SFIL : (24)

Background color
Font
Font size
Line height

-family-

Khurt's POV

"Gising na khurt!" sigaw ni mommy sa baba.

Saturday ngayon at maaga akong nagising dahil may lakad kami.

Sa sobrang dami ng gawain sa school mukang ngayon lang kami nagkaroon ng rest day kaya susulitin namin ang araw na to.

"Anakkk! Gising na!" Napapoker face na lang ako.

'Gising na ako mommy kanina pa! Kung alam mo lang'

Dumeretso na ako sa cr para asikasuhin ang sarili ko.

Pagkatapos, nagpagwapo ako.

Oo,Gwapo na ako.

Pero syempre kailangan ko pa rin ang mas gumwapo.

HOHOHO.

I'm just fixing my hair and humming nang sumigaw nanaman si mommy.

"Anak! May sunog! Gising na!"

Naparoll eyes na lang ako.

"Already awake mom." sagot ko at oo... lalake ako pero marunong akong manaray.

Gusto ko lang magpasalamat sa kaibigan ko na tinuruan ako magtaray at ang kaibigan kong yun ay walang iba kundi si kheanna.

Oo nga pala, as what as i've said, may lakad kami  nina jannah at kasama namin si kheanna at yung psh james na yun.

Kahit di kami magkasundo naisipan ko na rin lang din syang isama at alokin.

After  kasi naming magwatak- watak nun sa canteen dahil sa hindi namin pagkakaintindihan sabay-sabay lang din naman kaming umuwi.

Bumaba na ako at deretso akong dining.

"Good morning mom." kiss sa cheeks "Good morning dad" kiss din sa cheeks

"Mukang maganda ang mood mo hah?" -dad

"masarap tulog eh and bago ako matulog,nakausap ko si jannah."

Natututop ko ang bibig ko dahil sa sinabi ko.

Did i just mention jannah?

S-shit.

O_O



Ang ta-tanga mo khurt!!!

"Jannah?" sabay nilang sabi.

"A-ahm eh...g-girlfriend ko po." nakayuko kong sabi.

Paktay!

'Di ko pa nga pala nasabi sakanila na may gf na ako.

Ang daldal kasi ehy!

"My ghad?" napatayo si mom sa kinakaupuan niya.

"Seriously? Khurt anak may girlfriend ka na?"

"Opo mom"

After nun ilang minuto ring natahimik ang bahay. Tanging tibok lang ng puso ko ang napakinggan ko at nanatili pa rin akong nakayuko.

Kabadong-kabado ako!

Hindi ba nila gusto si jannah?

Ipapatapon na ba nila ako sa korea?

Or tatanggalan ng mana?

Eh------

"Congrats anak waahhh tao ka na." sigaw ni mom at niyakap niya ako.

O_O

Seriously???

Natuwa pa sila??  Dahan- dahan akong napatingin kay dad...

"Congrats anak. Akala ko may bakla na sa lahi namin eh" sabi naman ni dad.

'tss pati ba naman ikaw dad'

-__-

Hindi ba nila alam na marami na rin naman akong dinate na babae noon pero hindi ko lang talaga sineryoso?

Aish sabagay...

Ito kasi ang unang beses na may binanggit akong pangalan ng ibang babae maliban kay kheanna.

Speaking of her...

"Kaso lang...paano si kheanna?" Sabi ni mom kaya biglang bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.

"K-kaibigan ko lang siya mom!"

"Hmm, sabi mo ee. Sayang bagay pa naman kayo." Bulong ni mom sa sarili niya na narinig ko lang din naman.

Napayuko na lang ako at napakagat labi.

Bat ba ako nakangiti?

Hngg.

"Oh well! kwentuhan mo kami about kay...what's her name again?" Tanong ni mom.

"Jannah po."

"Paano mo siya nakilala?" sabi ulit ni mom.

