SFIL : (49)

Background color
Font
Font size
Line height

-Confused,Yes or No-

Kheanna's POV

Lumuluha akong pinagmasdan si kd palayo saakin.

Bakit ganito? Pakiramdam ko mawawala ka saakin kd? Bakit pakiramdam ko iiwan mo ako?

Napasilip ako sa mga taong nasa palibot ko at lahat sila ay nakatingin saakin.

"Paging kheanna dhaniella shen prez,please come infront." pag-uulit pa ng speaker.

Napakunot noo naman ako habang lumuluha pa rin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kakaiba ngayon.

Kinakabahan ako.

Lahat ng sinabi saakin ni kd ay nagpapaulit-ulit pa rin sa pandinig ko pero ano to? Bat may patawag tawag pa saakin?

"Sige na kheanna!" sigaw ng ibang tao.

"Dalian mo na kheanna hihi"

"Go on. Napuputol ang party dahil sakanya"

"My God iba ang pakiramdam ko dito! Sige na kheanna dali!"

"Bilis na kheanna" sigawan naman ng ibang barkada ni james na katapat lang  pala ng table namin. Napangiti na lang ako nang pilit.

Ano bang meron at ganito sila magsi-asta? Na para bang lahat sila ay gustong-gusto na akong papuntahin sa unahan.

Sinilip ko pa ang dinaanan ni kd at kahit nalulungkot ako ay naglakad na ako papunta sa unahan.

Napupuno ang utak ko ng napakaraming isipin. Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko sa mga narinig ko galing kay kd.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang umalis? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong iwan? Ang alam ko lang ay naguguluhan ako sa nangyayari. LAHAT.

Gusto ko siyang yakapin na lang nang magdamag at pakiramdaman ang mga bisig niya saakin habang sumasayaw kami sa kanta kasabay ng tibok ng puso ko... Na hindi man tulad noon sing-bilis kapag andyan siya ay siya pa rin naman minsan ang nagiging kasiyahan ko.

Mahal ko sya pero bilang isang kaibigan na lang talaga.Gusto ko pa ring ramdamin ang yakap ng bestfriend ko dahil sa paraang yun ramdam kong mahal na mahal niya ako.

Pero lahat naputol nang MAGPAALAM siya saakin.

Hindi ko alam. Pakiramdam ko mawawala siya saakin. Pakiramdam ko ay kakalimutan niya na ako. Lahat ng sinabi nya saakin... Lahat ay nag-iwan ng kalungkutan sa pagkatao ko. Hindi ko maintindihan kung bat ganto?

Makita ko pa lang ang mata niyang lumuluha para ng pinipiga ang puso ko.


Nakita ko ang malungkot niyang ngiti kanina at nasasaktan ako. Ang mga salitang binibitawan niya ay tagos lahat sa puso ko na para bang dapat ay hindi ko kailanman kalimutan.

Nakakapagtaka pero bakit parang mawawala saakin ang bestfriend ko?

Naglakad na ako papunta sa unahan... Kahit na hindi ko alam kung anong rason.

May namumuong pagtataka sakin kung bakit ako tinatawag sa unahan? Bakit kailangan akong i-page? At bakit habang sinasabi ni kd kanina na pumunta na ako sa unahan ay may malawak na siyang ngiti.
Pero para saakin kulang ang ngiti niyang yun para pagtakpan ang kalungkutan niya. Sapat na ang mga mata niya para sabihin ang katotohanang NASASAKTAN sya.

Naglakad ako paunahan kahit pakiramdam ko nanghihina ako. Wala na akong lakas pero dahil sa sinabi ni kd... Nagkaroon ako ng lakas ng loob.

"Kamahalan..." nagtaasan ang balahibo ko nang mapakinggan ko ang boses na yun sa speaker.

Mas lalong nagmadali akong maglakad papunta sa unahan.

Agad kong iginala ang ulo ko sa palibot at hinanap ang boses na yun pero bigo ako.

Wala sya.

Nang makarating ako sa unahan ay nagulat ako sa nakita ko.

"Ano to?" mahinang bulong  ko sa sarili ko. Kita ko na rin ang mga nagngingitian na tao.

Napaluha na lang ako nang makita ang red carpet papuntang isang room na pinuno ng nagkakalatang petals of blue roses.

My favorite rose. My Gosh!

Napahawak ako sa bibig ko nang makita ko dun ang mga bulaklak at kandila na nakaheart shape. Sa gitna ay may nakadikit na isang malaking heart marami ring mga naka-hang na heart shaped letters at napupuno ng lights ang buong room. May mga nakahang din na picture ko na stolen?

"My God,what is this?" naluluha na talaga ako.

Ito na ba? Ito na ba yung sinasabi ni kd na pinapalaya niya na ako at magpaparaya na sya.

