SFIL : (40)

Background color
Font
Font size
Line height

-Tagaytay City part 1-

Kheanna's POV

Napakunot noo ako nang may maramdaman akong makati sa may parteng ilong ko pero dahil wala akong pake nagtaklob lang akong kumot sa may muka ko.

Maya-maya naman ay may naramdaman nanaman akong parang basa sa may paa ko.

Parang may dumidila at naramdaman kong parang may dumadagan sa katawan ko.

Shit! What's that?

Napabalikwas ako and i heard small cries beside me.

"Waaaahhhhh!!!!" naihagis ko yung puppy na nasa tagiliran ko,nadagan pala ng unan.

Tumayo naman ako at dali-daling kinuha yun.

"Wahhh.i'm sorry. Sino nagdala sayo dito?" para akong tanga na kausap ang isang puppy.

So cute.

Isa syang mabalahibong puppy na yung balahibo sa parteng baba ay pinahighlightan ng pink. Yung mata nya is parang palaging iiyak at nagapapaawa kaya macucute-an ka talaga.

"Saan kaya galing to?" tumayo ako sa kama habang hawak ang cute little puppy.

Balak ko na sana bumaba kaso napaatras ulit ako ng may mapansin akong paper bag sa may study table ko.

Ibinaba ko muna yung puppy at binuksan ang paper bag at may nakita akong note na nakaattach mismo sa paper bag.

Goodmorning kamahalan, wear this one, im waiting downstair.

-jam

Ps. Cute ba yung aso? Finny ang ipangalan mo.

Napatawa naman ako ng mabasa ko ang PS nya.

Ano daw? Finny? Ang baduy. Ano yun isda lang?

Binuksan ko naman ang paper bag at nakita ko ang laman nun ay isang white dress na turtle necked na below the knees.

Ang ganda!

Napakadisenteng tingnan.

Nagmadali akong mag-ayos 'di ko alam pero sobrang naexcite akong makita si james naiiexcite ako kasi pakiramdam ko may sorpresa siya saakin.

Ayokong magexpect pero oo,pakiramdam ko talaga ganun eh!

Nagpapabango ako at pinabanguhan ko rin yung little puppy.

Ano nga kaya ang mas magandang pangalan?

'wag yung finny ayoko nun! Paano naman naimbento nung mokong na yun ang finny.

Hmm...

Pillow!!!

Kanina nadaganan sya ng unan kaya pillow na lang.

Perfect!

Bumaba ako ng dala-dala si pillow at nakita ko naman si james na nakaupo sa sofa habang umiinom ng starbucks.

Napangiti naman ako nang makita ko sya

"Hi kamahalan and oh...Hi there finny!" napasimangot ako sa sinabi niya

"It's pillow not finny!" pagtataray ko sakanya.

"Why pillow? finny is much better!"

"Eh yun yung gusto ko eh. Kanino bang aso to? Sayo ba? Akala ko akin?" tinanong ko siya ng nakataas kilay

"Yes sayo yan pero ba't ang sungit mo?" kunot-noo niyang tanong habang nakapout.

Nagtatampo kuno.

"Joke lang hehe. Wag ka ng magpapaout!"

"Bakit? Naaakit ka?" ngumiti sya habang titig na titig saakin.

Is he trying to seduce me?

Nah! maybe im just the one who's imagining it.

Gosh kheanna.

"Akit mo muka mo! Eww hindi.Ang panget mo kasi pag ganun at kawawa ka kung bigla kong mai-stapler nguso mo." sigaw ko sakanya at umiwas tingin.

Nanlaki ang mata niya.

I'm just kidding here pero siya pikon agad!

I'm winning!

"Grabe ka!" tumalikod siya saakin at nagcellphone na lang.

"James" hindi nya pa rin ako iniintindi

My gosh did i just hurt his feeling? Seriously?

"Uy sorry na. Joke ko lang yun" umubo-ubo pa sya na parang walang naririnig!

Letseng to nakokonsensya ako!

"Bahala ka nga... Nagjojo---"

"Joke lang din!" humarap siya at pagharap niya may hawak na siyang isang galon ng ice cream.

"Ji-james... Akin to?"

"Oo." sabi niya habang ang lawak ng ngiti.

"Waaahh! Thank you!" hindi ko alam pero umiyak ako.

Oo as in umiyak ako!

"Uy! Bat ka umiiyak! Para kang ano!" pinunasan niya yung luha ko using his thumb.

"Eh---ka-kasi ano... Kasi waaah I miss this." binuksan ko yung galon ng ice cream tapos inabutan nya ako ng kutsara.

These past few days i became too emotional.

Ewan.

