SD: Zambales Honeymoon

Background color
Font
Font size
Line height

Maaga kaming gumising ni Ken dahil maaga ang flight namin papuntang Zambales.

"May gusto ka ba? Bibili muna ko ng food. Baka nagugutom kana." tanong ni Ken sakin habang nagdadrive.

"Hindi, ok naman ako. Medyo antok lang ako."

"Sige na, umidlip ka na muna. Gisingin na lang kita."

Lumingon naman ako sa likod para kuhain ang maliit na unan. Napatingin naman ako sa damit ng babae na nakasampay sa likod.

"Kay Almira?" tanong ko.

"No. Kay mama yan." sabi nya habang nakatingin parin sa kalsada.

"Gaano na kayo katagal?" tanong ko. Para sakin ay wala namang mali sa tanong ko.

"2months." napatango naman ako sa sinabi nya.

Matagal na din pala kahit papano ang pinagsamahan nila.

"Maganda sya." nakangiting sabi ko sa kanya.

---

Pagdating nila sa Zambales ay hindi na mawala ang ngiti ni Rita. Tuwang tuwa sya sa simoy ng hangin. Bihira nga namang makaamoy sya ng hangin ng probinsya.

Dumiretso naman sila sa hotel na binook na ni Rita.

Isa lang ang kwarto na binook nya, at iisa lang ang kama. Ok na rin ito para di na sila maissue ni Ken.

---

"Ok lang ba na magkasama tayo?" tanong ko kay Ken.

"Oo naman. Asawa kita eh." nakangiting sagot nito. Umapir naman ako sa kanya. Ang galing talaga naming dalawa. Artista nga kami.

Pagpasok namin sa kwarto ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.

"Maygad Ken, ang tagal kong di nagawa to."

"Alin ang humiga sa kama?" Sabay bato sakin ng tuwalya ng hotel.

"Hoy, grabe ka!!! Lumabas ka na nga don. Tsupi!" at tawang tawa lang sya sakin..

---

Pagkagising ko ay nagulat ako ng maramdamang nakayakap sakin si Ken. Nakatulog na pala kami. Mag gagabi na. Sayang oras. Imbes na nag gagala ako.

Nararamdaman ko sa batok ko ang hininga ni Ken. Mukhang ang sarap ng tulog nito.

Kinuha ko nalang ang phone ko saka nag scroll.

May mga fans na palang nakaka-alam na nandito kami ni Ken sa Zambales. Nakakatuwa talagang hanggang ngayon ay may mga taong walang sawang sumusuporta saming dalawa.

Bigla ko namang inopen ang Camera ko at nag selfie. Kitang kita na tulog si Ken sa likod ko at nakayakap ito sakin.

@missritadaniela
My husband sleeps a lot but I love it πŸ’•

Wala pang sampung minuto ay madami ng nagco-comment at nag la-like sa post ko. Mga kaibigan, pamilya at fans namin. Mag asawang mag asawa kami sa Instagram.

"Hon?" narinig kong bulong ni Ken.

"Yes hon?" Nagulat naman ako ng tawagin kong hon si Ken. Ngayon ko na lang ulit sya natawag ng ganun.

"Gutom ka na ba? Sandali nalang ha? Inaantok pa ko eh." Hinarap naman nya ko sa kanya at humiga sa dibdib ko. Kinuha nya ang phone ko at inilagay sa lamesa.

"No phones please." bulong nya.

Napaka-clingy naman nitong si Ken. Nakakapanibago.

Nakaramdaman naman na ko ulit ng antok.

---

Halos mag aalas otso na ng magising si Ken. Nasa dibdib lang sya ni Rita nakahiga. Tiningnan nya ang mukha ng asawa nya. Mukang mahimbing ang tulog nito.

Tatayo na sana si Ken ng hatakin sya ni Rita. Naisanday ni Rita ang hita nya sa mga hita ni Ken. Ang ulo ni Rita ngayon ay malapit na malapit na sa mukha ni Ken.

Hindi na napigilan ni Ken ang sarili. Hinalikan nya ang asawa kahit tulog ito. Iginagalaw nya ang labi nya kahit alam nyang hindi tutugon ang asawa nya.

Bigla namang gumalaw si Rita kaya binitawan nya na din ang labi nito. Mas niyakap nya si Rita. Hinalikan nya ito sa ulo. May pumatak na luha galing sa mga mata ni Ken.

Aminado syang namiss nya yung ganto lang sila ni Rita. Masaya, walang iniisip at higit sa lahat nagmamahalan.

