"Bibigyan kita ng 50 thousand pesos bilang paunang bayad kung tatanggapin mo ang alok ko. . ." panimula nito.
Nagulat ang dalaga sa laki ng halagang binanggit nito, sabagay ay kakarampot lamang iyon para sa mga mayayamang katulad nito.
"At kung hindi ko tatanggapin ang inaalok mo?" sabi niya.
"Pwede ka ng umalis at wag na wag mo ng ipapakita ang pagmumukha mo sa harapan ko kundi ay sa kulungan ang bagsak mo. But you know malaki laki na ang perang yun para mabuhay ka ng masagana sa ilang buwan. Kung tatanggapin mo ang alok ko ay makakakuha ka ng 100 thousand kada buwan bilang sweldo mo"
"Ano bang alok ang sinasabi mo?"
"Simple lang, pretend to be me" sagot nito na siyang ikinagulat niya ulit. Kung kaninang nagulat siya dahil sa laki ng pera, ngayon ay mas nagulat siya dahil sa kabaliwan ng babaeng nasa harapan niya.
Magiging madali kaya ang buhay ni Dori pag tinanggap niya ang alok ng babae na nasa harapan niya? O isa din ito sa magpapahirap sa buhay niya?