"Yah ingatan mo yang damit mo baka malagyan ng ice cream,may pupuntahan pa tayo."

"Saan?"

"Loko ka alangan naman binilhan kita ng ganyang damit tapos wala lang tayong pupuntahan, Syempre may pupuntahan tayo!"

"Yung tanong ko SAAN lang ikaw ang dami mong sagot." inirapan ko siya kaya naman ginulo niya ang buhok ko.

"Haha secret kamahalan" sinabi niya yun habang ginugulo ang buhok ko kaya pinalo ko ang braso niya.

"Ginulo mo na ang buhok ko!"

"Ayusin natin." inayos- ayos niya yung buhok ko habang magkaharap kami kaya naman mas lalo kong natitigan ang muka nya.

Bat ganto?

Yung puso ko...

Ang bilis ng tibok.

James POV

Naghanda ako ng sobra para sa araw na to.

I smile widely while looking at her eating her ice cream joyfully.

Everytime she's eating ice cream she looks like a cute innocent kid.

"i'm done james. Saan nga punta natin." natauhan ako nang magsalita ulit siya

"Secret. Alis na tayo. Oh wait! Did i tell you to bring some extra clothes?"

"Hindi. Should i bring one?"

"Hahaha go. Prepare 2 clothes. Hihintayin kita dito. Please be quick. Rememeber, traffic..."

Nilapag niya si finny sa may table at patakbong umakyat sa hagdan.

Kinuha ko naman si finny at pinagmasdan sya.

This is my present for her.

Wala namang occasion or celebration gusto ko lang talaga siyang bigyan ng regalo.

"Hi finny. How are you?" kinausap ko ang aso na parang tanga.

Naalala ko nanaman tuloy ang tawag sakanya ni kheanna.

"Oh should i say pillow. Mianhae"

Napangiti naman ako ng bangitin ko ang korean word ng sorry.

I miss speaking korean language already, i miss my homecountry,korea. I want to visit that place again but not with my family but with kheanna.

Someday.

Nakipaglaro pa ako kay fi---pillow at maya-maya napakinggan ko na si kheanna na bumaba dala ang small shoulder bag.

"Ready?"

"let's go."

-

Nakatulog si kheanna magdamag sa byahe.

Bad for me inaantok din ako kaya naman everytime na inaantok ako tumitingin ako sakaniya para mabuhayan.

I need to drive safely.

Kasama ko ang babaeng mahal ko.

Nang makarating kami sa picnic grove sakto namang pagising ni kheanna.

"Nandito na tayo kamahalan"

"Hmm"

"We're here. Get ready,kamahalan."

Nagayos lang siyang madali at lumabas na kami ng kotse.

"Wow!"Β 

"Did you like it?"

"Syempre naman!"



Khurt's POV

Ngayon ang araw kung saan sisimulan ko ang panunuyo kay kheanna.

I miss my bestfriend so damn much.

Nang papunta na ako sa bahay nila ay pinabaon ako ni mommy ng bake cookies niya na favorite ni kheanna.

How i wish i'll get my luck today.

Please kheanna,comeback to me.

Pagdating ko sa may street nila malayo pa lang nakita ko na siyang lumabas ng gate at kasunod si james.

Ang aga naman nila.

Saan naman pupunta to?

Tinigil ko muna ang sasakyan sa bandang malayo sakanila at pinagmasdan sila kung paano sila magusap.

Ang sakit.

Parang dinudurog yung puso ko sa nakikita ko.

Bakit kailangan umabot sa ganto? Na dati kami yung ganyan. Yung kami yung dating nagbibiruan at nagaasaran. Yung dati na ako yung pinapalo nya sa braso pag inaasar ko sya na ngayon sa iba nya na ginagawa.

Ito na nga ata ang karma.

Pag-angat ko ng tingin ulit ay nakita ko na umandar na ang kotse nila kaya naman i started the engine of my car too.

Kaso lang paalis na sana sila ng biglang may lumabas na puppy sa bahay nina kheanna.

Teka? May puppy sila?

Nakita ko ang pagbukas ng kotse at si kheanna ang lumabas dun at binitbit yung aso papasok sa bahay at mga ilang minuto bumalik na rin sya.

Ang ganda nya ngayon.

Sobra.

She looks so gorgeous with her below the knees white dress.

Ang makitaΒ  ko lang siya ay sobra ng bilis ng tibok ng puso ko. Parang ayoko na siyang maalis sa paningin ko at hinihiling na wag munang pumasok sa kotse.

Hyst.

Namimiss ko na siyang kasama. Namimiss ko na siyang katawanan.

Yung feeling na kami yung maguusap.

Yung magbestfriend kami. Tapos mapagkakamalan pa kaming magboyfriend and girlfriend.

