Part 7

Background color
Font
Font size
Line height


Bea


Maaga akong nagising.  I am so excited to see Louisse na naman.

Nag half bath lang ako then change into a gray jogging pants ang light blue shirt.  And white sneakers.

I get my wallet and phone plus hand towel.  Nilagay ko ito sa likod ko.

Nagmamadali na akong lumabas habang nasa elevator ay nag book ako ng grab.

May nag accept naman agad. 

Naghihintay lang ako sa labas ng building.  Pagdating ng car ay sumakay ako agad.  I texted Louisse na I am on my way na.

'K' lang ang reply nya.  Napataas naman ang isang kilay ko.  Walang good morning?

Pagdating namin sa building nila Louisse ay bumaba na ako ng car.

Nakita ko naman si Louisse na nakatayo sa labas at busy sa phone nya.

Bea :  Good morning!

Louisse :  Good morning, Bea!  Lika na.

Nagsimula na kaming tumakbo.Naka earphone ako habang tumatakbo.  Nakasunod lang ako kay Louisse.  Sya ang may alam dito.  Hindi ko kabisado ang lugar na ito.  Hanggang sa makarating kami sa park.  Nagpaikot ikot na kami doon. 

Nakita kong nakatayo lang si Louisse at hingal na hingal.  Nang mapadaan ako ay inaasar ko sya.

Bea :  Tired na agad?  Konti pa lang natakbo mo!

Napalayo na ako agad dahil hindi naman ako tumigil sa pagtakbo.  Binagalan ko lang ang spacing ko.

Lumingon ako at nakita ko si Louisse na tumakbo na ulit.  Napangiti naman ako.

Ilang rounds pa ay nakatayo na naman si Louisse at abot abot ang paghinga.

Bea :  Lampa ka pala, Eagle claw!

Natatawa akong tumakbo pa.  Nakatingin na sa akin ng matalim si Louisse.  Mas tumawa pa ako.  Madali pa lang inisin ang isang 'to!  Humanda ka sa akin!  Iinisin pa kita lalo, hahahahha!

Nakaupo na kami sa isang bench.  We are both drinking gatorade.

Louisse :  Lakas ng stamina mo!

Bea :  I regularly jog kasi since I was a kid.  Me and kuya, actually.  He is so mataba since nong bata pa sya, hanggang ngayon kaya tumigil na lang sya.  Wala naman daw nangyayari! Hahahahaha!  Pero, mahal ko yon!

Louisse :  Super close kayo?

Bea :  Sobra!  I know pag miss na miss na nya ako.  Ginugulo nya ang buhok ko at inaasar palagi! He is my buddy!  Pero ngayon medyo hindi na kasi busy na sya sa business namin.  So adulting na sya, hahahaha!  After one year ay magwo work na rin ako sa business namin.

Louisse :  Yaman yaman mo pala!

Bea :  Sakto lang.

Louisse :  Kami naman, hindi mayaman, hindi rin mahirap!

Bea :  Mayaman kayo, no?  Ang laki laki ng bahay nyo at ang ganda!  Malaki ang garden at may mga kotse kayo, tig isa!

Louisse :  Hahahahahahaha!  Hindi naman!  Sakto lang!

Bea :  This is nice.  Malawak ang park na ito.  This is the next thing after Makati!

Louisse :  Yeah!  Sobrang mahal kasi sa Makati.  Kaya, dito na ako kumuha ng condo ko.

Bea :  Sakto lang.  Regalo sa akin ng parents ko ang condo.  Nong nag graduate ako ng college.

Louisse :  Saan ka sa states nag aral?

Bea :  Columbia University.

Louisse :  Wow!  Brainy ka no?

Bea :  Sakto lang.

Nagtawanan kami. 

Louisse :  Let's have breakfast sa condo ko.  Ipagluluto kita

Tumayo na kami at naglakad pabalik sa condo nya.  Marami pa kaming napag usapan habang naglalakad.


Louisse :  Sit ka lang muna dyan!

Bea :  No.  I want to help you cook!

Louisse :  Sure ka?  Kusina ko ito kaya sanay na sanay na ako!

Bea :  I am sure!

Kumuha ako ng eggs at hotdog, tsaka bacon sa ref nya.  Uminom muna ako ng malamig na tubig, then, nagluto na ng fried eggs, prinito ko na rin ang bacons at hotdogs.  Nang maluto ay inihain ko na ang mga ito sa mesa.  Nagsangag naman si Louisse at nag brew ng coffee.

Nagdasal na kami, then, kumain.  Nilagyan nya ng foods ang plate ko tsaka sya naglagay ng para sa kanya.

Bea :  Maalaga ka pala.

Louisse :  Bisita kita, e.

Bea :  Ganyan ka rin kay Jemy?

