Prologue

Background color
Font
Font size
Line height

MUST READ!
PANGIT PO ANG ISTORYA. KAYA NAMAN KUNG AYAW MO AY IDROP NA LANG PO ANG BOOK. MAY IBANG STORY PA AKO SA TIMELINE KO NA MAS MAAYOS AT KAAYA-AYA. SA MGA PERFECTIONIST HINDI ITO ANG STORY NA PARA SAYO.

******

Sa mundong puno ng kaguluhan, mga kalalakihang nagkalat ang kanilang makamundong pananaw. Wala na yata akong pag-asa na makakahanap pa ako nang lalaki na magmamahal sa'kin. Gaya ng mga binabasa at ginagawa kong mga istorya, parang k'wento- k'wento na lang din siguro ang mga matitinong lalaki.

Nasa tuktok kami ng building, isang kompanya na pag-aari ng kaibigan ko. Mula rito tanaw ko ang lawak ng Makati, kakatapos lang ng bagong taon pero nakipagkita agad sa'kin ang kaibigan ko. Hinahanap siguro sa'kin ang swerte niya sa taong ito or baka ako ang bigyan niya ng swerte sa mga lalaki.

Sa lakas ng boses ni Cy talagang mapapatakip ka ng tenga lalo na sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Nabuksan na naman ang topic na ayokong naririnig talaga. Paulit-ulit na lang kasi wala naman ding magbabago.

"Sa ating magkakaibigan, ikaw na lang walang asawa, Heaven. Scratch that WALANG JOWA!" gigil sa sermon ni Cy. "Tigilan mo na ang pagiging bitter, dahil tatanda kang dalaga." dagdag pa nito.

Nakahiga ito sa sun lounger katabi ng kinahihigaan ko. Masama ang tingin nito sa akin. Tuwing nagkikita o kaya nagkakausap kaming magkakaibigan, 'yan ang lagi nilang sinasabi sa'kin. Madalas sermon ang bungad nila sa'kin. Ano bang masama sa pagiging NBSB? O kaya anong masama sa pagiging single? I guess?

"Paano mo naman nasabi na bitter ako?" natatawang tanong ko.

"Crazy Heaven, gusto mo ba talaga isa-isahin ko? Naalala mo yung binato mo yung couple na ang bagal maglakad sa harap natin? Naalala mo yung sumigaw ka ng walang poreber sa people's park ng puno couple? At-"

"Hep, tama na, oo na." natatawang sabi ko. "Hindi naman sa bitter ako, Cy. Sadyang hindi ko pa nakikita ang taong gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. I mean if ever man na magkaboyfriend ako gusto ko sya na, hindi yung sasagotin ko sya dahil lang napipressure ako, I want my first boyfriend to be my future too." pagdadahilan ko habang nakatanaw sa mga bituin.

"Kamo, ang sabihin mo QUEEN OF BITTERNESS KA! kung matino ka ba namang tao e ang hilig mo sa ampalaya, kaya ayan!" panenermon nya habang masama parin ang tingin sa'kin.

Ito na naman po kami sa mga lintaya nya, ayoko pang mag-asawa at higit sa lahat ayoko ko pa magboyfriend dahil ayoko pang masaktan, period. Isa pa masarap naman talaga ang ampalaya.

"Tsk, wag ka ngang maingay! Ihuhulog kita dyan e. Saka hindi naman totoo yang love, love, na yan." depensa ko bago sya inismiran.

Ang kulit kasi ng lola mo palibhasa sigurado na sya sa boyfriend nya. Di naman talaga ako bitter pag-wattpad boys ang pinaguusapan. Dream ko na makahanap ng lalaki na katulad ng mga nababasa ko. Hindi gwapo, kundi kayang magmahal ng totoo, iyon ang gusto ko. Pero ibang usapan pag mga impaktong lalaki ang pinaguusapan.

"Takot ka lang masaktan at mag-commit.... pag ikaw na inlove tatawanan talaga kita." naghahamon nitong sabi, bago itinuon ang pansin sa langit.

Natawa ako sa sinabi nya, ako maiinlove magaampon na lang ako para may magmana ng mga ari-arian ko. Saan ba kasi ako makakahanap ng lalaking matino?

"You're joking, Cyre.... nice joke, magdilang demonyo ka." natatawang sabi ko habang umiiling

"Mainlove ka sanang bruha ka bago matapos ang taon." seryosong sabi nya.

"Let's see, at pag natapos ang taon at 27 years old na ako and still NBSB parin ako, sagot mo lahat ng expenses ko papuntang korea!" napaupo ako at pumuwesto paharap sa kanya. Agad naman syang bumaling sakin.

"Deal, don't fall in love before year end...." nakangising sabi nito para bang sigurado sya na magkakaruon ako ng jowa this year na napakaimpossible. "I have this gut feeling that this year, your love life will bloom." natatawang sabi nito, actually mala-demonyong tawa. Umaksyon pa ito na parang sumasamba sa langit.

Napangiwi na lang ako bago nahiga at pinagmasdan ulit ang mga bituin. Katahimikan ang bumalot samin, kahit tahimik hindi awkward sa pakiramdam. I'm still waiting for the right person, and I'm still need to ready myself from the pain and chaos...


You are reading the story above: TeenFic.Net