Tapos yung mga panahong nagshishare kami ng problema sa isa't-isa kaso ngayon wala na.

Ibabalik ko ang kahat sa dati.

Sinundan ko sila at kahit tinatamad akong umalis sinundan ko talaga sila.

Gusto kong makausap ngayon si kheanna.

Sasayangin ko pa ba ang oppurtunity na 'to?

Pagdating namin sa picnic grove ay bumaba na rin ako.

Kinuha ko yung jacket ko at naghood muna.

Ayoko munang malaman nila na sinusundan ko sila.

Naglibot-libot muna ako sa picnic grove.

Mag-isa. Walang kasama.

Pakiramdam ko kulang na kulang ako. Pakiramdam ko nung nagsimula yung away namin nawala yung kalahati ko. Sino ba naman ang gugustuhing mawalan ng bestfriend?

Kapag naaalala ko ang sinabi nya na kalimutan ko na sya at kakalimutan nya na rin ako parang dinudurog nang sobra ang puso ko.

Kinalimutan mo na nga bang ako talaga kheanna?

Kheanna's POV

Naglakad-lakad kami habang ako kumakain ng cotton candy. This place is so relaxing. Yung lamig ng panahon and yung ganda ng nature nakakarelax.

"Kamahalan wait lang cr lang akong madali."

"Ok.. Dito na lang kita hintayin" pinagpagan ko yung bench at saka ako umupo.

Pinagmasdan ko ang paligid. May mga naghahabulang bata habang may hawak na cotton candy.May mga nagdidate sa bench.May mga PDA meron naman yung tama lang. May nagfafamily date.

Pero isa lang talaga ang nakaagaw ng pansin ko...

Napangiti na lang ako nang mapait habang pinagmamasdan sila.

"Bes! Akin na kasi!" sigaw nung cute na babae na sa tingin ko'y nasa age of 14 ata...

"Ayoko! Sabihin mo muna MACHONG POGI ANG BESTFRIEND KO" sabi naman nung guy.

"Dee naman! Sabi mo libre mo sakin yang ice cream! Akin na. Pagsisinungalingin mo pa ako eh!" nagiinarteng boses nung babae kaya napayuko na lang ako.

Nakikita ko ang sarili ko sa babaeng yun at ang lalakeng kasama nya,

Nakikita ko naman si kd.

Si kd na mayabang na noon na laging nanlilibre sakin pero madalas kashare ko sa ice cream. Si kd na mahangin at ang taas ng tingin sa sarili. Si kd na bestfriend ko. Si kd na palaging andyan kapag kailangan ko...

Pero ngayon?

Wala na, wala na akong bestfriend..

Napaluha na lang ako habang nakayuko at huminga nang malalim sabay pikit at bulong sa hangin.

'kd. Kamusta ka na?Miss na kita. Kahit sinaktan mo ako... Hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sayo,Mahal kita at walang makakapalit ng pagiging bestfriend mo sakin.'

Khurt's POV

Nasa likod nya lang ako...

Pinagmamasdan ko siya habang nakatingin sa paligid.

Hindi ko man makita ang muka nya... ramdam ko.

Nalulungkot sya. Kung paano nya titigan ang dalawang magbestfriend sa bandang malayo,Alam ko naalala nya ang dating kami...

Dahil kahit ako yun din ang nararamdaman ko.

Nasasaktan ako. Sa katotohanan na yung dating ganyan kami ngayon wala na at lalo na sa katotohanang hanggang tingin ko na lang sya.

Siguro galit pa siya sakin. Sabagay kasalanan ko naman kasi eh.

Pasensya kheanna nalito lang ako. Pero kung uulitin ang pangyayaring yun di ko sasayangin ang pagkakataon. Ikaw ang pipiliin ko.


A/N: TAKE TIME TO READ THIS. VERY IMPORTANT!!!

hindi na ako gumawa ng hiwalay na page para sa authors note ko. Kaya dito ko na ia-attach. Thanks sa support and nakakataba ng puso yung mga nagcocomment na magupdate na daw ako. Ginaganahan talaga ako!

To my readers,
Follow me at wattpad. THIS IS REQUIRED FOR MY READERS.Dahil may mga notes akong inaattach na ang mga followers ko lang ang nakakakita and madalas iaattach ko na note dun is about sa story dito.

Sa mga di pa nakakafollow sakin follow me na dahil baka may ma-miss kayong announcement.

So FOLLOW ME ON WATTPAD,VOTE,COMMENT,SHARE THIS STORY TO YOUR FRIENDS and BE A FAN!😘

ItsMeShamitzy

You are reading the story above: TeenFic.Net