*Playing:Mahal na Mahal by Sam concepcion*

Nailibot ko ang paningin ko nang may marinig akong isang instrumental na tugtog.

"Kung may taong dapat na mahalin ay wala ng iba kundi ikaw...." nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ko yung boses na yun na kumakanta.

"J-jam" napaharap ako at dun ko siya nakita na napakapogi sa black niyang tuxedo with his messy hair habang naglalakad papalapit saakin ng may hawak na bouquet of blue roses.

"Binuhay mong
muli ang takbo
at tibok ng puso
saiyong pagmamahal.
Ang buhay ko'y muling nag-iba.
Napuno ng sayaaa.

Napaluha na lang ako dahil sa pagkanta nya.

Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong sumimangot dahil sa naguguluhan ako pero salungat ang ginagawa ng katawan ko.

Walang lumalabas na boses sa bibig ko at para bang umurong ang dila ko nang makita ko siya habang kumakanta.

Hindi ko magawang sumimangot dahil luha lang ako nang luha ng hindi ko malaman ang dahilan.

Pero isa lang ang alam ko.. Masaya ako na nakikita ko siya ngayon at ito...masaya ako dito.

Yung saya na parang hindi ko na hihilingin pang umalis sa lugar na to. Ang marinig ko pa nga lang ang boses niya kanina ay sobra na ang tuwa ko. Ngayon pa kaya? Na makita ko siyang nasa harapan ko habang kinakantahan ako.

"Sa lahat...
Di maari,di maaring iwan. Wala ng makakapigil
kahit na anuman
Paano kung ikaw na mismo kusang lilisan... Paano na?"

Patuloy siya sa pagkanta kaya napangiti ako.

Bakit ganito ka james? Bakit ganito ang pinaparamdam mo sakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Hindi mo alam kung paano mo ko napapasaya ngayon

Ito na ba ang sinasabi ni kd na gusto niya akong makitang masaya?

Dahil oo kd... masaya ako ngayon.

Pero nalulungkot din naman ako.

Oo masaya ako pero kasi ang kapalit ng kasiyahang kong to ay ang sakit na mararamdaman mo.

At masakit din yun para sakin.

Napailing na lang ako dahil naguguluhan pa rin ako.

Bakit ba ang bait ng bestfriend ko,para sa kasiyahan ko nagparaya siya.

At bakit kailangan nyang mang-iwan?

Naluha na lang ulit ako.

Napakamapaglarong pagibig.

Napatingin naman ako kay james habang kumakanta.

"Yan lang ang maari nating matatanggap... Habang ako'y may buhay.."

Oo ikaw na ang nakakaparamdam saakin ng dating nararamdaman ko kay kd.

At salamat.

Dahil kahit ilang beses na kitang sinukuan at kahit ilang beses ko ng sinabi na hindi ikaw ang mahal ko hindi ka pa rin bumitaw.

Salamat.

At dahil doon. Dahil sa hindi niya pagsuko. Dahil sa pagpaparamdam niya saakin  ng pagmamahal ito ako ngayon....

Nakangiting nakatingin sakanya.

'Oo ikaw... Ikaw na pala ang mahal ko.'

"Mahal na mahal kita... Higit pa sa iniisip mo." kanta niya pa sa huling linya at lumapit na siya saakin.

"J-james"

"Why are you crying, kamahalan?"

"Eh kasi...." pinalo ko siya sa braso.

"Hahaha shh.Akala mo hindi ako aattend noh?"  niyakap niya ako kaya naman sobrang nagtalunan nanaman ang puso ko.

"Oo.. Akala ko hindi ka talaga aattend. Kainis!"

"Hahaha pwede ba naman yun? Hindi ko mapapalagpas  'to kheanna dahil alam ko na ikaw ang pinakamaganda sa gabing to at masaya akong ipagmamalaki sa lahat na ikaw ang mahal ko." napangiti na lang ako sa sinabi nya.

"Alam mo ba na sobrang saya ko ngayon dahil dito?" sabi ko sakanya.

"Talaga? Nagustuhan mo?"

"Oo! Sinong hindi! Ang ganda-ganda nitong room oh! Tapos magugulat pa ako na makikita kita dito na may pakanta-kanta pa habang nakatuxedo." Yumuko ako.

"Ang pogi mo!" Mahinang sambit ko pa.

"Haha! Syempre kailangan kong magpapogi!"

Napahinga naman ako nang malalim.

"Sa oras na 'to hihiling ako saiyo, pakinggan mo at sana tuparin mo. Unang hiling, wag mo naman sana akong pigilan na  mahalin ka,pwede ba yun? Pangalawang hiling, hayaan mo akong patunayan sayo na mahal kitang talaga at Pangatlong hiling, sana... umaaasa pa rin ako na balang araw masuklian mo ang pagmamahal ko saiyo."