"Psano mo siya niligawan?"-dad

"Maganda ba?"-mom

"Mabait ba yan?"-dad

"Dapat yung matalino---"

"Hep hep hep! Isa-isa lang! Mahina ang kalaban" nagtawanan na lang kami at pagkatapos nun kinwento ko na sakanila lahat-lahat at isa-isa ko ring sinagot ang mga tanong nila.

"I hope mapakilala mo na siya saamin"

"Ok po mom. Maybe tomorrow."

"Mabuti kung ganun! Nga pala wala ka pa bang plano?"

"Plano?"

"Sa birthday mo next week. Malaki na ang baby ko." sabi ni mommy with matching punas luha kunyari.

'nakakakilabot yang ginagawa mo mom sheez t-teka birthday???...'

"Hala! Oo nga pala malapit na birthday ko"

"Yes anak, so anong plano mo?" Tanong naman saakin ni dad.

"I don't know dad pagi-isipan ko pa."

May idea na ako sa totoo lang, gusto ko sana simple celebration lang na birthday on rooftop  with my team mates,closest friends and family.

Parang ganun lang pero... teka...


Birthday na rin ng bestfriend ko?


"Sabay na lang kaya ang birthday namin ni kd" bulong ko sa sarili ko

*clap*clap*clap*

Napalingon ako kay mom na nagi-slow clap.

"Anak! Perfect idea!" Kinikilig pang sambit ni mom.

She really ship us the most.

"It's her debut... Tanungin muna natin si franze if ok lang na sabay ulit sila" -dad

"Syempre oo yan! Ok, i'll call my beshie."

Tumayo si mom at tinawagan si tita franze.

After ng usapan namin nagpasya na akong umalis at pumunta kayna jannah.

May usapan kasi kaming ako na susundo sakanya eh.


James POV

Maaga akong gumising...

Sabado ngayon at dapat tulog pa ako sa oras na 'to pero dahil nag-alok ang lokong bestfriend ni kheanna na magmo-mall daw kami  napa-oo na lang ako.

Di naman ako kj na ganon ganon na lang pero sa totoo lang hindi naman na talaga ako sasama at aayaw na sana ako pero dahil nakita ko si kheanna at alam kong sasama siya  pumayag na rin lang din ako sa alok nung bestfriend nya.

Ginawa ko lang ang morning routine ko at bumaba

Ang lungkot ng bahay.

"Iho gising ka na pala"

"Goodmorning po lo" sabi ko kay lolo.

"Walang pasok ang HU pero bakit ang aga ng gising mo?"

"May lakad po eh."

"Ohh i see,come on join me here"

Kumain kaming sabay ni lolo kaso talagang 'di mawawala ang nakakabinging katahimikan.

Sabagay kailan pa ba umingay ang mansyon na 'to.

"Apo, uuwi daw ang mom and dad mo ngayon."

Natigilan ako sa pagkain sa napakinggan ko galing kay lolo.

"and also your brother."

Paulit-ulit na nag-echo ang sinabi ni lolo sakin na rason para mabitawan ko ang kutsara at tinidor ko.

"S-sorry lo ahm i need to go." pinunasan ko ng tissue ang bibig ko at umalis na dun.

Anong gagawin nila dito?

Lumabas na lang ako ng bahay at pinaandar ko na ang kotse ko.

Ngayon sila babalik?

Kung kailan ayos  na ako?

Sanay na akong wala sila...

Bat pa sila babalik?

Kheanna's POV

*beep beep*

Tunog yun ng busina wag kayong ano.

Dumeretso ako sa gate at binuksan eto.

"James!" Kumaway  ako sakaniya at ngumiti lang siya saakin.

Napakunot noo naman ako.

He's smiling but his eyes are not.

Napansin ko yun.

"Teka,ayos ka lang ba?" tanong ko nung nakababa siya sa kotse nya.

"Ako? Oo naman!" ngumiti siya ng malawak kaya nginitian ko na lang din sya kahit na alam kong  pilit lang talaga yung ngiti niya.

