Part 12

Background color
Font
Font size
Line height



Louisse


Nakahiga na ako.  Pero di pa ako makatulog.  Bumabalik sa isipan ko ang nakita kanina.

They looked so close to each other.  And palaging nakangiti si Bea kay Kiana.  Nagtatawanan sila palagi.  May sense of humor naman talaga si Bea.  Nakabusangot na naman ako.  May pa hawak hawak pa ng kamay at braso.  Nakasandal pa sya kay Bea.  They danced pa!

Napabaling ako ng higa.  Nakaharap na ako ngayon sa bintana. 

Di ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko. 

Basta!  Naiinis ako kay Bea!

Inis na inis ako sa kanya!

Since di ako makatulog ay bumangon na ako.  Sasakit lang ang ulo ko.

Nanood na muna ako ng tv. 

Nasa sofa ang dalawa kong paa at nakatukod naman ang baba ko dito.  Nakasalikop ang mga kamay ko sa tuhod ko.

Nakabusangot pa rin ako.

Akala ko ba crush nya ako.  Bakit ganon?  Nakikipag landian sya sa iba.  Di ba nga?  Ako ang crush nya daw!

Nagpapadyak akong naglakad papunta sa kitchen.  Kumuha ako ng vanilla ice cream at nagsalin sa mangkok.

Nakataas pa rin ang mga paa ko sa sofa habang kumakain ng ice cream. 

Naalala ko na favorite rin ito ni Bea.

Bea na naman!  Aaargh!!!!!

Nakatapos ako ng isang movie bago ako antukin.  Pinatay ko na ang tv at pumasok sa kwarto ko.

Nakatulog na ako kaagad.


Bea


Haaay!  Umaga na naman!  Nag inat inat muna ako bago bumangon.

Six a.m. pa lang pala.  Makakapag jogging pa ako.

Nag half bath ako agad at nag toothbrush.  I change into my fav outfit.

Gray jogging pants at light blue shirt and white sneakers.  Bumaba na ako agad.

I booked grab at dumating naman ito agad.  Sumakay na ako.

Nakasandig lang ako sa upuan.  Dahil walang traffic ay nakarating kami agad.  Nagbayad na ako at bumaba na.

Aba!  Walang Louisse akong nakikita!  Baka tulog pa.  Pero, mas nauna silang umuwi ni Jemy kagabi, a!

Naghintay pa ako ng ten minutes.  Nong wala pa ay nag jogging na ako.  

Naka earphone na ako. 

After thirty minutes ay umupo muna ako sa bench sa park.

Nagpahid ako ng pawis.  It always feels good pag pinagpapawisan.

Tumakbo ako ulit. 

Hingal na hingal ako pagkatapos.  One hour akong tumakbo.  I was breathless.  Umupo ako ulit sa bench.

Nang nag cool down na ako ay naglakad na ako papunta sa building nila Louisse.

I bought coffee and breakfast.

Pasipol sipol akong sumakay sa elevator.

7:45 a.m. na.  Siguro naman, gising na yon!

I push  her doorbell.  Wala.

I push it again.

May narinig akong naglalakad sa loob.

Bumukas na ang pinto.

Bea :  Good morning, bhe!

I kiss her noo.  Hindi ko sya mayakap dahil may dala akong paper bags.

Dumiretso ako sa dining table nya.

Nakasunod naman sya sa akin.

Louisse :  Anong ginagawa mo dito?

Nakita kong nakabusangot ang friend ko.  Wala na naman sa mood 'to!

Bea :  Hindi ka sumipot sa baba.  Puyat ka ba? E, mas nauna pa yata kayo umuwi kagabi!

Louisse :  E, ano ngayon kung di ako nakasama sa pagjo jogging mo?

Bea :  Masama ba pakiramdam mo?

Hinawakan ko ang noo nya.  Iwinaglit naman nya ang kamay ko.

Bea :  Wala ka namang lagnat!  Ah, may pinuntahan pa kayo ni Jemy.

Louisse :  Ano naman kung may pinuntahan pa kami?

Bea :  Wala po.  Common, let's eat.

Nilatag ko na ang mga pagkain sa dining table nya.

Nakatayo pa rin sya.

Bea :  Okey ka lang?

Louisse :  No!

Bea :  Nag away na kayo ng boyfriend mo?

