SFIL : (75)

Background color
Font
Font size
Line height

-Is this true?-

Kheanna's POV

Naiwan ako na lutang sa hotel dahil sa sinabi ni khurt.

Napatingin ako sa salamin at tinapik nang mahina ang muka kong sobrang namumula na.

"Chill out kheanna, kd is just kidding." Pagpapakalma ko sa sarili ko.

Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon at may kakaibang bilis nang pagtibok ng puso akong naramdaman.

Kukunin ko sana ang phone ko para tanungin kung nasaan na siya pero nagulat ako sa katok sa pinto ko.

Lumapit ako doon at nang buksan ko ito...

"Couz!!!" Sumalubong saakin ang mahigpit na yakap ng dalawa kong pinsan.

"I miss you! Grabe!"

Sobrang saya ko nang makita sila.

Inalok nila ako na maglakad sa seashore,malayo ito sa kung asaan ang resort's hotel and cottages kaya mukang mapapahaba ang kwentuhan namin.

I missed this 2 so much.

Nagkamustahan lang kami at nagkwentuhan pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni kd at ang reaksyon niya ng nakabikini ako.

Napahawak ako sa tali ng robe ko at napayuko.

Jeez.

"Dito tayo!" Sabi ni sab at naunang umupo sa isang baldachin na malapit sa beach.

I need to divert my attention. Umupo na rin ako sa tabi niya.

"How are you,girls? How's your stay here in the Philippines?" Tanong ko para magkaroon na kami ng topic at hindi ko na maisip pa yung kanina.

"Hmm, masaya pero stressing ang nagdaang taon! Grabe! Nakakapagod pala talaga kapag graduating as college student noh? pero look... graduate na tayo!" Irit ni hannah kaya napatango ako.

"What's your plan? Couz?" Tanong ni sab.

"Hmm, i'm about to handle our company. Kayo ba?"

"Ako rin ata ang maghahandle ng company namin sa australia." Sabi ni sab at tumango ako.

Tiningnan ko naman si hannah.

"Maybe owning a fashion boutique?" Kibit-balikat niyang sagot kaya napangiti ako.

I already visualized it before. Mahilig siya sa fashion at oo nga, tama ako. Magtatayo na rin siya ngayon ng sarili niyang boutique and i know it will click.

"By the way kheanna, you look so good with short hair!" Napangiti ako.

"Ganun ba couz? Naisip ko kasi na magpagupit para maiba naman."

Tiningnan ko sila pagkatapos kong sabihin iyon. Napansin kong mahaba na ang buhok ni hannah na umaabot sa hips nito samantalang si issabel naman ay kulot ang buhok na maikli. Walang nagbago magaganda pa rin, kung meron man...mas gumanda pa.

"Hmm. Bagay naman sayo ang long hair. We're gorgeous whatever style we wear." Sabi ni sab.

"Tumpak!" Nag-apiran sila ni hannah at biglang may kuminang sa mga kamay nila na nakaagaw ng pansin ko.

"Y-yah." Mahina kong sambit at tiningnan nila ako na parang nagtataka.

"What's that? Sa fingers niyo." I pouted.

"Ring?" Sabay nilang sagot.

"I know,i know. Pero ano yan? What's the meaning of that? May hindi kayo sinasabi saakin." Natawa si sab at pinakita ang daliri niya.

"Oh this? I bought this one! this is Hanny winston's." Tumawa siya at parang inaasar na tininingnan si hannah .

"Iyang isa na yan ang tanungin mo." Sabi niya pa kaya tiningnan ko si hannah na pulang-pula na.

"Hmm? Hannah?"

"I-I'm enggaged with matt." Mahina niyang sabi na rason para manlaki ang mata ko.

"Oh my God! Totoo?" Tumango siya at pinakita saakin ang daliri niya.

Halos maitulak ko siya sa kilig.Hindi ko mapigilang maging masaya para sakanila. I knew it! Hannah and matt will end up together!

"Hay nako,couz! Hindi ko nga alam eh, basta ang alam ko mahal ko na." Nakangiting sabi ni hannah kaya napangiti ako.

