Ang Pamilya

Background color
Font
Font size
Line height

Ang Pamilya

Ako nga pala si Niko hindi ko totoong pangalan.So first time ko makaexperience noong taong 2016.Ang bahay namin nang aking pinsan at tito ay magkakatabi lamang so anytime pwede kami maglabas pasok Sa mga ito.Sa bahay nang pinsan ko na si Hannah kasama niya ang kaapatid Nya na si Ivan pinsan ko rin sympre at ang tito namin at ang mama nila.One day nung mabagal ang daloy nang tubig Sa gripo namin ay inutusan ako ni mama na dun daw ako kumuha Sa gripo nila Hannah kasi malakas daw dun ang daloy nang tubig so that time pala ay kakatapos Lang namin mag tanghalian.Pagpunta ko Sa gripo nila Sa labas nang pinto nang bahay nila ay nakita kong may nakaupong lalaki dun Sa kama medyo mabalbon ang lalaking iyon.kta Sa pinto nila ang kwarto nila tanging kurtina lamang ang nakatahob dito..So inisip ko agad na yung tito Lang namin yun.Habang nakaupo Si tito ay parang pinapagalitan ata si Hannah at si Ivan di ko kita ang mga mukha nila tanging mula tuhod hanggang paa lamang ang nakikita ko.Pero sigurado naman ako na silang tatlo yun kaya naman parang walang pake lang ako kasi normal naman para sa akin pag nakikita ko silang magkapatid napinapagalitan ni tito.Pakapuno Nang pitsel na hawak ko ay dumiretso agad ako saamin...Nang dumaan ang ilang minuto ay nagmamadaling mangiyak ngiyak si Ivan na pumunta Sa bahay namin.
Ivan:tita si ate po parang may kakaibang nangyayari Sa kanya Chaka parang nilalagnat
mama ko:Bakit ano bang nangyari Sige na dalhin mo dito ate mo..baka naman kasi Sa init Lang Yan Nang bahay nyo kaya pumunta muna kayo dito.
Habang hinihintay namin sla Ivan napaisipisip na ako kung ano ba talagang nangyayari Sa kanila.Nang makapunta na sila Sa bahay namin ay kitang kita Sa mukha ni Hannah ang pagkahina ,pagka kaba at pagkatakot Habang itoy umiiyak.
Ako:Ano ba nangyayari sainyo?
Hannah:Kuya di ko na kaya papatayin nila ako
Ako:ano ba sinasabi mo?Ivan ano ba ibig Sbhn nitong ate mo?
Ivan:Ewan ko kuya natatakot na nga ako kanina pa kung ano ano sinasabi niya
Hannah:kuya wag mo na kami pabalikin Sa bahay Merong pamilyang nandoon.Pinapahirapan sila Nang tatay nila pinatay narin sila nitong mag iina.samantalang ang nanay nila ay ginagwa ang lahat para Sa kanila...Gusto akong patayin Nang nanay nila at putulin ang aking kamay at paa..Nakita Kong putol ang isang kamay Nang isang batang babae at putol naman ang paa Nang batang lalaki.Pinutol ito Nang kanilang ama samantalang ang nanay nila ay Sinaksak nito.
Ako:Ano ba kung ano ano sinasabi mo Baka dala Lang Yan Nang Mataas mong lagnat.Bakit di kayo inaasikaso ni tita at ni tito?
Hannah:Kaninang 6:00 nang umaga pa wala si nanay at tito dyan Sa bahay pumasok na sila Sa trabaho kaya kami Lang ni Ivan ang naiwan dyan.

Nang sinabi ni Hannah ang mga iyon ay biglang tumibok Nang mabilis ang puso ko at tumaas ang aking mga balahibo.So nangpumunta ako Sa bahay nila upang kumuha Nang tubig ay silang dalawa Lang pala ang nandodon.Napaisip ako bigla kung sino  ang nakita Kong lalaking nakaupo at dalawang batang pinapagalitan nito na para bang may pinapagawa Sa mga bata na ayaw naman nilang gawin..Hanggang ngayon hindi parin malinaw Sa aking isipan ang mga pangyayari kung sino ba ang mga iyon,kung may istorya ba ang bahay nilang iyon,kung  tungkol sa dating nakatira dito,at kung noong panahon pa ba ito..hindi ko muna sinabi kila mama at kila Hannah ang aking mga nakita dahil ayokong dagdagan pa ang mga nararamdaman nilang takot.Salamat Sa pagbabasa at always pray Lang tayo dahil si God ay lagi nating kasama

-Nikko//-

You are reading the story above: TeenFic.Net