Sakuragi

"Hindi, Hindi nman sa wala akong tiwala sayo, Wala lang akong tiwala kay Sakumi yun lang, okey lang sakin kung saan ka matutulog may tiwala ako sayo"

"Okey, bukas ng umaga uuwi na ako, magiingat kayo dyan"

"Ikaw din" sagot ni Haruko

At binaba na ni Sakuragi ang cellphone nya

"Hay napaka selosa talaga nya" Sabi ni Sakuragi sa kanyang isipan

Pinatakbo na nya ang kotse nya papunta na sya ngayon sa Shibukai

2pm ng hapon, nasa barko na si Sakuragi papunta ng Shibukai mababakas sa mukha nya na excited na syang makita ang mga kaibigan at relatives nya, Si Mitou, Noma, Ohkuso

4pm ng hapon nang makarating sya pinapasok agad sya ng mga nagbabantay sa border

Dumeretso agad sya sa palasyo

"Isang taon din ang nakalipas nang dumalaw ka dito Sakuragi" Sabi ng Hari

"Ahh oo nga matagal tagal narin, pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw, pumunta ako dito para kamustahin ang mga nandito" sagot ni Sakuragi

"Ganun ba? Nandito si Zenith"

"Sige, mamaya na lang mahal na hari" sagot ni Sakuragi

Tumuloy si Sakuragi inasikaso sya ng mga kasambahay sa palasyo lumabas si Zenith ang panganay sa tatlong magkakapatid na princesa

"Sakuragi-sama"

"Kamusta na? Nasan si Mitou?" Tanong ni Sakuragi

"Nasa farm"

"Sige mamaya na lang pupuntahan ko muna sya" sagot ni Sakuragi

"Okey" sagot ni Princesa Zenith

Si Prinsesa Zenith at si Mitou ay 13 years nang kasal, mayron silang dalawang anak, isang lalaki na pula ang buhok at  babae na itim ang buhok nagmana kay Mitou, at ang panganay nila ang susunod na Hari ng Shibukai

Sa isang taniman ng ibat ibang prutas, mangahang mangha si Sakuragi sa nakikita nya, pumitas sya ng isang mansan na kulay pula nang biglang

"Hoy magnanakaw"

"Huh? Youhei".

"Huh? Ha-hanamichi ikaw ba yan?"

Dahil isang taon silang hindi Nakita halos hindi nakilala ni Mitou si Sakuragi mayron kasing bigute si Sakuragi

"Haha ganun ba? Nakakamiss din talaga sa Kanagawa" natatawa na si Mitou nang ikwento ni Sakuragi ang Kanagawa

"Pero Mitou wala ka bang balak na pumunta ng Kanagawa o bumisita man lang?" Tanong ni Sakuragi

"Alam mo nman na dito na ang buhay ko, dito na nakatira ang pamilya ko, Wala na akong babalikan sa Kanagawa, masaya ako dito na nabubuhay ng simple lang hetong pag aalaga ng farm kinalilibangan ko, ibang klase talaga ang mga prutas dito, 2x na mas matamis kaysa sa mga pangkaraniwang prutas" sagot ni Mitou

"Hhmmm kung sabagay, mukhang masaya ka nman, bukas pupuntahan ko sina Noma at Ohkuso"

"Sige sasamahan kita, San ka tutuloy ngayon?" Tanong ni Mitou

"Dun kila Uncle Sakutobi dito kasi ako unang pumunta, Mitou kapag may magbakasyon nman kayo ni Zenith sa Kanagawa" Sabi ni Sakuragi

"Alam mo, palaging yan ang pinag uusapan namin, pero alam mo nman na hindi pwedeng lumabas si Nanitha lalo na si Kurnith na susunod na hari, pero alam mo Hanamichi si Kurnith nagpapakita ng pagka-interest sa basketball, ano nman ituturo ko sa kanya hindi nman ako basketball player, hay nagmumukha lang tuloy akong walang silbing tatay" sagot ni Mitou

"Wag kang magsalita ng ganyan, kapag gusto nyang maging basketball player balang araw, ipaalam nyo sakin, ako mismo ang mag rerecommenda sa kanya, sino nagtuturo sa kanya ngayon?" Tanong ni Sakuragi

"Si Sakuzo" sagot ni Mitou

"Ganun ba"

Isang oras nanatili si Sakuragi, nag enjoy sya makipag kwentuhan kay Mitou, libutin ang farm at tikman ang matatamis at ibat ibang klaseng prutas

Pagkatapos ay nagdedesisyon na syang pumunta sa bahay ni Sakutobi

"Pupunta na lang ako bukas"

"Ahh Mitou nangako pala ako kay Haruko na uuwi ng maaga" Sabi ni Sakuragi

"Huh? Kaya"

"Baka hindi kona mapuntahan sina Noma at Ohkuso"

"Paano yan?"