"J-James bakit?"

"anong bakit? Kheanna, mahal kita."

"Alam ko... Pero bakit? Bakit may ganto? Ano to--"

Napapikit ako sa biglang pagsabog na narinig ko.

Pagbukas ko ng mata, sumabog pala ang malaking heart balloon na nakasabit at may conffetti pa.

May smoke effect pa kaya napatakip ako ng mata at pagbukas ko ng mata ko ay nakita ko ang apat na lalakeng nakatalikod saakin.

"J-james?"

Walang sumagot saakin at bigla na lang lumapit saakin ang isang lalake

"brian?"

"hehehe. Oh!sana naman payagan mo yun. Mababaliw yun kapag nawala ka sa buhay niya. " sabi niya nang tumatawa at inabutan ako ng blue rose na may nakadikit na papel sa stem at may nakasulat na.

'Can'

"Hi kheanna"

"Oh xian! Ikaw din?"

"Haha syempre naman! Uy! Hindi ako oa magreact gaya nun ni brian may sira yun sa ulo pero oo sana payagan mo na si james." inabot niya rin saakin ang rose na may nakasulat na.

'You'

"Payagan???----uy ano..." hindi ko pa naituloy ang sasabihin ko nang may lumapit nanaman saakin.

Felics.

"Hep! Ako naman. Kheanna crush kita eh! pero dahil treat daw ni james ang lunch namin bukas sige, magpaparaya na ako. Payagan mo yun kasi baka mag-iba ang mood nun hindi kami malibre nun"

"So ako may kasalanan?"

"Hahaha oo. Hahaha Joke. Eh kasi grounded ako wala akong allowance kina mommy! Kaya dapat ilibre kami nun ng lunch----- ah eh----Pero oo basta payagan mo yun!" napakamot ulo siya bago inabot niya saakin ang rose na may nakasulat na.

'Be'

Nanlaki ang mata ko sa binasa ko.

My God!

"Uy!!!teka----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may sumingit nanaman

"Op! Ako naman"

"Hans."

"Namanz! Hindi pwedeng wala ang kapogian ko! Oo payagan mo yun kasi kapag hindi mo yun pinayagan ahm... Basta payagan mo haha"

'Mine' Basa ko sa last rose na inabot ni hans.

Binasa ko ng buo...

CAN YOU BE MINE?

Napalingon ako sa likod at dun ko nakita ang malaking heart na sumabog kanina, napalitan na ito ng isang napakagandang lightings na  nakashaped letters  na CAN YOU BE MINE ang nakalagay.

"Kheanna.Dhaniella. Shen. Perez, Can you be mine?"

Boses ni james sa likod ko.

Hindi pa ako nakakarecover kaya napanganga pa akong tiningnan ang palibot. Bago ko siya hinarap...

Totoo ba to? O nanaginip lang ako?

"H-hey... Nagustuhan mo ba?"

"James..." lumapit ako sakanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Kainis ka naman eh!"

"Bakit? Hahaha"

"May pasurprise-surprise ka pa!" pinunasan niya ang luha ko.

"Mahal kasi kita kheanna  at sana hayaan mo pa akong mapatunayan na mahal talaga kita. Araw-araw kitang liligawan. Hindi kita sasaktan. Pakiusap...akin ka na lang."


Nakita ko ang mapupungay niyang mga mata.

"Whatever your answer is and if ever this will end up as rejection..Hindi pa rin ako titigil. I'll make you believe that my love is true and YOU HAVE NO CHOICE,DARLING" malamig niyang bulong saakin habang yakap ako kaya nagtaasan ang balahibo ko at parang hindi ako makapagsalita sa sinabi nya.

"Weather you like it or YES. You have no choice. Yes! You have no choice...Now tell me, Gusto kong marinig pa rin galing sayo... YES or YES?"

A-aba! Loko to ah! Yes? Puro yes lang naman yung pilian dun ah!

"Come on kheanna i'm waiting..."

Lumapit siya nang lumapit saakin kaya napalunok ako.

"Sasagot ka or hahalikan kita?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya

Gustuhin ko mang magsalita pero pakiramdam ko walang boses na lalabas sa bibig ko. Parang nanghihina ang tuhod ko at sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

"Naalala mo ba nung first kiss mo? Bat mo ba ginawa yun?" sabi niya. Hindi ko alam kung bakit para saakin nang-aakit ang boses nya.

Napa-atras ako at siya naman ay umabante kaya nanlaki ang mata ko.

O÷O

"A-ano ba! Nakakailang ka hah!" sa wakas nakapagsalita na rin ako!

"Hah!  kinikilig ka rin eh... Syempre first kiss mo------"

"Oo na! Oo na!"

"Anong oo na?"

"y-yes james. Oo"

"Hmm... Anong oo? Gusto mong kiss?"