Love really happens mysteriously and unexpectedly.

"You deserve that ring,hannah!" Sabi ko.

"Ashooo! Sana all!" Pang-aasar ni sab kaya natawa ako.

Sana all talaga.

"Kung tingnan naman ako nito, ikaw nga diyan eh!" Asar na sabi ni hannah kay sab.

"Ano ako?" Taas-kilay na tanong naman nito.

"Parang hindi mo pa sinagot si clyde!"

Napanganga ako sa narinig ko.

"Sinagot mo pa lang si clyde?"

"Oo." Iwas-tingin niyang sagot kaya mas lalong nanlaki ang mata ko.

"Ang tagal niya couz naghintay! Kinaya niya?"

Nakita ko ang pagngiti ni sab.

I can see heart-shaped eyes right now.

"Kinaya niya." Napailing na lang ako habang nakangiti.

Kapag mahal ka, mahihintay ka.

Nagkamustahan pa kami at nagkwentuhan. I checked my phone and i didn't saw any messages from kd. Nakakapagtaka.

Ano kayang ginagawa nun?

"Ahm couz. Puntahan ko lang muna si khurt." Tatayo na sana ako pero hinila nila ako at pinaupo ulit.

"May ikikwento pa ako eh." Sabi ni hannah.

"Mahal na mahal si khurt! Andiyan lang yun sa tabi-tabi!"

"Tama si sab! Hindi ka ipagpapalit non!" Natatawa ni hannah na sabi.

I smiled awkwardly. "Sige."

Umupo ako nang maayos sa baldachin kahit gustong-gusto ko nang puntahan si khurt.

Nagkwento ulit si hannah kung paano niya sinagot si matt kahit naikwento niya na iyon kanina.

"Tapos ayun...i said yes."

"Hmm! You're really in love hannah! Ahm, pwede ko na ba puntahan si kd?" Kamot-ulo kong sagot at tatayo na sana pero hinila nila ako ulit.

"Ako naman magkikwento!" Sabi ni sab kaya napangiti na lang ako nang tipid.

Kahit kating-kati na ang paa ko na puntahan si kd dahil wala pa siyang paramdam simula nang nagwalk out siya, nakinig na lang ako sa mga kwento nina sab.

Kung hindi lang kaming tatlo matagal na hindi nagkita iisipin ko talaga na they're acting weird today pero dahil nga apat na taon rin kaming hindi nagkita,

Siguro nga ay miss lang nila ako.

Hindi na rin kasi kami nagkausap noon dahil sa sobrang pagkabusy.

"4 years without kheanna is sad." Huminga nang malalim si sab.

"But we're so proud to see you moving on and glowing." Napangiti ako nang tipid at tiningnan sila.

Hannah is teary-eyed. Sab is smiling widely at ako? Hindi ko alam.

Masaya ako pero naiiyak rin.

"You've been through a lot and you overcame it. We're glad!"

"Kung wala naman kayo hindi ko kakayanin. " tumulo na ngang talaga ang luha ko nang sabihin ko iyon at naramdaman ko na lang ang pagyakap nila.

"Our kheanna is so strong" pagkatapos ng ilang segundong yakapan,humiwalay na rin kami at nagtawanan na lang.

May mga pangyayari talaga sa buhay natin na kapag binalikan natin at naalala wala na iyong sakit at mapapangiti na lang tayo sa kaisipang nakaya nating lagpasan ang hamon na iyon.

"Someone is getting married ano ba! Bakit ba nagdadrama tayo." Sabi ni sab na nagpupunas-luha habang natatawa.

Nanlaki ang mata ni hannah sa sinabi ni sab at natutop rin ni sab ang bibig niya na parang may maling nasabi. Nagtinginan silang dalawa bago nagsalita si sab ulit.

"I-Ikaw! Ikaw hannah! Ikakasal ka na kaya 'wag na tayong magdrama!" Tumawa siya nang malakas kaya natawa na lang din ako kahit para saakin wala namang nakakatawa doon.

Nakita ko na umilaw ang phone ni sab at nagtinginan sila ni hannah bago tumingin saakin.