"Hhhmmm siguro tatawagan ko na lang sya ulit bukas" sagot ni Sakuragi

"Ganun ba"

"Oh sige Mitou kailangan ko nang umalis, malayo pa lalakbayan ko, baka masyado akong gabihan pagpunta kila Uncle Sakutobi"

"Sige, kita na lang tayo bukas" sagot ni Mitou

Pagkaalis ni Sakuragi nagmadali syang kumuha ng masasakyan, isang karwahe na may dalawang kabayo

"Hay hindi parin talaga nagbabago dito, makaluma parin" Sabi ni Sakuragi sa kanyang isipan

Dahil hindi tinatanggap ang pera dito, bago pumunta si Sakuragi dito sa Shibukai, pinapalitan nya muna ang pera nya ng isang gintong barya, isang gintong barya ay nagkakahalaga ng 10,000 yen, gintong barya ang pera ng mga tao dito sa Shibukai

7:30pm ng hapon, nang makarating si Sakuragi gabing gabi na at walang kaalam alam ang mga tao rito na paparating sya

"Hay 50,000 yen sa pagsakay sa karwahe? Grabeng mahal" Sabi ni Sakuragi sa kanyang sarili

Ngayon nasa tapat na sya ng bahay ni Sakutobi

Papalapit sya sa pinto nang biglang bumukas ito, isang babaeng pulang buhok ang

"Ahhhhhhh" sigaw ng babae

"Ahhhh Sakumi, ako ito si Sakuragi" tarantang si Sakuragi

"Huh? Sensei?"

Pinatuloy ni Sakumi si Sakuragi, lumabas nman si Sakutobi, ang mga apo ni Sakutobi, na anak ni Sakutou

"Abah long time no see" Sabi ni Sakutou kasama ni Sakutou ang asawa nyang si Matsui isa sa kaibigan ni Haruko

Si Sakutou at Matsui ay 15 taon ng kasal

"Mabuti nman nandito kayo" Sabi ni Sakuragi

"Ahhh bumisita lang kami dito, nagkataon naman na dumating ka" sagot ni Sakutou

"Kamusta na si Haruko?" Tanong nman ni Matsui

"Ahh ayos lang nman hehe gusto nga nyang dumalaw dito kaso yung mga bata, siguro balang araw kapag may Oras mag babakasyon kami rito" sagot ni Sakuragi

Dumating si Sakumi na may dalang pagkain para kay Sakuragi

Si Sakumi ay walang asawa, dahil sa wala syang asawa nagdedesisyon syang dito na tumira sa bahay ni Sakutobi kasama ang mga pinsan nya at mga apo ni Sakutobi, Hindi nag asawa si Sakumi dahil hanggang ngayon mahal parin nya si Sakuragi ngunit hindi na kagaya ng dati noong mga high school palang sila

"Sensei, pasensya na kung hindi kami nakapagluto kasi biglaan ang pagdating mo" Sabi ni Sakumi

"Ahhh ayos lang kumain na ako" sagot ni Sakuragi

Umalis sina Sakutou at Matsui kasama ang mga anak nila, para makausap ng masinsinan ni Sakuragi si Sakutobi, bumalik nman sa kusina si Sakumi

Ngayon ay kaharap ni Sakuragi si Sakutobi at nagsimula na silang mag usap, umalis nman

10pm ng gabi

Nakahiga na si Sakuragi para matulog, dahil balak nyang maaga syang pupunta kila Noma at Ohkuso nang biglang may kumatok sa pinto

"Sensei" boses ni Sakumi

"Huh?" At bumangon si Sakuragi at binuksan ang pinto

"Sakumi, Anong kailangan mo?"

"Ahhh baka kasi hindi ka comfortable sa higaan mo nagdala ako ng kumot" sagot ni Sakumi

"Ahh ayos lang"

"Pasensya na hindi namin napaghandaan ang pagdating mo hindi tuloy nalinis ng maayos ang kwarto na to"

"Ayos lang sakin hehe" sagot ni Sakuragi

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong ni Sakumi

"Ahhh ehhh hhmm"

"Sensei ano bang iniisip mo?"

"Ahhh Wala sige" sagot ni Sakuragi

At pumasok si Sakumi

"Kamusta na kayong dalawa ni Haruko?" Tanong ni Sakumi habang inaayos nya ang higaan ni Sakuragi

"Ahhh ayos lang nman" sagot ni Sakuragi na nakatayo lang sa pinto

Pagkaayos ng higaan ay umupo si Sakumi at sinabing

"Sensei pwede bang kahit ngayong Gabi lang?"

