CHAPTER 14

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 14

Walang magpapakarupok, Allyna. Wala! Ipakita mo kung sino ka. Iignore mo siya.

"Love." tawag niya sakin sa mahina at malambing na boses.

Tanginang malambing. Anong malambing? Walang malambing!

"Kzoebe, baby?"

Tupang ina talaga.

"Sus, mas lambingan mo pa, Lorenzo. Marupok yan." napalingon ako kay Celestine sa sinabi niya.

"Tumigil na kayo." seryosong usal ko pero tinawanan lang nila ako. Can't they see that I'm serious here? Fuck!

"Hanapin mo ang kiliti." dagdag naman ni Laureen.

"Just kiss and make up already. Ako ang pinapahirapan niyo eh." sambit naman ni Estella.

I'm thankful because Shaundice didn't add anything and just observed my reaction. Nagtawanan pa sila kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko kundi tumayo at lumabas ng kwarto.

Gulong gulo nako. Punong-puno nako. Padabog akong naglakad pababa ng hagdan hanggang sa makaabot ako sa may garden, sa mga alagang bulaklak noon ni Mommy na hanggang ngayon ay pinapaalagaan pa rin.

I heaved a deep breath as I control my emotions from bursting out. Pero hindi pa man ako nakakapagrelax man lang ng sarili ko ay may tumawag na sakin sa aking likuran.

"Kzoebe, let's talk."

Salubong ang kilay ko nang harapin ko siya at ayon na naman ang marupok kong puso nang magkasalubong ang mga mata namin.

"Talk? Sige, pag-usapan na natin 'to, nang matapos na ang kaguluhan sa isip ko." humalukipkip ako sa kanyang harapan habang siya naman ay bumuga ng marahas na hininga.

"Why do you keep ignoring me? For more than a month, hindi mo ako pinapansin? I, at least, need a reason why you're suddenly ignoring me." parang frustrated niya pang usal.

I don't exactly get why he's getting frustrated eh pabor pa nga ito sa kanya. He can do whatever he wants, he can date whomever he wants.

"Why? Our deal is off. Ayoko na magpanggap, Lorenzo. Nakakapagod din pala kahit wala namang katotohanan yung mga pinaggagagawa natin." and for that moment, I tried so hard not to breakdown in front of him.

"Off?"

"Nakakapagod na. Nakakapagod na ang mga mixed signals mo." Pero sabagay, it's my fault. Bakit ko ba naman bibigyan ng meaning yung ginagawa mo, eh pagpapanggap lang naman natin 'to?

Gustong gusto kong idagdag iyon pero hindi ko magawa. Para na rin akong umamin.

"Kzoebe."

"You know what? I even saw you talking with Ayessa."

"What do you mean?"

"Sa Kiosk? I saw you two talking. But don't worry, I gave you two privacy, I didn't finish eavesdropping because that would have been so rude. So there, at that very moment, tinapos ko na ang lahat sa'tin. Oh, wait. Wala naman palang namamagitan sa'tin." parang tanga pa akong tumawa pero sa kaloob-looban ko ay nagpipigil na akong umiyak kaya iniwas ko ang tingin ko.

"Nagseselos ka ba?" napalingon ako bigla pabalik sa kanya dahil sa biglaan niyang tanong.

"Ako?! Nagseselos?" tanong ko at tinuro pa ang sarili bago tumawa ng malakas. "Bakit naman ako magseselos? May karapatan ba ako?" sarkastikong sagot ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"Oo." nagulat ako sa isinagot niya kaya natameme ako. Did he just say oo? "You have every right to be jealous, Kzoebe." he started walking towards me but I'm rooted in my place, trying to sink in his words in my head. "Alright, I agree with you. Let's end this."

"A-anong sabi mo?" parang nabingi ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagkamali lang ba ako ng dinig, o lumutang na sa space ang utak ko.

"Ang pagpapanggap natin. Let's end it." hindi ako makasagot dahil natatameme ako habang nakatingin sa kayumanggi niyang mata na diretso at mainit na nakatingin sakin. "Let's stop pretending, but from now on, I'll make you mine. Officially mine."










"ACKKKKK!!!!" napatakip ako ng tainga dahil sa sigaw ng mga kaibigan ko nang marinig ang kwento tungkol sa usapan namin ni Lorenzo sa may garden.

"Hinaan niyo naman ang boses niyo. Nakakabingi eh." nababanas na sambit ko at niyakap ang teddy bear na nasa tabi ko.

"So ... anong sagot mo?" inilapit nilang apat ang mga mukha nila sakin na para bang hinihintay ang sagot ko kaya tiningnan ko muna sila isa isa habang inaalala ang naging sagot ko sa sinabi ni Lorenzo kanina.

"Wala." simpleng sagot ko lang.

"ANO?!" sabay sabay na react nila kaya napangiwi nalang ako.

"Anong wala?"

"Bakit wala?"

"Panong wala?"