"Hon? Gising kana." tinatapik ni Ken ang mukha ni Rita.

"Hala. Bakit anong oras na ba?" tanong nito.

"Oras na para ikiss moko." Nakangiting sabi ni Ken.

Hinalikan naman sya ni Rita.

"Ok na ba mister?" dinikit naman ni Rita ang noo sa asawa.

"Isa pa nga misis."

At hinalikan ulit sya ni Rita. Niyakap naman sya ng mahigpit ni Ken.

Sa pagkakataong yun ay sumasakay sila sa sarap ng pakiramdam na nararamdaman nila parehas. Hahayaan na muna nila ang problemang iniwan sa Maynila.

Bumangon na si Rita at dumiretso sa banyo.
Paglabas ni Rita ay nakita nyang gamit ni Ken ang phone nya.

"Ano na namang ginawa mo? Ha?" Natatawang sabi ni Rita.

"Wala. Hahahaha" Inagaw naman ni Rita ang phone nya at nakita nyang may pinost si Ken na picture.

@missritadaniela
Ang gwapo talaga nitong asawa ko @akosiKenChan

"Ay grabe lang ano ho?" Inopen naman bigla ni Rita ang IG live.

Kitang kita ang harutan nilang mag asawa sa IG Live.

Nakahiga si Rita sa dibdib ni Ken habang hawak ang phone.

"Hi RitKen, kamusta po ang honeymoon?" basa ni Rita sa comment ng fan.

Natawa naman sila ni Ken.

"Hahahaha, ok naman. Pagbalik namin may little Rita na." Natatawang sagot ni Ken. Mahinang tampal naman ang natanggap ni Ken.

In-off na nila ang IG live ng makaramdam na ng gutom si Ken.

Bumaba na sila para kumain. Madami dami rin ang nagpapa-picture sa mag asawa.

---
"Namiss kita." Sabi ni Rita kay Ken. Naglalakad sila ngayon sa gilid ng beach. Kakatapos lang nila kumain kaya napagdesisyunan nilang maglakad-lakad.

Kinuha naman ni Ken ang kamay ni Rita.

"Ako din". Bigla namang umupo si Ken sa buhangin. Sumunod naman si Rita.

"Naalala mo nung nagsisimula pa lang tayo, bawat galaw natin binabantayan ng fans. Sobra silang nag roroot para satin." sabi ni Ken.

"Oo, kaya nga dumating sa punto na madami ng nagsasabi na tayo na kahit hindi pa." sabi ni Rita habang tumatawa.

"Grabe no? Ang tagal na pala."

"Yes, ang tagal na."

Hinawakan ulit ni Ken ang kamay ni Rita.

"Napakasaya ko nung naging girlfriend kita. At mas lalo akong masaya nung naging asawa kita." Hinalikan nya ang kamay ni Rita.

Napangiti lang si Rita. Gustong sabihin ni Rita na, "Ken, bakit ganito? Anong nangyayare?" Pero ayaw nyang sirain ang gabi na ito. Kitang kita nya sa mukha ni Ken na masaya naman ito eh.

"Napaka-drama mo eno?"

"I love you." Sabi ni Ken habang nakatitig kay Rita.

Naluluha ito. Nakatitig lang si Rita rito. Ihiniga nya nalang ang ulo nya sa braso ni Ken.

"Bakit nya nasasabi ito, diba may Almira na sya?" sa isip ni Rita.

---

Magkahawak kamay silang umakyat sa kwarto nila.

"mag hihilamos lang ako ha." sabi ni Rita.

Yumakap naman si Ken sa likod nito at bumulong.

"Mrs. Ken Chan"

"Hmmm?" Sagot ni Rita.

Bigla namang tumunog ang phone ni Rita. Kinuha ni Ken ang phone at sya na ang sumagot nito.

Pumasok naman na si Rita sa loob. Nagulat na lang sya ng sumunod si Ken sa kanya at dire-diretsong pumasok sa shower room.

Hinalikan nya ang leeg ni Rita habang nakayakap sya rito.

"Sino yung tumawag?" tanong ni Rita.

"Si Kuya Roy, bigyan na daw natin sya ng pamangkin galing sayo." hinahagod lang ni Ken sa leeg ni Rita ang bigote nya.

"Hon, pwede na ba?" Tanong ni Ken kay Rita.

"May project tayo diba? After project nalang, ok lang?" Tumango naman si Ken. Iniharap na sya ni Ken at saka hinalikan. Patuloy lang silang naghalikan habang dumadaloy ang tubig mula sa shower.