Louisse :  No.  Kanya kanya kami, hahahahaha!  Kanya kanyang kuha ng foods!

Bea :  Di pala kayo sweet sa isa't isa!

Louisse :  We are not like that!  But, we love each other naman.

Bea :  Okey.

Natahimik muna kami. Sabay pa kami uminom ng coffee.

Louisse :  Kailangan ba maging sweet sa boyfriend o girlfriend mo?

Bea :  Depende sa inyo.  But, karamihan sa mag jowa ay sweet sa isa't isa.  Lalo na pag silang dalawa na lang.  Yong iba kasi hindi mahilig sa PDA's!

Louisse :  What do you mean, na sweet pag sila na lang dalawa?

Bea :  Like, sinusubuan ng foods, pinapainom, pinagbabalatan ng shrimp or pinaghihiwa ng meat or anything!

Louisse :  A.  Akala ko kung ano na.

Bea :  Ano ba iniisip mo?

Louisse :  Wala.  Akala ko naghahalikan na sweet.

Natawa ako sa sinabi nya.

Louisse :  Bakit ka tumatawa?

Bea :  Napaka advance mo naman mag isip!  Tsaka natural lang naman na naghahalikan ang mag jowa.

Louisse :  What?  No!

Bea :  Di pa kayo naghalikan sa lips?

Louisse :  NO!

Bea :  Peks man, mamatay man?

Hinampas nya ako sa braso ko.

Bea :  Aray naman, friend!

Louisse :  Ang bastos bastos mo!

Bea :  Anong bastos don?  Dalagang FIlipina ka pala.

Louisse :  I am not just ready to do that.  And he understand naman.

Bea :  Mahal ka nga nya.

Louisse :  Oo naman!

Kumuha pa ako ng coffee sa coffee maker.  Umupo na ako ulit.

Bea :  I am so busog!  Thanks sa breakfast!

Louisse :  Your welcome.

Bea :  Kelan ang balik ni Jemy?

Louisse :  Three days from now.

Bea :  So, tatlong araw pa kita makakasama mag jogging!

Louisse :  Huh?  Kahit nandito yon, di naman sumasama sa pagjo jogging ko yon.  Nasa Q.C. ang bahay nila.

Bea :  O, layo pala!

Louisse :  Kaya nga.

Bea :  Busy din sya?

Louisse :  Oo.  Pagaling ng pagaling ang team nila.

Bea :  Magaling din naman kayo!

Louisse :  Ha ha ha!  Palaging talo!

Bea :  That's normal.   Bago pa kasi kayo, pero, di magkakalayo ang scores nyo sa winner!  Magaling kayo as a new team!  May chemistry na ang team nyo!

Nakita ko na napataas ang isang kilay nya.

Louisse :  At paano mo naman nalaman?

Bea :  I watched your games.  Sa replays sa youtube!

Louisse :  O.  You can watch naman us live.

Bea :  Yeah.  Hindi pa kasi kita friend noon, hahahahaha!  Kaya sa replays ko na lang pinanood nong medyo close na tayo.

Louisse :  Close?

Bea :  Bakit, hindi pa ba?

Louisse :  Medyo pa lang.

Bea :  Okey.  Hindi naman ako nagmamadali.

Nagtawanan kami.  I wash the dishes at naligo naman si Louisse.


Bea :  Aalis na ako, Louisse.

Louisse :  Ano gagawin mo?

Bea :  Wala.  matutulog o watch ng tv.

Louisse :  Y-you can stay if you want.

Napaisip naman ako.

Bea : I need to take a bath and change my clothes.

Louisse :  No problem!  You can borrow my clothes.  Then, I'll wash your clothes para may maisuot ka pag uwi mamaya.

Bea :  Okey.

Pumasok na kami sa kwarto nya and she give me shorts and shirts.  No.  I don't need a bra.  Wala naman, e.  Flat na flat, hehehehe!

Pagkatapos ko maligo ay umupo ako sa sofa nya sa sala.

Louisse :  Movie marathon?

Bea :  Sure!

Louisse :  Sandali lang.

Nagpunta sya sa kitchen.  Pagbalik nya ay may dala na syang isang malaking bowl na punong puno ng popcorn at dalawang canned softdrinks.  Ibinigay nya sa akin ang isa.

Nanood na kami.  Horror ang napili nya.

Okay lang naman sa akin ang horror.  Habang patagal ng patagal ay palapit ng palapit si Louisse sa akin hanggang sa nakasandal na sya sa akin.

Nakahawak ang mga kamay nya sa mukha nya.  Tinatakpan nya ito pag nakakatakot ang nasa screen.  Napapangiti naman ako.  Pipili pili ng horror, matatakutin naman, hahahahaha!

Bea :  Waaaaaah!