Sunod sunod ang mga tanong nila kaya naman nagsalubong din ang kilay ko sa kakatadtad nila sakin ng tanong.

"Eh, sa wala. Anong magagawa niyo?"

"Bakit kasi wala?" frustrated na tanong ni Laureen na mukha pa namang nag-aabang sa chismis.

"Gago, ano naman ang isasagot ko sa kanya?"

"Edi sana sinabi mo na gusto mo din siya." usal ni Shaundice na ikinaharap ko sa kanya.

"Parang mga tanga. Pustahan, iiyak 'to dahil dyan." segunda ni Celestine.

"Luh? Iyak agad? Hindi ko siya gusto, 'no." agad na depensa ko sa sarili.

"Sus, pero nagseselos 'pag may kasama siyang iba." dagdag pa ni Celestine na agad kong inismiran.

"Selos sayo. Ewan ko sainyo. Inaantok ako, matutulog ako."

"Hayaan niyo na, nasa in-denial stage na ang dalagita."

I didn't bother listening to them. Puro lang naman pang-aasar ang pinagsasabi nila sakin, well except Celestine na palaging sinasabi na iiyakan ko lang daw si Lorenzo— which is not true anyway.





"WASSUP!! Everybody!" nagising ako bigla sa mahimbing kong idlip sa loob ng classroom sa sigaw ng isang kaklase ko.

Sarap ng tulog ko, biglang may istorbo.

Sinubukan ko ulit na bumalik sa pagtulog na nagawa ko naman habang wala pa ang teacher pero kalaunan ay nagising din ako sa mahihinang boses.

"Gisingin mo na kasi 'yan. Parating na daw si Ma'am."

"Mamaya na. Pagod eh."

"Jusko naman, pareho kayong mapapagalitan, that's PDA."

"We are not doing anything. Tulog lang yung tao."

Natigil ang pagbabangayan ng kung sino nang ako na mismo ang kusang bumangon. Nakahiga kasi ako sa apat na magkakahilerang monoblock sa may bandang likod para bwelo.

Ang ingay ng magpinsan na 'to

"Ingay mo kasi." tiningnan ng masama ni Lorenzo si Estella pero hindi man lang ito tumiklop, sa halip ay binatukan pa ang isa.

"Bwesit ka. Nililigtas na nga kayo. Haharot niyo." pagtataray ni Estella saka kami tinalikuran at lumabas na para bumalik sa room nila. Mukhang dito na naman tumambay kanina.

Ako naman ang binalingan ng tingin ni Lorenzo kaya agad ko siyang pinagtaasan ng kilay
"Allowed pa naman akong umupo dito, right." parang nag-aalangang sambit niya pa habang nagkakamot ng batok.

"Bawal." simpleng sagot ko bago mag-unat at humikab.

Pagod na pagod na talaga ako pero wala akong magawa. Hindi ako pwedeng magreklamo. In fact, being in that company gives me an advantage to something that I almost forgot.

Nagulat ako at nahila mula sa malalim na pag-iisip nang may humawi sa buhok ko. Nakita ko ang matiim na tingin sakin diretso sa mata ni Lorenzo bago niya ayusin ang buhok ko.

Hindi ko siya mapigilan dahil ako mismo ang natigilan. Kahit na nang tumayo siya upang tumayo sa likuran ko ay nakaestatwa pa rin ako.

What change of mind?

Ano na naman kaya ang nakain ng bwesit na 'to at bumalik na naman sa pagiging sweet sa akin. Pagkatapos ng usapan namin sa garden na tapos na ang pagpapanggap namin, hindi man lang siya nagchat o tumawag, tapos biglang manggaganito? Pukpok ko kaya sa pader ang ulo nito?

Itinali niya sa high ponytail ang buhok ko kahit na may naglaglagan pa rin na konting baby hair sa may harap ng mukha ko. Pagkaupo ay hinawi niya ito at tiningnan ako ulit.

"It's not neat but I'll learn. Ang aliwalas tingnan ng mukha mo kapag nakatali ka."

I was stunned by his words pero hindi ko ipinahalata dahil buti nalang may anghel—kahit na demonyo talaga—na kaklase namin ang sumingit sa usapan.

"Yiee! Bati na ulit sila. Mahaba-habang LQ ang nangyari sainyo, ah?" sambit ng kaklase naming si Odessa na akala mo naman ay close samin.

Inirapan ko lang siya kaya siguro ay nakaramdam ang bruha na ayaw kong kinakausap niya ako. Nawala ang plastic na ngiti sa kanyang labi at kapagkuwa'y inirapan din ako.

Plastic biatch.

Kaya hindi kami magkasundo, eh. Bobo na nga, plastic na bida bida pa.

Para makaiwas sa issue na nagbalikan na raw kami ni Lorenzo, tumayo nalang ako para lumipat ng mauupuan kung saan hindi siya makakatabi sakin.

Bwesit na gagong iyon.


You are reading the story above: TeenFic.Net