Hindi ako kumbinsido, alam kong may problema to.

Iba ang pakiramdam ko.

"Andyan ba sina tita sa loob?"

"Oo nasa may dining area. Tara pasok ka?"

"Sige! Tamang-tama may dala akong cake"

"Nag-abala ka pa!"

Pagpasok namin, sinalubong siya ng yakap ni mommy.

Close na talaga sila ano.

"Hi tito and tita."

"Hello james. Nagbreakfast ka na ba? Sabay ka na saamin?"

"Ah cge po nagbreakfast na ako saamin eh. Ito po cake"

"Nag-abala ka pa,iho! Thank you" kinuha ni mom ang hawak niyang cake at nakita ko naman na nginitian lang ni dad si james.

"May lakad kayo? saan punta ninyo? Date ba yan?"-dad

"dad!!!" saway ko kay daddy.

Nakakaloko talaga si dad!

"Hehe si tito naman" nagkamot batok si james at ngumiti-ngiti na lang.

"Malapit na ang debut ni kheanna,james invited ka"

Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni james.

"talaga debut mo na?"

"oo!"

"haha ok! Anong gusto mong gift?"

"hahah ewan"

Tumango-tango siya habang nakatingin sa malayo at parang nagiisip

After ng kaunting chikahan umalis na rin kami ni james at pumunta na sa mall.

Andun na kaya si kd at jannah?

Khurt's POV

Pagdating ko sa bahay nina jannah bumaba agad ako kasi excited na akong makita ang gf ko.

I pressed the door bell and the door opened abrubtly.

Napaatras ako ng makitang iba ang nagbukas ng pinto.

Isang magandang babae na sobrang kahawig ni jannah.

"Ahm goodmorning po. Si jannah po?"

"Pasok ka.Pasensya ka na hindi pa tapos mag-ayos yung kapatid ko." maarteng sabi nya.

'kapatid pala ni jannah kaya pala kamukang kamuka'

"Ok lang po."

Nilibot ko ang paningin  sa bahay nina jannah.

The design of the house is nice but you can really feel the sad atmosphere inside.

It doesn't have any uplifting vibe.

'Di ko maexplain pero ganon yung pakiramdam ko.

Ang lungkot.

"Ate wala pa ba si- oh khurt kanina ka pa?" bumaba siya ng hagdan at 'di ko mapigilang mapatingin sakanya.

"Ahm hindi kadarating ko lang din. Y-You look so gorgeous today"

"Ehem!" sabat ng ate niya kaya nahiya naman ako.

Hindi ko mapigilan sabihin yun sakaniya.

She really is stunning today with her spaghetti strap above the knee dress and high-heel boots.

"Nambola ka pa! Btw khurt, si ate anna pala,one year lang ang age gap namin."

"Hello po, i'm khurt jannah's boyfriend." sabi ko at tumayo.

"Hmm,Ikaw pala ang kinkwento saakin ni jannah. Tama nga pogi ka nga. Anyway don't use po ok? Sabi nga ni jannah one year lang ang agwat ng edad namin,muka pa yan matanda saakin eh HAHAHA so just call me anna"

"Hmm ate!" saway naman sakanya ni jannah.

"O-ok po"

Napailing-iling na lang si anna.

Nag-po nanaman ako.

Tsk.

"Sige una na kami" dagdag ko pa.

"Ingatan mo kapatid ko hah! Tsaka wag kang mahiya saakin just call me anna sabi eh! And don't use 'po' please? tumatanda ako." nginitian niya ako kaya napangiti na lang ako.

Wala bang ibang kasama sina jannah sa bahay nila?

Sobrang tahimik kasi.


A/N:
Ok!

That's their family.

How was it?



Keep on VOTING and READING my story.

No vote no update. Nawawalan ako ng gana mag-update kapag walang votes. Hmm Char lang! Basta VOTE VOTE VOTE!

Ok?

❤Ate Sham

You are reading the story above: TeenFic.Net