"Balik na tayo,couz. Maggabi na oh." Napatingin ako sa tapos na ngang paglubog ng araw at sa paunti-unti na ring naglilitawan na mga bituin.

Narealize ko na tapos na pala ang isang araw.
I miss kd. Hindi kami nakapag-usap ngayon nang maayos.

Totoo pala na kapag mahal mo ang isang tao kahit palagi mong kasama hinding-hindi ka magsasawa.

Katulad ko, hindi na kmi mapaghiwalay ni kd simula pagkabata at lalo na nung nasa australia kami pero hanggang ngayon gusto ko siya pa rin kasama ko.

Wala eh,mahal ko.

Tumayo na ako,ganun rin sila at bumalik na sa resort.

Nag-alok ang dalawa kong pinsan na magswimming muna sa dagat at hindi ko na rin naman natanggihan.

Nagsimula na silang alisin ang furry robes nila at ganun rin ako, madilim naman na at kakaunti na ang tao.

Nang maalis ko na iyon, hindi ko pa
naiisawsaw ang paa ko sa tubig bigla na lang may kumarga saakin at patakbong dinala ako sa dagat.

"H-hoy!---"

Hindi pa ako tapos magsalita naramdaman ko na ang paglubog ng katawan ko sa tubig.

Sabay kaming lumubog at pag-angat ko nakita ko ang nakangiting muka niya. Basa na rin siya syempre.

Naiinis ako sa panggugulat niya pero natutuwa rin naman ako na nasa harap ko siya ngayon. He's the only one who can make me feel this way.

Na kahit naiinis,natutuwa at masaya dahil andiyan siya.

"Nangugulat ka naman kd!" Pinalo ko siya nang marahan.

"Sorry." Malawak na ngiti niyang sabi.

"Eh bakit ka ba kasi---"

*tsup*

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"Sorry ulit." Nang-aasar ang mga tingin niya.

"Hoy! Nagnanakaw ka ng---"

*tsup*

Napapikit ako sa pagdampi ng labi niya sa labi ko sa pangalawang pagkakataon.

Nagulat ako pero hindi ko mapagkakaila na gusto ko itong nararamdaman ko.

Hindi lang isang segundo ang halik na ito at parang may nagwawala na kung ano sa tiyan ko habang nakadampi pa rin ang labi niya sa labi ko.

Kasabay ng ritmo ng puso ko ay ang paghalik ko pabalik sa mga labi niya.

Hindi ko alam, i just feel the urge of kissing him back.

I never felt this kind of feeling before. Yung ganito kabilis na pagtibok habang ginagawa ang bagay na ito? Kakaiba. iba ito sa nauna.

Nang matapos ang halik na iyon ay tiningnan niya ako.

Parang natutunaw ako sa mga titig niya at isa pa, ang ganda ng mata niya.

The brightness of the moon is reflecting on his eyes and It's melting me softly. Nanghihina ang tuhod ko sa kung paano niya ako titigan.

Bumaba ang tingin ko patungo sa ilong niya at pababa--sa labi niya.

Namumula ito at napayuko ako.

Sinagot ko ang halik niyang iyon kanina.

Nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at iniangat iyon para magkasalubong ang titig namin.

Sobrang lapit niya saakin. Akala ko hahalikan niya ako ulit pero nagulat ako sa pagkanta niya.

"105 is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do."

Napakunot noo ako at nagtaka.

"Kd." Sabi ko pero ngumiti lang siya at kumanta ulit.

Nakalubog ang kalahati ng katawan namin sa tubig at hindi ko man maintindihan ang pagkanta niya ngayon sa oras na ito, hinayaan ko na lang siya dahil gusto ko rin naman.

Minsan gugulatin ka niya talaga sa mga sweet acts niya at yun yung tipo na hindi mo makakalimutan kailanman.

Katulad nito,

Biglaan ang pagkanta niya at oo, ang ganda ng boses niya. Malalamig ang mga ito pero nagbibigay ito ng init sa puso ko.