Louisse :  Hindi!

Bea :  O, anong problema mo?  Bakit ang sungit sungit mo?

Louisse : Wala kang pakialam!  Umalis ka na!

May nag doorbell kaya pumunta sa pinto si Louisse para buksan.

Jeremy :  Hello, Louisse!

Louisse :  Jeremy! 

They hug.

Jeremy : Oy, Bea!  Your here!

Naglakad na sila papunta sa dining table.  May dalang paper bags si Jeremy.

Jeremy :  May dala akong pang breakfast.

Nagdasal na kami.

Linagyan ni Louisse ng foods ang plate ni Jemy. 

She is being touchy sa boyfriend nya.  And sweet.

Nagtaka naman ako.  Hindi naman sya ganon sa boyfriend nya.

Tumungo ako at kumain na lang.

Jeremy :  Nag jogging ka, Bea?

Bea :  Yes!  Sabay sana kami ni Louisse, kaya lang late yata sya nagising kaya dinalhan ko na lang ng foods!

Jeremy :  Maaga naman tayo umuwi kagabi, Louisse.  A, baka nag movie ka pa, no?

Louisse :  Yes.

Bea ;  Asus!  Kaya naman pala!

Louisse :  Love?  Labas tayo.

Jeremy :  Huh?  Sure!  Wala naman akong ganap ngayon!

Louisse :   Good.  Mag malling tayo at manood ng movie tapos mag arcade!

Jeremy :  Okey, love!  Teka, may kukunin lang ako sa kotse ko.  Nakalimutan ko kasi ibigay sa yo ang pasalubong ko sa Thailand.  Sandali lang, ha?

Louisse :  Okey.

Tahimik lang kaming dalawa na kumakain.

Bea :  Galit ka ba sa akin?

Louisse : Bakit naman ako magagalit sa yo?

Bea ;  I don't know.  Hindi mo nga ako pinansin sa party kagabi.  Dapat e welcome mo ako kasi I am a guest.

Louisse :  Hindi kita nakita.

Bea :  Really?

Louisse :  Yes, really!

Bea :  E, bakit nakita akoi ni Jeremy, e, magkasama naman kayo?

Tumayo sya at nagpunta sa sink.  Naghugas sya ng kamay.  Tumayo na rin ako at nilapitan sya.

Bea :  Why are you galit?

Louisse :  Hindi ako galit!

Bea :  Bakit mo ako sinisigawan?

Louisse :  HIndi kita sinisigawan!

Bea :  You are shouting, Louisse!  Ano ba problema mo?  Baka makatulong ako.

Louisse :  Wala!

Bea :  Galit ka, e!

Louisse :  Hindi nga ako galit!

Pinaghahampas na nya ako at pinag susuntok sa dibdib. 

Louisse :  Landi!

May sinabi sya pero hindi ko marinig.

Bea :  What?

Louisse :  Wala!

Umupo sya ulit sa may dining table.  Nakatayo pa rin ako.

Bea :  You don't want to see me?

Louisse :  Oo!  Umalis ka na!

Nalungkot ako sa sinabi nya.  Lumabas na ako ng unit nya.

I rode the elevator pababa.

Ano kaya problema nya?  Bakit sya galit sa akin?

Napapailing na lang ako.


Louisse


Naiinis pa rin ako sa kanya!  Patawa tawa at pangiti ngiti pa ang mokong!  Grrrr!

I tried to be touchy and sweet to Jeremy.

Kaya lang di ko feel.

Nag mall na kami at nanood ng sine.  Masama pa rin ang loob ko kay Bea.  Gusto kong magmura at manakit ng tao. 

Natapos ang movie at nag arcade kami.  Mukhang enjoy na enjoy si Jeremy.  Ako naman ay nakabusangot pa rin.

Jeremy :  Wala ka yata sa mood.

Louisse :  Yeah.  Masama lang pakiramdam ko.

Jeremy :  Huh?  Bakit di mo sinabi?  Sana nagpahinga ka na lang.

Louisse :  No.  I am okey naman. Hindi naman masyado masama ang pakiramdam ko.

Jeremy :  Okey.  Iuuwi na lang kita.  Mag take out muna tayo para may pang dinner ka.


Pagkahatid ni Jeremy sa akin ay umalis na sya agad.  He wants me to take a rest.