Louisse :  Waaaaaaah!

Napayakap sya sa akin.  Tapos bigla na lang nya ako nahampas.

Louisse :  Bwisit ka!  Hindi naman nakakatakot yon!  Bakit ka sumigaw?  Napasigaw ako tuloy!

Bea :  Hahahahahahahahaha!

Hinampas pa nya ako ng hinampas.

Bea :  Hahahahahaha!  Nakakatawa sobra ang facial expression mo kanina, so so so epic!

Louisse :  Bwisit ka talaga! 

Tumayo  ako para magpunta sa CR.  Tumayo rin si Louisse at sumunod sa akin.

Bea :  Saan ka pupunta?

Louisse :  Sasama sa yo!

Bea :  Bakit?  Iihi ka rin?

Louisse :  O-oo.

Bea :  Hahahahahaha!  Takot na takot ang baby.

Pa baby talk kong sabi.  Nahampas na naman ako, ano ba?  Sakit non, ha?

Lousise :  Bwisit ka!

Bea :  Pipili pili ka ng horror, matatakutin ka naman pala!

Louisse :  E, maganda daw kasi yon!

Pumasok na ako sa CR at umihi.

Paglabas ko ay nakatayo pa rin si Louisse na nakatingin sa paligid.

Bea :  BULAGA!!!

Louisse :  Waaaaaaah!

Napayakap si Louisse sa akin sa sobrang gulat at takot na rin.  Yinakap ko na rin sya.

Tawa na ako ng tawa.  Matalim naman ako na tiningnan ni Louisse,  Pinaghahampas at pinag susuntok na nya ako.

Bea :  Hey!  Stop that!

Louisse :  Bwisit!  Bwisit ka!

Bea :  I am just joking, okey?

Louisse :  Alam mo naman na takot na takot na ako, tapos nanggugulat ka pa!

Tumakbo na ako papunta sa sala.  Nakasunod naman si Louisse sa akin.  Nilipat nya ang netflix at pumili ng bagong movie.

Bea :  Oy!  Di pa tapos yon!

Louisse :  Iba na lang!  Nakakatakot na, di ko na kaya!

Tahimik na lang akong napangiti.

Love story ang napili nya.  Tahimik na kaming nanood.

Nag take out na lang kami ng foods para sa lunch namin.  We are so engrossed sa pinapanood namin.  Love story na may drama ang movie. 

Nang matapos ang movie at eksaktong dumating ang mga inorder ko. 

Nakaupo lang kami sa sahig nya habang kumakain.  Chinese foods ang inorder ko.

Bea :  Hmn. Napakasarap talaga ng duck nila!

Louisse :  Iba inorder ko.

Bea :  Nganga dali!

Sinubuan ko si Louisse ng food ko.

Louisse :  Napakasarap nga!  Ito rin sobrang sarap!

Sinubuan nya rin ako.

Bea :  Wow!  Sarap, ha?

Nagsubuan pa kami at tawa lang kami ng tawa.  Muntik pa nga ako mabulunan.  Nataranta naman si Louisse ng halos hindi na ako makahinga.

Louisse :  Ikaw kasi!  Tawa ka ng tawa, yan tuloy!  Here, drink this.

Uminom naman ako.  Namumula na ang mukha  ko sa katatawa.

Bea :  You care for me, huh?

Louisse :  Of course!  You are my friend na kaya!

Bea :  Thank you.

Niligpit ko na ang mga disposable containers at itinapon sa trash can.

Bea :  Whew!  I am so full na!

Louisse :  Ako rin!

Naglakad lakad muna kami ni Lousise.  Paikot ikot lang kami sa sala, kitchen at dining nya.

Nang magkasalubong kami ay kiniliti ko sya sa tagiliran nya.

Louisse :  Hoy!  Stop that!  Hahahahahahahha!

Mas kiniliti ko pa sya.

Bea :  So!  Dito pala ang kiliti mo, ha?

Louisse :  Itigil mo sabi!

Gumanti na rin sya sa pagkiliti sa akin.  Tawa na kami ng tawa pareho.

Bea :  Wala akong kiliti, ma'am!

Louisse :  A, ganon!

She touch me sa part na may kiliti ako.  Napatawa ako ng malakas.

Louisse :  Aha!

KIniliti pa nya ako ng kiniliti.

Bea :  Stop!

Louisse :  No!

Maluha luha na kami sa katatawa.  Napaupo na kami sa sofa na magkatabi.

Bea :  I am sleepy.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

Louisse :  Lika.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila.  Tumayo na rin ako.

Papunta pala kami sa kwarto nya.

Louisse :  Now, lie down.

Humiga naman ako sa may left side ng bed.

Bea :  So tired.

Nakatulog ako agad.



You are reading the story above: TeenFic.Net

#jhobea