"Huhh? Ahh a-annooh" na kinabahan na si Sakuragi

"Ngayon gabi, ikwento mo nman sakin ang tungkol sa labas matagal na kasi akong hindi lumabas ehh"

Nawala ang kaba ni Sakuragi at napagtanto na malaki na ang pinagbago ni Sakumi

"Ahh tungkol sa kanya, sige"

At nagsimula nang ikwento ni Sakuragi ang tungkol sa Kanagawa sa mga kaibigan na binisita nya kanina, kay Sonomi, Aisha, Yukia na nakasama ni Sakumi noon, pati narin tungkol sa paglago ng shohoku at marami pang iba

"Ganun ba? Nakakamiss din talaga sa Kanagawa"

"Bakit hindi ka dumalaw saamin? Siguradong matutuwa si Haruko"

Tumayo si Sakumi at sinabing

"Ahh Hindi na, kung pupunta ako sa Kanagawa baka maalala ko lang ang lahat, Sensei masaya ako dahil napunta ka sa tamang tao, pero lagi mong tatandaan na hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo hanggang sa pagtanda ko patuloy kitang mamahalin sa panaginip ko, isa akong babae na tapat sa minamahal kaya kahit na hindi tayo nagkatuluyan patuloy kitang mamahalin ng tapat at totoo, masaya ako para sa inyo ni Haruko at pinagmamalaki ko na naging bahagi ako ng pamilya mo, si Tita Yukia, si Sonomi at Aisha at mga taong naging kaibigan ko sa Kanagawa"

"Sakumi"

"Sige, kailangan ko nang umalis, maaga kapa bukas diba? Baka kung ano pa mangyari dito siguradong magagalit ng husto si Haruko, goodnight" at lumabas na si Sakumi sa kwarto

Habang si Sakuragi

"Ahhhkk nagkamali ako, hindi parin sya nagbabago, Si Sakumi hanggang ngayon hay pero masaya ako kasi mukhang masaya sya kaysa noon" sabi ni Sakuragi sa kanyang sarili

Kinabukasan, 5:30am maagang umalis si Sakuragi para bisitahin sina Noma at Ohkuso

Si Mitou ay naging asawa nya si Princesa Zenith

Si Noma nman ay si Princesa Anith

At si Ohkuso ay naging asawa nya si Princesa Nithalia bunso sa tatlong magkakapatid, nagkadevelopan sila noong isinama ni Sakuragi ang tatlong princesa noon papunta sa Kanagawa, prinotektahan nila ang tatlong princesa at hindi nagtagal ay nainlove si Princesa Zenith Kay Mitou na palagi nitong kasama

Si Princesa Anith nman ay nainlove kay Noma matapos ipagtanggol noon at magpabugbug si Noma sa mga taong nagtangkang kidnapin si Princesa Anith, si Princesa Anith ay nagka-gusto noon kay Sakuragi ngunit nabalin ang atensyon nya kay Noma dahil sa pangyayaring iyon at wala nman talagang lugar si Princesa Anith sa puso ni Sakuragi dahil magkasintahan na si Sakuragi at Haruko noong mga panahon na iyon

At si Ohkuso nman si Si Princesa Nithalia dahil sa palagi din silang magkasama

SAMANTALA sa Kanagawa

After makahingi ng permiso si Sakuhako sa anak ng pinakamayaman sa bansa na si Migami Kamigami na subrang obsessed sa kanya at isa rin pala sa servant nya

Nagdedesisyon si Sakuhako na

6am ng umaga maagang bumangon si Sakuhako

"Jo-jogging lang ako" Sabi ni Sakuhako na palabas na

"Sama ako" sabi ni Yumi

"Huh? Kailan pa naging close ang dalawang yun?" Tanong ni Ruwena habang si Emilia tahimik lang

Habang tumatakbo si Sakuhako

"Hakochi hintay" na hinihingal na si Yumi

Tumigil si Sakuhako

"Bakit kaba sumama? Shaka wag mo nga akong tatawaging hakochi para akong tuta" Tanong ni Sakuhako

"Ano? Bakit ako sumama? Tinatanong mo pa ba yan? Isang taon kang nawala syempre bestfriend mo ako, shaka gusto kitang makausap" sagot ni Yumi, naglakad na lang sila

"Hehe ano nman masama kung tawagin kitang hakochi? Kung noon nga tawag ko sayo, Yamachi diba"

"Hay" bugtong hininga ni Sakuhako

"Gusto ko lang malaman hakochi noong umalis ka ano na nangyari sayo? Bakit ka naging basketball player? Ang kwento ka nman, namiss kita eh" mga tanong ni Yumi

"Hhhmmm ang totoo nyan, noong nag aaral tayo, patago akong nagsasanay ng basketball sa kay Auntie Sahara, pinsan sya ng mama ko, at sya ang may ari ng isa sa building ng basketball association, meron syang training club, hindi alam ni mama at papa ang tungkol dun, sa dalawang taon na training ko, nagdedesisyon na akong umuwi dito sa Kanagawa yun nga yung huling nakita ko kayo, tapos non sasali sana ako sa isang basketball junior club pero mayron naging problema" sagot ni Sakuhako

"Problema na ano?" Tanong ni Yumi

"Si Migami Kamigami nalaman nya ang sekreto ko" sagot ni Sakuhako

"Migami Kamigami? Kamigami? Teka wag mong sabihin"

"Anak sya ng nangungunang pinakamayaman dito sa bansa" sagot ni Sakuhako

"Anohhh" na shock na si Yumi

"Pero Teka anong sekreto ang nalaman nya tungkol sayo?" Tanong ni Yumi

Napatitig si Sakuhako kay Yumi, alam nyang mapagkakatiwalaan si Yumi kaya hindi na sya nagdalawang

You are reading the story above: TeenFic.Net