"Hindi!!! Oo... Oo na,s-sayo na ako."

Nagulat ako sa mahigpit niyang yakap saakin at biglang paghalik sa noo ko.


"You're officially mine now. Akin na lang si kheanna!!! " Sigaw niya kaya napailing na lang ako habang nakangiti.

"I love you kheanna"

"I-I love you too james" mahinang bulong ko ng nakayuko.

"T-totoo ba yung narinig ko?"

"Oo nga. B-bawiin ko pa ba?"

napangiti na lang ako kasi nakita ko kung paanong kumislap ang mata niya nang sabihin ko yun.

"I love you so much kheanna " niyakap niya ako lalo nang mahigpit kaya natawa na lang ako.

"I can't believe this. Thank you,Lord!" dugtong niya pa

"Sa dami ng nagawa mo para saakin hindi impossible na mahulog ako. Hindi ko pinagsisisihan to." Sambit ko.

Hindi ako napilitan, kusang tumibok ang puso ko para biglang masabi ng bibig ko na oo...

Sayong-sayo na ako.



James POV


Nang maihatid ko si kheanna sa bahay nila ay sobra ang saya ko.

Lahat ay naging succesful.

Yung surprise at yung sagot nya.

Nakakatuwa lang talaga..

Pero salamat din sa taong tumulong saakin para magawa ko to. Tunay nga syang kaibigan at hindi ako nagsisi na kausapin siya nung isang araw.

-flashback-

"Pre..."

"What are you doing  here?" takang tanong ko.
Nasa field na kami at tapos na rin akong kausapin si kheanna.

"James,mahal ko si kheanna..." nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko.

Ano bang ginagawa nito dito?

"Nandito ka ba para sabihin yan saakin? Sasabihin mo ba  na hindi ka magpapatalo saakin? Na tigilan ko na sya? Pwes hindi ako titigil sakanya kasi MA-HAL ko sya. Sana naiintindihan mo rin pre..."

"Hindi... Nandito ako para sabihin sayo na Ipapaubaya ko na sayo ang bestfriend ko."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"Napapano ka ba?" inis na talagang tanong ko

"'wag na 'wag mong sasaktan ang bestfriend ko dahil hindi ako magdadalawang isip na kunin siya ulit sayo. Ask her. She's yours now,hindi na ako makikipaglaban ba."

"At talagang tinuruan mo pa ako?"

"Bahala ka! Basta sinasabi ko sayo... Hindi ka magsisisi kung tatanungin mo sya"

Napakunot noo na lang ako sa sinabi niya.

"Teka nga..."

"Makinig ka na lang,man. Mahal ko yun pero kung ang kapalit ng sakit na mararamdaman ko ay ang kasiyahan niya ayos na lang saakin. Tutulungan kita bukas sa mismong ball. Wag kang magaalala hindi ako nanloloko. Kapag ang bestfriend ko ang usapan hindi ako marunong magbiro. Seryoso ako."

"Anong ibig mong sabihin?"

"'wag kang torpe! Yun!"

"Ano ba naman yan! Yung totoo kasi"

"Hindi na ako magmamatigas pa. May mga bagay talagang nagbabago. At kahit ano pa mang subok ko alam ko namang wala na...alam kong kahit anong subok ko pang lumaban ay hindi naman na ako mananalo."

Napakunot noo ako sa sinabi nya

"dahil ikaw na ang gusto nya" dugtong nya pa.

Iniwan nya akong makanganga kaya naman nainis ako lalo.

Ang gulo.

-End of Flashback-

Lahat ay planado.

Wala talagang business trip sadyang gusto ko lang gawing surprise ang nangyari kanina kaya ganoon ang nangyari.

Nakita ko kung pano nag-usap kanina si kheanna at khurt at kitang kita ko kung paano si khurt magpigil-luha habang kausap si kheanna.

Kapwa lalaki ko sya at alam kong mahal nya talaga si kheanna pero isa lang ang sinabi nya saakin...

"Magpaparaya ako dahil mahal ko ang bestfriend ko pero pre 'wag na "wag mong sasaktan ang kaibigan ko dahil hinding-hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sayo ulit at kapag nangyari yun hindi na ako papayag na mapasayo pa sya ulit. Kaya ingatan mo sya nang sobra pa sa sobra."

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi nya

Makakaasa khurt.

Hindi ko sasaktan si kheanna dahil mahal ko siyang talaga.

Napangiti naman ako nang maalala ko ang nangyari kanina.

Ang ganda nya. Para syang isang prinsesa at ako ang prinsipe nya.


Nakangiti akong natulog dahil sa naiisip ko na bukas gigising ako  nang may ngiti sa labi habang masayang ipagmamalaki na AKIN SYA.

You are reading the story above: TeenFic.Net