"And you know one of these days when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
Will forever be enough, so there ain't no need to rush
But one day, I won't be able to ask you loud enough"

Nakita ko ang luhang nagmula sa mata niya at paghinga nang malalim bago kinanta ang mga sumunod na linyang nakapagpaluha rin saakin.

"I'll say will you marry me
I swear that I will mean it
I'll say will you marry me"

"K-khurt." Lumapit siya para punasan ang luha ko pero hindi siya tumigil sa pagkanta.

"How many girls in the world can make me feel like this?
Baby I don't ever plan to find out
The more I look, the more I find the reasons why
You're the love of my life"

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko at hinayaang humikbi.

Ibang saya ang nararamdaman ko ngayon pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Totoo ba ito?

"You know one of these days when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
Will forever be enough, so there ain't no need to rush
But one day, I won't be able to ask you loud enough..." hinalikan niya muna ang noo ko bago kumanta ulit at sa pagkakataong ito mas lalong luminaw ang lahat saakin.

"Kd, will you marry me
I swear that I will mean it
I'll say will you marry me"

Mas lalong nagwala ang puso ko nang ilagay niya ang pangalan o ang palayaw naming dalawa sa kanta na iyon.

Walang boses na lumalabas sa bibig ko. Batid kong hindi pa rin naman siya tapos kumanta at sa mga oras na ito gusto ko pang marinig ang boses niya na kinakanta ito saakin. Hinayaan ko munang tumulo ang luha ko sa tuwa.

"And if I lost everything
In my heart it means nothing
'Cause I have you, girl I have you
So get right down on bended knee
Nothing else would ever be
Better, better
The day when I say..."

Akala ko tatapusin niya ang kanta pero hindi dahil bigla siyang lumubog sa tubig.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero lumubog rin ako para hanapin siya kahit madilim na at natatanging ilaw lang galing sa buwan ang ilaw namin.

Pero bigo ako, wala siya.

May lahi ba yong shokoy? Ang bilis niyang lumangoy.

Umangat ako at nagulat ako sa sumalubong saakin.

Isang pulang maliit na kahon na hawak niya.

"Kd,Will you marry me
I swear that I will mean it
I'll say will you marry me
I'll say will you marry me
I swear that I will mean it
I'll say will you marry me." Malamig ang boses niyang kanta at dahan-dahang binuksan ang kahon at sumalubong saakin ang kumikintab na diyamante.

"Oh Would you marry me baby" kanta niya pa at nakita ko na lumuha siya habang nakangiti na at humawi sa kung nasaan siya.

Sumalubong saakin sina mom and dad, tito and tita, ang pinsan ko, barkada niya na nasa buhangin at nakangiting nanunood saamin.

"105 is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do" kanta niya sa mga huling linya kaya naiyak ako lalo.

"I-is this true?" Hindi ko mapaniwalang tanong.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagtanong siya pabalik.

Mga tanong na rason para mapangiti ako at mapakagat labi.

"Kheanna. Dhanielle. Shen. Perez. Kd...Baby, will you marry me?"Sabi niya pa.

Tumingin ako sa kumakaway na sina mom at sa nakathumbs-up na kamay ni dad.

Damn.

Sobrang bilis ng tibok ng puso.

"K-kd,"

"Hmm?"

"khurt..."

"baby," dagdag ko pa at nakita ko ang paglaki ng mata niya dahil sa unang pagkakataon tinawag ko siyang baby.

"Yes. Oo."

Hindi ko na namalayan ang reactin niya dahil nagulat na lang ako. Kinulong niya na ako sa bisig niya.

"I love you,kheanna."

"I love you too,kd."

Sinuot niya saakin ang kumikintab na singsing at kasabay nun ay narinig ko ang hiyawan nina mom and dad at ng ibang nanunood saamin.

I guess this is it.

My dream, the dream.

I am now marrying my bestfriend.

I'm now enggaged with my kd.









A/N:
Song-Marry me by jason derulo.

Epilogue na ang sunod. Shemayyy!!! Thank you guys! I love you all!๐Ÿ’“

You are reading the story above: TeenFic.Net