Pagkatapos nun ay nagbihis na din sila.

Nag usap lang sila ng kaunti tungkol sa naiisip nilang project na maaaring ibigay sa kanila.

Niyakap na ni Ken si Rita at natulog na sila.

---

Nagising si Rita ng dahil sa alarm. Balak nya sanang maglibot. At syempre kasama na rin ang asawa. Pagbangon nya ay nakita nya ang phone ni Ken. May tumatawag.

"Hello?" tanong ni Rita. Hindi naka-save ang number kaya hindi alam ni Rita kung sino ito.

"Who's this? Where's Ken?"

"Her wife." Sabi ni Rita habang nakataas ang kilay. Sino ito para hanapin ang asawa nya at tanungin pa kung sino sya.

Binaba naman ng kabilang linya ang phone..

"Weird." bulong nya sa sarili.

"Good morning Mrs." Narinig nyang sabi ni Ken.

"Good morning ka dyan, aga aga may tumatawag sayo. Kabit mo ata."

Niyakap naman sya ni Ken sa bewang.

"Ay shit, wait lang. Ken, si Almira ba yun? Sorry. Hindi ko alam. Hindi kasi naka-save eh."

"Kunin mo yung phone ko." At iniabot ko naman kay Ken ang phone nya.

"Buksan mo. Wedding Anniversary natin ang pin nyan." sabi ni Ken.

"Pumunta ka ng contacts."

Nakita naman ni Rita na number nya lang ang naka-save rito.

"My Wife" pa ang nakalagay rito.

"Ang landi mo. Grabeng escape to ah. Damang dama ko." Napabangon naman si Ken sa pagkakahiga.

"Escape lang ba to sayo?" Tanong ni Ken.

Hinampas naman sya ng mahina ni Rita.

"Para kang tanga. Alam ko kung san ako lulugar."

"Rita, asawa kita." sabi naman ni Ken.

"Asawa mo lang ako." naluluha naman na si Rita. May kung anong sakit na naman ang naramdaman nya.

Niyakap naman sya patalikod ni Ken.

"Hindi lang kita asawa LANG. Asawa kita." At hinalikan naman ni Ken ang ulo nya.

"Gusto mo bang pag usapan na?" Tanong ni Ken.

Tumayo naman si Rita at hinila si Ken.

"Tsaka na natin pag usapan pag uwi. Enjoyin na muna natin to. Zambales Honeymoon"

Tumayo naman na si Ken para yakapin ulit ang asawa. Naramdaman ni Rita na umiiyak ito.

Mas niyakap pa sya ni Rita. Sobra na din ang pagyakap na ginagawa ni Ken. Napatingin sila ng tumunog ang phone ni Ken.

Nakita naman ni Rita na tumatawag ulit ang babaeng tumawag kanina. Same number.

"Sagutin mo." Sabi ni Ken.

"Wag na. Si Almira yan eh. You should talk to her." Bumitaw naman na si Rita kay Ken. Pero hinila sya ni Ken.

Kinuha ni Ken ang phone at iniabot kay Rita.

Pinatay nalang ni Rita ang call at maging ang phone ni Ken. Tsaka ibinato sa kama.
Niyakap nya ulit si Ken at sumiksik sa dibdib nito.

---

Habang nag bibihis si Ken ay phone naman ni Rita ang tumunog. Unknown number rin ito.

Agad itong kinuha ni Rita at lumapit kay Ken. Kinuha naman ito ni Ken.

"Tell him na wag ng tumawag dyan. Na wag na tayong guluhin. At wag ng umasang babalik pa ko sa kanya dahil masaya na ko sayo."

Bigla namang nagsalita si Ken. Kanina pa pala nito napindot ang accept call.

"Siguro naman ay narinig mo na yun? Ano pa bang gusto mo? May asawa na yung tao paulit ulit ka pa ding nanggugulo. Get yourself a woman, but not my woman. Isa pang tawag mo, hindi ko na alam magagawa ko sayo. Tantanan mo ang asawa ko."

Pagkababa ni Ken ng phone ay umapir sa kanya si Rita.

Bumalik na si Rita sa pag aayos.

"Matagal ka ng ginugulo nun? Hindi mo binalikan?" tanong ni Ken.

"Hindi, bakit ko babalikan? Hindi naman na ulit naging kami simula nung naghiwalay kami bago pa kita naging jowa."

Natahimik naman si Ken sa sinabi ng asawa. Naguguluhan sya. Nagsisinungaling ba ito o totoo ang sinasabi nito?

You are reading the story above: TeenFic.Net