Kung si Bea yon, hindi nya ako iiwan.  Aalagan ako non!

Nagbihis na ako at umupo sa sofa.  I open the tv and watch netflix.

Di pa rin mawala wala ang pagka bad trip ko.

Kinuha ko ang phone ko and texted Bea.

I told her to come over.

May reply sya pero di ko na binasa.

After fifteen minutes ay may nag doorbell.  Patakbo akong nagpunta sa pinto at binuksan ito.

Bea :  Ano nangyari sa yo?

Isinara na nya ang pinto. 

Umupo naman ako sa sofa at nanood ng tv.

Bea :  Oy!  Bakit mo ako pinapunta dito?

Lousise :  Ayaw mo?

Bea :  Okey lang naman.  Wala naman akong ginagawa.  Akala ko ba magma mall kayo ni Jemy.

Louisse :  Inihatid na nya ako.  Masama kasi pakiramdam ko.

Bea :  Huh?

Tumayo sya agad at kinapa ang noo ko,

Bea : Mabuti at wala kang lagnat.  Lika na.  Magpahinga ka.

Kinarga nya ako at pumasok kami sa kwarto ko.  Dahan dahan nya akong pinahiga at kinumutan.

Bea :  Ano ba pakiramdam mo?

Louisse :  Nanghihina.

Bea :  Teka.  Pakakainin kita para mat energy ka.  Ano ba gusto mo kainin?

Nag isip naman ako.

Louisse :  Pork nilaga at pork adobo.

Bea :  Okey.  Dyan ka lang, ha?  Sleep ka muna.

Lumabas na sya ng room.  Napangiti naman ako.

Dahil napagod naman ako kanina sa mall ay nakatulog na ako.

Nagising ako sa mahinang pagtapik sa pisngi ko.

Bea :   Gising na, bhe.  Kakain na tayo ng dinner.

Pinaupo nya ako sa kama ko.

May nakita akong tray sa side table.  May rice, pork nilaga at pork adobo, nakahiwang sari saring fruits.  Nagdasal muna kami.

Bea :  Nganga na bhe.

Ngumanga naman ako,  Prutas muna pinakain nya sa akin.  Pinahigop nya ako ng sabaw, then, pork nilaga at rice at adobo.  Sumusubo na rin sya.

I am so busog! 

Nakakataba ng puso.  Alagang alaga ako ni Bea.  Ganito pala sya mag alaga.

Bea :  Kumusta na pakiramdam mo?

Louisse :  Medyo,  okey na.

Bea :  Mabuti naman.

HInalikan nya ang noo ko.

Louisse :  Higa ka na rin.

Humiga naman sya sa tabi ko.  Umunan ako sa balikat nya ay sinide hug  sya.  Nasa tyan nya ang kamay ko nakapatong.

Tahimik lang kami.

Louisse :  Paano kayo nagkakilala ni Kiana?

Bea :  Classmate kami nong high school sa Poveda.  Magka barkada din. 

Louisse :  Close kayo?

Bea :  Oo.

Louisse :  Parati nga sya nakayakap at nakahawak sa yo kagabi. 

Napatingin naman si Bea sa akin.

Bea :  Akala ko ba hindi mo ako nakita kagabi?

Louisse :  Nakita kita agad pagpasok nyo sa venue.  Di na lang kita nilapitan kasi mukhang nag e enjoy ka naman.  Panay nga tawa mo, e!

Bea :  Sana linapitan mo ako.

Louisse :  Akala ko ba crush mo ko.  Bakit ang sweet sweet mo sa kanya?

Bea :  Hindi, a!  Sya lang ang sweet sa akin.  Nahihiya naman ako na iwasan sya tsaka sya nag invite sa akin don.

Kinurot ko ang tagiliran nya.

Bea :  Ikaw lang ang crush ko.  Wala ng iba.

Napangiti ako don, a!  Namumula yata ang pisngi ko.  Ang init, e!

Louisse :  Promise na ako lang ang crush mo?

Bea :  Promise. 

I kiss her cheeks at hinalikan nya ulit ko sa noo ko. 

She hugs me tight. And niyakap ko rin sya ng napaka higpit.

Wala naman talaga akong sakit.

Napangiti ako.






You are reading the story above: TeenFic.Net

#jhobea